webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 97 - NOAH AND THE MAJOR RESBAK!

CHAPTER 97 - NOAH AND THE MAJOR RESBAK!

----------

PENELOPE THOMPSON POV

Nandito ako sa labas ng private room ni Mommy Isabel kasama ko yung bodyguard na iniwan nila dito, iniintay ko kasi si Paul Eros sabi kasi ni Daddy Albert na pinauna na nila para makauwi ang baby ko.

2 hours later...

Napatayo agad ako nang makita kong yung mga bodyguard ni Daddy Albert at ang Nurse na may bitbit kay Baby Eros na papalapit sa amin. Hindi ko na nahintay na makalapit sila dahil tinakbo ko agad sila para makalong ko agad si Baby Eros at mayakap grabe talaga ang pag aalala ko sa ka nila ng ama niya.

At nang makuha ko na si Baby Eros ay hindi ko na mapigilan na mapaiyak dahil sa awa ko sa anak ko dahil baby pala siya ay nakaranas na agad siya ng ganito. At nang maalala ko ang asawa ko agad kong tinanong sa bodyguard ni Daddy Albert.

"Kuya kamusta na po ang asawa ko ano pong balita?" mangiyak ngiyak na tanong ni Penelope.

"Ahh Ma'am ang huli kong balita sa kanila ay may nakuha silang tauhan mula duon sa kalaban, at hindi ko na po alam yung iba pang mga details kasi pinauwi na po kami agad dito para sa baby ninyo po." balita ng bodygurad.

"Ahh kuya salamat po."

"Wala po yun Ma'am, wag po kayo mag alala masyado dahil alam ko pong maiiligtas po nila ang asawa po ninyo dahil madami pong tauhan ang Daddy po ninyo lalo't nanduon din po si General." wika ng bodyguard na kinakalma si Penelope sa pag aalala nito sa kanyang asawa.

" Sana nga po at wala din sanang mangyaring masama sa kanila at sana ay makauwi silang lahat na ligtas." wika ni Penelope na patuloy sa pag iyak.

Hindi ko na maiwasang hindi umiyak dahil sa pag alala at takot.

"Ma'am wag po kayo masyadong umiyak baka po mapaano po kayo, magpaka tatag po kayo para sa anak po ninyo ni Sir Ethan. At tsaka alam ko po na sobrang mahal na mahal po kayo ni Sir. Ethan hindi niya po hahayaan na mawala po siya sa inyo kaya magpakatatag po kayo para sa pamilya po ninyo Ma'am." nakangiting payo ng bodyguard.

Mas lalo pa akong naiyak sa sinabing iyon ni kuya Guard. At maya maya ay nagpaalam na silang umalis dahil kailangan pa daw nilang bumalik sa lokasyon.

Kaya pumasok na ako sa loob para mapatulog ko na din ang baby ko.

---------

Maya maya ay kumalma na ako at sinimulan ko nang magpa breastfeed sa anak ko na si Baby Eros dahil alam kong gutom na gutom na siya. At habang nadede siya sa akin ay hindi ko naman maiwasan na hindi maging emosyonal dahil sa tuwing tinititigan ko ang mukha ng anak ko ay naaalala ko talaga ang asawa ko dahil kamukhang kamukha niya si Ethan wala man lang siyang nakuha sa akin maski nga si Baby Elisse may nakuha naman siya kahit papano sa akin pero halos kamukha pa rin siya ng Daddy niya dahil sa mata din nilang pagkaganda ganda, kulay aqua blue.

I miss you so much, Daddy. Miss na miss ka na namin ng mga anak mo. Nandito lang kami naghihintay sayo. Mahal na mahal ka namin,..

SAMANTALA...

NOAH MILLER POV

Nakarating na kami sa wakas at nagtungo agad kung nasaan yung mga kasamahan namin dahil malamang ay inaantay na din nila kami. Bumaba kami ng sasakyan para makasama sa kanila bitbit ko na din ang mga armas na kakailanganin namin at ng mga kaibigan ko. Unang bumungad sa akin pagbaba ay ang matalik kong kaibigan na si Enzo.

" Oh bro, musta na dito ano balita kay Ethan" agad na tanong ni Noah kay Enzo.

"Ayun may nakuha silang tauhan mula sa kalaban kinakausap na nila, at nagplaplano na din para makapasok sa loob ng abandon building." tugon ni Enzo.

"Ahh buti umabot kami, at alam ko din wala kayong gamit na dala ni Lucas, oh eto." wika ni Noah sabay abot ng shotgun at pistol.

Sakto naman ang dating ni Lucas kaya naiabot ko din ang kanya.

"Finally you're here bro. Nga pala anong ginamit mong sasakyan? Buti kasya sasakyan mo dito? Eh liblib tong lugar na to tsaka sobrang kitid ng daan." tanong ni Lucas habang pinagmamasdan ang kanyang baril na inabot ni Noah.

"Oo nga bro, pano mo naitawid yun?" dagdag ni Enzo.

Di ko alam kung paano ko ba ieexplain sa kanila basta inginuso ko nalang yung police car na naka park sa tapat namin. At sa hindi inaasahang pagkakataon paglingon nila ay sakto namang paglabas ng isang napakagandang dilag. Morena, sobrang fit ng katawan, color brown ang buhok, at may katangkaran din.

Napatulala ang dalawa kong kaibigan kasabay ng paglapit sa akin ni Leuize or I must say Police Major. Leuize Maddison Samonte.

"Oh, naiwan mo." wika ni Leuize sabay abot ng bulletproof vest nito at matapos ay umalis na din ito agad at nagtungo na sa loob.

Pero bago pa man siya pumasok ay sinita niya din kami dahil kailangan na nga naming kumilos para sa kaligtasan ng kaibigan namin.

"Ohh ano kayo dyang tatlo? Puro porma lang? Pumasok na kayo sa loob at baka mapasama pa kayo dyan." matapang na pagkakasabi ni Police Major. Leuize Samonte.

At natural agad kaming sumunod, at habang naglalakad kami ay hindi na din makapag pigil ang dalawa na usisain kung paano ako nakasabay sa masungit na pulis na yun. At gulat na gulat sila sa nalaman nila.

"Wtf? Really, bro?" gulat na gulat na pagkakasabi ni Lucas.

"Shh! Shut the f*** up bro. Ayaw niyang pinagchichismisan siya lalo sa oras ng trabaho." tugon ni Noah.

"Iba ka talaga bro, all I can say is Goodluck." wika naman ni Enzo.

At nakapasok na nga kami sa loob. Inabot na din sa amin ang bulletproof vest ng dalawa ko pang kaibigan. At pagkatapos ay pumunta kami sa room kung nasaan si Leuize para ilagay ang iba pa naming kailangan like yung first aid kit.

Habang nasa loob ay tinuruan din kami ni Leuize ng mga galaw kapag nasa loob na at ilang instructions din kapag nagkagipitan. Matapos ng mabilisang turo ay nagpaalam na siya sa amin.

"Thanks, babe. Napakagaling mo talagang magturo." wika ni Noah pero hindi ito pinansin ni Leuize at nagpatuloy nalang sa pag aayos nito ng gamit.

At syempre as a romantic guy like me eh hindi ko napigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya at akmang hahalik. Goodluck kiss kumbaga.

" Shit Noah umayos ka nga pati ba naman dito ang landi mo, bitawan mo ko at baka mabaril kita, Di ka ba nahihiya sa mga kaibigan mo? Bitawan mo ko." inis na sabi ni PMAJ. Leuize.

"Grabe ka naman babe gudluck kiss lang naman e." nakangusong sagot ni Noah

"Umayos ka, Noah. Ohh eto yung kit, nakaayos na yan ibigay mo nalang sa kanila. Sige na babalik na ako sa loob." wika ni PMAJ. Leuize sabay alis ng kamay ni Noah sa kanyang braso at umalis na ng room.

Nang tumalikod na si Leuize at nakalabas ay nakita ko si Enzo at Lucas na tawa ng tawa pero hindi ko nalang pinansin at inabot na sa kanila ang inayos ng aking nobya na first aid kit.