webnovel

The Spoiled Brat

The Spoiled Brat meets The Gangster. Si Xhena ay isang Spoiled Brat na laging gusto ay ang kanyang kagusutahan lamang ang nasusunod. Gagawin niya ang lahat paraan para masakaturapan ang kanyang kagustuhan. Ngunit dahil sobra na ang pagiging Spoiled Brat niya ay napag-isipan ng kanyang mga magulang na patirahin siya sa kanilang probinsya. Doon niya makikilala ang isang gangster babago ng kanyang buhay. Ano kaya ang magiging buhay ng isang Spoiled Brat sa probinsya? Anong magiging papel ng isang Gangster sa kanyang buhay? Alamin sa susunod sa mga susunod na kabanata ng kwentong ito.

EiArEs · Teen
Not enough ratings
8 Chs

TEASER 1

The Spoiled Brat

Sophia Xhenaryll 'Xhe' Dwan, twenty years of living in the earth. A half Korean and half Filipina. She does not know how to speak korean language dahil sa Philippines na siya pinanganak at lumaki.

Si Xhe ay isa sa mga sikat sa campus na pinapasukan niya. Hindi naman kasi maipagkaka-akila na maganda siya, matalino, sexy, makinis ang kutis na wala kang makikita na kahit anong bakas ng sugat. Ilan lang yan sa magagandang katangian niya na mabibighani ka talaga.

The Spoiled Brat Princess ang pagkakakilanlan sa kanya ng kapwa estudyante niya. Tinagurian siyang Spoiled Brat Princess dahil sa ugali niya na "ang gusto niya lang ang dapat nasusunod", kung hindi gagawa siya ng kahit anong paraan para masunod lang ang gusto niya. Hindi lang yun, gusto niya lahat ng atensyon ay nasa kanya. Ayaw niya ng taong hindi nakatuon ang atensyon sa kanya. Palaban din siyang babae, in a very bad way nga lang, gustong gusto nIya kasi na siya lang ang lamang sa lahat at ayaw na ayaw niyang nalalamangan siya. Kapag nakita niyang mas lamang ka sa kanya, hihilain ka niya pababa. Bully din siya, and war freak din siyang babae.

The Gangster

Boggart 'Tutoy' Taghoy, dalawampu't isa na taong gulang na siyang nabubuhay sa mundo, kilala siya dahil sa pagiging gangster niya. Katulad ng ibang gangster na nasa kanto-kanto, si Tutoy ay mahilig sa away, babae, sigarilyo, alak, hikaw – dahil kulang na lang magpahikaw din siya sa kanyang ilong na katulad ng sa kalabaw - , sombrero, maluluwag na t-shirt at short, at malalaking sapatos.

Si Tutoy ay ulilang binata, naulila siya noong bata palang. Wala siyang kapatid at ang ibang kamag-anak niya ay ayaw siyang kupkupin, noon, dahil sa kakulangan din sa pera ng pamilya at ang iba ay ayaw lang talaga siyang kupkupin. Kaya naman ay nanirahan siya sa kalsada ngunit sa pagdaan ng araw ay nakakilala siya ng bagong pamilya.

••••

Ngunit paano kung nagkatagpo ang kanilang landas sa isang pangyayari? Masikmura kaya nila ang isa't isa kung ang pag-uugali nilang dalawa ay magkaiba, lalo pa't hindi nila gusto ang ugali ng isa't isa?

Tunghayan ang kwento ng dalawang tao na magkaibang-magkaiba ang mundong kinagisnan. Away, gulo lang ba ang mangyayari sa kanila o doon magsisimula ang matamis nilang pagmamahalan?

.SOON.

Kung gusto niyong malaman. Aba! Wag nang magpaligoy-ligoy pa at tuklasin ang kanilang kwento. Kung ayaw niyo naman. Naku! Please? Nagmamakaawa ako sa inyo na tuklasin natin ang kwento nilang dalawa. puppy eyes, insert here!

So yun, I hope na ipagpapatuloy niyo po ang pagbabasa at suportahan niyo po ito hanggang sa huli. Salamat po sa inyong lahat!

EiArEscreators' thoughts