1 Start

WELCOME TO THE REAL WORLD

PANIMULA

Alam naman natin na ang mundong  kinalalagyan natin ay totoo sa lahat ng bagay.

Hindi fictional, na nabababasa natin sa libro.

Hindi rin ito romance/love story na napapanuod natin sa telebisyon na lahat may happy ending.

At ang higit sa lahat, Hindi ito horror movie na pag natakot ka, tatakbuhan mo nalang.

Ito ay Reyalidad.

Ito ang Reyalidad na susubok sa pasyensya mo araw-araw.

Ito ang Reyalidad kung saan maraming problema.

Ito ang Reyalidad na hinding hindi mo matatakbuhan.

Ito ang Reyalidad na may happy story at sad story pero walang ending.

Ito ang Reyalidad na walang faries na tutulong sayo.

Ito ang Reyalidad na susubok sa kakayahan mo.

Ito ang Reyalidad na may nawawala at meron din dumarating.

Ito ang Reyalidad na may namamatay.

Ito ay Reyalidad na may sinisilang.

Ito ang Reyalidad na sa totoong mundo, tayo ang may hawak ng ating desisyon sa buhay.

Hindi ang Tadhana, hindi rin ang ibang tao.

Ang buhay na tinamasa natin sa kasalukuyan ay nag babase sa ating piniling desisyon sa nakaraan.

Kaya kung maganda man o pangit ang naging resulta sayo. kagagawan mo yan at hindi nang ibang tao.

But, how to choose the right decision?

How will I know, if the decision I made is right or wrong?

Alam kong maraming tanong ang tumatakbo sa isipan natin.

Maraming tanong na bakit?

Ano?

paano?

kelan?

saan?

Na minsan hindi nating alam ang kasagutan sa mga tanong na ito.

Ang mga nangyayare sa atin ay pagsubok lamang.

Meron ding good at bad karma na nag re-reflect sa mga nagawa mo sa ibang tao.

Hindi natatapos ang buhay natin sa mga pagsubok. Ito ay kakambal na ng ating buhay. Kasama na sa pang araw araw nating buhay.

Kung walang pagsubok walang kwenta ang buhay.

Wala naman pagsubok na hindi nasusulusyonan.

Lahat ng problema may solusyon.

Na sa tao lang naman yan kung paano nila I handle ang situation.

Kaya yung iba nag papakamatay dahil sa frustration. Hindi na nila alam kung paano masosolusyonan ang problema.

At yung iba naman nalalagpasan nila dahil sa paniniwala sa Diyos at sa kakayahan nilang malutas ang problema.

Kaya...

Be careful on what decision you choose, because it affects your future.

------------ 

Sinusulat ko ang kwentong ito dahil gusto kong ilabas ang mga gusto kong ipahiwatig sa pang araw araw na nangyayare sa ating buhay.

Sinusulat ko ito para sa ikagagaan ng pakiramdam ko.

Walang pakialamanan.

Trip ko to.

Kung ayaw mo nito. Wag mong basahin.

Hanap ka ng ibang trip mo. Sana yung mahanap mo. Trip ka rin hahaha

avataravatar