webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 50 - ETHAN A.K.A NATAHALIE

CHAPTER 50 - ETHAN A.K.A NATAHALIE

---------

PENELOPE THOMPSON POV

"Huh? talaga ba magka babata pala kayo ni Ethan?" tanong ni Mommy Patricia nang malaman na magkababata pala si Penelope at Ethan.

"Opo mommy, diba lagi mong tinatanong si Penelope noon kung saan nagpupunta tuwing umaga hanggang hapon? Si Ethan talaga yung kalaro nya nun. Palagi silang magkasama."natatawang pag buking ni Patrick.

"Okay, di ko alam na may lalaki ka palang kalaro Penelope. Ang kilala ko lang kasi ay yung si ano? Natasha ba? Ayy hindi naalala ko na si Nathalie! Diba si Nathalie ang bestfriend mo kamo dun sa nilipatan nating bahay noon?"

Bigla kong nabuga yung iniinom ko. "Sorry. Natawa kasi ako kay mommy" wika ni Penelope habang nagpupunas ng bibig.

"Ehh sino nga ba si Nathalie? Kayo ha ang dami nyo palang sikreto sakin." pagtatampo ni Mommy Patricia sa mga anak.

"Haha. Wala mommy, ganito kasi yan, sinabi ko lang yun para hindi ka mag alala. Ehh pag nalaman mong lalaki ang kalaro nya maghapon edi mapagalitan mo pa ako kaya ginawa ko nalang na Nathalie ang  pangalan nya(ni Ethan). Hahahaha."pagbuking ni Patrick sa kanyang kalokohan noon.

"Aba loko ka pala Patrick! Eh saan mo nakuha ang Nathalie na yan ha?"

"Hahahaha. Mommy, mabait naman kasi tong si Ethan lagi niya akong pinapahiram ng bala ng playstation nya. Hehehe." pagbunyag ni Patrick

"Kaya lagi kong pinapayagan na maglaro sila para makalaro din ako maghapon hahahah. Ayan ha pati sarili ko nilaglag ko na." dagdag pa nito.

"Edi matagal na pala kayong magka kilala ni Ethan sweetheart?"

nakasimangot na tanong ni Mommy Patricia habang patuloy sa pagkaen ng kanilang breakfast.

"Yes mom.10 years old pa po. Siya yung naging friend ko nun nung napalipat tayo."

Napangiti si Mom sa narinig niyang yun at biglang napabulong sa Kuya ko.

"Dear, don't you think they we're meant to be? Kasi look, They met again after so many years."bulong ni Mommy Patricia sa kalapit nitong si Patrick.

At napansin ko na napangiti ang dalawa sa akin.

"Hayy nako Mom tama na nga yan. Kanina pa walang imik si Ethan oh. He felt so awkward ata.

Hahaha. Relax lang bro. Kaen lang. Don't mind us. Ganito lang talaga kaming mag biruan."wika ni Patrick sa kanina pang tahimik na si Ethan.

"(Napangisi) No, it's okay lang po Kuya Patrick. Nakakatuwa nga kayo, ramdam ko po yung closeness ninyong family." tugon ni Ethan.

ETHAN SMITH POV

Nakakatuwa lang isipin na noon pa man pala ay naka suporta na pala sa akin si kuya patrick.

Well, kahit mukhang intimidating si Kuya Patrick kapag nakilala mo siya talagang may pagka kalog talaga siya at mapang asar.

Napili ko mag stay muna dito. Nakapag paalam din naman ako kay Tita at pumayag naman.

Dito na nga din ako nag lunch nag luto si Tita ng kare kare na paborito ko. At ang sarap medyo

napadami din ang kain ko. 

Kinahapunan mga 3pm. Napag isip isip ko munang pumunta sa Garden nitong hospital. Noon ko pa napapnsin to. Tutal habang nagmomoment sila Tito at Tita makapag pahangin muna sa labas.

Nagpaalam din naman ako kay Kuya Patrick, at si Penelope is busy that time sa Kitchen area.

Maganda din dito sa may Garden area nila yun nga lang exclusive lang daw to para kay Tito. Eto siguro yung safe place ni Tito dahil meron ako ditong nakikitang mga palaisdaan may coy wow.

Ang lalaki. Sobrang sarap sa pakiramdam kapag nandito ka. Mahilig pala sa nature si Tito. At

habang nag titingin tingin ako biglang paglingon ko nalang

papalapit na si Kuya Patrick may

dalang dalawang tasa na umuusok usok pa.

"Ohh Ethan, dinala ko itong isang kape na to para sayo. Timpla ni baby girl yan a."

"Salamat Kuya Patrick." pasasalamat ni Ethan habang nakaupo sa bench na di kalayuan sa may groto.

"Ang ganda dito no? Kay Penelope na idea ito, talagang pinagawa nya para kay Dad.

Kasi siguro obvious naman na nature lover si Dad. Hahaha. May mga halaman tas may maliit na

groto din at may coy pa"

"Kaya nga e. Ang sarap sa pakiramdam. Magandang tambayan pagkatapos ng stressful na araw.

Haha. The best dito."

"Ahm pasensya na nga pala kanina Ethan a." pagbuntong hininga ni Patrick.

"Hmm? Para saan naman Kuya Pat?"

"Kasi pinakilala kita bilang Nathalie kay mom haha." biglang ngisi ni Patrick.

"Hahahaha. Walang problema kuya ano ka ba. Epic nga e, tska kaya pala nagtataka ako na ayos lang sa magulang niyo na maghapon na naglalaro sa labas si Penelope kasama ko. Kasi diba mamaya pagalitan kami, ehh pero naglalaro lang naman talaga kami nun." masayang kwento ni Ethan.

"Pero minsan nga natatanong ko din kay Penelope na buti hindi siya pinapagalitan na lalaki ang kasama niya araw araw. Hindi naman daw yun ang sinasagot nya. Kaya panatag lang kami na naglalaro nun.

Hahaha." sabay kamot sa ulo si Ethan at pailing iling.

" Pero maiba ako Ethan. Matanong ko lang ha. Naging kayo ba ng kapatid ko? "

Pinagpawisan ako bigla dun a. Presko naman dito tapos nakabukas din ang window at may fan pa.

"Ahh Eh. Hindi kuya e."

"Ganun ba. Natanong ko kasi alam mo ba. Eto ha, atin atin lang to. Iniyakan ka kasi nya ng sobra

noon hanggang sa makapunta na kami ng states lagi kong napapansin na namumugto ang mga mata niya.

Although Hindi ko alam kung bakit a. Ilang taon din siguro yun. Pero alam ko na ikaw yung iniiyakan niya."

bigla naman akong nalungkot sa mga narinig kong yun.

"Ganun ba Kuya, actually nagulat nga din ako nang bigla kayong umalis. Sakto pa talaga sa kaarawan ko." wika ni Ethan na bigla na lamang napaluha.

"I'm sorry Kuy Pat. Hehe." pilit na nilalabanan ang pagpatak ng luha.

Bigla akong inakbayan ni Kuya Patrick para pakalmahin.

"Pano mo pala nalaman Kuya Patrick na ako yung dahilan ng labis na pag iyak niya nung time na yun?"

"Pinunit niya yung pictures niyo na nasa kwarto niya." pagbunyag ni Patrick.