1 EPISODE 1- THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (2)

Pagkalipas ng isang taon, ang inakala nilang Tahimik na ang lahat. Yun pala ang simula ng bagong labanan sa pagitan ng kasamaan at kabutihan.

THEO ADONIS , Ang may basbas ni DIWATANG MAGAYON. may taglay ng elemento ng Hangin.

TYLER ADONIS , Ang may basbas ng si DIWATANG MAKILING. may taglay ng elemento ng Tubig. sya din ang taga tago ng mga oroskopyo nakanilang nakukuha.

KATALINA MORALES , Ang may basbas ng DIWATANG si DALIKMATA, may kakayahan na makita ang nakaraan o ang hinaharap. taglay din nya ang elemento ng Apoy.

IAN CHAVEZ , Kapatid sa ama nina Tyler at Theo, pinangangalagaan ng oroskopyong si Virgo na nagtataglay ng elemento ng Yelo.

JENNA SANDOVAL, Ang natatanging babaeng babaylan. na minana ang gintong libro, ng kanyang amang si mariano.

JAKE SANCHEZ, Ang binasbasan ng DIWATANG si GASSIA na kumakatawan sa elemento ng LUPA.

sila ang mga karakter na minahal nyo sa SEASON ONE, ngayon sa IKALAWANG YUGTO.Tunghayan ang SARAP, PAIT AT MAHIKA sa THE SECRET'S OF ADONIS BROTHERS season 2.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" ANG SIMULA NG BAGONG DIGMAAN.."

Sa kanlaon..

Nagtipon-tipon sina MAGAYON, MAKILING, DALIKMATA, GASSIA AT LALAHON.

"Kelangan nating, ibalita sa mga tagalipon ang papalapit na problema.." sabi ni MAGAYON.

"Diba't nasabi sa pagpupulong na hindi na tayung maaring mangialam sa mga tao?" sabi ni DALIKMATA.

"Tandaan mo, hindi mga ordinaryong tao ang mga alaga natin.." sagot ni GASSIA.

"Tama ka nga Gassia.. " sabi ni MAKILING.

"ORAS na..mga DIWATA, Mag tungo na tayo sa kapatagan. " Sabi ni LALAHON. At agad nilang ginamit ang kakayahan upang maglaho..

Samantala sina Theo, Tyler, Jake, Katalina, Jenna At Ian naman ay pinag uusapan nila kung anong gagawin nila sa mga oroskopyo. ngayong nasa kanila na ang lahat ng oroskopyo.

"Ngayon na'kolekta na natin ang lahat ng oroskopyo, anong gagawin mo sa mga yan?" Tanong ni Jenna.

"Aantayin muna natin sina Magayon, upang magdesisyon dito.. " sabi ni Tyler. At ilang sandali pa ay dumating na ang mga diwata kasama ang ang isang kahon.

"Mahal na mga diwata.. " sabi ni Theo sabay yuko.

"Nandito na ba ang lahat ? " tanong ni magayon.

"Opo, mahal na diwata.." sagot ni Jenna.

"Tyler ang mga oroskopyo, ilabas muna ang mga oroskopyo.." Utos ni Magayon, At agad naman binuksan ni Makiling ang mahiwagang kahon na hawak-hawak nya.

"Nandito mahal na diwata.. " sabi ni Tyler at agad lumabas ang mga oroskopyo sa kanyang palad.

"Mga mahal na diwata anong plano natin?" Tanong ni Theo. at agad naman syang siniko ni Katalina.

"Ngayon nagtagumpay kayong matipon ang mga oroskopyo, may mahalaga kayong suliranin na kakaharapin." sabi ni magayon.

"Ano yun mahal na diwata?" tanong ni Katalina.

"Binuhay na ni sitan ang mga kinatatakutan ng mga tao noong nakaraang panahon. " sabi ni Magayon.

"Anong ang mga yun mahal na diwata?" tanong ni Ian..

"Binuhay na ni sitan ang mga sinaunang halimaw na gumugulo sa mga tao noon.." Sagot ni Makiling.

"Katulad ng ano ?" tanong ulit ni Tyler.

" Sa Tubig, Binuhay ni sitan ang sinaunag halimaw.. Ang MARINAGA at Berberoka.. " sagot ni Makiling.

"Sa Apoy, ang Santelmo at Pasatsat.." sabi ni Lalahon..

"Sa Hangin, ang Garuda At Kikik" sabi ni Magayon.

"Sa Lupa, ang mga DUWENDE na nasa pangangalaga ito dati ng diwatang si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan." sabi Gassia.

"Nakalimutan mong isama ang mga Sigben, Gassia.." sabi ni Dalikmata.

"Ang bago nyong misyon ay sugpuin ang mga nilalang ng kadiliman." sabi ni MAGAYON.

"Kayang-kaya namin yang ipatumba diba guys?" sabi ni Tyler.

"Nagkakamali ka tyler, mas malakas ang mga sinaunang halimaw kesa sa mga nakaharap nyo.." Babala ni Gassia.

"Ngayon, kelangan nyo ng karagdagang kapangyarihan" sabi ni Magayon.

"Saan naman tayo kukuha ng karagdagang kapangyarihan?" Tanong ni Theo.

"Sa mga Oroskopyo.. " sabi ni magayon.

"Gamit ang ibat ibang kakayahan at kapangyarihan ng mga oroskopyo.. ang labing dalawang oroskopyo ang pipili sainyong anim.. upang basbasan nila ng kanilang kapangyarihan." paliliwanag ni Magayon.

" Papano yun mahal na diwata?" sabi ni Jenna.

"Oo nga mahal na diwata?" dagdag na sabi ni Katalina.

"Relax, mga sissy.. " sabi ni Gassia. At agad ikininalat ni Magayon sa ire ang labing dalawang oroskopyo.

"Ano ba yan baka naman tatakas ang mga oroskopyo mahal na diwata.." sabi ni jAKE.

"Hindi yan promise.." sabi ulit ni Gassia.

"Sinasamo ko ang labing dalawang oroskopyo ng kalikasan.. mula sa hangin, tubig, apoy at lupa.. sinasamo ko kayo.." engkantasyon ni Magayon at biglang nahati ang labing dalawang oroskopyo sa apat na grupo.

"Ang galing " sabi ni Theo sabay palakpak.

"Tumigil ka nga theo, para kang bata.." sabi ni Katalina. At tinawanan naman sya ni Jake.

"Ty, napaka bully ng asawa at ate mo sakin.." sabi niTheo.

"Ambot saimo kuya theo, wag ka ngang magulo.."sabi ni tyler

"Ang mga oroskopyo na kumakatawan sa elemento Tubig at yelo.. ang Cancer, Pisces , Virgo at Aquaruis.." sabi ni Makiling.

"Ang mga oroskopyo na kumakatawan sa elemento ng lupa.. Ang Sagittarius, Leo at Taurus.." sabi ni Gassia.

"Ang mga oroskopyo na kumakatawan sa elemento ng hangin at Ispirito.. Capricorn, Aries, Scorpio Gemini.." sabi ni magayon.

"Ngayon, sinasamo ko ang mga oroskopyo na bigyang basbas ang mga tagalipon.. " sabi ni Magayon at agad nagsipuntahan ang mga oroskopyo sa mga ulo nina Theo, Tyler, Katalina, Jenna at Ian..

Samantala ang oroskopyo ng aries ay lumapit kay Jenna, Ang oroskopyo naman ng Virgo ay Lumapit kay Ian, Ang oroskopyo ng Saggitarius ay lumapit kay Jake, Ang oroskopyo ng Capricorn naman ay lumapit sa ulo ni Theo. Habang nahati ulit sa dalawa ang oroskopyo ng pisces. at napunta ito kina Tyler at Ian. Pang huli ang oroskopyo ng Leo at Gemini ay nagtungo kay Katalina.

"Mukhang kayo ang pinili ng mga oroskopyo na nasa dating panga'ngalaga nyo.at nakakatuwa dahil kinikilala pa din kayo.." sabi ni Gassia.

"Tama ka gassia."dagdag na sabi ni Lalahon. Habang nasa kanilang ulo ang mga oroskopyo nakaramdam sila ng kakaibang lakas na nagdagdag sa kanilang katawan.

"Bumalik na kayo, mga oroskopyo sa inyong tahanan.."sabi ni Maria Makiling. sabay bukas ulit ng isang kahon. at agad naman nagsipasukan ang mga oroskopyo sa kahon.

"Magaling Makiling! " sabi ni Magayon sabay ngiti.

"Ngayon mga mahal na diwata anong gagawin namin ?" tanong ni Theo.

"Ngayon, Hindi nyo lang mission na talunin ang mga sinaunang halimaw, kundi may hahanapin kayong mga taong, may tatak nito.."sabi ni lalahon at agad lumabas sa ire ang isang hugis hugis butuin at nasa loob ito ng traingulo.

"sila ang mga taong may lahi ng mga nilalang ng tubig, lupa, hangin at apoy." salaysay ni Gassia.

"Anong klaseng Lahi mahal na diwata ko maintindihan?" tanong ni Jenna. At sasagutin na sana ulit ito ni gassia ng pinigilan sya ni Magayon.

" Ako na ang magpapaliwanag sakanila Gassia.." sabi ni Magayon.

"Hanapin nyo ang mga taong may kalahating engkanto. makikilala mo sila dahil sa marka na ipinakita ni Lalahon sainyo kanina." salaysay ni magayon.

"anong uri sila ng engkanto mahal na diwata?" tanong ni tyler.

" Magayon said mga tagalipon, u need to find mga half breed person, who has a lahi of engkanto.. and what type of engkanto ulit un sila magayon? " sabi ni Gassia.

" Nag sasalita nanaman si Gassia ng kakaiba."sabi ni dalikmata habang, tumatawa ang mga tagalipon sakanya.

"Tama na yan gassia, " sabi ni magayon.

"Eh ang slow nila.." sagot ni Gassia.

" Hahanapin nyo muna ang mga taong nagtataglay ng marka na sinabi ni lalahon kanina. dahil sila ang tutulung sainyo upang mapuksa ninyo ang mga sinaunang halimaw.

" Una, Ang taong may Lahing Sigben, na kumakatawan sa elemento ng lupa..

Pangalawa, Ang taong may lahing kataw.. kumatakatawan sa Tubig.

Pangatlo, Ang taong may lahing Garuda.. ang kumakatawan sa elemento ng Hangin.

Pang apat, ang taong may lahi ng santelmo.. kumakatawan sa elemento ng apoy.." salaysay ni magayon sa kanila.

"Maliwanag naba ?" tanong ni MAKILING.at tumango lang silang anim.

"nagutom ako, may pagkain ba kayo dyan ?" tanong ni Gassia.

"Opo mahal na diwata, hali po kayo sa kusina.."sabi ni Jenna.

"dyan na muna kayo.."sabi ni gassia at nagtungo sila ni Jenna sa kusina.

"At bukas na mag sisimula ang inyong paghahanap sa kanila."sabi ni Makiling.

"At may tiwala kami sainyo mga tagalipon.."sabi ni Dalikmata habang naka ngiti naman si Lalahon sa kanyang likuran.               

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------END-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

avataravatar
Next chapter