webnovel

Canto IV

Ano kaya ang dapat kong gawin sa lugar na yun? At anong kasakiman ng ibang tao ang pinagsasabi nya?

Anger? Wrath? Lust?

Greed? Gluttony? Pride? Or Envy?

Shitbrix! Seven Deadly Sins?

Global warming ba? Green house effect-chu chu? O polusyon?

Haaaaay! Ang hirap namang mag isip!

"Class, listen! Lumilipad na naman ang mga utak nyo!" Sigaw ni Mrs. Tanaka, ang guro namin sa History.

At napukaw na nga ang mga diwa namin.

"Ang Machu Picchu.." Pagpapatuloy ni Mrs. Tanaka sa lesson nya, nakinig ako hanggang sa nag-bell na.

Haha! Akala nyo nakatulog na naman ako ano? In your dreams!

Dumiretso agad ako sa library para mag-research sa kung ano man ang maitutulong ko kina Lila. Sa totoo lang, tinatamad talaga ako, ano naman kasi ang konek ko sa kanila diba? Pero dahil hindi nila ako patatahimikin at hindi ako makakatulog ng maayos, edi no choice talaga ako kundi tulungan sila.

Kinuha ko ang The Origin of Species ni Charles Darwin, The Selfish Gene ni Richard Dawkins, pati na rin ang Science, Evolution and Creationism ng National Academy Institute of Medicine pero wala pa rin.

A Little History of the World, ni E. H. Gombrich, Mythology ni Hamilton at pati na rin ang Old at New Testament binasa ko na pero wala akong makitang kahit na anong koneksyon at solusyon sa problemang kinakaharap nila Lila at ng Sognare.

Sakit sa ulo, boi