webnovel

The Phantom Slayers: The Destined Teens

missingnotion · Fantasy
Not enough ratings
14 Chs

10: Hiruu is Our Teacher?!

VION

Yung dapat na pahinga ko ay hindi na nangyari dahil kanina. Si Hiruu naman ay panay ang tanong sakin kung okay lang ba ako. I'm getting annoyed.

"Sigurado ka bang hindi ka sinaktan? Phantom ba talaga yung nakita mo? Anong itsura? Pano nangyari yun?" Sunod-sunod niyang tanong. Napahilamos naman ako sa sariling mukha.

"It's a tiger with black smoke all over its body. But it's just weird. That tiger's wearing a mask." Seryoso kong sabi. Biglang nawala ang pag-aalala sa mukha ni Hiruu at naging seryoso ito. I think I just said something.

"May suot na mask? Anong kulay ng mask?" Seryoso niyang tanong. Inalala ko naman yung itsura ng mask na suot ng tigre.

"White mask with one hole. May symbol itong parang mata but weird. Kulay pula naman yung symbol." Pagpapaliwanag ko. Kita ko sa ekspresyon niya ang pagkagulat. Magtatanong sana ako tungkol doon ng magsalita ulit siya.

"Halika na. Kakain na tayo. May klase ka pa mamaya di ba? Huling klase mo na iyon." Aniya saka tumayo't lumabas ng kwarto. Naiwan naman akong nakatunganga sa loob. Anong nangyari doon?

Bago ako lumabas ay kinuha ko na yung bag ko. Siniguro ko naman na nakasara ang mga bintana maging ang pinto saka ako lumabas at tumungo sa cafeteria. Habang naglalakad ay naramdaman ko ulit na parang may sumusunod sakin. Huminto ako't tumingin sa likuran. Doon ko nakumpirmang may sumusunod nga sakin. Naghanap ako ng pwedeng pagtaguan at doon nagtago.

"Let's see who's the one following me." Pagkausap ko sa sarili. Andito ako ngayon sa gilid ng mga malalaking kahon. Ito lang yung nakita kong pwedeng pagtaguan. Tumingin muna ako sandali sa cellphone ko. 12:36 pa lang, may oras pa ako para kumain.

Nakarinig naman ako ng mga yabang papunta sa gawi ko kaya hindi ko na pinalampas ito upang mahuli kung sino yung sumusunod sakin.

"Ahhhh! Tulong! Hmmmp!" Tinakpan ko naman yung bibig ng babaeng nahuli ko. Seriously? A girl?

"Tatanggalin ko lang tong kamay ko kapag nanahimik ka." Seryoso ko sabi habang matalim siyang tiningnan. Tumango naman siya then I release my hand.

"Who are you? Why are you following me?" Sunod-sunod kong tanong at tila nagulat siya.

"D-di ba i-ikaw si V-vion? C-class 1-B ng S-class?" Utal niyang tanong. Tumango naman ako.

"May ibibigay sana ako sayo. Hindi ko naman alam na magiging ganito to." Nahihiya niyang sabi habang hindi makatingin sakin. Tinaasan ko naman ito ng isang kilay.

"What is it?" Tanong ko. May iniabot naman itong box na kulay blue at may silver na ribbon. What the heck?! What is that thing?!

"Uhm....tatanggapin mo ba o itatapon ko na lang?" Tanong niya. Napabalik naman ang atensyon ko sa kanya. Kinuha ko naman yung box.

"Ayan nabigay mo na. You can leave me alone." Seryoso kong sabi. Kumaripas naman ito ng takbo habang ako naman ay pumunta na sa cafeteria.

Pagkapasok ko ay agad na nagsitinginan yung mga estudyanteng kumakain sa loob. I didn't give a damn care to their stares. Hinanap ng mga mata ko sina Hiruu at hindi naman ako nabigo.

"What took you so long?" Inis na tanong ni Hiruu ng makalapit ako sa kanila. As usual, kasama namin ulit sina Harley at Ayumi.

"Wala naman." Sagot ko.

"Oohh! What's that box? Galing sa admirer? Biruin mo yun, may admirer na kapatid mo Hiruu! Just like you noong unang pasok mo dito! Chicks magnet talaga kayong magkapatid!" Wika ni Ayumi. Inilapag ko naman sa mesa yung dala kong box saka umupo.

"Kumain ka na Vion. You only have 16 minutes to eat. Ayumi, ubusin mo na rin yang pagkain mo." Utos ni Hiruu. Kumain naman ako para makapasok na. Ayoko sa lahat ng nalelate sa klase. Well, maliban kanina.

"Can we open the box for you, Vion?" Tanong ni Ayumi. Sinuway naman siya ni Hiruu at Harley ngunit tinanguan ko lang siya. Masigla niya namang binuksan yung box at tumambad samin ang ilang brownies. Inalukan ako ni Ayumi na akala mo siya ang may-ari.

"I don't eat sweets." Pagtanggi ko. That's a fact. Hindi ako mahilig sa matatamis. It reminds me of my past.

"Mauuna na ako sa inyo may klase pa ako." Dagdag ko ng matapos akong kumain. Tinanguan lang nila ako dahil abala sila sa pagkain ng brownies. Hayaan na nga.

Pagkarating ko sa room namin ay kumpleto na. Medyo maingay sila dahil wala pa yung teacher namin. Late na ah. Tumabi na ako kay Inari at tahimik na inilabas yung notebook ko. Pinagpatuloy ko ang pagsusulat tungkol sa mga itatanong ko kay Hiruu mamaya.

"Good afternoon, class." Nabigla naman ako dahil sa narinig kong boses. Is that? Napaangat naman ako ng tingin. Hiruu? Nakasuot ito ng maroon coat na hanggang binti. Nasan na yung gold coat niya?

"My name is Hiruu Cael Buencamino. I'm your adviser for physical training." Pagpapakilala niya. Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya. Seryoso ba to? Si Hiruu? Teacher namin? Pambihirang buhay to! Pano nangyari yun? Third year lang siya ah.

"Some of you might know me and some aren't. Some are confused." Seryoso siyang napatingin sakin. I really am confused on what's going on. Napatayo naman ako.

"Talagang naguguluhan ako! Pano nangyaring teacher ka namin?!" Sigaw ko. Rinig ko naman ang pagsinghap ng mga kaklase ko. Siguro dahil sa biglang sigaw ko. I don't care!

"Please sit down, Mr. Buencamino. To those who don't know me yet, I properly introduce my self. Sorry for the behavior of my brother." Aniya. Umupo naman ako at saka nakinig.

"Again, I'm Hiruu Cael H. Buencamino. A third year student and also your physical training adviser. I'm a 1st graded rank slayer. I got selected as a teacher because of my knowledge and skills." Pagpapakilala niya.

"As you can see, isa ako sa mga pinakabatang guro ng Tcycheiro at isa rin sa pinakabatang 1st rank slayer. Tatlo kaming pinakabata na teacher dito. Still, kahit na third year lang ako, I'm still your senior. So, address me politely." Dagdag niya pa. Napatingin ako kay Inari ng magtaas siya ng kamay.

"Sir! Yung kasama niyo po bang dalawa ay mga third year or fourth year po? O kaya fresh grad?" Tanong niya.

"We're all both third years. Siguro naman kilala niyo sina Harley at Ayumi. They're also a teacher."

Seryoso? Yung madaldal na iyon? Teacher? Pati na rin si Harley? How?

"You mentioned a while ago Sir, about sa physical training. Training po ba yun samin para maging slayers?" Tanong naman ni Lonndin.

"Yes. Pero ang mga napili lang ang makakaattend ng physical training and I have the lists of names here." Sagot ni Hiruu. Napansin ko naman ang papel na dala niya.

"Those who aren't chosen will proceed to their regular classes. So, ang mga napili lang ang matitira dito sa S-class." Pagpapaliwanag niya. Tumango naman kami bilang sang-ayon.

"Hindi ako magkaklase ngayon dahil sasabihin ko na kung sinu-sino ang mga mananatili dito sa S-class. Take note that the principal's the ones who chooses. Kung sino yung mga natawag ko ay pumunta dito sa unahan."

"Thorald Matsumoto." Tumayo naman si Thorald at naglakad patungo sa unahan.

"Areti Salazar."

"Inari Delejas." Tumayo naman yung katabi ko.

"Lonndin Valderama."

Tahimik lang akong nakatingin sa kanila na nasa unahan.

"Lastly, Vion Buencamino." Gulat akong napatingin kay Hiruu. Mataman ko siyang tiningnan kung nagbibiro ba siya ngunit seryoso ang kanyang mukha. Tumayo ako't lumapit sa kinaroroonan ng ibang nakatayo.

"To those na hindi napili, you may now proceed to your regular classes. Thank you for your cooperation." Ani Hiruu. Nagsipagtayuan naman yung mga kaklase namin at saka tahimik na lumabas ng room.

"The five of you, go back to your sits. Magsisimula na tayo. Alam kong marami kayong tanong." Nagsipag-upuan naman kami. Nakaramdam naman ako ng kakaiba. Sobrang laki ng space dito sa room para saming lima. Nakakapanibago kahit na hindi naman ako gaanong nakikipagsocialize sa iba. Tahimik lamang kaming lima.

"You can ask your questions now." Pagsira ni Hiruu sa katahimikan.

"Bakit lima lang kami?" Tanong ni Thorald.

"That's the decision of the principal, Mr. Matsumoto."

"Bakit kailangan pa ng iba naming kaklase na umalis?" Si Inari naman ang nagtanong.

"They can't be with you. Iba ang S-class kaysa sa regular class. S-classes are only for slayers. Trainings and others things are on it."

Argh! Gulong-gulo na ang isip ko ngayon! I really some explanations later! Para na akong mababaluw dahil sa mga nalaman ko. To much informations would kill me!

"So, S-class is not an ordinary class?" Tanong ni Lonndin.

"Yes. As I've said earlier, it is for slayers. Kaming mga teachers ng S-class ang magtuturo sa inyo kung papano maging slayer." Magtatanong pa sana si Thorald ng biglang tumunog yung bell hudyat na tapos na ang klase.

"We're done for today. Bukas ay magsisimula na kayo. Bring extra shirts. You might need it." Dagdag niya. Nagsipagpaalam na yung mga kasama ko. Tanging ako at si Hiruu na lang ang natira. Nakatingin lang ako.

"I know." Mahina niyang sabi. Kalauna'y lumabas na rin kami saka bumalik sa dorm upang magpahinga.