webnovel

The Secret Between Us by typolovesyouu

THE SECRET BETWEEN US BY CARA CORDE Blurb:   Kilala bilang isang pinakamagandang babae si Trisha Esona sa kanilang paaralan. Bukod sa matalinong babae, ay wais din 'to pagdating sa mga lalaki.  She always choosing the best, pero ni-isang lalaki ay walang tumagal sa kanya dahil sa mabilis lang 'tong magsawa. Not until she met Andrius Corde. A famous basketball player sa kanilang paaralan, and NGSG. Maayos ang buhay ng dalawa, not until DESTINY played on them. Mapapasok sila sa isang relasyon na ka-iingitan ng lahat, until they need to fall a part. September 01, 2020. By: CaraCorde

AriaYasin · Teen
Not enough ratings
3 Chs

TBSU 01

TSBU 01

"Welcome to Mobile Legends

Five seconds to enemy reaches

the battlefield,

smash them

All troops deployed"

Taas-noo ako na naglalakad, habang  ang iba ay napapatingin sa bawat hakbang ko.

Hindi kasalanan, sadyang head turner lang talaga ang kagandahan ko.

Ako si Trisha Esona, ang tinagurian na pinakamaganda sa loob ng campus na 'to. Hindi na ako magtataka doon, puro naman talaga kasi sila Chaka.

Lumapit ako kung saan nagmumula ang tunog na naririnig ko. Mobile legends huh?

"How are you?" Tanong ko sa lalaking titig na titig sa cellphone niya.

Walang iba kundi ang boyfriend ko na magiging soon to be ex-boyfriend.

"T-trisha", gulat niyang sabi bago binaba at pinasa sa kasamahan niya ang cellphone niya, "let me explain, babe"

Kabado ang mukha niya. Medyo namamawis na rin siya nang makita niya ako. At may halong pag-aalinlangan ang mga tingin niya.

"Sorry not sorry. May isang salita ako, Rodulf, happy break up!" Nakangiti kong sabi sa kanya bago siya tinalikuran.

Hindi ko kailangan ng lalaki na walang isang salita. He promised me na hindi na siya ulit maglalaro ng game na 'yan pero at the end of the say ginawa niya pa rin.

"Babe, please," rinig kong pagmamaka-awa niya. 

"Ano ba ang sabi mo nang maging tayo?" Nakataas ang kilay ko na tanong sa kanya. 

Nag-iwas lang siya nang tingin at hindi makasagot sa tanong ko. See?

Kung simpleng pangako pa lang nga'y hindi niya kayang tuparin, ang panghabang buhay na magstay sa buhay ko pa kaya na sinasabi niya?

"See? I told you. One wrong move, at maghihiwalay na tayo," sabi ko bago muling tumalikod sa kanya, pero may isa pa akong hindi nasasabi.

"Oo nga pala. Hindi ako nakikipagbalikan sa mga ex ko. Hanap ka nalang iba," nakangisi kong sabi habang nakatalikod.

"Babe, please," rinig kong pagmamaka-awa niya ulit.

Hindi ko na siya nilingon at pumasok na sa sasakyan na naka-abang sa'kin. Mabuti nalang pala talaga ay maaga kong pinapunta si Manong Driver dito.

"May dadaanan pa po ba tayo, maam?" Nakatingin siya mula sa side mirror.

Wala namab gagawin sa bahay, wala rin naman ibang gagawain. Why not na mag window shopping nalang muna?

Tumango ako sa driver bago sweet na ngumiti. "Sa Mall nalang po manong,"

"Right away maam" masigla niyang sabi bago nag-start na makina ng sasakyan.

May license ako, sadyang tinamad lang ako magdrive kanina kaya nagpahatid nalang ako. At syempre di uso sa'kin ang commute kaya kailangan nila akong sunduin.

Halos abutin din ng isang oras ang byahe. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan habang isa-isa tinitignan ang pictures ko kanina.

Nakakatawa't nakakaawa, habol pa siya nang habol kahit wala na. Si Rodulf ay isang basketball player, siya pa nga ang captiain ball pero hindi sa'kin uubra 'yon.

I have my fame, money, beauty and good body. Dapat lang na magkandarapa siya sa'kin pero not the point na sisirain niya ang sarili niyang imahe.

Nakalagay ang picture namin dalawa, mula sa nahuli ko siyang naglalaro, hanggang sa magmakaawa siya.

Poor guy.

"Nandito na po tayo maam," sabi nang driver. Tumango ako sa kanya at binigyan siya nang pera.

"Magikot-ikot o kumain na rin muna manong, baka matagalan ako sa loob," sabay abot ko ng three hundred pang meryenda niya.

"Ayos lang maam, salamat po!" Tuwang-tuwa niyang sabi bago kinuha ang pera na ina-abot ko.

Hindi ako madamot, halata naman 'yon pero ayaw ko sa taong walang isang salita.

Like, bakit mo sasabihin kung hindi mo naman kayang gawin? Ano ka puro yabang lang?

Mag-isa lang akong naglilibot, wala kasi si Alessana. Ang gaga nagbakasyon kahit may pasok, at tuwang-tuwa pa ang loka-loka.

Una kong pinuntahan ay ang National Book Store. My favorite spot.

Ang babango ng mga bagong papel, mas lalo na ang amoy ng mga libro na nanunuot sa ilong.

May kailangan din akong bagong bilhin na libro sa wattpad. I love books, mas lalo na kung horror at patayan ang genre.

Romance? Sino ba ang naniniwala doon. Kwentong pambata masyado.

"Ano ba Andarius? Sino ba 'yang bago mo na hindi mo kayang ipakilala?! Sabihin mo nga sa'kin, sinasabi mo lang ba 'yan para may rason ka na hiwalayan ako?" Rinig kong magtatalo sa hindi kalayuan.

Kung kanina ay poor guy, ngayon naman ay poor girl. Naghahabol sa isang lalaki na walang pake sa kanya.

"Sabi ng may mahal na akong iba, Celine. Kaya pwede ba, tigilan mo na ako at lumayo ka na sa'kin!" May halong pagka-irita na sabi ng lalaki at nakuha pang magkamot ng ulo.

"Sige nga, kung totoo ang sinasabi mo na nandito siya. Ipakita mo, Andrius! Pag may maipakita ka, maniniwala na ako na may iba ka talaga!" Desperadang sabi ng babae.

Halata naman na natigilan ang lalaki sa sinasabi ng ex-girlfriend niya. Halatang nag sisinungaling lang s'ya sa babae para makalaya.

Dumaan na ako malapit sa kanila. Masyado silang iskandalosang dalawa, kailangan ba na sa mall pa mag-away?

Duh. Attention seeker masyado.

Pero bago pa man ako makapasok sa loob, ay isang mahigpit na hawak na ang humila sa'kin. Kasabay ang isang mariin na halik na dumiin sa labi ko.

"How--" magrereklamo na sana ako ng hapitin niya ang bewan ko at madiin na hinawakan. Bastos!

"Im fine, honey," nakangiti niyang sabi pero halatang nagmamakaawa ang mga mata niya.

Kailangan pala niya nang tulong. Ngumiti ako ng matamis sa kanya, bago hinawakan ang kamay niya na nakapatong sa bewang ko.

"Nice to hear that. Who's this girl? Kabet mo?" Natatawa kong sabi bago tinignan ang babae mula ulo hanggang paa.

Kaya naman pala nakikipaghiwalay sa kanya, hindi marunong mag-ayos ng sarili.

Eew.

"Wala 'yan babe, tara na sa loob?" Mag-aaya niya. Tumango ako sa lalaki na 'to bago sabay kaming pumasok sa loob ng National books store.

At ang babae? Naiwang nangingiyak. You don't deserve a guy like this girl, kaya wake up!

Pagpasok na pagpasok, ay mabilis kong pina-ikot ang kamay niya na nasa bewang ko.

Akala nang lalaki na 'to sakin, easy to get? Pwes, babaliin ko ang braso niyang epal ka.

"What?" Inis niyang tanong sakin.

Aba't what, what, pa siyang nalalaman. Ninakaw niya ang first kiss ko!