webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 78 - SURPRISE! SURPRISE!

CHAPTER 78 - SURPRISE! SURPRISE!

--------

PENELOPE THOMPSON POV

After ng call namin ng asawa ko mamaya maya ay kumaen na ako dahil 12:00 pm na. Hanggang sa may kumatok at pinagbuksan naman ni Kuya. Nagulat kami dahil sina Daddy Albert at Mommy Isabel pala.

Nagbeso muna kami. Nakangiti agad sila nang pumasok. Naalala ko tuloy bigla nung unang beses ko silang makita. Sobrang nakakatakot sila yung tipong akala mo eh kakainin ka ng buhay. Yun pala kapag nakilala mo, mga loko loko din pala. Lalo si Mommy Isabel dahil sobrang palabiro niya.

"Hello Penelope, sobrang ganda mo naman. Malamang siguro babae yang twins na yan?" habang nakangiti kay Penelope na kumakaen sa panahon na yun.

"Talaga ba? Kapag ba maganda ang buntis e babae na din ang magiging anak niya? Eh paano kung lalaki? Edi panget ang buntis?" tanong ni Don Albert na biglang natawa sa nasabi niya.

OMG naman tong si Daddy Albert. Muntik ko nang mabuga yung kanin.

"Hmm? So, sinasabi mo bang panget ako nung pinagbubuntis ko ang anak mo?" matalas na tingin ni Madam Isabel kay Don Albert.

"Hindi naman sa ganun Isabel my love. Akala ko nga babae ang magiging anak natin nun kasi napaka ganda mo nung time na yun." pagbawi naman ni Don Albert.

"Oo nga pala, ibinilin ka sa amin ng anak ko, Penelope. Kaya kung anuman ang pagkaen na gugustuhin mo ay sabihin mo lang. Ang mahalaga ay ang kaligtasan niyo ng apo ko."

"Isabel my love. Kita mo naman na kakatapos lang ni Penelope na kumaen aalukin mo na agad? Mamaya maempacho naman yan." pag aalala ni Don Albert.

"Ano ko ba, Albert my love. Kapag buntis ka maya't maya ka talaga magugutom. Gustohin mo man o hinde. Bigla ko tuloy namiss yung time na nabuntis ako. Napakatagal na panahon na, sobrang selan ko naman mag buntis noon ang dami ko ding pinaglihian. Pero ang pinaka gusto kong kinakaen noon ay ang strawberries ng Baguio at mangga ng Guimaras.

Ohh? Anong iniiling iling mo dyan Alberto?"

"Pinaalala mo pa. Pano ba naman kasi itong biyenan mo, grabe ang pahirap sakin. Talagang hindi niya kakainin hanggat hindi galing mismo sa lugar na yun. Saan ka makakita? Madaling araw gustong magpabili ng Mangga wala siyang pakielam kung mag eroplano ako o barko basta ang gusto niya makabili ako ng prutas na yun? Tapos iiyak yan hanggang pag uwi ko umiiyak pa din. Jusko po talaga. Kaya dahil dun nag ipon talaga ako pambili ng Chopper. Hindi pa naman kami masyadong mayaman nung mga panahon na yun." pailing iling na kinwento ni Don Albert ang hirap na dinanas nito sa paglilihi ng asawa.

"At least diba look at your son, napaka pogi. Katas ng paghihirap ni Alberto. Hahaha." na may paghampas pa sa asawa.

Nakakatuwa naman sila. Nakakabilib din ang kwento nila. Kahit na mayaman sila pero parang napaka simple lang din nila at walang kaarte arte. Pero likas na talaga kay Mommy Isabel ang pagiging fashionista. Kahit nga daw manganganak na siya naka postura pa din daw siya. Maging ang lagayan ng mga damit ni Ethan noon ay mga branded pa.

"Kamusta kana nga pala, Penelope? Dinugo ka daw diba? Ano kamusta ang kambal?"

"Okay naman po Mommy Isabel kailangan ko lang po mag bed rest dahil mahina po ang kapit ng baby namin. Pero wag po kayo mag alala binigyan po ako ni Dr. Bella ng pampakapit at kompletong vitamins." tugon ni Penelope.

"Buti naman. Basta lagi ka lang mag iingat ha. Alagaan mo ang baby niyo. Kaming mga magulang ay nandito lang at nakagabay lang sa inyo. Kung ano ang sasabihin ng Doctor sundin. Okay?" paalala ni Mommy Isabel.

"Pero Penelope, salamat ha. Matagal na talaga naming request kay Ethan na mag anak na. Naririndi na nga sakin yun e. Pero masaya ako na ikaw ang napangasawa niya dahil nakikita ko na bukod sa maganda ka e matalino ka din at marunong sa magulang. Yan ang gustong gusto ko. Tsaka naririnig rinig ko din pala na matagal kana palang gusto nang anak ko? Totoo ba?" curious na tanong ni Madam Isabel.

"Uhm. Opo? Sabi niya po sakin. Hehe. 10 years old pa lang po kasi kami ay magkakilala na kami." pag bunyag ni Penelope.

"Okay, I see. Kaya pala gigil na gigil sayo ang anak ko. Inanakan ka talaga agad after just 2 months of being married." biro ni Madam Isabel.

"Tsaka kung soundproof din naman talaga ang kwarto nyo ay malamang all out yan. Hahaha. I am sorry, Penelope. I know along the way masasanay ka din sakin. Sana hindi ka maoffend ha. We're all adults naman e," biro ni Madam Isabel na tawang tawa sa sariling kalokohan.

Mapa OMG ka nalang talaga sa mga banat ni Mommy Isabel. Actually namumula nga ako nang masabi niya yun. Dahil hindi pa ako sanay sa mga ganun. Pero natatawa naman ako dahil tama naman talaga si Mommy. All out kung all out.

"Puro kalokohan itong si Isabel my love. Penelope ilang weeks na ang apo ko?" seryosong tanong ni Don Albert.

"7 weeks na po, Daddy." tugon ni Penelope.

"Malamang yan Isabel my love pag may babae tayong apo spoiled yan sayo hahaha, aakitin mo mag shopping." magiliw na sabi ni Daddy albert .

"Of course, Albert my love. Matagal ko nang gustong magkaroon ng babaeng anak kaso isa lang naging anak natin. kaya kapag nagkaroon tayo ng babaeng apo, malamang magiging spoiled talaga yan hahaha. Anyways alam ko naman kapag nagkaroon tayo lalakeng apo lahat din ibibigay mo sa kanya katulad nalang ng ginawa mo kay Ethan baka bigyan mo agad ng kotse haha.." tuwang tuwang sabi ni Mommy Isabel.

Nakikinig lang ako sa kwentuhan nila, sobrang saya ko dahil kahit bago palang nabubuo yung babaies ko sa loob, ramdam ko na ang pagmamahal nila sa anak namin. hayy parang gusto kong umiyak sa tuwa. hahaha.

Ang haba din ng chikahan namin pero nakatulog din kami matapos kaming magsalo salong kumaen ng inihain ni Kuya na vegetable salad.

Time Check: 7:00 pm

Ang tagal din ng tinnulog namin. At nauna pa akong nagising sa kanila. Pero maya maya ay nagising na din sila.

Balak na ata nilang umuwi kaya tinanong na agad nila ako kung ano ang gusto kong kainin bago nga sila umalis. Hindi na ako nahiya at sinabi ko na iorder nalang ako ng 2 rice at chicken, 2 large fries, 2 sandae.

" Okay papaorder na ako, wait mo na lang ahh. Talagang tag isa sila ng kambal nakakatuwa naman." natutuwang sinabi ni Madam Isabel.

After 30 mins dumating na yung pagkaen na pinaorder ko kay Mommy Isabel.

Pagkadating ay nagpaalam na din sila na umuwi. At nag beso muna ako sa kanilang dalawa bago sila umalis.

Sobrang saya, hindi ko talaga akalain na sobrang gaan lang pala nilang kasama. Habang nag kekwentuhan kami kanina nawala na yung pagkailang ko sa kanila. Parang anak na din talaga nila ako. Kaya pala ganun nalang din kabait si Ethan dahil ganun din ang mga parents niya.

PATRICK THOMPSON POV

Tapos na ang duty ko pero napili ko na munang mag stay dito para dalawin ang kapatid ko.

Pagpasok ko ng room wala na pala ang Mommy at Daddy ni Ethan. Pero sabi sakin ni Penelope na pinag iwan daw nila ako ng food pagtapos mag order para sa kapatid ko.

Nagulat ako dahil naisip pa din pala nila ako. Well, dahil siguro nakita nila ako na nagbabantay kanina sa kapatid ko.

Naabutan ko si Penelope na kuamakaen. As usual napaka takaw talaga niya. Laging tagdadalawa ang pinapaorder niya at nauubos nya naman. Ibang iba kay Bella noon dahil hindi gaanong matakaw ang asawa ko nung siya ay buntis kay Bethina. Pero ang luho niya naman ay gala kung saan saan. Siguro nung kabuwanan niya nalang tsaka kami napatagal sa bahay.

Sinabayan ko na ding kumaen ang kapatid ko. Medyo nakaramdam na din kasi ako ng gutom e.

"Kamusta ang stay ng Mommy at Daddy mo?" curious na tanong ni Patrick.

"Ayos naman Kuya. Panay ang tawanan namin. Nagulat nga ako na nakayanan nilang mag stay dito. Feeling ko naman na hindi naman sila nabored dito. Wala kaming ibang ginawa kundi magkwentuhan tapos kumaen ng binigay mo samin na vegetable salad. Ang sarap kuya. Nakatulog nga kami pagtapos e. Hahaha." masayang kwento ni Penelope na kakatapos lang kumaen.

Masaya akong makita ang kapatid ko na ganito kasaya, kumpara nung nakita ko siya sa bahay. Ngayon kasi ang aliwalas na ng awra niya sakin.

Mamaya maya ay nagsabi sakin ang kapatid ko na inaantok na kaya pinahiga ko na siya sa may bed niya at tsaka siya nakatulog.

ETHAN SMITH POV

Okay, sa wakas natapos ko na din lahat ng problema ko dito sa U.S. Nagbalik loob na din ang dalawang nag back out kaya napatagal din ang stay ko dito. Nalaman na din namin kung sino ang nag blockmail sa kanila. Isa lang palang dummy account na nagpapanggap na ibang tao. Napahuli na din namin dahil death threat sa pamilya nina Wahib at Solomon ang ginawa ng suspect.

Nandito na ako sa aking hotel. After the final meeting namin ay nag request ako kay Mr. Griffin na umuwi gamit ang Private Jet niya. Pumayag naman siya naexcite pa nga siya dahil nakwento ko na isa na akong ama. Sayang nga lang na hindi siya makakasama dahil Graduation naman ng anak niya. Kaya dalawa lang kami ng Piloto sa Jet mamaya. Oo mamaya dahil ayaw ko nang ipagpabukas.

5 hours lang nakarating na kami dito sa Pilipinas. Nagpasalamat nalang ako sa Piloto dahil kundi sa kanya mas mapapatagal ang pagkamiss ko sa mag ina ko.

Nandito na ako sa airport at tinawagan ko si Daddy para masundo ako dito pero sinabihan ko sila na wag na munang ipagkalat na nandito na ako dahil gusto kong surpresahin ang asawa ko.

Isang oras na biyahe lang ay nakapunta na kami sa Building 1 ng Twin Tulips Hospital dahil nandito naka confine ang asawa ko.

Time Check 4:00 am

Alam ko pag dating ko duon ay tulog pa siya.

At tama nga ako dahil pagbukas ko ng pinto ay tulog na tulog ang asawa ko.

Pinagmamadan ko siya at medyo na iiyak na ako kasi namiss ko talaga siya ng sobra.

Lumapit ako sa kama niya nahiga ako sa may tabi niya nang dahan dahan para hindi siya magising at niyakap.

Natulog na din ako dahil inaantok na din talaga ako.

PATRICK THOMPSON POV

TIME CHECK 6:30 am

Kakarating ko lang dito sa Hospital at ginawa ko na muna ang duty ko bago ako pumunta para silipin ang kapatid ko.

At pag silip ko, hindi naman inaasahan na nandun na pala si Ethan. Aba, mukhang masusurprise ang kapatid ko nito alam kong wala din siyang alam na uuwi ang asawa niya.

Naisipan ko nang lumabas para makabili na ng makakaen para sa kanilang dalawa.

PENELOPE THOMPSON POV

Medyo nakaramdam na ako ng gutom pero inaantok pa ako nang may napansin ako na parang mabigat sa may bandang tiyan ko. kaya unti unti kong minulat ang mata ako.

Hala? nanaginip ba ako?

tinapik ko ng mahina yung pisnge ko, nakaramdam ko kaya mukha hindi ako na nanaginip.

Naiiyak ako, dahil nakikita ko ang mukha ng asawa ko na natutulog habang naka yakap sa akin.

Naramdaman ko na gumalaw siya kaya pinahidan ko yung luha ko.

"Hon bakit ka umiiyak, may masakit ba sayo?" may pag aalala na tanong ni Ethan.

"Kainis ka hon, hindi mo sinabing uuwi kana." naiyak na sabi ni Penelope.

" Hon, wag kana umiyak makakasama yan sa baby natin. Hindi ko talaga sinabi sa inyo dahil gusto kitang masurprise. hahaha oh diba. I miss you hon. Wag ka nang umiyak. Tahan na," sabi ni Ethan.

"Ano hon, nagugutom naba kayo ng baby natin?"

" Yeah gusto ko na kumaen nagugutom na kami."

Sakto naman pagpasok ni Kuya may dalang madaming pagkaen, nakakagutom lalo, Na maamoy ko sobrang bango ng mga pagkaen.

"Oh buti gising na kayo sakto pala ang dating ko, nagulat pa ako kanina pag gising ko dahil nakita kong may katabi si babygirl sa kama. Ethan akala ko matagal kapa duon sa U.S, kasi hindi mo naman sinabing uuwi kana haha." Sabi ni kuya patrick.

"Kuya pat, tinapos ko talaga agad yung problema ko duon. Dahil lagi ko iniisip yung mag ina ko. kailangan ko silang alagaan lalo na ngayon mahina kapit ng mga anak ko, kailangan ko silang bantayan mag leleave nga din ako hanggang maging Okay ang kalagayan nila." papaliwanag ni Ethan.

Hindi ko maiwasang hindi maiyak, Dahil na touch ako sa mga sinabi niya, Ramdam na ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga anak namin. Dahil kahit na nasa loob palang sila ng tiyan ko grabe na siyang mag alala.

"Hon bakit ka nanaman umiiyak? gutom na gutom kana ba?" may pag aalalang tanong ni Ethan.

"Kasalanan mo"

" Huh? Ano naman kasalanan ko sayo?" naguguluhang tanong ni Ethan.

" Dami mo kasi sinasabi dyan, tara na nga kaen na tayo."

Ang dami kong nakaen dahil ang sarap ng mga pagkaen na dala ni kuya, mukhang binili pa niya sa mga mamahaling restaurant.

Pagkatapos namin kumaen nag paalam na si kuya pero bago pa siya umalis sinabi niyang kailangan daw muna naming pumunta sa ob-gyne, dahil kailangan ko ulit mag pa ultrasound bago daw kami lumabas ng hospital.

Excited na din akong umuwi para finally, masabi ko na kila Mommy na buntis ako. Napag pasyahan kasi namin na hindi sabihin dahil ayaw namin na mag alala sila lalo sa lagay ko ngayon.