webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · Teen
Not enough ratings
40 Chs

Four

(F8 Private Room)

(Wednesday Morning)

(Callix's POV)

To Pink Steno Diary, 

Compilation No. 474:

 

Diary, tama kayang i-disguise ko ang katauhan ko sa lahat?

 

Kasi nakausap ko si Miyaki nung Monday at nasabi ko sa kanya ang tungkol sa disadvantages ng pagiging sikat. Pinayuhan niya ako na magtago na lang kung ayaw ko na ng masyadong nagugulo pa ang buhay ko.

 

Ayoko nang magulo pa ang buhay ko, pero ayaw ko ring makapanloko ng tao sa fake identity ko.

 

Hanggang dito na lang Pink Steno Diary. Babalitaan na lang kita bukas.

 

-Callix Jesh-

 

Pagkabasa ko ng diary ko ay itinago ko na ito sa bag ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa sinabi ni Miyaki. 

Dapat nga ba akong magtago sa lahat?

Inilabas ko sa bag ko ang isang mahabang dark brown wig, pinaglumaang uniform ni Monique at ang make-up kit na pinuslit ko pa sa draw box ni Ate Beatrice.

Ano bang pumasok sa isip ko para magdala ng mga weirdong bagay na ito?

Bahagyang naudlot ang pag-iisip ko nang may marinig akong mga estudyanteng nag-uusap sa labas ng private room.

" Matanggap kaya ni Prince Callix ang gift ko?"

"Oo naman noh! Galing Paris yan eh!"

"Ano, pasok na tayo?"

"Wag na, nakakahiya."

"Eh di iwanan na lang natin yan sa tapat ng door!"

"Eh pano kung nakawin yan?"

"Geez....pano naman nanakawin yan, eh halos mga rich ang nag-aaral dito noh!"

"Kunsabagay, may point ka. Halika na, baka mamaya, maabutan pa niya tayo!"

At umalis na ang dalawang babaing yun habang ako naman ay napapailing na lang.

Yan ang disadvantage of popularity na sinasabi ko kay Miyaki. Lagi ka na lang pinapakialaman ng ibang tao.

Bumalik ulit ang tingin ko sa wig, uniform at make-up kit. Kinuha ko ang mga yun at lumabas ako sa private room. Hindi ko pinansin ang regalong nakalagay sa gilid ng pinto ng room.

Dumiretso ako sa CR at isinuot ko ang mga yun. 

Paglabas ko, isa na akong pokpok na bakla.

Sinubukan kong maglakad sa corridor at natutuwa ako dahil walang pumapansin sa akin, although pinagtatawanan ako ng iba.

Hanggang sa nadako ako sa locker room. Pumasok ako at kunwaring may kukunin sa locker ko nang mapansin kong nag-uusap ang mga babaing sa boses pa lang ay kilala ko na. Mga classmates ko sila sa IV-Dalton at mala-impyerno ang kanilang mga pag-uugali, sina Chiqui, Fruitcake at Yesha.

Ano naman kaya ang pinag-uusapan ng mga panget na 'to?

"Haay naku Chiqui, kawawa talaga yung new adviser natin! Lagi mo na lang pinapaiyak!"

"FYI Yesha, she's so stupid! Hindi siya bagay na maging adviser naging noh! Like.....duh! May matututunan ba tayo sa kanya?!"

Haay, sabi ko na nga ba't si Miss Lanie ang pinagtsitsismisan ng mga walang manners na mga babaing ito.

Kung i-de-describe ko ang mga panget na to, malamang ay baka mapaso lang ang dila ko, pero dahil nandito na rin ang tatlong 'to sa eksena ko, ikukwento ko na rin sila sa inyo (utos kasi yun ni author.....hehehe.....)

Fruitcake Sy is one of the top 10 from first to third year high school. Matalino sa Social Studies at Elective Math pero mas primera una sa kamalditahan, kaplastikan at pagiging tsismosa. Pero kabaliktaran ni Fruitcake si Yesha Valenciano. Certified loser sa academics si Yesha, palaging mabababa ang grades sa lahat ng subject. Babalik sana siya sa third year pero nang dahil sa mga special projects, hayun at nakapag-fourth year. And the Satan's soon to be replacement (he he...) Chiqui Jung, ang Koreanang queen bee na patay na patay sa F8 boys. Certified maldita, tsismosa, feelingera, malandi at plastik. Kinaiinisan ng lahat dahil sa mala-apoy na pag-uugali niya. 

Nang pakunwari kong isinara ang pinto ng locker ko ay lumabas na ako ng locker room. Habang sinusuklay ko ang wig ko ay naramdaman kong bumangga ako sa isang tao.

"Ouch!"

"Ay sorry!"

Nagkunwari akong nataranta nang makita kong nabangga ko si Chiqui at natumba pa siya sa sahig.

Sinubukan ko pa siyang alalayan. "Hala, sorry talaga! Di sinasadya ketch!"

 

"Don't you dare touch me!" singhal niya sa akin sabay tabig ng kamay ko. Lumapit si Fruitcake at iyon ang tumulong sa kanya.

"Sorry," sabi ko ulit sa kanya.

"Sorry?! Are you blind?! Hindi mo ba nakikitang may tao dito, ha?!"

"Tao ka pala, kala ko si Sadako." ang inis na bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig yata ni Bruha dahil agad siyang nag-violent reaction sa sinabi ko.

"What did you just said?!"

"Sabi ko sorry na, hindi kita napansin."

"Oh-M-Gosh!! Sa ganda kong to, di mo ako napansin, ha?!"

Tse. Mas maganda pa si Vice Ganda kesa sayo.

"Hoy, alam mo bang walang hindi nakakakilala kay Chiqui dito sa school na 'to?!" sabad ni Fruitcake.

"Uhmm, I don't know her....." ang pagkukunwaring sabi ko kahit na gusto ko nang patayin ang tatlong lintang ito.

Pero mas nagalit pa yata sina Chuckie (Chiqui), Fishcake (Fruitcake) at Yema (Yesha) sa sinabi ko.

"YOU FREAK! Una binangga mo ako tapos sasabihin mong di mo kilala ang 'Queen Bee' ng school na 'to?!" sigaw niya sa akin na kulang na lang ay sumabog siya sa sobrang galit niya.

Wait a minute, kapeng mainit, tama ba ako ng dinig? QUEEN BEE?! May Famous Eight na nga, may 'queen bee' pa?! Ayos ang accent ah! Kala ko, nasa Koreanovela na ang drama  peg ng school na 'to, pati ba naman mga Mean Girls, nandito na rin?! Anong susunod, The Great Gatsby casts?! Haru jusko, takas ba sa mental hospital ang mga babaing ito?

But in the other side, bagay na bagay naman kay Chuckie ang pang-Rated SPG niyang title, QUEEN BEE: BUBUYOG QUEEN! Mga ubod ng tsismosa! More chika, more fun!

"Ay atey, sorry if I don't know you and sorry if I bumped you. Is it okay?" ang mala-Jordan Belfort na sabi ko sa kanya habang nagpipigil pa akong bugbugin silang tatlo.

"Hoy ikaw bakla ka, sino ka para umasta sakin ng ganyan ha?!" tinulak niya ako kaya naman napaurong ako. "Eh mukha ka namang bayarang bakla!" tinulak-tulak pa niya ako. "Hindi ka bagay dito, mas bagay ka sa squatters area!" This time, mas malakas na ang pagtulak niya sa akin at alam kong matutumba na ako anytime.

Hanggang may humawak sa magkabilang braso ko na naging support ko para hindi ako tuluyang matumba.

Napalingon ako sa kung sino yung taong sumalo sa akin at laking gulat ko nang makita ko si Miyaki na inalalayan akong makatayo ng maayos.

"M-Miss Miyaki..." ang gulat na gulat na sabi ni Chuckie the Bubuyog Queen. "A-ano, t-tinuturuan lang namin ng leksyon yang baklang yan!" pag-depensa pa niya sa sarili niya pero inisnab lang siya ni Miyaki.

Napatingin siya sa akin at laking gulat ko nang inakbayan ako ni Miyaki sabay sabing, "Pinsan! Kanina pa kita hinahanap ah!" at binigyan ako ni Miyaki ng isang "maki-ride on ka na lang look."

"Ay ganun ba Couz? Sorry ha, naghunting pa kasi ako ng mga pogi sa school!" ang kunwaring malanding kinikilig na sabi ko kay Miyaki. 

"Halika na couz, baka hinahanap na tayo ni Ate Ayako sa office niya!" ang sabi niya sabay hila niya sa akin palayo sa tatlong bubuyog na yun.

Nang malayo na kami sa mga taga-mental na mga babaing yun ay bigla-bigla na lang niya akong binatukan ng malakas.

"Aray! Ba't mo ko binatukan?" ang halos magtaka kong tanong sa kanya.

"Duwag ka kasi eh! Dapat nilabanan mo sila!" ang sigaw niya sa akin.

"Sorry, hindi kasi ako war freak na bakla. Kahit na binatukan mo pa ako, salamat sayo, iniligtas mo ako sa kanila." ang sincere na sabi ko sa kanya habang tinatago ko ang pagkakilig ko sa kanya.

"Walang anuman yun, tsaka kaya lang naman kita binatukan para magtanda ka na at maging aware sa mga yun. By the way, ako nga pala si Miyaki. Ikaw, anong pangalan mo?" ang tanong niya sa akin.

"Ahm...I'm Calla. Calla Flores." ang alibi ko na lang sa kanya. "Carlo talaga ang pangalan ko." ang pagsisinungaling ko na lang sa kanya.

"Nice to meet you Calla." ang masayang sabi ni Miyaki sabay abot niya ng kamay sa akin para makipag-shakehands. 

"Nice to meet you too, Miyaki." sabay shake hands ko sa kanya. Habang nagkakamayan kaming dalawa, nakakaramdam ng mumunting kuryente ang mga palad ko kasabay ng pagtibok ng puso ko. Parang ayaw ko na ngang bitawan ang kamay ng babaing mahal na mahal ko.

Hanggang sa...

"Wala ka yatang balak bitawan ang kamay ko Calla."

"Oh sorry!" sabay bitaw ko na sa kamay niya. 

"Anong year mo na?" ang tanong niya sa akin.

"Ahm....t-third year na ako." ang sabi ko naman.

"Well nice to meet you again Calla."

"Same to you Miyaki." ang sabi ko naman.

"Sige, aalis na ako ha! Mag-ingat ka sana." at nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa pisngi bago siya lumakad palayo.

"Sige Miya, mag-ingat ka rin!" sabay kaway ko sa kanya. Siya naman ay kinawayan din ako bago siya umalis sa corridor.

Nang wala na si Miyaki ay nanlulupaypay kong isinandal ang ulo ko sa pader ng corridor sabay salat sa pisngi ko.

I blushed slightly nang maalala ko ang paghalik niya sa pisngi ko. Ito ang very first time na nahalikan ako sa pisngi ng isang babae....at ni Miyaki pa.

Pero bigla-bigla na lang akong tinamaan ng konsensya ko. Nagsinungaling ako sa babaing mahal ko. Nagawa ko siyang mapaniwala sa fake identity ko. Pero naisip ko na ito na lang ang huli naming pagkikita ni Miyaki bilang si Calla.

Ito na talaga ang huli.

(Lunchtime)

(Principal's Office)

(Miyaki's POV)

"I'm transferring you to IV-Dalton, Miyaki."

Kasalukuyan along nandito sa principal's office at halos mapatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi sa akin ni Ate Ayako, ang ate ko and at the same time, principal ng Eton International Academy of Science.

"IV-Dalton? Ako? Bakit?"

"Tinignan ko yung files mo and I noticed that you grades are very impressive. I think this is the time to put you on that section. Don't worry Miya, bukas pa naman kita ililipat sa IV-Dalton dahil for today, hahayaan muna kitang makipag-bonding sa mga classmates mo. I'm sure, malulungkot sila sa paglipat mo ng section."

 

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

Ako na si Miyaki Kaite Miyazako na certified tibo at DOTA Master........

Ay mapupunta sa IV-Dalton?!

O-M-God!!!!

IV-Dalton, the 4th Year's star section. Sila ang section na kung sana nagsama-sama ang mga tinaguriang "jack of all trades." Hindi necessarily na nasa top position sila, pero sila yung mga estudyanteng nakakalamang sa larangan ng sports, arts, music at kung anu-ano pa, mga talented students. Lahat ng nasa section na yun, nagsha-shine. Yung tipong kilala sila ng lahat ng mga estudyante dito sa school na ito. Pero kung gaano kataas ang kasikatan nila sa school na 'to, ganun din kataas ang tingin nila sa mga sarili nila na tipong ang tingin nila sa mga estudyante dito ay parang mga surot lang.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ng ate ko at inilagay niya ako sa section na kung sana nagsama-sama ang mga stupid----ah este mga students na pinakamagaling, pinakasikat, pinaka-angat, pinakamayaman at pinakamatapobre sa lahat.

Magiging kaklase ko na ang mga mapagmataas na mga estudyante sa IV-Dalton, idagdag mo pa na nandun sa section na yun ang mga Mean Girls na sina Chiqui, Fruitcake at Yesha na nambully kay Calla kanina.

At nandun din ang F8, including my Kuya Ruki and Callix Jesh.

Waaaahhhhhhh!!!!!!

Mukha yatang magiging heaven and hell ang huling taon ko dito sa school na 'to!!!