webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 90 - WHAT A FUN CHRISTMAS

CHAPTER 90 - WHAT A FUN CHRISTMAS

----------

ETHAN SMITH POV

DEC. 24, 2020

TIME CHECK: 5:00 PM

1 PM nang umalis sina Noah at Enzo. At maya maya ay naisipan na naming mag umpisa na sa pag gayak para sa aming salo salo mamayang 11 pm. White Christmas ang theme namin sa bahay kaya ganun na din ang ginawa naming tema o disenyo sa pag gagayak para aming salo salo mamaya. Mga kulay ng gold, white, and silver.

Nagtulong tulong na kaming lahat, pero siyempre dahil bawal mapagod ang asawa ko kaya siya nalang ang nagsasabi sa amin kung ano pa ang kulang o idadagdag namin sa pag dedecorate sa rooftop namin. Naisipan din namin na ilabas ang Christmas Tree namin. Inilagay namin ito sa gitna kung saan nakalagay din ang mga regalo namin para sa mga dadalo mamaya.

Samantalang si Nanay Helen naman at Jessica ang nagtulong sa pagluluto.

PENELOPE THOMPSON POV

TIME CHECK: 9:00 pm

Di ko namalayan na nakatulog pala ako dito sa sofa sa may rooftop. At pag gising wow! Infairness ha, ang ganda ng pagkaayos. Ready na din ang mga pagkaen. Nakaramdam na agad ako ng gutom kaya nauna na ako sa kanila. Sinabayan din naman ako ng asawa ko dahil hindi din naman ako sanay na kumaen mag isa.

Nagiintay nalang kami ng bisita at sabi sa akin ng asawa ko na on the way na daw ang Mommy at Daddy ko. Samantalang sina Mommy Isabel at Daddy Albert ay mahuhuli lang daw ng kaunti dahil hanggang ngayon ay nag bibigay pa din sila ng bonus sa mga empleyado nila.

Ding! Dong!

At ang una naming bisita.

"OMG! I love you Bethina! I missed you so much." wika ni Penelope sa kanyang pamangkin na si Bethina na tumakbo sa kanya at niyakap dala dala ang regalo niya daw para sa kambal.

"Aww, thank you Ate Bethina. The twins would probably love it." nakangiting sabi ni Penelope sa pamangkin.

Sabay takbo kay Ethan at yumakap. Samantala, bumeso din sa akin ang Kuya ko at si Ate Bella. May mga kanya kanyang regalo para sa kambal.

"Grabe ha, ang dami nang natatanggap ng kambal pano naman ang mga magulang? Hahaha." biro ni Penelope sa mag asawang sina Patricka at Bella.

"Eto sissy oh. Hahaha. Para sa inyo ng asawa mo. Sigurado ako na magagamit nyo tong gift namin ng kuya mo. Saka mo na buksan ha kapag kayo nalang dalawa." pagbigay ng regalo ni Bella para kina Penelope at Ethan.

"Parang kalokohan tong gift niyo ahh. Nacurious tuloy ako. Hahaha." nakatawang tugon ni Penelope sabay tabi ng regalo sa ilalim ng white christmas tree.

At pagkatapos ay nagchikahan na muna kami habang nag iintay pa ng mga sunod na bisita.

At kalahating oras ang makalipas ay sina Mommy at Daddy na ang mga sumunod na dumating. Hanggang sa si Enzo naman ang sunod naming bisita.

At habang inaantay namin sina Mommy Isabel at Daddy Albert ay nagpatugtog na si Ethan para kahit papano ay magising na ang mga diwa namin. Binuksan na din maging ang mga disco lights. Sobrang saya lang ng vibe, hindi din naman kami makakaistorbo sa kapitbahay namin dahil malalayo ang agwat ng mga bahay dito.

Hanggang sa mag 11:30 pm nang dumating na sina Mommy Isabel at Daddy Albert. Lalong tumaas ang energy ng mga tao. Dahil pumasok sila nang sumasayaw at nagsayawan na din ang lahat sa indak ng Jingle Bell Rock ng Glee Cast.

Sobrang saya, puno ng tawanan at pagmamahal ang mararmdaman mo sa gabi na yun. Yung tipong sabik na sabik ang lahat sa isa't isa. Kantahan at sayawan hanggang sa sumapit ang alas dose nung gabi na yun.

Isang putok ang gumulat sa amin.

OMG! Fireworks!

Kaya lalong naging makulay ang gabi na yun habang masayang nag yayakapan at nagbabatian ang isa't isa ng "Merry Christmas!"

Sabay lapit sa akin ng asawa ko at niyaya ako sa gitna at niyakap. Habang tumutogtog ang Mistletoe ni Juistin Beiber.

"Hello hon, at kambal. Mahal na mahal ko kayo. Merry Christmas sa atin hon. Sobrang saya ko na ganito ka-bless at kasaya ng Pasko natin. I never expected na mangyayari to sa buhay ko.

Pasko na kasama ka at ng mga magiging anak pa natin. I know, every holiday will be so special. I love you so much. Salamat sa pagdating mo sa buhay ko, salamat sa pagiging isang mabuting ina sa ating anak at salamat din sa pagiging mabuti ding asawa para sa akin. Hindi ako magsasawang sabihin at iexpress na kung gaano kita ka-mahal. I knew it, right the first time i saw you. I wanna be with you forever. I love you much." wika ni Ethan habang naka yakap at nakatingin sa mata ni Penelope habang sinasabi ang kanyang nararamdaman para sa kanyang asawa.

"Nakakainis ka naman bakit mo naman ako pinapaiyak. Hehehe, pero hon. Thank you so much, and I love you more! Salamat din sa walang sawang pag iintindi at pagmamahal sa akin. I know all of your sacrifices never kang nawala sa tabi ko. Mahal na mahal kita. I want to spend the rest of my life with you hon. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin." emosyonal na tugon ni Penelope sabay halik sa kanyang asawa na nagpakilig sa buong tao na nakapalibot din sa kanila.

"Jusko naman! Bakit may paganon. Patrick ano na?! Galaw galaw please. Bahala ka wala kang pamasko sa akin mamayang gabi! Hahaha." biglang hirit ni Bella matapos ang romantic moment ng mag asawang Ethan at Penelope.

At nagulat kami nang pumunta din sa gitna ang aming mga Mommy at Daddy.

"Tapos na kayo mga anak ha. Kami naman mga thunders hahaha. Anak paki play ulit ng kantang Mistletoe. Kami naman ang magmomoment dito. Hahaha." biro ni Mommy Isabel na nakapwesto na sa gitna kasama si Daddy Albert. At sumunod din sina Mommy at Daddy nang tumugtog ulit at nirequest nilang kanta na Mistletoe ni Justin Bieber.

Hay grabe, nakakatuwa talaga si Mommy Isabel. At masaya din ako na nakiride na din ang parents ko. At talagang tinotoo nila ang moment nila sa gitna. Hahaha. Walang mapaglagyan ang tuwa sa nararamdaman ko nung gabing iyon.

Pagkatapos ay nagkainan na kami. At nang matapos ay inumpisahan na namin ang pagpapalitan ng mga regalo.

ETHAN SMITH POV

1 hour pagkatapos naming kumaen ay inumpisahan na namin ang pagpapalitan ng mga regalo. Bilang host ay ako na din ang nauna.

"Okay guys, listen. Bago natin banggitin ang pangalan ay kailangan magbigay na muna ng tatlong bagay na magdedescribe sa kanya at pagkatapos ay bubuksan din dito mismo sa gitna ang regalo. Okay?" paliwanag ni Ethan para sa kanilang exchange gift.

"Ako na ang mag umpisa tutal nandito na din naman ako eh. Okay, so ang nabunot ko hmm." napapangiting wika ni Ethan habang nag iisip ng tatlong bagay na magdedescribe sa nabunot niya.

"Okay, so eto siya ay mabait syempre, masipag, at madaming boyfriend na afam. Hahaha. Siya ay walang iba kundi si Ate Rose!!" nakatawang sabi ni Ethan sa kanyang nabunot.

Si Ate Rose ang isa sa tatlong kasambahay namin dito sa bahay at siya ang nakatoka sa paglinis ng bahay.

Pagkalapit niya ay niyakap ko agad siya. I am so excited na mabuksan ang gift ko para sa kanya.

"Salamat po Sir." mangiyak ngiyak na sabi ni Ate Rose.

Pag ope niya ng regalo.. Tada! Isang pares ng hikaw na may 12 carats of diamond.

"Wow, grabe naman po ito sir." naluhaluhang sabi ni Ate Rose sabay yakap kay Ethan.

"Salamat po sir, ang nabunot ko po ay mabuting ama, mabuting asawa sa kanyang asawa, tapos po pogi din po. Si Sir. Harvey." sabay hiyawan ng mga tao at binigay na din ni Rose ang regalo niya.

Pumunta na si Daddy Harvey sa gitna at binuksan na ang regalo.

"Aba, salamat Rose ha. Dalawa na kayo ng asawa kong nagsabi sa aking na pogi ako. Hahaha." biro ni Daddy Harvey kay Rose.

At pagbukas ni Daddy Harvey ng regalo, isang tshirt ng Lacoste.

"Wow, ang galante naman ni Rose. Salamat. I really liked it." pag appreciate ni Daddy Harvey sa regalong natanggap.

"Okay, etong nabunot ko naman ay ahm. Teenager, sexy, at mmm! May asim pa. Walang iba kundi si Nanay Helen." biro ni Daddy Harvey sa kanyang nabunot na si Nanay Helen.

"Nahampas pako. Hahaha." wika ni Daddy Harvey nang maiabot kay Nanay Helen ang regalo.

Pagkaopen ng regalo. Wow! Isang LV na shoulder bag. Ang galante naman ni Daddy.

"Aba salamat dito, Lolo Harvey. Hahaha. Eto naman pong nabunot ko ay Mabait, Sobrang matulungin. Ano ba yan naiiyak na ako. Kulang na kulang ang tatlong bagay para idescribe siya dahil sa dami nang kagandahan asal niya. Si Perfect Doctor po, ang mahal kong alaga na si Ethan." maluha luhang sabi ni Nanay Helen sabay yakap kay Ethan na katabi niya lamang.

"Aww, I didn't expected it Nanay. I love you so much!" wika ni Ethan habang yakap si Nanay Helen.

Kinuha ni Nanay Helen ang gift niya sa akin, at pagkabigay at pagbukas ko. I didn't expect na isang gitara ang naisip niyang iregalo sa akin. This was really special.

"Thank you Nanay Helen. Actually, sa mga hindi nakakaalam nag iisa lang talaga ang gitara ko at sobrang luma na niya. Bata pa ako gitara ko na yun. And having this na galing pa mismo sa sobrang special na tao like Nanay Helen. Sobrang salamat nanay. I know how expensive this guitar is. I will name this guitar as Helen. I love you Nanay." sabay yakap muli kay Nanay Helen.

At dahil sa akin natigil ang ikot kaya pinaakyat ko na ang asawa ko para siya naman ang sunod na magbigay ng regalo sa tao na nabunot niya. Kaya inalalayan ko siya dito sa gitna.

"Thank you hon. Hmm. So eto pong nabunot ko ay syempre pogi. Alam ko madaming pogi dito kaya alam ko nalilito kayo kung sino to. Pagkatapos ng pogi, macho."

Talagang rinig ang bulong bulongan grabe ang pamilya ko ang daming pogi at macho pala dito.

"at syempre may nag iisang asawa. Walang iba kundi si Kuya Piolo!" masayang sinabi ni Penelope.

"Wow, salamat Ma'am Penelope. Hindi ko talaga akalain na ako na pala yun. Hahaha." biro ni Kuya Piolo ang driver ni Dad na madalas ay nagiging driver na din namin.

At pag open ni Kuya Piolo ng regalo.

"Grabe naman ito Ma'am Penelope. Rolex pa talaga. Hindi kaya mamaga ang braso ko nito? Hahaha. Grabe. Salamat po ma'am." abot tengang ngiting pasasalamat ni Kuya Piolo.

"Eto naman po ang nabunot ko. Nako pano ko madescribe to ng hindi ako masesesante? Hahaha. Hindi biro lang po. Ang nabunot ko po ay pogi din po, matangkad, at tsaka pogi po talaga. Ang pinagmanahan ni Perfect Doctor. Si Boss Albert." makulit na sabi ni Kuya Piolo.

Kilala naman talaga namin na makulit itong si Kuya Piolo at likas na komedyante talaga.

"Salamat Kuya P. Ayos naman ang pagdescribe mo kaya di ka pa masesesante hahahaha." biro ni Don Albert sa driver nitong si Piolo.

Pag open ni Dad ng regalo.

"Aba ayos to ah. Lacoste Leather Bag. Nice choice ha. Okay, so eto namang nabunot ko ay this girl is so adorable, smart, and a super talkative kid. Yun nga lang nakikita ko na tulog na siya. Hahah. Ang soon to be model ng clothing brand ng aking Isabel my love, walang iba kundi si Bethina." masayang sabi ni Don Albert.

Si Kuya Patrick na ang kumuha dahil tulog na si Bethina at siya na din ang nag open.

"Ang cute naman nito ang liit ng box. Salamat po Tito Albert." pasasalamat ni Patrick habang binubuksan ang regalo na nasa maliit na box.

At pagbukas ni Kuya Patrick.

"Ohh! Hahaha. Ticket sa Universal Island of Adventure, Theme Park. Aww. Salamat po Tito Albert. Alam ko pong matutuwa ang little princess natin neto. Pero ako po na bilang ama ay hindi ko alam ang nararamdaman dahil sa mga hindi nakaka alam. Ang mag ina ko po ay mahilig talaga sa mga extreme rides at ngayon ay mararanasan ko nanaman ang mga naranasan ko dati na halos ilang beses akong winasiwas, pinalipad, at pinaikot ikot ng mga rides na yan. Salamat po Tito. Eto pong luha ko ngayon ay tears of joy talaga. Hahaha. Salamat po." biro ni Patrick at tawa naman ng tawa ang mga tao sa paligid.

"Okay, bilang tulog na po ang aking anak kaya ako na ang magbibigay ng regalo sa nabunot niya. At ang nabunot niya po ay sexy syempre, maganda pa din syempre walang kupas, at higit sa lahat siya ay sobrang mapagmahal. Walang iba kundi ang aming magiting na Ina, si Mommy Patricia." masayang sabi ni Patrick.

Inabot na ni Mommy Patricia ang regalo mula kay Bethina.

"Salamat my Dear Patrick and our little Princess, Bethina."

"Aww. Thank you Bethina sa iyong gift. Sobrang sosyal naman nito Bulgari na bag and perfume at merong pang surprise egg. Hahaha. She really made sure na happy ang kanyang Grandma. I love you Bethina.

Okay, ako naman po ang mag iintroduce sa nabunot ko. At ang nabunot ko ay Pretty din, Masipag, at mabuting ina sa apo ko. Ang aking manugang na si Bella." masayang sabi ni Mommy Patricia.

Pumunta na sa gitna si Bella at inabot na din ni Mommy Patricia ang kanyang regalo.

"Salamat Mommy. I love you so much. Merry Christmas!" habang yakap ang kanyang Mommy Patricia.

"Ayy hala grabe naman to Mommy. Sobrang bongga, isang set ng accessories. I love it since, obvious naman na mahilig ako sa earrings, bracelet, and necklace. I super love it, Mom! You're the best." abot tengang ngiti ni Bella.

"Okay, so ako na. Eto pong nabunot ko although once ko pa lang siya na-meet pero kita ko naman na siya ay mabait, masipag, at maaasahan. Ate Mabel!" nakangiting sabi ni Bella.

"Thank you po Ma'am." habang kayakap si Bella.

At pag open ng regalo ni Ate Mabel, wow bag and perfume ng Dior.

"Grabe Ma'am. Maraming salamat po dito. Pwede ko pong magamit to habang naglalaba po. Mag aamoy Dior na po ako hindi na Downy." biro ni Ate Mabel kay Bella.

"Ang bobongga naman po ng mga regalo. Nakakahiya naman po itong regalo ko na tuwalya tatlo isang daan bili ko pa po ito sa Baclaran. Pero maganda naman to kasi may burda na siya. Yun nga lang matanggal ang burda pag nilabhan. Hahaha." pagbibiro ni Ate Mabel sa kanya daw regalo para sa kanyang nabunot.

Palakpakan naman ang mga tao sa hirit niya na yun. Excited siguro sila sa nabunot ni Ate Mabel.

"Ito pong tao na po na to ay lagi pong mapungay ang mata sa akin, lagi po siyang naka dikit sa akin, at siya din po ay kanina pang nakikipag usap sa akin. Ang driver po ng mga Thompson, si Dennis po." makulit na sabi ni Ate Mabel.

Naghiyawan ang mga tao dahil sa mga sinabing iyon ni Ate Mabel. Grabe ang tilian lalo na't nakapunta na sa gitna si Kuya Dennis.

"Salamat Mabel. Bakit mo naman sinabi na mapungay? Eh ganito naman talaga ang mata ko." tugon ni Kuya Dennis sa mga nasabi sa kanya ni Ate Mabel.

"Kalokohan mo, ayan tuloy namumula ka na. Hahaha. Hindi ka makatingin sa akin ngayon." pagbibiro ni Kuya Dennis.

Grabe ang tilian ng mga tao. Nabuhay ang mga dugo nila dahil kina Kuya Dennis at Ate Mabel.

"Kiss! Kiss!" sigaw ng mga tao.

"Grabe naman kayo sa kiss kiss oy! Walang ganyanan hahaha." wika ng namumula na si Ate Mabel.

"Saka na ang kiss kiss na yan guys. Antayin niyo pag sagutin na ako ni Mabel. Hindi lang kiss yan. Hahaha." pagbibiro ni Kuya Dennis.

Ang sakit ng tiyan namin kakatawa. Talagang buo na ang gabi namin sa moment nilang yun.

"Sorry guys, sa sunod na yang mga request niyo. Pero salamat Mabel ha. Ang gaganda ng colors nitong towel. Orange, Yellow, at Green. Kada magpunas ako dito ikaw ang maaalala ko." sabay kindat kay Ate Mabel na bumalik na sa table niya.

Sabay abot ni Ate Mabel ng totoo niyang regalo.

"Biro lang yan. Eto ang gift ko talaga." pag abot ng tunay na regalo ni Ate Mabel kay Kuya Dennis.

At pagbukas ni Kuya Dennis.

"Aba ayos ah, I love it. Shoes! Jordan pa. Original din ha. Tama ang spelling eh. Mamaya na ang piso mo Mabel." masayang sabi ni Kuya Dennis.

"Move on na po tayo kay Mabel guys, dito naman tayo sa aking nabunot. Ito pong tao na to ay sobrang bait po wala po akong masabi sa tao na to, bagay sa kagandahan niya ang kabaitan niya. At pang huli, bagamat hindi pa nanganganak ay alam ko na magiging isa siyang mabuting ina. Wala pong iba kundi si Madam Penelope." seryosong sabi ni Kuya Dennis.

"Aww, salamat po Kuya Dennis. Grabe ka, sakit ng tiyan ko sa inyo. Hahaha." wika ni Penelope habang hawak ang kanyang tiyan.

"Wow, bongga Kuya Dennis ha. Salamat dito sa Maternity Dress na to. Talagang magagamit ko to. Salamat!" nakangiting sabi ni Penelope.

At dahil nahinto nanaman kaya nag presenta na si Mom(Isabel) na siya na ang sumunod na magbibigay ng regalo.

"Ang tagal ng exposure ko ha. Pero eto, para sa nabunot ko naman. Etong tao na to ay sobrang hinhin, mabait na bata, at lumalaban din sa pagandahan. Ang charming na Assistant na anak ko. Si Jessica." nakangiting sabi Madam Isabel.

"Salamat po Tita." habang yakap si Madam Isabel.

At pagbukas ni Jessica ng regalo.

"Wow! Sobra naman po ito Tita. Jewelry set at black dress. Maraming salamat po dito." wika ni Jessica na hindi makapaniwala sa natanggap nitong regalo.

"Salamat po ulit Tita. At eto naman po ang aking nabunot. Ang tao naman po na to ay ayon sa pagkakakwento sa akin ay isa siyang protective na kuya, mapagmahal, at ayon din sa nakikita ko sa kanya ay isa din siyang magaling na CEO. Si Kuya Patrick Thompson po." nakangiting sabi ni Jessica.

"Aww. Thank you, Jessica."

"At naks! Salamat dito. Grabe perfect tong sling bag. Tapos ang taray Gucci pa ha? Ang galante mo naman Jessica haha. Salamat.

Ehem! Okay. so etong naman nabunot ko eh isa siyang cool mom, mapagmahal na asawa, at napakagaling na business woman. Syempre walang iba kundi si Madam Isabel Lopez-Smith!" masayang sabi ni Patrick.

"Salamat iho. Salamat sa mga kind words."

"At ohh. This was really nice. Madadagdagan nanaman ang collection ko ng mga LV na bag and thank for this Bvlgari perfume. I love it iho. Thank you very much sa present na to." nakangiting sabi ni Madam Isabel.

At dun na natapos ang aming masayang exchange gift. Kaya nagsayawan na kaming muli at kanya kanyang kwentuhan. This is one of the most fun Christmas that I've ever been in my entire life. Looking forward sa mga susunod pa naming gatherings. Basta ngayon ay tuloy tuloy lang party! Let's GO!!