webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 45 - THE MOMENT THAT MOMMY PATRICIA FEARED OF

CHAPTER 45 - THE MOMENT THAT MOMMY PATRICIA FEARED OF

-----------

PENELOPE THOMPSON POV

Time Check: 7 am

Kakagising ko lang para tignan si Dad. Sabi ni Doc Arman yung Doctor ni Dad na under observation pa din daw siya dahil meron silang tinitignan pero iniintay lang din kung madadaan sa gamot. Payo lang ni Doc na patuloy lang sa pag rest si Daddy tapos wag bibigyan ng stress.

Lumapit ako sa Dad ko para kausapin. Sobrang todo ako sa pag pigil ng mga luha ko dahil ayaw kong mahawa sa akin si Dad. I know na soft hearted kasi si Dad e. Makita lang niya ako na umiiyak, iiyak na din yun. Kaya nilakasan ko lang yung loob ko.

Kinakausap ko si Dad habang hawak ang kamay niya.

"Dad, basta pagaling ka lang diyan a. Wag mo kaming intindihin dito. Ayos lang kami. Magpapaka tatag kami para sayo Dad. Gabi gabi ka din po naming pinag pepray. I love you Daddy."

Bigla naman akong pinuntahan ni Mommy.

Sobrang bigat sa pakiramdam na makita si Dad ng ganito. Hindi ko mapigilan yung mga luha ko kaya umalis muna ako sa kinauupuan ko.

Sinalubong ako ni Kuya at tsaka niyakap. Dun ako humagulgol sa kanya.

"Stay strong baby girl. You know naman Dad is a fighter. Hinding hindi siya susuko. Patuloy lang lalaban si Dad kaya ang tama nating gawin is bigyan din siya ng lakas." payo ni Kuya Patrick na pinapalakas ang loob ng kapatid.

"I know Kuya. Di ko lang talaga mapigilan."

After nun nag breakfast na kami. At pagkatapos mag breakfast, nag novena naman kami para kay Dad.

Buti nalang nandito si Kuya para palakasin ang mga loob namin. Maski kasi si Mom napanghihinaan. Hanggang sa ma-open ko yung topic na, kung bakit at anong rason ng heart attack ni Dad? Natanong ko na din to sa kanila kagabi pero wala naman akong narinig na sagot sa kanila.

MOMMY PATRICIA THOMPSON POV

Naluha nalang ako. Di ko alam ang isasasagot ko sa tanong ng anak ko. Kaya si Patrick nalang ang nagsabi kay Penelope sa tunay na nangyari kung bakit inatake sa puso ang Daddy nila.

"Because of stress daw babygirl e."

"Stress?"

"Yup. Madami na palang iniisip si Dad pero di niya lang sinasabi satin." 

"Hmm. Eh paano niyo naman nalaman na stress si Dad? Nag iinom ba siya?

Cigarette?" naguguluhan na tanong ni Penelope.

"Palaging lasing. Oo. Lately lang, madalas siyang lasing pag uwi tsaka mainit ulo." nanginginig na tugon ni Kuya Patrick.

"Kuya, sorry ha. Bakit parang ang daming paligoy ligoy? Kilalang kilala kita kuya. Mommy, may nililihim ba kayo saken? Ano bang problema ni Dad? umiiyak na tanong ni Penelope.

PENELOPE THOMPSON POV

Hindi ko na mapigilan na maiyak dahil para bang meron silang lihim na hindi sinasabi sa akin. Sa sobrang close naming pamilya, hindi talaga nila kayang magsinungaling sakin. Yung panginginig ni Kuya, tapos yung pagiging tahimik ni Mom. I know na there's something.

"I'm sorry babygirl. Hindi ko lang kasi alam kung pano ko ba sasabihin sayo to nang hindi ka masasaktan." umiiyak na sabi ni Kuya Patrick.

"It's okay Kuya, just tell me please."

"Sweetheart nahuli namin ang Dad mo na nagcacasino. Nalulong ang Dad mo sa sugal at nagkaroon pa siya ng malaking utang."pagsisiwalat ni Mommy Patricia.

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko akalain na nagsusugal pala si Dad. Tanging bisyo lang kasi ni Dad is mag golf with his friends, play chess,

and watch movies. Never sumagi sa isip ko na mag sugal si Dad. And knowing na almost 4 billion ang napatalo ni Dad?

OMG! Even the savings nila ni Mommy ay nagalaw niya. I feel so disappointed para kay Dad. Pero at the end of the day, It's just money what important is yung health niya kaya handa akong kalimutan ang lahat ng yun gumaling lang si Dad.

At sa pagkakakilala ko kay Dad, I know learned a lot from this at alam kong hindi na niya ulit gagawin yun.

And I feel na everything has been settle. Feeling ko din na nasabi na sakin lahat ni Mom.

I can focus na sa pag papagaling kay Dad.

ETHAN SMITH POV

Time Check: 4:00 pm

May time pa para makadalaw sa hospital. Kaya after ng duty ko sa

hospital namin nagbihis na ako at nagready papunta naman sa

hospital nila Penelope.

Hmm? Makapag dala nga din ng foods. Dadaan muna ako sa hotel

namin para sa pagkaen.

30 mins after. All is set. May pagkaen na akong dala. Ulam siya actually and a vegetable salad at ilang fruits.

I feel so excited at kinakabahan at the same time.

After 1 hour of driving nandito na ako sa Thompson Hospital Medical Center.

Pero di naman ako pinapasok agad dahil kailangan ko pa pala ng authorization kila Penelope. Kaya tumawag muna sa kanila bago ako pinapasok.

Hayy, nakahinga ako ng maluwag dun a. Buti nalang si Tita yung nag recieve ng call. Kaya dumiretso na din ako sa pagsakay ng elevator.

MOMMY PATRICIA THOMPSON POV

Kakatapos lang maligo ng daughter ko at nakwento ko nga sa kanya na dadalaw si Perfect Doctor. Napa "hmp!" lang siya nung nabanggit ko yun. Aba ang anak ko a, attitude.

Tatanong ko sana kung pano sila nagkakilala pero bigla namang may kumatok.

"Oh yan Mom, speaking." nakairap na sinabi ni Penelope.

"Hello po Tita, Kuya Pat, at Penelope. May dala po akong pagkaen at fruits po.

Pasensya na po dumuty pa po kasi ako sa Hospital namin e." nakangiting bati ni Ethan.

"Okay lang naman Ethan. Nga pala nandito na ang Tito mo. Nung gabi lang siya naitransfer dito pero under monitoring pa."

PENELOPE THOMPSON POV

Pumunta sila dun sa kwarto ni Dad para daw maipakilala ni Mommy si Ethan.

"Wow ha. Edi kayo na ang close." pabulong na sabi ni Penelope.

"I heard that. Hey babygirl. Bakit naman ang sungit sungit mo kay Ethan? Ano ba nangyari sa inyo?" curious na tanong ni Patrick.

"Kuya ha yung totoo? Marites na marites tayo ha. Kelan ka pa naging ganyan? nakairap na tugon ni Penelope sa nakakatanda nitong kapatid.

"Hahaha! Shut up! Just answer my question. LQ ba kayo?" pang aasar ni Patrick.

"Eww! Kuya naman. LQ talaga?"

Habang nag uusap kami ni Kuya bigla naman lumabas si Mom na para bang naaaligaga na ewan.

MOMMY PATRICIA THOMPSON POV

Habang kinakausp ko si Ethan at pinapakilala kay Harvey, ay bigla naman akong nakatanggap ng message sa Phone ko.

"Dala na namin ang mga dokumento na naglalaman nang kasulatan tungkol sa pagkabenta

ng kalahati ng property ng T.H.M.C at kasunduan para sa arrange marriage. Nandiyan man o wala ang ating mga anak ang pirmahan ay magaganap ngayon din. Salamat.

– Albert Smith."

Ito na nga ba yung araw na kinakatakutan ko. Ang araw na malalaman na ni Penelope yung about sa arrange marraige nila ng anak ni Don Albert Smith.

Sa sobrang kaba ko napa labas ako ng kwarto at nanginginig.

"Why Mommy?" 

"Nahihilo ako."

Knock Knock! Knock!

PENELOPE THOMPSON POV

I don't know what's wrong with mom but she looks really nervous. Lalo na nung may kumatok. Pero pinapakalma ko lang si Mom at si Kuya na ang nag open ng door.

At pag open ng pinto, bumungad samin ang isang lalaki na naka formal suite na may hawak na briefcase na black.

"Mrs. Patricia Thompson?" wika ng lalaki na nakaformal suite na may hawak na briefcase.

"Dala ko na po ang mga dokumento."

"Sandali Atty. gusto ko munang magpakilala sa mga hmm.. anak ni Mrs. Thompson right?"

"Ako nga pala si Albert Smith at eto ang aking maybahay na si Isabel Lopez Smith. Kinagagalak ko kayong makilala."