webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 83 - JACOB'S BLOODY REVENGE

CHAPTER 83 - JACOB'S BLOODY REVENGE

-------

PENELOPE THOMPSON POV

Buti kumaen na muna kami matapos ang masamang panaginip ko na yun. Medyo nahimasmasan na din ako. Habang naglalakad kami ni Ethan papunta ng parking lot eh parang hinahanap nanaman ng dila ko ang strawberry na kinaen ko kagabi. Naubos ko kasi agad yung binili namin. Kaya nagpunta kami sa MOA para bumili.

Mabilis lang kami sa mall na yun at umuwi na din agad. At habang nasa parking lot kami ay may napansin ako na isang lalaki na nakatayo. Naka cap siya na black, naka leather jacket na black at pantalon din. Halos kalapit lang ng sasakyan namin at nakatayo lang.

Medyo nakaramdam ako ng matinding takot at kaba sa hindi ko din malaman na dahilan.

Nakatayo lang ako sa may tabi ng kotse namin dahil hindi maopen ng asawa ko ang pinto. Kaya hinahanap niya sa may ilalim ng kotse namin. At habang nangyayari yun ay napansin ko na unti unting papalapit ang lalaki. Habang lumalapit siya tsaka ko naaaninag at nakikilala ang lalaki na yun.

"J-Jacob?!" nanlaki ang mga mata ni Penelope nang makita si Jacob sa may harapan niya habang naghahanap pa din sa ilalim si Ethan.

"Hon." palihim na tinatapik ni Penelope ang asawa nang makita si Jacob.

"Ayun nakita ko na hon!" nakangiting sinabi ni Ethan na walang kaalam alam na nasa likuran na pala nito si Jacob.

Tatangkain sana ni Jacob na akbayan si Ethan pero agad itong nabasa ni Ethan kaya mabilis itong umiwas. Pero hindi namin inaasahan ang biglang pagbunot ng baril ni Jacob.

"Hi, babe. I miss you so much. Aba buntis kana pala ha? Sakto. At, ohh? eto pala yung g**ong Doctor. Hahaha tignan mo nga naman ang pagkakataon. Tama yan, tutal Nobyembre na ngayon. Kahit tapos na ang araw ng patay pwede kapa din humabol! Hahaha." wika ni Jacob habang nakatutok ang baril kay Ethan.

"J-Jacob ano ba ang ginagawa mo dito? wag mong gagawin yan sa asawa ko!" may panginginig na sabi ni Penelope na naiiyak din sa takot.

"Asawa? Hahaha! Put*****a niyo pala eh! Gusto mo ikaw ang barilin ko!" sabay baling ng tutok baril kay Penelope,

Ibang iba na ang mukha ni Jacob ngayon. Mukhang grabe ang pagkalulong nito sa droga.

"Hoy Jacob! Wag ang asawa ko. Kung may papatayin ka, ako nalang! Pabayaan mo ang asawa ko! Penelope, pumasok kana sa loob ng sasakyan." wika ni Ethan na nagmamakaawa kay Jacob.

Grabe na ang takot ko nanginginig na buong katawan ko dahil sa takot naiisip ko din yung kambal. Nang gumalaw ako lalo akong pinagbantaan ni Jacob. Pero napapansin ko sa may bandang gilid na merong security guard. Narinig namin na nagkasa ng baril ang guard at narinig ito ni Jacob pero ang baril niya ay nakatutok pa din sa akin.

ETHAN SMITH POV

Nang lumingon siya ginawa ko itong oportunidad para agawin ang baril pero mabilis din ang reflexes niya kaya agad siyang napalingon at bigla na lamang bumaril.

Ramdam ko na nung mga oras na yun na ipuputok na niya yung baril dahil nga nacorner na siya ng mga guard na nakatutok din ang mga baril sa kanya kaya agad kong niyakap ang asawa ko. Sinigurado ko na cover na cover ko ang mag ina ko.

Bang!

"Ethaannn!!"

PENELOPE THOMPSON POV

Nakarinig pa ako ng dalawang putok ng baril galing sa dalawang security guard. Napansin ko may tama dinng baril si jacob at bigla nalang din itong napahiga.

"Hon mahal na mahal ko kayo ng anak natin, wag kang umiyak makakasama yan sa baby natin." huling nasabi ni Ethan bago siya mawalan ng malay.

" H-Hon gumising ka!!" umiiyak na pasigaw na sabi ni Penelope kay Ethan.

Agad din namang dumating ang mga pulis kasama ang ambulansya.

Kinuha agad nila ang asawa ko sa akin at binuhat nila at pinahiga sa stretcher. Nagmadali ang lahat pa punta sa loob ng

ambulansya.

Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak nang mga panahon na yun. Dasal din ako ng dasal.

"Parang awa niyo na po mahal na panginoon, wag niyo pong kukunin ang asawa ko. Mahal na mahal ko po siya. Ethan, asawa ko lumaban ka para sa amin ng anak mo please." habang hawak ni Penelope ang kamay ni Ethan sa loob ng ambulansya.

Dinala din siya agad sa malapit na Hospital which is ang Building 2 ng Twin Tulip.

Naiwan ako sa labas ng Emergency room. I was just praying the whole time. At naisipan ko ding tawagan agad si Mommy Isabel.

Calling Mommy Isabel...

"Hello iha anak, bakit napatawag ka?"

" M-Mommy si Ethan po nabaril. Binaril po siya sa parking lot po ng MOA mommy." nahagulgol na sabi ni Penelope kay Mommy Isabel.

"Huh? Ano?! Totoo ba yan? Diyos ko po, nasaan kayo ngayon?" may panginginig sa boses ni Mommy Isabel habang tinatanong si Penelope.

"Mommy nasa Emergency Room na po si Ethan naiwan po ako dito sa labas. Nasa Building 2 paki ng Twin Tulips." sabi ni Penelope habang umiiyak.

"Sige sige, pupunta din kami agad dyan. Magpakatatag ka anak para sa mga anak ninyo. Antayin mo kami dyan pupunta kami agad dyan. Ingat ka dyan Penelope, anak." Naiiyak na sabi ni Mommy Isabel kay Penelope.

Call Ended...

DADDY ALBERT SMITH POV

Nandito ako sa office ko sa bahay. Nang makalabas ako para puntahan ko ang asawa ko sa may living room namin ay bigla kong narinig yung boses ng Asawa ko na umiiyak. Agad agad akong pumunta sa kanya para malaman ang dahilan ng pag iyak niya.

"Oh Isabel my love, bakit ka umiiyak?" may pag aalalang tanong ni Don Albert kay Madam Isabel.

Agad akong niyakap ng asawa ko at nagulat ako sa mga sinabi niya.

"Yung anak mo nabaril. Tumawag sa akin si Penelope nasa Emergency Room na daw ang anak mo, Kailangan na natin agad na pumunta dun." umiiyak na paliwanag ni Madam Isabel kay Don Albert

Napaiyak agad ako nang malaman ko na nabaril ang anak ko. Hindi na ako nagsalita pa, agad kong tinawag ang driver ko at pumunta agad sa Hospital. Nagsama na din ako ng bodyguard dahil nag aalala din ako sa sekuridad namin.

After 1hr ay nakarating na kami Hospital. Dumiretso na din agad kami Emergency Room.

Nakita agad namin si Penelope iyak ng iyak sa isang sulok nakaupo. kaya nilapitan agad namin at niyakap agad siya ng Mommy Isabel niya at niyakap ko na din sila. Hanggang sa maya maya lang ay nagulat kami ng asawa ko nang mawalan si Penelope.

Natakot kami ni Isabel, Kaya tumawag agad ako ng Nurse. At hiniga agad namin siya dito sa may bench ng hospital at binigyan ng sapat na hangin.

Kumuha na din kami ng private room para masigurado namin ang kaligtasan ni Penelope at hindi na din mapaligiran pa ng mga tao.

May pumuntang Nurse sa room para ma-update kami sa kalagayan ni Ethan.

"Nasa ICU na po si Doc. Ethan naoperahan na din po siya, natanggal na ang bala sa likod niya. Actually, mapalad pa po si Doc. Ethan na hindi natamaan ang spinal cord niya. Pero as of now po unconscious pa din po si patient because of the anesthesia din po na tinurok sa kanya. Puntahan ko nalang po kayo ulit para sa kung anuman po ang naging lagay ni Doc. Ethan." pahayag ng Nurse ng Hospital.

After naming marinig ang sinabi ng Nurse ay nagpasya na muna akong iwan muna sina Isabel at Penelope dahil gusto kong malaman ang nasa likod ng pamamaril kay Ethan. Naalala ko na sinabi ng asawa ko na sa Parking lot ng Moa nangyari ang pamamaril kaya agad akong nagtungo sa mall na yun.

Pagpunta ko ng mall ay may mga pulis na naka abang, At nagpakilala ako sa kanila na tatay ng biktima. Sakto din naman na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis. Nagpaalam akong sumama sa kanila dahil nais ko ding makita kung paano ba ginawa ng suspect ang pamamaril sa anak ko.

Nagtungo kami kung saan narecord sa CCTV lahat ng kaganapan. At nakita nga sa video na yun na parehas niya munang tinutukan ang mag asawa, hindi marinig sa footage ang sinasabi ng lalaki eh pero talagang nakatutok ang baril sa anak ko. Hanggang sa nilipat niya ang pagkatutok ng baril kay Penelope.

Hanggang sa nung umaksyon na ang mga security guard nung mga panahon na yun ay agad na nagpaputok ang suspect at bigla nalang akong napaiyak sa mga susunod na pangyayari.

Dahil sinalag ng anak ko ang bala na noon ay nakatutok kay Penelope. Agad kong inalam ang detalye ng biktima at doon ko nga din napag alaman na ang bumaril sa anak ko ay nagngangalang Jacob Tan. Kasama ang tao na yun sa most wanted list dahil isa pala siya sa mga high profile druglord hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa din,

Nahuli naman na ng pulis ang suspect at dahil nga sa may tama din ito sa kanang balikat ay dinala ang suspect sa may malapit na hospital. At dahil high profile nga ang tao na yun sinigurado ko na matindi ang pagkakabantay sa kanya.

Calling Gen. Benedict Samonte...

Ring! Ring!

"Hello Benedict, Pare?"

"Ohh, Albert? Kamusta? Napatawag ka?"

"Have you heard the news?"

"News? Hindi pa ehh. Naka leave ako ngayon. Bakit pare? Anong meron?"

"Nabaril ang inaanak mo." pagbunyag ni Don Albert sa kaibigang General na labis nitong ikinagulat.

"Huh? Ano? N-nabaril si Ethan? How was he?" nag aalalang tanong ni Gen. Samonte.

"Nasa Hospital siya ngayon. Unconscious pa din pero successful na natanggal ang bala niya sa likod. Mabuti nalang na agad na naka

responde ang mga guard sa mall at hindi na nakapag paputok pa ang suspect." paliwanag ni Don Albert sa kaibigang General.

"Ganun ba, mabuti naman. Ehh ang suspect nahuli naba?" tanong ni Gen. Samonte.

"Oo pare, pero eto nga yung itinawag ko sayo, nais ko lang sanang ihingi ng tulong sayo dahil gusto kong hindi na makalaya pa itong suspect na to. Dahil hindi din siya basta basta. Nasa wanted list siya bilang isang High Profile na druglord dito sa pinas maging sa ibang bansa. Sya si Jacob Tan." paglalathala ni Don Albert."

"Hmm. Okay, I know that guy. Actually, bago lang siya sa listahan. Naitimbre na yan ng agent natin. Pero maiging lumabas na siya sa lungga niya. Pero walang kapatawaran ang ginawa niya. Hayaan mo pare ako ang bahala sa tao na yan. Makakasigurado kang mabubulok sa kulungan ang druglord na yan. Tatawagan ko agad ang taskforce ko na tutukan ang Jacob Tan na yan pagkalabas na pagkalabas ng hospital." matapang na sinabi ni Gen. Samonte.

"Maisingit ko lang pala pare, ano ang naging motibo ng suspect sa pagbaril kay Ethan? Nakaaway niya ba?" pahabol na tanong ni Gen. Samonte.

"Hindi pa malinaw ang motibo ehh pero ayon sa cctv ang unang tinutukan ay ang anak ko hanggang sa asawa na ni Ethan itinutok, at nung mapansin niyang nakaporma na din ang mga guard eh agad agad na niyang ipinutok ang baril at sinalag nalang ng anak ko ang bala, alang alang sa mag ina niya na talagang target ng suspect." napaluhang sabi ni Don Albert.

"Salamat pare. Wag kang mag alala after this call, I'll report this sa taskforce ko para wala talagang kawala ang hayu* na yan."

"Sige pare, salamat."

"Salamat pare, anytime. Bye"

Call Ended...

Matapos ang tawag namin ay umalis na ako sa mall at bumalik na sa Hospital.

PENELOPE THOMPSON POV

Unti unti kong iminulat ang mata ko napansin ko agad ang kulay puting kwarto nilibot ko ang mata ko at nakita ko si Mommy Isabel sa katabi ko. Umiiyak.

"Oh iha anak kamusta kana, may masakit ba sayo?" may pag aalala tanong ni Mommy Isabel.

"Okay naman po ako, nasaan po ba ako?"

"Dinala ka namin dito sa private room ng hospital dahil hinimatay ka kanina habang naiyak. Grabe nga ang takot namin dalawa ng

Daddy Albert mo kaya agad kaming tumawag ng Nurse para gabayan ka. At napagpasyahan namin na kumuha na nitong private room para na din kay Ethan para dito na din siya ilipat pag nagka malay na siya." habang umiiyak na paliwanag ni Madam Isabel.

Napaiyak ako bigla dahil naaalala ko ang mga nangyari kanina. Agad naman akong niyakap ni Mommy Isabel.

"Mommy ano na pong balita sa asawa ko?"

"May tama sa likod si Ethan. Maigi na nga lang daw na hindi umabot sa Spinal Cord niya ang bala. Naoperhan na si Ethan at

inaantay nalang na magkamalay siya tsaka siya malilipat dito." maluha luhang tugon ni Madam Isabel.

"Habang wala kang malay kanina, pinacheck ko na din sa Doctor ang kambal dahil nag aalala din ako sa lagay ninyong mag ina." wika ni Madam Isabel.

"Eh kamusta naman po ang anak ko, Mommy?" umiiyak na tinanong ni Penelope.

"Okay naman sila anak. Wala naman dapat ipag alala. Maigi na malaks talaga ang kapit ng kambal." tugon ni Mommy Isabel

"Anak, Wag ka masyadong mag isip tungkol sa kalagayan ng asawa mo, Alam kong kaya niya tong lagpasan. Dahil hindi niya hahayaan na mawala siya sa buhay mo at alam ko kung gaano kayo kamahal ni Ethan kaya panigurado ay lalaban yun. Diba anak?"

umiiyak na sinabi ni Madam Isabel.

"Opo Mommy." habang kayakap si Madam Isabel.

Bigla naman kaming napatigil sa pag iyak namin nang maramdaman mismo ni Mommy Isabel ang pagsipa ng kambal sa tiyan ko.

"Ohh? Ang kambal nanipa hahaha. Naramdaman mo ba yun anak?" biglang ngiti ni Madam Isabel nang maramdaman ang pagsipa ng kambal.

Nagtawanan kami ni Mommy Isabel sa nasaksihan namin. At bigla din tumunog ang tiyan ko. Kaya nagpasya kaming kumaen ni Mommy.

Sakto din ang dating ni Daddy Albert kaya nakasabay pa sya sa amin ni Mommy Isabel.

Naikwento nga sa amin ni Daddy yung mga nalaman niya dun sa CCTV. Sinabi din niya na magpapadala daw siya ng security guard sa bahay namin para sa seguridad namin ni Ethan. At nagulat ako sa nalaman ko na isa na palang High Profile Duglord si Jacob. Sabi din ni Daddy Albert na napaligiran na din siya ng mga pulis at sigurado na ang pagkabulok niya sa kulungan.

Pagkatapos namin kumaen ay nag alay naman kami ng dasal para sa mabilis na pag galing ni Ethan.