webnovel

The Secret Behind Her Angelic Face (TSBHAF)

Mysteriouslay · Teen
Not enough ratings
3 Chs

PROLOGUE

HER POV

"Angelaaaaa!!"

Nagulat ako ng may biglang sumigaw at tinatawag ang pangalan ko.

"Po?"

"Diba sabi ko sayo ayusin mo ang paglalaba mo?! Bakit ganto nag iba na ang kulay nya? Argh! Wala ka talagang kwentang babae! Wala kang silbe! Ayusin mo ang trabaho mo dito ha! Isa ka lang ampon kaya wag kang tatamad-tamad dito! Pesteng araw to. Ke umagang-umaga pinapainit mo ulo ko! Bahala ka nga dyan!"

Pagsisisigaw nya sakin at hinagis sa mukha ko ang damit na kinaiinisan nya. Hayst, nasigawan na naman ako ni Tita. Oo, Tita ko nga sya. Tita tawag ko sa kanya pero ni minsan di ko sya natawag na Ina, Nanay, o Mama.

"Araaaaaaaaaaa!!!"

Haynako, itong isa pa. Siguro magagalit din ito sakin, hayst ano pa nga ba.

"Ang kapal ng mukha mong landiin ang boyfriend ko? Malandi ka talaga, dati si Ama ngayon naman susunod mo ang Boyfriend ko. Walang hiya ka, bitch!"

Bigla nya akong sinabunutan at wala syang kapagod pagod. Ako naman pinapatigil sya pero di sya nakikinig sakin. Ba-bakit ba ganito sila sakin huhuhuhuhu. Bakit ganito na lang nila ako saktan, babuyin, at tratuhing basura.

Una si Tito na araw-araw akong hinuhubad sa isipan nya. Pinapapilit nya akong gawin ang ayaw kong gawin. Minsan sinasaktan pa nya ako buti nakakatakas ako kapag inuutusan ako ni Tita o ni Azeleah. Si Azeleah ang nanabunot sakin kanina lang. Alam nya yung pagmamaltrato ng kanyang Ama sakin hanggang sa nag iisip sya ng kung ano. Si Tita naman inuutus-utusan ako araw-araw. Hindi ko alam sa kanila bakit ganto sila sakin. Dahil nga ba sa ampon lang ako?

"Malandi ka! Bitch! Slut! Mawala kana sana dito sa bahay. Bakit ba kasi di ka pa nila pinapalayas dito! Bwiset ka!"

"Aray Azeleah, ma-masakit. Please ta-tama na y-an huhu."

"Kulang pa ito sa panglalandi mo sa boyfriend kong ahas ka!"

"Pero wala naman akong ginagawa sa Boyfriend mo Azeleah, wala akong ginagawa sa kanya huhuhu."

"Anong wala ha! Ikaw gumagawa ka pa ng kwentong ahas ka! Malandiii! Lumayas ka dito ngayon naaaaa!!!"

"P-pero Azeleah, huhuhuhu wa-wala akong mati-tirhan."

"Wala akong pake kung maging palaboy laboy ka lang dyan at maging pulubi kaya lumayas ka dito sa pamamahay namin!"

Sinimulan na nya akong hilahin palabas. Huhuhu ayaw nyang maniwala sakin. Huhuhuhu inilabas na nya ako sa gate nila at tinulak sa may daanan. Buti walang sasakyan.

"Azeleah, please maniwala ka sakin oh huhuhuhuhu."

"Ayokong maniwala sa katulad mong malandi!"

Pumasok na sya at isinara ang pintuan ng gate.

Huhuhuhu, saan ako makakapunta. Wala akong alam na mga kamag-anak ko. Naglakad-lakad na lamang ako dito kung saan man ako mapunta. Wala na ang lahat sakin. Wala na sila, wala akong tahanan at walang pagkain o pera manlang.

Naglakad-lakad lang ako hanggang sa matapos ang higit isang oras na paglalakad, dahil sa gutom ay nanghihina na ako. Hindi ko alam basta gusto kong humiga na sa kalsada. Pagewang-gewang na rin ako kung maglakad. Hanggang sa...

"Miss! Hey Miss!"

May narinig akong boses ng lalaki then everything went black.