webnovel

The Struggles Of Having You

KrisRileyxx · Realistic
Not enough ratings
10 Chs

Chapter Seven

"KIETH,BILISAN mo na!"

Balik sila sa normal. Sigaw na naman iyon ni Zandro mula sa ibaba habang si Kieth ay nagbibihis naman mula sa itaas.

Napagpasyahan nyang ihahatid nya si Kieth sa school dahil wala naman syang trials o meeting for investments na pinagkakaabalahan.

Natanaw na nya si Kieth na pababa na at nakasuot na ng uniform nito. Blouse at slacks at lihim syang napangiti nang makita nyang suot nito ang bag na binili nya para kay Kieth.

"Ba't andito ka pa?" Tanong nito nang makarating ito sa harapan nya

Bahagya nyang nalukot ang mukha nang itanong ito ng asawa sa kaniya. 'Di ba nito naalalang nagsabi sya kagabi na ihahatid nya ito?

"Ihahatid kita sa school.." Sagot nya

Nabakas ang gulat sa mukha ni Kieth nang marinig ang sagot ni Zandro. Iniisip nyang hindi ito inaasahan ng asawa.

"Huh? Bakit naman?"

Naiirita sya sa taong matanong.

"Psh!"

Nauna na syang maglakad palabas ng bahay. Naramdaman nya ang presensya ni Kieth sa kanya likuran.

Sa unang pagkakataon ay nag-alala sya sa babae at lalo na kay Kieth. Bukod sa kanyang ina at sa nakababata nyang kapatid na si Zania ay wala nang iba.

Aaminin nyang kahit pa minumura sya ni Kieth at binabara ay nag-aalala pa rin sya dito at nangungulila sa presensya ng makulit nyang asawa. Nasanay na rin kasi sya at isa pa,malalagot sya sa parents nya at sa mga biyanan nya kung sakaling mapapahamak si Kieth.

Iniintindi nya na lang ang pagiging baradora,pala-mura kung minsan,magastos at lakwatserang ugali ni Kieth dahil iniisip nyang normal lang ito dahil Daisynuebe anyos pa lamang ito.

And all of this worries and care that he's secretly showing made his mind confused.

"Uhm. We're not even done breakfast.." Anito sa kanya nang makasakay sya sa driver's seat.

Nasampal nya ang noo sa isip. Masyado siguro syang naexcite at first time nyang ihatid ito.

"What time is your first subject?" Tanong nya

Tumingin ito sa wrist watch nya at saka nagkibit-balikat sa kanya.

"I don't know either.. Ayoko pumasok dun.. Kaklase ko si Eunice do'n.." Ani Kieth saka nagpuppy eyes pa sa kan'ya

His heartthrob and beats so fast.

He took a deep breath at saka kinalma ang sarili, "Hindi pwede,Kieth. You have to attend your classes. All of 'em. Graduating ka.." Pagalit nya dito

Actually,he wasn't mad. Pinaparealize lang nya.

Lumaki kasi sya na napakasopistikado, edukado, pormal at disiplinado. No'ng bata sya, kahit ayaw nyang pumasok ay pipilitin sya ng ama.

"I'm starving.." Paawa ni Kieth

Inirapan nya ang asawa, "Such a nuisance." He took deep breath, "Fine. Fasten your seatbelt.."

Agad naman itong tumalima at nagseat belt.

Habang nagmamaneho. 'Di nya maiwasang mailang dahil sa titig ni Kieth sa kan'ya.

"What?" He asked with such a coldness on his voice

"Ang gwapo mo talaga,Attorney. Kahit ang cold mo.."

Umiling-iling na lang sya. He's not that cold. Just serious. Ewan ba nya, nasanay na syang pormal ang pananalita hanggang sa namalayan na lamang nyang wala nang emosyon ang boses na lumalabas sa kaniya.

"Staring is rude,gumdrops.."

Nang sandali nya itong tignan,gulat na gulat ito. He just slap his self again in his mind when he realized why.

"D-Did you just called me—"

"Gumdrops..." Dugtong nito

"WAHHHHH!!!"

Bigla na lang itong tumili kaya napapikit sya sa sobrang ingay nito.

"Why have to be loud?"

Agad nitong tinakpan ang bibig, "Sorry..."

Umiling-iling na lamang sya, "We're here.."

Pinark nya muna ang sasakyan. Sumilip naman si Kieth sa bintana.

"Sa Zan's?" Tanong nito

"Yeah. Get off now.." Sagot nya

Tumango ito at saka bumaba. Sumunod naman sya dito.

Zan's was his younger sister's restaurant. Sikat ito dahil sa iba't ibang cuisine na hinahanda nila.

Excited si Kieth habang sabay silang pumapasok sa restaurant.

Nang makapasok sila ay binabati sila ng mga crew at staff na makakasalubong nila. Wala pang tao dahil magbubukas pa lang.

"Good morning,Attorney.." Bati ng manager ng makalapit ito at saka bumaling kay Kieth, "And to you too,Mrs.Shaw. Hanap nyo po ba si Ms.Zan?"

Tumango sya, "Where is she?"

"I'll call him,attorney. Just sit in there and wait her for awhile.. Excuse me.." Sagot ng manager

"Thank you!" Sabi naman ni Kieth

Bumaling sya sa asawa, "Where do you want to sit?"

Tinuro nito ang table sa may sa bintana, "I want there.."

Tango lang ang tugon nya dito at saka iginiya si Kieth sa pwestong nais nito.

Ilang sandali pa lamang silang nakaupo dito ay dumating ang kapatid nya.

"Kuya! Kieth!"

Una itong lumapit kay Kieth at niyakap ang asawa nya. Since they got married, naging close na ni Zania si Kieth.

"Kuya.." Sabi ni Zania at saka bumeso sa kanya

Umupo na sila at naupo ang kapatid nya sa tabi ni Kieth.

"So,what brings you here? Buntis na ba si Kieth?"

He saw his wife blushed.

"Ano ka ba naman? We just came here for breakfast.."

"Ohh..." Sabi nito at saka tinaas ang kamay, "Bring us the american breakfast here!" Sigaw ni Zania sa Staffs

"Aye! Aye!" Sabi naman ng isa sa mga staff nito

"Nga pala, birthday mo na sa Biyernes.. What's the plan?"

Sa loob-loob nya'y nagulat sya. He never knew it. Birthday na pala nito sa Biyernes. He felt so panic,Miyerkules na ngayon!

Nahuli nyang sumulyap sa kanya si Kieth pero tinuon din nito ang tingin sa kapatid nya.

"I haven't planned 'bout it yet. Tatawagan na lang kita kapag nagplano na. Mukhan simple lang naman eh.."

NANG MAKALABAS sila ng restaurant ay nagpaalamananan sila. Naunang sumakay si Kieth sa kotse habang sya nama'y nagpaiwan dahil may sasabihin pa daw si Zania.

And here they are. Standin' at the front of the restaurant's door hanggang sa mga salita si Zania.

"Does your bitchy mistress Venice still going at your house?" Mataray na tanong nito

Sumama ang mukha nya, "Don't call her like that.."

"Kuya naman, magpasalamat ka't matino pa 'yang asawa mo..."

"Of course she would.." Matigas nyang sagot

"She might not be normal if you will continue your sh*ts more! She loves you!"

Tumataas na ang tensyon ng kapatid kaya medyo tumaas na ang boses nito.

"And I don't..."

Hindi nga ba talaga,Zandro?

Napabuntong hininga na lamang ang si Zania.

"Bumawi ka na lang sa birthday nya. She's still human with feelings and you might hurt her. If she got tired on you,don't tell me that I didn't warn you. Because, I can see it. You'll go nuts if you loose her and you didn't expect that it happened."