webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 60 - THE BELLA AND BETHINA EFFECT ON ETHAN

CHAPTER 60 - THE BELLA AND BETHINA EFFECT ON ETHAN

------------

PENELOPE THOMPSON POV

Kaloka talaga tong si Ate Bella. Daig pa si Tito Boy kung mang direkta ng mga tanong. Parang kahit nandito si Mommy kaya niya talagang maitanong sa akin o kay Ethan kung lights on o lights off. Hayy kaloka.

Kahit na matagal ko nang kilala si Ate Bella nagugulantang pa din talaga ako sa kanya. Prangka kasi talaga siya but in a good way naman. Never naman kaming na-offend sa kanya kaya love na love namin yang si Ate Bella at syempre ang pamangkin kong kaagaw ko sa muffin.

Pero isang tanong ang ikinagulantang ng lahat.

Shocks! I didn't expect na sasagutin ni Ethan yun. Pero wala din siyang pagdadalawang isip na sabihin na, "Opo, Mahal ko po si Penelope."

Nagulat ako sa sagot niya na yun.

"OMG!! Grabeeee! Kinikilig ako!!" sigaw ni Bella, maigi na lang na sound proof ang dingding ng mga hospital.

Pinagpawisan ako dun, kaya napa upo nalang ako after kong marinig yun.

"Okay ka lang lil sis?"

Napatango lang ako kay Ate Bella dahil hindi pa din ako makapaniwala sa sinabing iyon ni Ethan.

Pero mas lalo akong kinabahan nang magsalita ulit si Ethan.

"Ngayong, napa amin na po ako. Tita, pwede ko po bang mahingi ang approval niyo po?"

Sh*t Ethan! wag mo nang ituloy lalo akong kinakabahan.

"Ano yun anak?" tugon ni Mommy Patricia na nag papakulo ng manok that time.

"Gusto ko lang po sanang itanong kung pwede ko po bang ligawan ang anak ninyo?"

OMG! Napatili nanaman ng malakas si Ate Bella! At napangiti naman si Mommy.

Hala, first time na nangyari ito sa akin. Yung pormal na nagsabi ang lalaki sa harap ng Mommy ko. Actually, napaiyak nga ako e. Hindi ko na din kinakaya ang mga nangyayari sa loob kaya minabuti kong lumabas muna at pumunta sa office ni Dad para tumambay muna dito sa Garden niya.

ETHAN SMITH POV

Napasubo ako dun, pero wala. All in kung all in. Dito din naman tayo tutungo kaya tinanong ko na sa Mommy ni Penelope. At thank God, pumayag naman si Tita na ligawan ko ang anak niya. Yun nga lang, hindi ko inaasahan na mag walk out si Penelope.

Pero hindi ko naman siya makuhang sundan dahil may ginagawa pa din ako. Pero I am so worried, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Cinomfort naman ako ni Tita at Ate Bella.

"Okay lang yun, Ethan. Nabigla lang yun." pagkakalma ni Mommy Patricia kay Ethan.

"Oo nga, maybe she still don't know how to handle yung mga ganung bagay. Tsaka maniwala ka sakin Ethan, bet ka din nyan. Kilala ko yang lil sis ko. Kung di ka niya bet matagal ka nang naka ban dito sa Hospital. Right Mom? Hahaha"

"Actually."

Napangiti nalang ako. Dahil pinapagaan talaga nila ang loob ko na wag mag worry sa pag walk-out ni Penelope.

1 hour later, tapos na kaming magluto at nag peprepare na ng mga pagkakainan mamaya.

Lumabas ako dahil nasa Garden nga daw si Penelope sabi ni Kuya Patrick. Kaya agad akong pumunta dun.

Pagpunta ko, nakita ko siya na nag sasight seeing sa may balcony. Nakatalikod kaya dahan dahan ko siyang tinabihan.

"Huy!"

"Ayy palaka ka!"

"Ethan naman! Nakakainis ka."

"Haha, sorry naman. Seryosong seryoso ka kasi e."

"Syempre, kailangan maging seryoso para seryosohin din ako ng taong katabi ko ngayon. Haha charot!"

"Hala, grabe ka naman."

"Charot nga lang e, ikaw naman."

"Pero Penelope, seryoso nga ako dun."

"Okay, malalaman at malalaman ko din naman kung hindi e, diba? Oh siya tara na. Naaamoy ko na mula dito yung niluto nyo."

Napangiti nalang ako, well. It's my mission naman to prove her wrong tungkol sa mga doubts niya e.

Tumayo na kami at pumunta na sa loob para kumaen.

PENELOPE THOMPSON POV

Tapos na akong mag muni muni. Nakapag isip isip na din ako and I felt better. Mas lalo akong magiging better kapag nabusog na ako. Kaya inaya ko na din si Ethan sa loob.

Pero bago kami kumaen nag alay na muna kami ng dasal para sa fast recovery ni Dad.

At after that, Mmm! Grabe ang bango. Ang sasarap pa, carbonara, lasagna, fried chicken, tapos kare kare. Grabe busog na busog ako!

Isa siguro to, sa masasayang araw since nung inatake si Dad. Dahil nasa recovery stage na siya. Nakikipagchikahan na din nga sa amin e. Ethan prepared him some veggies and fruits at yun ang kinaen ni Dad.

At makalipas ang ilang oras.

Time check: 6:00 pm

Nagpaalam na si Ethan na umalis.

Pagkaalis na pagkaalis ni Ethan, naalala ko. June. 04 na pala. So 2 days nalang before his birthday. I was thinking for a present or something, pero bahala na.

------------

KINABUKASAN

------------

ETHAN SMITH POV

Actually the reason behind kaya lagi akong nakakapunta sa Thompson Hospital araw araw ay dahil nasa 1 month vacation leave ako. Kaya I really have the time of my life ngayon. Minsan lang kasi mangyari sa buhay ko to kaya ginagrab ko na tsaka magagaling naman team ko. They were doing a pretty great job habang wala ako. Naka process na nga din yung raise ng salary nila this month e.

Anyways, bad news. Yung oven ko nasira. Pero naisip ko na gumawa nalang sa Hospital nila Penelope. Well, ganun na ako ka-komportable sa kanila. Magdadala nalang ako ng ingredietns tsaka ang nasa isip ko din kasi nung time na yun ay para maturuan ko si Penelope ng pag bake ng muffin.

At finally nasa hospital na ako. Paakyat na yung elevator hanggang sa sh*t! Yung ingredients. Hindi ko nadala!

Naku lagot. Pano to? Ngayon lang ata akong pupunta dun nang wala akong bitibit.

Tapos naka salubong ako ni Kuya Patrick na papasok pa lang sa may suite room kaya sabay na kaming pumasok.

PENELOPE THOMPSON POV

Sa wakas, dumating na ang regular guest namin. Kanina pa siya bukang bibig neto ni Bethina. Excited daw siya sa Tito Ethan niya. Naku nako kay Ethan ba talaga o sa muffin na yan?

Pero nalungkot ang bata nang sabihin ni Ethan na nalimutan niya ang muffin nito.

Napilitan tuloy si Ethan na pumuntang mall, pero hindi naman pumayag ang makulit na batang to na hindi siya kasama.

"I wanna come with you Tito Ethan, and Tita Ninang come with us also po. please po." habang nagpapacute si Bethina sa kanyang Tita Ninang.

"Sige na sweetheart, mamaya hindi kayanin ni Ethan ang kakulitan ng bata na yan."

"Fine, okay Mom."

Kaya nag bihis na ako at dumiretso na kami sa parking lot.

Nandito na kami sa loob ng sasakyan, at sasakyan ko nalang ang pinagamit ko at para di na din kami makilala ng mga tao. At si Ethan na din ang nag drive. 30 mins lang naman ang papuntang mall mula sa Hospital.

Habang bumabiyahe kami itong si Bethina iniinterview si Ethan.

"So Tito Ethan, meaning to say that you are that guy? Our seatmate in the plane"

"Yup. And you are that naughty kid who ate the 5 out of 6 muffins that I bought supposedly for your Tita Ninang? Hahaha."

"Hay nako Bethina. Buti na lang talaga nagtira kapa ng isa."

"You're welcome my Tita Ninang."

Nagkatawanan nalang kami ni Ethan.

"So what's your profession Tito Ethan? Are you an Actor?"

"Nope I am a Doctor."

"Doctor? But you look like an Actor po."

"Hahaha. Okay okay whatever you want Bethina no problem."

"Wait my Tita Ninang is a Doctor too and my Mom, Dad, and My Grandpa. Why you guys are all Doctors?" nakanguso na sinabi ni Bethina.

"Why Bethina? What's wrong? Don't you like it? We're a family of Doctors. We cure sick people." paliwanag ni Penelope.

"Hmm. I want to be a star! A Big Superstar! At least Tito Ethan is an Actor he can guide me. Right Tito Ethan?"

Napakamot nalang sa ulo si Ethan. Kulit ng batang to lagi nalang siya ang nasusunod.