webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 29 - ETHAN FINALLY SHOWED UP!

CHAPTER 29 - ETHAN FINALLY SHOWED UP!

---------

BLAG!

MEOW! MEOW!

EHTAN SMITH POV

At ayun sapul ang dingding. Pinag didilaan tuloy ako ng pusa dahil nagtalsikan sa akin ang ibang parte ng mga nagkalasog lasog na mga parte bangus. Kaka shower ko pa lang man din. Kaya umalis na din ako nung nakita ko na nabaling na sa iba ang atensyon nila, lalo na si Penelope.

Pumasok nako sa room ko. At humiga, I'll try nalang kung makakatulog ako.

PENELOPE THOMPSON POV

Bwisit na pusa yun minsan nalang kumanta talagang pinag dabugan pa ko. Tapos tuwang tuwa naman tong dalawa dito sa tabi ko.

"Hoy kayong dalawa diyan kung maglalampungan lang din naman kayo maiging lumayas na kayo dito. Sakit niyo sa mata e. Iwan niyo nako dito at inaantok na din naman ako. Yun din naman ang gusto niyong dalawa diba? Layas!" wika ni Penelope na lasing na lasing na.

"Maka layas ka naman beshie ko. Di mo ba ko lab?" pagdadrama ni Mica.

"Love kita beshie sa sobrang pagmamahal ko nga sayo hinahayaan na nga kita diyan sa babaero na yan."wika ni Penelope na halos maluha luha sa kaniyang sinabi.

"Huy! Maka babaero naman. Nagbago na ko Ms. Thompson maniwala ka man o hindi." kontra ni Lucas.

"Hahaha! Siguraduhin mo lang at pag pinaiyak mo yan at pinaasa tong kaibigan ko na to."

Kinuha ko yung phone ko at binuksan yung gallery kung saan may picture ako nang pagiging black belter sa U.S noon.

"Wait lang a. Oh eto nakikita mo?" pananakot ni Penelope habang pinapakita ang picture sa phone niya kay Lucas.

"Huy beshie asan dyan? Eh picture yan ni Perfect Doctor e hahahaha! Alam mo beshie lashing kana nga." biro ni Mica sa kaibigan.

"Ay bwisit! Ma delete nga bakit kasi may asungot sa gallery ko. Oh eto!"

"Ohh, gulat kaba? Black belter ako sa U.S kaya wag kang loloko loko." pananakot ni Penelope kay Lucas.

"Hay nako tama na nga yan. Alam mo Ms. Thompson matulog na tayo at lasing na lasing na tayo oh. Gusto ko nang matulog at maaga pa tayo sa tour bukas. Dyan na kayo ha. Aakyat na ako." wika ni Lucas na lasing na lasing na din.

"Bahala ka, ikaw beshie san ka? Ako dito sa sofa. Ikaw bahala kana kung san ka. Kahit diyan oh sa may lababo.

Tutal palasuka ka. Sige na mag sleep nako. Labyu beshie." wika ng lasing na lasing na si Penelope habang napapa pikit pikit na din habang nagsasalita.

Humiga na ako at para makatulog na din. Pero pag pikit ko parang umiikot ata ang mundo ko.

Pero keri lang wag natin pansinin yan. Mas nangingibabaw ang antok ko e. zzzZZZ...

ETHAN SMITH POV

Actually kahit papano ay naka idlip naman ako. Nagising ako dahil may naririnig akong sumusuka.

Kaya naisip kong tumayo muna para icheck kung ano na ang ginagawa nila sa baba.

And I checked my phone and it's already 3 am. Paglabas ko ng pinto, bumungad sakin si Lucas na nakahiga sa may tapat ng pinto ng room niya.

Sa sahig pa siya nakahiga at nakabukas ang pinto.

Hayy, Lucas. Halatang di kana umabot sa kama mo talagang nandiyan ka pa sa sahig.

Sayang naopen mo na yung pinto mo pero ending sa sahig ka pa din na-knock out.

At pag lakad ko banda sa may hagdan..

Okay, I think meant to be talaga kayo ng kaibigan ko. Nako nako mics kung si Lucas malapit lapit na sa room niya ikaw naman nandito sa may hagdan. Mukhang ginapang mo pa to paakyat a.

Oh eto bilang tulong, tag isa kayong kumot. Inusog ko na din ng bahagya si Mics at baka ma-wrong turn to mamaya.

At last kong chineck...

*Blarghhhh! Blarghhhhh!* (vomit sound)

Hmm? Penelope?

Kaya dali dali akong bumaba para icheck kung okay lang ba siya.

At pagbaba ko, nadatnan ko siya na natutulog lang sa may sofa. Nagdala na din ako ng kumot para kumotan siya dahil malamig nung gabing iyon gawa nang walang tigil na pag ulan.

Pero nung papalapit na ako sa kanya, bigla naman siyang napamulat at dali dali naman akong nagtago sa may likod ng sofa.

Napansin ko na tumayo siya at pumunta dun sa may cr at sumuka nanaman.

*Blarghhhh! Blarghhhhh!* (vomit sound)

At maya maya'y bumalik na siya sa may sofa.

"Ahh grabe napaka sakit ng ulo ko."

"Aba mukhang malakas pa din ang ulan a? Kamusta na kaya yung panget na yun? Ang dami kasing arte e edi binagyo ka ngayon. Aalisin mo lang naman yung mask mo, bakit ha? May tinatago kaba? Sino ka ba kasing Mr. Smith ka?

Naloloka na ko sayo. Wag ka talagang papakita sakin uupakan talaga kita. Nanggigigil na ako sayo."

"AHHH! GRABE!!! YUNG ULO KOOO!!" namimilipit sa sakit na sinabi ni Penelope.

Nakakainis wala akong magawa. Pero nag dadalawang isip pa din ako parang gusto kong lumabas para punasan ang ulo niya at medyo mahimasmasan.

At hindi na ako nakapigil pa nung narinig ko na siyang umiyak.

"Hindi ko na kayaaaa. Yung ulo ko parang binibiyak. Tulong please. Gusto ko na pong matulog. Beshie help me." wika ni Penelope na naiyak dahil sa sakit ng kaniyang ulo gawa ng pagkakalasing.

Tumayo na ako at pumunta sa may kitchen para kunin yung water kettle, maswerte ako dahil may laman pa to.

Kumuha na din ako ng maliit na planggana  at ginupit ko nalang itong kapiraso ng tshirt ko para may pamunas ako sa ulo niya.

Hinugasan ko na muna syempre para malinis. At ready na ang papahid ko sa ulo niya.

Actually, hindi pa din naman niya ako napapansin dahil iyak pa din siya ng iyak. Hanggang sa...

"Hoy! Sino ka? Anong ginagawa mo sa kitchen? Nagnanakaw kaba?"

"Okay edi ikaw na ang isnaberong magnanakaw. Sige, basta wag mo lang ako papatayin ha. Lasing ako e. Ohh bat nalapit ka? Gusto mo yung phone ko? Ohh sayo na! Saksak mo sa baga mo!" galit na sinabi ni Penelope na napagkamalan pang magnanakaw si Ethan.

Hindi na ako nagsalita at nag umpisa na akong magpahid sa kanya.

"Ayy hala anong ginagawa mo?"

Wala na akong pakielam kahit salita pa siya ng salita. Actually, sobrang mausisa niya e. Pero pahid lang ako ng pahid sa ulo niya ng maligamgam na towel.

"Wait Ethan? Ikaw ba yan? Kita ko yang nunal mo sa ilong tapos asul pa ang mga mata mo. Grabe, lalo kang pumogi at alam mo kamukhang kamukha mo yung sikat na doctor ngayon. Iisa lang ba kayo?"

Hindi ako sumasagot sa mga tanong niya pero kinakabahan na din ako. Bahala na. Basta patuloy lang ako sa pag pahid sa may ulo niya.

"Hahahaha! Ang gaga ko! Imposibleng si Ethan ka malamang nananaginip lang ako."

She just smile at me bago siya makatulog at nakahawak din siya sa braso ko nung time na yun.

"Alam mo Penelope, ang ganda ganda mo padin talaga. Bukod pa dun, kitang kita ko kung gaano ka kasuccesful ngayon.

I am so proud of you. I am sorry sa lahat ng mga nagawa ko sayo ha. Sana sa time na malaman mo na ang totoo, hinihiling ko na mapatawad mo ako.

Naghahanap lang talaga ako ng magandang timing para aminin sayo ang lahat. Tandaan mo Penelope na, nandito lang ako para sayo. Babantayan kita palagi. At mahal na mahal kita." maluha luha na sinabi ni Ethan sa noo'y natutulog na, na si Penelope.

Pagtapos kong sabihin yun, napansin ko na may luha sa mga mata ni Penelope, pero inisip ko nalang na maaaring nanaginip

na lamang ito.

At bago ako umalis kinumutan ko na muna siya. At dahan dahang umakyat sa hagdan.

Goodnight Penelope...