webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 39 - HARVEY'S DARK SECRET AND DON ALBERT'S ONE CONDITION

CHAPTER 39 - HARVEY'S DARK SECRET AND DON ALBERT'S ONE CONDITION

----------

SAMANTALA ANG KAGANAPAN SA TAHANAN NG PAMILYA THOMPSON

---------

MOMMY PATRICIA THOMPSON POV

"My Dear, Patrick? Can you please call your Dad?"

"Later Mom, I'm working."

Nag-aalala na talaga ako sa asawa ko, ilang araw nang umuuwing lasing tapos mainit ang ulo.

Tas late na ding umuwi. Medyo iba na din ang kinikilos niya lately.

"Mom kanina ka pa palakad lakad dyan. Don't worry about Dad baka madaming inaasikaso sa Hospital yun lalo na wala pa si babygirl." wika ni Patrick na kinakalma ang Ina.

"I know my dear. But my only concern is ilang days na siyang lasing at napakainit din ng ulo niya.

Nangangamba lang ako na baka kung anong kalokohan na ang ginagawa ng Daddy mo."pag aalala ni Mommy Patricia sa asawa niyang si Harvey.

1 am na nung naka uwi si Harvey hindi ko siya pinansin pag uwi niya. Ang kagandahan naman sa

kanya hindi siya nakakalimot na humalik sa akin bago siya matulog.

4am nung ako'y muling nagising dahil kailangan kong mag banyo that time. At napansin ko na wala

sa tabi ko si Harvey. After kong mag cr pumunta ako sa office room niya malapit sa kwarto namin.

Sumilip lang muna ako at napansin ko na naghahanap siya ng mga papeles o dokumento sa table niya.

Kaya napaisip ako kung ano at bakit niya ginagawa yun lalo't ngayong madaling araw na. May something talaga dito kay Harvey.

Kahit naman na tanungin ko siya ngayon alam kong di rin yan aamin kaya minabuti kong bumalik na sa kama namin at hinayaan nalang siya sa ginagawa niya.

-----------

7 AM SA THOMPSON'S RESIDENCE

-----------

DADDY HARVEY THOMPSON POV

I am already done with my breakfast, nakaligo na din at ready nang pumasok.

Everybody was still sleeping kaya di na din ako nagpaalam sa kanila pero nagbilin naman ako sa yaya namin.

Medyo sumasakit ang ulo ko gayon din ang aking dibdib pero binabaliwala ko lang dahil malamang masahe lang ang katapat nito. Siguro later magpamassage ako after ng lakad ko mamaya after work.

I'am about to leave the house when suddenly.

"Harvey?! You will just leave the nang hindi man lang nagpapaalam?" galit na sinabi ni Mommy Patricia sa asawa.

"Honey naman? You're still sleeping kanina at nagmamadali na din ako. Ang aga aga ha." medyo malumanay na tugon ni Daddy Harvey.

"Umuwi ka ng maaga mamaya ah.. May dinner tayo." seryosong sinabi ni Mommy Patricia.

"No honey, I can't. I am sorry sa ibang araw nalang. I have a lot of work to do ngayong araw.

Dennis! Halika na. Malelate nako."

MOMMY PATRICIA THOMPSON POV

Hmm.. Siguraduhin mo lang na wala kang katarantaduhan na ginagawa. Mamanmanan kita sa office mo at kung saan ka man magpunta. Magkakaalaman tayo Harvey.

Makalipas ang ilang oras.

9:00 pm sa parking lot ng Thompson Hospital Medical Center.

"Anong ginagawa natin dito Mommy? Akala ko ba sa mall na tayo magkikita kita?" tanong ni Patrick.

"Mamanmanan natin ang Daddy mo Patrick kaya humanda ka gusto kong mahuli sa akto ang Daddy mo at ang tinatago niyang kerida kung meron man." seryosong sinabi ni Mommy Patricia.

Mamaya maya lang ay nakita ko na ang asawa ko na kaka baba lang ng elevator at papunta na ng sasakyan.

Gamit namin ang sasakyan ni Patrick at nagtago lang kami sa may parking lot para hindi kami mapansin.

"Mommy nakaalis na sila Dad." wika ni Patrick.

"Sige, hayaan mo lang. Hindi niya tayo pwedeng makita. Antayin natin tong isang kotse na ito na lumabas."

Mga ilang sasakyan muna ang pina una namin para hindi kami mahalata dahil kilalang kilala ni Harvey ang mga kotse namin sa bahay.

At laking gulat namin nang huminto sila sa may bangko. At maya maya lamang ay may dala na itong tatlong maleta.

"Did you see that Mommy?" tanong ni Patrick.

Kinabahan ako bigla. Anong ginawa niya sa bangko at paglabas ay may bitbit na silang tatlong maleta? Agad kong chineck yung bank account namin kasi nag eerror siya sakin. Naku, patay kang bata ka. Nag change pin

si Harvey pero bakit?

At pagkatapos nila sa bangko ay umalis din sila agad. Kinakabahan na kami ng anak ko dahil hindi namin alam kung saan pa pupunta itong si Harvey. At laking gulat ulit namin nang huminto naman sila sa isang sikat na Casino dito. At sinundan namin sila hanggang sa parking lot. Hindi ulit kami nag pahalata at ilang sasakyan din muna ang pinauna namin.

Napansin din namin na nakababa na sina Harvey sa kotse bitbit ang tatlong maleta.

Hmm? Anong ibig sabihin nito? Escorted pa siya ng mga tauhan dun sa may casino. At agad silang sumakay ng elevator. Dali dali kaming lumabas ng anak ko at sinundan sila.

DADDY HARVEY THOMPSON POV

Nakapunta na din kami sa room kung saan kakatagpuin ko ang taong pinagkaka utangan ko na si Mr. Tan.

"Nandyan naba sila sa loob?" tanong ni Daddy Harvey.

"Yes po sir kanina pa po si Mr.Tan at nandyan din po sina Mr. and Mrs. Smith." tugon ng crew ng casino.

"Okay Thanks."

Napabuntong hininga nalang ako.

This is the worst day of my life, Dahil ito ang araw na magpipirmahan kami ng kontrata ng mga Smith at etong pera ay para naman kay Mr. Tan na pinagkakautangan ko dahil ilang beses niya akong natalo nung mga nakaraang araw. Nandito na ako sa VIP room ng casino na to. Nandito lang naman ang ilang mga milyonaryo at bilyonaryo ng bansa. Mga tao na handing magwaldas para sa kasiyahan, at syempre para na din magpayaman pa ng husto.

Isang malaking kamalian para sa akin na matutong magsugal. Actually, Inaya lang talaga ako noong una ng dati kong mga kaklase. Isang libangan lang nung una pero pag naranasan pag naranasan mong manalo unti-unti ka talagang maaadik sa sugal na to. Madalas ay hindi mo pa pansin ang oras. Hanggang sa dumating ang isang araw.

Nakalaban ko itong si Mr. Tan. Ilang beses ko muna siyang natalo bago ako sunod sunod na matalo sa kanya hindi talaga siya tumigil hanggat hindi niya mabawi ang mga natalo niya sakin.

Hanggang sa lumaki ng lumaki ang pusta ang dating milyon na pusta ay naging Bilyon. Samahan mo pa ng ilang talo ko sa bangka nitong casino.Nagalaw ko na maski ang laman ng bangko namin ng asawa ko na labis kong kinakabahala. At sa kagustuhan kong mabawi ang pera. Naglaro pa din ako ng naglaro kahit puro talo. At hanggang umabot na ako sa punto na halos wala akong maipang bayad ngunit hindi ko naman maaaring di bayaran. Lalo na't isa palang druglord itong nakalaban ko. Umabot ang kabuuan kong utang sa kanya ng higit kumulang 2 billion.

Buti nalang nung araw na yun. Nandun ang mag-asawang Smith. Nakita nila kung paano ako pinagbantaan ng Mr. Tan na yun. Naging magkaibigan kami ni Don Albert Smith dahil dito sa Casino. Ilang beses din kaming nakapag laro pero ang pinapalaro niya lang ay ang kanyang asawa. At pagkatapos namin maglaro napag uusapan naman namin ang business kung saan kami nagkakasundo bukod na din dun na parehas kaming mahilig sa alak.

Nung araw na ako'y pinagbantaan ni Mr. Tan agad silang lumapit sakin at nagpaabot ng tulong. Nagulat ako sa kabutihan ni Don Albert pero labis din ang gulat nila nang malaman na 2 billion ang utang na kailangan kong bayaran kay Mr. Tan.

"Bakit naman ganun kalaki? Hindi ka ba naiiscam ng Mr. Tan na yan?" pag aalala ni Don Albert.

"Ganun na nga Don Albert. Tandang tanda ko nga na nakakabayad naman ako sa kanya lalo kapag nananalo ako pero ngayon ay pinipilit niya talaga na dalawang bilyon pa din ang utang ko sa kanya. Kinakabahal ko Don Albert dahil nagalaw ko na ang savings naming mag asawa dahil naipambayad ko na sa kanya yun noon. At ngayon pinagbabantaan niya ang buhay ng pamilya ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko." paliwanag ni Daddy Harvey na humahagulgol habang umiinom ng alak.

Di ko inaasahan na sa gabing iyon, papa hiramin ako ng pera ni Don Albert. Ngunit humingi siya sa akin ng isang pabor.

"Willing akong ibigay ang dalawang bilyon sa isang kondisyon. Dahil nabanggit mo nga na may anak kang babae.

Nais ko sanang ipagkasundo natin silang dalawa. Pero kung di ka papayag, yung kalahati ng hospital mo ang mapapapunta sa pangalan namin. Maliwanag Harvey?" kondisyon ni Don Albert kay Daddy Harvey.