webnovel

The truth of Alehandra

CasterH0gwarts · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 12- Domisticus

Nagising ako sa ingay ng isang bata. minasdan ko ang paligid nandito lang pala ako sa garden ni mommy nakakamiss din pala dito.

"Hera! Diyan kalang ha.. wag kang lumabas" sigaw ni mommy.

Magsasalita na sana ako ng may nagsalita sa tabi ko.

"Opo mommy. Maglalaro lang ako dito!" Sigaw ng batang babae. nanlalaki ang aking mga mata nang makita ko ang batang ako.

Naglalaro lang ang batang ako mag-isa sa garden habang gumagawa ng bahay-bahayan. -.-

"Lily Saan na ba ang daddy mo at wala pa?" Tanong ng batang ako sa kanyang manika. Ang tanga ko naman pala dati. Kinakausap ko ang manika -_- Pero bakit hindi ko ito matandaan? Isang beses lang ako pumunta dito. Noong namatay sila ni daddy at mommy.

"Lily kukuha lang ako ng bulaklak para maganda ang ating bahay ha." Sabi ko pa ulit sa manika. Nako! Hindto nato makatarungan ha.

Talon-talon pumunta ang batang ako sa mga bulaklak ni mommy. Pumitas siya doon. Kaya ganun nalang ang panlalaki ng mata ko. Bawal pumitas diyan!

"Hera!" Sigaw ng boses lalaki. Tinignan ko naman ito . Kulay asul na buhok . saan ko ba nga nakita yan? Nakita ko naman na ngumiti ang batang ako sa lalaki. Pamilyar din ang kanyang mukha.

"Gundo! Halika't samahan moko. Naglalaro ako ng bahay-bahayan." Gundo? Ano namang pangalan yan. Hahaha.

"Ano?! Hindi ako naglalaro yan. Hindi ako bakla nu. Ikaw nalang." Sabi ng lalaki kaya ngumuso naman ang batang ako. Tsk!

"Ganun ba? Sige ako nalang." Sabi ni batang ako at tumalikod sa lalaki. Ay bakit ganun? Pabebe ka sis?.

"Oh sige na. Hindi ako makatiis kung ikaw na may gusto eh. Ano bang gagawin ko?" Tanong ng lalaki . Humarap naman agad ang batang ako sa lalaki at nginitian ito ng malapad.

"Ikaw maging daddy ng baby natin!" Masiglang sabi ng batang ako. Ang sarap batukan ang sarili ko ha.

"A-ano?!" Pabebe naman tong lalaki. Hmp!

"Ayaw mo ba ? Sige ako nalang." Sabi ni batang ako!. Isa pa to eh. Hays.

"Oo na! Sige na andito na nga oh?" Sigaw ng lalaki at sumunod sa batang ako. Napangiti naman ako sa nasaksihan. Meron pala akong memoryang ganito? Bakit hindi ko matandaan?

Napapikit ako sa malakas na hangin na dumampi sa aking balat. Pagmulat ko iba na naman ang lugar na nakita ko.

Likod ng palasyo tu ah? Nakita ko naman ang batang ako na nagtatago sa puno. Ano naman ang ginagawa ko dito?

Tinignan ko ang mukha ng batang ako, bakit umiiyak ako? Napatingin naman ako kung nasaan siya nakatingin.

Nakita ko ang batang lalaki na kinikilalang Gundo na may kasamang babae ang masama pa ay naghahalikan silang dalawa.

Sino naman tong babae na to? Nilapitan ko silang dalawa... ganun nalang ang pagtigil ng paa ko nang makita ko kung sino ang babae.

"Mahal na mahal kita....

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Hema. "

O____o

a-anong?! Bakit nandito si hema sa likod ng palasyo at bakit ako umiiyak na may kahalikan si Gundo?! Magkakilala naba kami ni hema noon ? Wala naman ako matandaan na nakikala ko siya ah?

"Hera!" Napatigil ako sa pagiisip ng tinawag ni batang hema ang batang ako. Napatingin naman ako sa tumatakbo palayo na batang ako at nakita kong umiiyak na ito. "Hera! Ano ba!" Sigaw ng batang hema sa batang ako at Pilit hinarap. Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng sampalin niya ang batang hema.

*Paaakk!

'Isang malakas na sampal' -____-

"Wag na wag mokong ma hera'hera!! Hindi na kita kilala mula ngayon! Tandaan mo yan!!" Pagkatapos niyang sabihin yun. Tumakbo siya ng mabilis at si batang hema naman ay Natulala.

"Hema ka ano-ano mo ba si Hera?" Tanong ni gundo kay hema..

"Siya ay aking.....

***

Hera's Pov

Napabalikwas ako ng higa sa napanaginipan ko. Magkakilala na kami ni hema noon palang? Pero hindi ko talaga matandaan sumasakit lang ang ulo ko kakaisip . Umayos ako ng upo ng may pumasok sa aking kwarto.

Si uretha.

yumuko naman siya agad pagkapasok niya.

"Magandang umaga kamahalan. Oras na po para kumain ng umagahan. Nandon na din ang iyong mga kaibigan naghihintay sa inyo." Sabi niya . Ngumiti naman ako. Natigilan naman siya at nanlalaki pa ang mga mata.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. ngayon lang ba siya naka kita ng tao na ngumiti? Hahaha.

"Pasensya na po pero ngayon lang po kita nakita muling ngumiti" sabi niya na ikinatawa ko naman.

"Hahaha Ano ka ba masama bang ngumiti?" Tawang sabi ko at napahawak pa siya sa kanyang bibig. "Ano nanaman?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Ang OA niya naman -___-

"Tumawa po kayo!" Masayang sabi niya. Sumeryoso naman ako ulit. Agad namang naglaho ang saya sa mukha niya.

"Ehem! Pwede ka nang umalis. Susunod ako" seryosong sabi ko. Napayuko naman siya.

"S-sige po" sabi niya at dali-daling umalis sa harapan ko.

"Pffftttt—hahahahhaha" tumawa ako ng malakas at pagulong-gulong pa sa kama ko.

Ganun na ba ka himala na ngumiti at tumawa ako ng maging OA si Uretha. Napagisipan kong baguhin ang aking pakikitungo sa aking mga tauhan. At magseryoso na sa pamumuno ng palasyo.

Tumayo na ako at naligo baka naiinip na ang aking mga kaibigan . OA pa naman ni Fatima. Pagkatapos kong maligo nakita ko naman ang bistidang kulay puti na mahaba sa likuran at above the knee naman sa harapan at kasama na ang aking korona. may dalawang maid na din na naghihintay.

"Magandang Umaga mahal na reyna" bati nila sa akin. At kinuha ang aking damit.

"Magandang umaga din" sabi ko sa kanila na ikinatigil nila. hahahaha pareho lang sila kay Uretha.

pagakatapos nila akong bihisan at ipinatong ang aking korona. sinuotan din nila ako ng 2 inch white Heels.

(Dress of Hera)

tinignan ko naman ang sarili ko . Napangiti ako sa nakita . Napakaganda ko hahaha char. Napailing akong lumabas sa pintuan at sinabayan ako ni uretha na kanina pa naghihintay.

Pagkababa ko sa Hagdan na papunta sa dining hall. Nakita ko naman sila ni Fatima, Clarissa at Hema na nagtatawanan. Tumigil lang sila sa kakatawa ng makita nila ako. yumuko naman silang lahat para magbigay galang. Naka ngiting tumango ako sa kanila. Meron pang ibang maid na natulala sa ngiti ko. Tsk!

Pagkaupo ko sa gitnang bahagi ng mesa , yun din ang pagupo ng tatlong kasama ko. nasa kaliwang bahagi ko sila Fatima at clarissa . Sa kanang bahagi ko naman si Hema.

"Mahal na Reyna... masyal tayo mamaya sa domisticus para makahanap nadin kami ng masusuot namin para sa kaarawan ni Clover." Sabi ni Fatima habang lumalamun. Kahit kailan talaga.

"Anong mahal na reyna! Kaibigan moko kaya Hera itawag mo sakin!" Singhal ko sa kanya. Palihim na tumawa naman si clarissa . Samantalang si Hema tahimik lamang.

"Baka ipalayas mo ako sa kaharian mo kaya dapat may galang sis hahahaha" malakas na tawa niya kaya Tumalsik pa ang kanin papunta kay hema. Natigilan pang kumain si hema ng pumunta ito sa kamay niya.

"Hoy Fatima! Mag hinay-hinay ka nga. Sige ka! kakainin ka ng buhay ni Hema." Tawang sabi ko. Natulala naman si fatima sa maling ginawa niya.

"Oh my God! sorry hema. Sorry talaga." Nagmamakaawang sabi niya kay hema na ikinatawa naming dalawa ni Clarissa. napailing nalang si hema sa aming kaabnuyan.

Pagkatapos nakin kumain. Umalis naman agad kaming apat. Ayaw pa sana ni Hema kaso pinilit siya namin ni fatima kaya wala na siyang nagawa.

Nakasakay kaming apat sa kalisa ako nga lang ang naiiba sa kanila. kasi magbibigay pugay daw ang mga Domisticus para sa pagdalaw ko sa kanilang bayan. Kaya mag-isa lang ako ngayon sa sinasakyan ko. Kaya simangot akong naghihintay na makarating sa domisticus.

Medyo malayo ang domisticus sa Palasyo namin. Pero sakop padin siya ng aming kaharian. ang Domisticus sila ang may mga kakayahang gumawa ng mga potions at iba pang ginagawa ng mga Wizard,Witches and Sorcerers. and yes, this is clarissa's Hometown . And she is the ruler of this Town. kaya ganun nalang ang tuwa niya nang pumayag ako na pumunta sa kanilang bayan. siya din ang nagpadala ng mensahe sa mga tauhan niya na maghanda para sa pagdating ko.

Medyo malayo ang Domisticus sa Aleha kingdom . Una, May mga puno kapang madadaanan. ikalawa, isang brigde na gawa sa kahoy. Ikatlo, Garden farm na ang makikita mo. Kaya ganun nalang ang pagkamangha ko ng makita ko ang iba't ibang kulay ng bulaklak at mga iba't ibang uri. napangiti ako sa nalanghap na amoy. Napakabango.

Noon, pinagmamasdan ko lang ito sa aking kwarto. Ngayon, Makikita ko na ang kabuoan ng Domisticus. Masaya ako para sa sarili ko ngayon kasi nagawa ko nang i-let go ang nakaraan at maging tagumpay sa hinaharap.

Nang makarating kami sa bayang ng Domisticus. Napangiti ako sa ginawa nilang preparasyon para sa akin.

Pagpasok ng kalisa ng sinasakyan ko sa domisticus, huminto muna ito sa gitna ng daan para sa kanilang entrada. sa kanang bahagi ay merong nagsasayaw na mga babae at sa kaliwang bahagi naman may limang lalaki na gumagamit ng iba't ibang instrumento para may kabuhay-buhay ang pagsayaw ng tatlong babae. Napangiti naman ako sa nakita.

Nang makaalis sa lugar na iyon lumiko ang kalisa at ganun nalang gulat ko nang andaming tao na naghihintay na makita ako. sila fatima,hema at clarissa . Andun na sila nakatayo sa maliit na entablado. napatingin naman ako sa mga taong bayan. Makikita mo sa mga mata nila ang pagkamangha at masayang mukha. ngumiti naman ako sa kanilang lahat. Meron pa ngang naluluha nang makita niya ako.

Huminto ang kalisa na sinasakyan ko sa gitnang bahagi ng Daan. Sinenyasan ko ni Fatima na tumayo kaya tumayo agad ako at nginitian silang lahat.

"Magbigay pugay sa Mahal na Reyna" sigaw ng lalaki sa dulo at hinipan ang trumpeta. Ganun nalang ang pagkamangha ko nang sabay-sabay silang yumuko lahat at ang paglaglag ng mga puting talulot ng bulaklak. Halatang pinaghandaan ni clarissa ^____^

I closed my eyes and feel the petals in my skin. ngumiti ako sa init na pagtanggap nila sa akin . I summon my third power and point it to the sky.

Naramdaman ko naman agad ang lamig na nanggaling sa ginawa kong niyebe. marami naman agad ang nagkasiyahan. Sinundo naman ako ni fatima sa kalisa at sinamahan papunta sa entablado. Sinuotan naman ako agad ni hema ng winter coat.

"Masaya ako na tinggap mo ng buong galak ang pinamumunuan kong bayan hera" ngiting sabi ni clarissa sa akin.

"What friends are for sis." Sabi ko at tumawa naman kaming tatlo. pinagmasdan pa namin ang mga bata o matanda na naglalaro sa mga niyebe.

"Bili na tayo ng masusuot mamaya!" Excited na sabi ni fatima at tumatalon-talon pa. Napatawa naman kami.

"Baka excited kalang makita siya sa palasyo nila clover ?" Tukso ko sa kanya. sumimangot naman siya.

"Ew! Hindi ako excited na makita si Cleve nu! Duh! Never." Sigaw niya. Defensive masyado ha..

"Wala naman akong sinabing pangalan, bakit pumasok si cleve sa usapan?" Sabi ko na ikinapula niya.

"Ayoonn...kung si cleve na ang kaharap parang sinapian ng reyna ng katahimikan." Sabi ni clarissa at tawa lang kami ng tawa. Kasi ang mukha ni fatima pulang-pula na parang kamatis.

"Che! Basta ayaw ko kay cleve. period." Sabi niya at tumakbo ng mabilis sa bilihan ng mga Long gown. Sumunod nalang kaming tatlo na may ngiti sa mga labi.

Pumili naman sila agad. Long Gown ang napili nila. Kay hema tube na kulay ocean blue. Kay fatima naman sleeveless na kulay light Pink. Kay Clarissa naman tube din pero kulay yellow. Bakit ako lang ang naiiba? Atsaka white ball gown?

"Sandale. Bakit ball gown yung sakin?" Tanong ko sa kanila. Nakatinginan naman silang tatlo.

"Hera.. halata namang ikaw ang gustong maging pares ni clover kaya iba yung suot mo." Paliwanag ni fatima. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "Hay! Nako. ewan ko sayo ang manhid mo!" Singhal niya sa akin. Kumunot naman ang noo. anong pinagsasabi ng isang to? Anong manhid! -.-

"ewan ko sa'yo" sabi ko at binayaran naman ni hema ang mga binili namin.

Umalis nakami sa Domisticus para maghanda mamaya sa kaarawan ni clover. madami din ang dala kong damit kasi naman yun ang sabi nila. Gabi pa kasi yung Kaarawan ni Clover kaya may oras pa kami. Para magpahinga.