webnovel

The Reason Behind His Smile

(This is only a short story with no chapters)

Mula ng mag-umpisa ang pasukan ay nakagawian na naming bumili ng street foods.

"Fishball nga ho." anas ng kaibigan kong si Alden sabay abot ng limang piso sa tindero.

Kapansin pansin ang pagngiti nito sa akin pero binalewala ko lang iyon.

"Dre, kuripot ka ah. Limang piso lang?" pang-aasar ko.

Siniko naman ako nito sabay bulong ng "Wag ka ng umangal Ken. Ako ang bahala."

Hindi ko naintindihan kung ano ang pinupunto niya hanggang sa dumami na ang bumibili. Naging abala ang lalaking nagtitinda at hindi na napansin na sobra sa bilang ang kinukuha ni Alden.

"T****** Dre, masama yan." saway ko.

"Tsk. Yaan mo na." anito at ilang sandali pa ay nagyaya ng umalis.

Hindi ko napigilan ang sarili kong lingunin ulit ang lalaki. Nakatingin din ito sa akin kaya't nakonsensya tuloy ako.

Iyon ang hindi ko malilimutang pangyayari noong highschool ako.

-

Lumipas ang ilang taon at nakapagtapos na rin ako ng kolehiyo sa ibang bansa. Kadarating ko lang ngayon sa airport at nagmamadali akong sinundo ng personal driver ko.

"Bakit ho tayo nagmamadali?" tanong ko

"Naku iho, baka maabutan tayo ng total lockdown. May pa Community Quarantine kasi dahil sa Covid 19." sagot nito at napatango na lang ako.

Nagtingin tingin na lang ako sa nadaraanan namin kabilang na ang dati kong paaralan. Maraming nagbago sa loob ng maraming taon pero isang bagay ang ikinangiti ko.

Naroon pa rin si Manong na nagtitinda ng fishball. Bakas sa mukha niya ang katandaan at may kakaiba na sa kaniya.

"Kuya, yun pa rin ho ba yung nagtitinda ng fishball dati?" tanong ko sa driver na noon pa man ay kasa kasama ko na.

"Oo. Napakasipag ng matandang yun."

"Napakatagal na ho niyang nagtitinda." komento ko.

"Oo, pero natigil siya noon dahil sa stroke." aniya

May kung ano sa akin ang nagdiwang dahil sa kaalamang nakaligtas ito. Marahil hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin ako sa panloloko namin sa kanya.

-

Tulad ng sinabi ng driver ay nag total lockdown nga. Umabot iyon ng halos isang buwan.

Marami ng nagrereklamo dahil wala na silang makain kaya naman naisipan ni papa, na ngayon ay Gobernador na ng lungsod na mamigay ng relief goods

Dahil sa boredom ay sumama ako. Pero sa pagsama ko ay nalaman ko ang totoo...

Sakay ng kotse ay namimigay kami ng relief sa bawat taong nadadaanan.

Napansin ko ang matandang nagtitinda ng fishball sa gilid ng kalsada.

" Papa, yung matandang iyon, bakit hindi pa umuuwi?"

Nilingon ni papa ang tinuturo ko at sumagot....

"Walang tirahan ang matandang iyan."

"Ho?!"

"Wala na siyang pamilya. Sa totoo lang ay tinulungan ko nga siya ng ito'y ma stroke siya." kwento ni papa.

"Bakit di natin tulungan papa? Mag-isa lang siya." sambit ko.

"Ken, sapat na ang mga bagay na naitulong ko sa kanya." kumunot noo ako ng marinig ang kanyang sinabi. Hindi ko insahan na sasabihin niya iyon.

Tuluyan na kaming nakalapit sa matanda. Binaba ng driver ang salamin ng kotse at ako na mismo ang nagabot ng relief.

Muli ay nakita ko ang mga ngiti niya.

Nang hihinayang lang ako nang umandar na ulit ang sasakyan. At may kung anong bumalot sa puso ko.

"Papa, kita mo ang ngiti niya? Masayang masaya siya sa kaunting tulong."

Napailing naman si papa. "That's not the reason behind his smile."

"Po? Ano pala kung ganoon?"

Napabuntong hininga muna ito bago sumagot....

"I tried to tell you but I'm afraid. You....You are adopted. H-He's happy to s-see you." nauutal pa niyang sabi.

May sinasabi ang isip ko pero parang ayokong tanggapin. Gusto kong marinig mula sa kanya ang totoo.

"B-Bakit?"

"He's your biological father. Pina ampon ka niya sa akin dahil di ka niya kayang buhayin. Your mom died on the process of giving birth. He's happy to see you. You are the real reason behind his smile."

I can't say any word. A single tear fell down my cheeks. Damn! I fooled that old man.

I fooled my own father.