webnovel

The truth of Alehandra

CasterH0gwarts · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 1- Princess Hera

Sa palasyo ng Aleha . makikita mo ang mga tao na masasaya ang mga ngiti . Dahil sa Naghahanda para sa kaarawan ng prinsesa at sa magiging reyna nila.

Ang hari at reyna ay nakatingin lang sa anak nilang mahimbing ang tulog . Napangiti naman sila. Ayaw nila itong gisingin dahil sa malaanghel tignan ang anak nila. Gusto lang nila itong tignan hanggang sa nagising na ang anak nila .

"Masayang kaarawan hera" ngiting sabi ng magasawa .

"Salamat po mom and dad" ngiting sabi din ni hera at hinalikan niya sa pisngi ang kanyang magulang.

"Hera anak . Binibigay ko sayo ang kwentas na ito bilang simbolo na kahit may mangyari man na masama samin . Hinding-hindi ka nito pababayaan." Sabi ni Reyna katalina.

"Mom? Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Anak. Sa mundo natin hindi na impossible na walang may masamang mangyari. Binigay ko sayo ang kwentas na sumisimbolo sa pagmamahal namin sayo ng dad mo. Magiingat ka anak habang wala kami" ngiting sabi ng reyna kahit halata sa mga mata niya'y pinipigilan niya lang umiyak.

"Mom. Ano bang pinagsasabi niyo? Hindi kayo mawawala . Wag niyo po akong iwan mom and dad. Hindi ko po kaya" napaluha na sabi ng prinsesa.

"Anak alam ko na alam mo na malakas ka. Kaya mong pamunuan ang kaharian natin. Pagandahin mo lalo. At wag na wag mong kalimutan na mahal ka namin ng mommy mo . Malakas ka anak walang may makakatalo sayo." Sabi ng hari sa kanyang anak.

Niyakap nalang nila ang kanilang anak at doon nag umpisang magsilabasan ang luha ng hari at reyna.

Wala nang magawa ang hari at reyna dahil impossible ng mabuhay pa sila . Ang kaharian ay nakalaan na para sa kanilang anak .

Hindi nagsawa ang hari at reyna na yumakap sa kanilang anak. Mamimiss nila ito . Ang kakulitan ng unica prinsesa nila. Kailangan nilang isakripisyo ang buhay nila para mabuhay lang ang kanilang nagiisang anak.

Pagkatapos mag iyakan at yakapan . Napagdesisyon nilang iwanan muna ang anak nila para makapag ayos sa kanyang kaarawan.

Sa isip-isip ng prinsesa . Dadating ang panahon na siya nanaman ang magsasakripisyo sa kanyang buhay .