1 PROLOGUE

Kahit na anong pigil ko, hindi ko magawang pigilin ang pag palahaw ng hagulgol ko. Alam ko, ang huling putok ng baril na iyon ay para kay papa. Padausdos akong napaupo. Tila tinakasan ng lakas ang tuhod ko. Tanaw na tanaw ko sa kinaroroonan namin ang isa-isang pag alis ng mga sasakyan na may lulan sa mga taong walang awang pumatay sa pamilya ko. Umiiyak kong tinitigan ang munti kong kapatid na ngayon ay gising at umiiyak. Tila nakaramdam ng kalungkutan ang paslit. Mahigpit ko siyang niyakap, at sabay kaming humagulgol.

Gumuhit ang kidlat sa kalangitan. Lalong lumakas ang buhos ng ulan.Tulad namin, tila nag luluksa ang langit sa malagim na trahedya na naganap .

avataravatar