webnovel

Chapter 1

Flynn's POV

Kakatapos ko lang gawin ang mga school works na pina take home sa akin. Gustuhin ko mang matulog ngunit ang diwa ko ay sadyang nananabik pang gumising. Kaya't kinuha ko na lamang ang aking gitara at nagsimulang tumugtog.

Lift your head, baby, don't be scared

Of the things that could go wrong along the way

You'll get by with a smile

You can't win at everything but you can try

Baby, you don't have to worry

'Cause there ain't no need to hurry

No one ever said that there's an easy way

When they're closing all their doors

They don't want you anymore

This sounds funny but I'll say it anyway

Girl, I'll stay through the bad times

Even if I have to fetch you everyday

We'll get by with a smi---

"WALA KANG KWENTANG AMA! HINDI KA NA NGA NAKA PUNTA SA GRADUATION NI FLYNN, HINDI KA PA SISIPOT SA GRADUATION NI FLAIRE? HOW DARE YOU DO THESE TO ---" napahinto ako sa pagtugtog nang marinig ko ang sigaw ng mommy kasabay ang malakas na pagsara ng pinto ng kanilang kwarto.

"'YAN! DIYAN KA MAGALING. AND HOW DARE YOU TO SAY THAT TO ME? DO YOU THINK NA LALAGO ANG MGA KOMPANYA KUNG ANG LAHAT NG ORAS KO AY ILALAAN SA KANILA? THEY'LL UNDERSTAND ME ONCE THEY GROW UP. IKAW RIN CIANA! YOU BETTER GROW UP!" singhal pabalik ni Daddy.

We'll get by with a smile

You can never be too happy in this life

Tama. Hindi nga ako magiging sobrang saya sa buhay ko. All these years, sa ilang taong pamumuhay ko, wala yatang mabubuong isang Linggo na hindi nag aaway sila Mom and Dad.

'yung feeling na sanay ka na at the same time, hindi pa rin.

I'm used to it but the feeling is still the same as the first time I've heard them shouting at each other.

Sanay naman ako na wala si Daddy, and so as Mom.

Daddy is busy with business stuffs meanwhile, Mom is a party goer.

Umuuwi si Daddy every night.Pagod na pagod to the point na there are times na pag gising namin sa umaga, naka suit padin siya at Uncomfortably laying in the sofa.Maid didn't tend to wake him up since everyone knows how stressful his works are.

Yes, works.

Simula kasi noong sumakabilang buhay sina Lolo at Lola, sa kanya ipinagkatiwala lahat ng mga iniwan nito. Katulong padin naman niya si uncle Thirdy pero dahil may isa pang business si uncle, kay Daddy talaga lahat ng stress.

Si Mommy naman, noong medyo malaki laki na kami ni Kuya Cean at Flaire , doon pa lang siya nakapagpatuloy sa kolehiyo, pinag aral sya ni Daddy at inakalang matutulungan siya nito sa aming mga negosyo. But then when she graduated, she started hanging out with her friends. Daddy let her to kasi akala ni Daddy it is just because of her success since she already graduated. But then, ilang buwan ang nakalipas, ultimo ang pag alis ni Mommy ay hindi niya na naaabutan. At kapag papasok na siya sa trabaho ay makakasalubong niya nalang ito sa pinto, Lasing at walang pakialam sa kanyang presensya.

Doon nagsimula ang pag aaway nila. Kami naman ni kuya ang gumagawa ng paraan para hindi makita ni Flaire ang away nila Mom and Dad. We're taking her to the mall , buying her what she wants, kaya naging spoiled to the point na kapag di napapagbigyan ay umiiyak. But at least she didn't notice the trouble at home everytime that she's thinking about what she's going to request on us.

Mabuti nalang at nasa school sina Kuya Cean at Flaire at ako lang ang nandito ngayon. Less gastos hehe.

I didn't even bother to go outside dahil kahit ako ay hindi ko mapipigil ang tensyon between them.Ayoko ding makita nila ang sitwasyon ko ngayon na ako at si Kuya lang ang nakakaalam. I'll just wait for the sunrise para bumaba for dinner.

Ipinagpatuloy ko ang pag tugtog ng gitara at nang makaramdam ako ng pagod at kaunting panghihina, agad akong nahiga sa aking kama at hindi namalayan ang aking pagtulog.

...

"Flynn... Flynn! Open the door!" nagising ako sa lakas ng boses ni kuya kaya dali dali kong binuksan ang pinto.

"Sorry kuya, I fell asleep." bungad ko dito.

" kanina pa kita ginigising. Akala ko kung anong nangyari saiyo.Nasa baba na si Flaire, nag aaya lumabas. kaya mo ba?" ani Kuya Cean.

"Sure, kuya. Basta you'll drive. medyo nahihilo ako but I can go with you naman." I didn't told him nananghihina ang tuhod ko. But knowing kuya, hindi naman niya ako pababayaan.

"Yeah sure. Go fix yourself. Sa labas na din tayo mag didinner. Dad texted me he can't go home tonight. Nasa Cebu sila ni uncle. They were looking for a nice spot.I told him to find a place na may fresh air at calm vibe. You know, maybe we can go there para mas makapag pahi———"

"Did you told Daddy?" kabadong tanong ko.

"Don't worry, I didn't. Ikaw lang ang may karapatang magsabi, and I respect you if you can't speak it out yet."

Nagpakawala ako ng isang malakas na hinga, tanda na nakahinga ako nang maluwag sa isinagot ni Kuya. Maybe I'm not ready for now, and I'll never be ready to tell them about it.

I fixed myself and carefully walk downwards. Inalalayan pa ako ni Ate Zefil dahil nahalata niya yatang malamya ang pagtapak ko sa hagdanan.

" Mag ingat po kayo , Ma'am. Wala nanaman po ang Mommy ninyo. Sinundo ni Ma'am Jacq, 'yung kaklase niya daw po nung high school." ani Ate Zefil

"Wala naman pong bago doon. Sanay na ho kami. Babalik din po kami agad." sagot ko.

Agad akong pumunta sa garahe at nilapitan ang itim na Mercedez Benz ni Kuya. Walang salitaa'y agad niya itong pinaandar nang makitang maayos na ang lahat. Pinagbuksan naman kami ng gate ni Manong Robert at nag patuloy ang aming biyahe.

nakasanayan na naming sa malayo kaming mall magpupunta to spend the night longer outside than to spend it at home. Para din nakaka gala kami sa iba't ibang malls. Hindi naman kami pinipigilan ni Mommy at si Daddy nama'y tinatawagan kami every 11 o'clock to check if we're already home.

tahimik lang ang naging usad ng biyahe. Hindi na din traffic since tapos na ang rush hour. Ginawi kami ni Kuya sa bandang taas na lugar. Hindi ito mall ngunit maraming kainan at napaka ganda ng scenery. Kitang kita ang mga ilaw mula sa mga gusali sa kamaynilaan. Napaka presko din ng hangin na sumalubong sa aming pagbaba sa kotse. Tuwang tuwa si Flaire at nagpakuha ng pictures kay Kuya. Ako naman ay kumuha lang ng isang selfie at kinuhaan nalang ng litrato ang paligid.

"Hoy Ynze,Hindi bagay ang pagkaputla mo sa kagandahan ng paligid. ohh." Inilabas niya ang isang Colourette Lip tint at hindi ko alam kung bakit mayroon siya noon

"Flynn, not Ynze. At saka! kuya,bakit ka may ganito? abaa. Huwag mong sabihing tatlong Maria pala tayo nina Flaire?" natatawa kong sambit

"Sira! para saiyo talaga 'yan. Ang putla putla mo. Hindi ka na gaanong nag aayos. Baka nakakalimutan mo na ang pagpapaganda kaya binilhan kita." Ani nito.

Nakakatuwa na may ganito akong kuya. Masyado akog swerte sa mga kapatid ko kahit na may problema kami palagi sa bahay. para bang inaako niya ang mga responsibilidad na hindi maibigay ng parents namin just to make us feel that we have the guidance—a presence of  a parent.

pagkatapos naming lasapin ang hangin at kumain ng dinner. Sumaglit kami sa pinaka tuktok ng lugar na iyon at saka kumuha ng pictures. Everytime kasi na aalis kami, we're taking a photo from polaroid at dinidisplay namin sa kanya kanyang kwarto.

Umuwi na din kami pagkatapos at ako nama'y nakatulog na sa  pagod.

——————————-

credits to the Lyrics of the song With the Smile By Eraserheads.