webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 23 - THE JETSKI PLAN

CHAPTER 23 - THE JETSKI PLAN

-----------

LUCAS LEE POV

Masaya lang kami na nag kekwentahan dito ni Ethan sa may ilalim ng coconut tree.

Ang dami din naming napagkwentuhan na mga bagay bagay. Ganun namin sobrang

ka miss ang isa't isa dahil sa tagal naming magkaibigan nito ni Ethan. Ngayon ko lang ulit siyang nakasama ng matagal at maka kwentuhan ng matagal. Nung araw kasi na naka graduate na siya at nagsimula nang magtrabaho hindi na talaga namin siya nakasama.

Pero naiintindihan naman namin kaya hindi naman kami nagtatampo dito kay Ethan dahil ang success ng isa ay success na din ng barkada. Suportahan lang kami sa isa's isa. At one thing naman na pinagkakasunduan namin ay ang pagdating sa usapan na business. Dahilan kaya tinawag namin ang mga sarili namin na "The Millionaire's Gang". Ultimate goal talaga namin yan noon pa. Kaya naisip ko din mag aral pa ng business sa ibang bansa para madagdagan ang mga kaalaman,

At kita naman ang bunga.

"I am so proud of you bro." wika ni Ethan.

"Thank you bro, without the advices ninyong mga kaibigan ko talagang di ko din makakamit ang lahat ng ito." pasasalamat ni Lucas sa kaibigan.

Sa gitna ng pag uusap namin ni Ethan ay bigla nalang na may sumingit...

"Tara na mag jetski na tayo!" palaban na sinabi ni Penelope.

ETHAN SMITH POV

Gulat na gulat kami ni Lucas sa sinabi niyang iyon dahil una sa lahat 1pm palang taliwas sa usapan namin na 2pm mag iistart ang aming jetski ride. Pero well, nag aya na siya so sino ba naman kami para tumanggi.

"Okay, so let's go Mr. Smith?" tanong ni Lucas na medyo naweweirdohan pa sa mga nangyayari.

"Yeah, let's go. Nakakahiya naman kay Ms. Thompson kung tanggihan natin." pag sang ayon naman ni Ethan.

Umalis na kami para pumunta dun sa spot kung saan naka park ang mga gagamitin naming jetski.

"Okay meron ditong apat. Maganda din pala na ngayon na tayo mag jetski kasi tignan mo tayo lang ang tao dito. Kahit sila kuya na nagbabantay andun sa duyan mga tulog." wika ni Lucas habang inaayos ang mga jetski na gagamitin.

Habang chinecheck pa ni Lucas yung mga jetski. Nage decide ako na lapitan sina Penelope at Mica na nag uusap sa may silungan.

"So tag isa isa tayong jetski right?" tanong ni Ethan sa magkaibigan.

"Ay no no no tayo diyan Mr. Smith. I can't drive kahit na jetski pa yan." tugon ni Mica.

"Ohh okay so kayo pala ng beshie mo ang magkasama tapos tag isa nalang kami ni Lucas? Okay." paglinaw ni Ethan.

"Naku! May problem tayo, dalawa lang daw ang available sabi ni kuya. Kaya pala nasa tabi tong jetski. So pano yan tuloy paba tayo?" concern ni Lucas.

"Sus, ay dalawa pa naman e. Edi tuloy!" palaban na sagot ni Penelope.

"Aba, jetsking jetski ang business partner ko ah. Hahaha. Mukhang namiss mo mag ride a" pangangantsaw ni Lucas.

PENELOPE THOMPSON POV

Medyo naaayon sa plano ang lahat. Maigi na din na dalawa lang ang gamitin. Although I hate riding a Jetski dahil takot ako lalo pag mabilis na ang andar. Pero Anyways, Ang point lang naman tong jet ski ride na to ay para lang makita ko na

ang mukha ng Mr. Smith na yan dahil malamang sa malamang magtanggal na yan ng mask at shades niya. Sino ba namang ewan ang magsusuot ng ganyan sa jet ski.

Hmp!

"Okay ready na! So pano? next next or angkasan?" tanong ni Lucas.

"Angkasan na lang." palabang sinabi ni Penelope.

"Kami ni Lucas tapos kayo ng beshie mo?". tanong ni Ethan.

ETHAN SMITH POV

Pumayag naman sila na kami Lucas ang magkasama at sila naman ng beshie niya ang mag kasama sa Jetski. At nag umpisa na ang aming masayang Jetski ride.

"Wooooh! Enjoy! Bilisan mo pa bro!!" masayang sinabi ni Ethan kay Lucas na driver ng Jetski.

"Di ka ba naweweirdohan bro?" tanong ni Lucas habang umaandar.

"Naweweirdohan? Kanino naman?" balik na tanong ni Ethan.

"Sa kinikilos ni Ms. Thompson." tugon ni Lucas.

"Why? What's wrong with her bro? tanong ni Ethan.

"Alam mo bang takot sa Jetski yun?" pagbunyag ni Lucas.

"I don't think so, bro. Look oh, they're just relaxed." tugon ni Ethan.

"Of course, mabagal ang takbo nila e. Pero deep inside takot yan. Nag taka lang ako na g na g siyang mag jetski." sagot ni Lucas.

"Maybe na miss nya nga lang mag ride. Pero whatever the reason is, enjoyin nalang natin to bro. Mamaya ako naman ang driver." wika ni Ethan.

"Sure bro! Wohooooo!" sagot ni Lucas habang mabilis na nagpapatakbo ng Jestki.

PENELOPE THOMPSON POV

Nag uusap kami ng beshie ko habang mabagal na nagpapatakbo ng Jetski.

"Nakakainis beshie! Tignan mo oh. Talagang may tinatago yang Mr. Smith na yan! Naka suot pa din ng mask at shades!" inis na sinabi ni Penelope.

"Kaya nga e. Siguro bungal yan beshie o kaya mahaba ang buhok sa ilong kaya di nag aalis ng mask. Paano kaya natin mapapaki usapan si Mr. Smith na tanggalin niya yung mask niya?" tanong ni Mica.

"Ganito beshie." wika ni Penelope habang lumiliko pabalik sa may dalampasigan.

"Ohh? Bakit paliko? Babalik na tayo?" nagtatakang tanong ni Mica.

"Oo, babalik tayo. Dun ka kay Lucas at ako naman kay Mr. Smith." tugon ni Penelope na mukhang may binabalak.

"OMG! Kinikilig ako sa inyo ng childhoood bestfriend mo!" wika ni Mica na may paghampas pa sa braso ni Penelope.

"Sira ka! Di pa nga natin kilala yang Mr. Smith na yan. Mamaya si Wil Smith pala yan. Edi napahiya nanaman ako." naiinis na tugon ni Penelope.

Naka baba na kami ng Jetski ng beshie ko at inaantay sina Lucas at Mr. Smith na bumalik. Buti nalang sa bilis ng takbo nila ay nakarating agad sila sa kinatatayuan namin.

"Ohh? What's wrong Ms. Thompson? You guys done?" tanong ni Lucas.

"Hindi magpapalitan lang tayo ng driver. Etong beshie ko kasi gustong gusto sayo Mr. Lee. Ang boring ko daw magpatakbo. Oh ayan na beshie kunwari kapa e, gusto mo lang manantsing porket nakasando lang yan." pangangantsaw ni Penelope sa kaibigan.

Bumaba na si Mr. Smith sa tabi ni Mr. Lee at pumalit na sa kanya si Mica.

"Hoy hoy hoy, beshie ano yan? Di pa kayo umaandar nakayakap kana? At tuwang tuwa naman tong Mr. Lee na to" pagpuna ni Penelope sa maharot na kaibigan.

"Ehh syempre beshie baka mamaya iandar na agad to ni Lucas Aaaaay! Put****** kang Lucas ka!!!!!" wika ni Mica na napasigaw bigla dahil biglang hinarurot ni Lucas ang Jetski.

Natawa nalang kami ni Mr. Smith sa kalokohan ng Mr. Lee na yun. At yun na nga kaming dalawa nalang ni Mr. Smith ang natira. Medyo awkward pa pero ako na ang unang nagsalita.

"Ano Mr. Smith? Magtititigan nalang tayo? Sumakay kana aangkas ako." nakangiting sinabi ni Penelope.

"Ahh okay sige." nanginginig na sagot ni Ethan.

Nang nakasakay na si Mr. Smith, sumakay na din ako.

"Wait, Mr. Smith. Aandar na tayo agad? Eh hindi mo pa nga inaalis yang mask mo?" wika ni Penelope.

"Ahh ehh hindi na, okay lang naman na may mask ako. May ubo kasi ako eh. (*cough! *cough!) Hehehe.

Sige na aandar na ako a." palusot ni Ethan.

Di ko na pinilit pa si Mr. Smith dahil baka makahalata at umiwas bigla sa akin. Kaya pinalampas ko muna sa pagkakataon na yun.

ETHAN SMITH POV

Buti nalang at nakalusot ako dun. Pero medyo kinakabahan na ako. Iniisip ko kung nakaka kutob naba

siya sa tunay kong pagkatao o sadyang concern lang siya. Pero bahala na saka na isipin yan ang

importante yung moment na ito.

"Woooooh! Are you having fun Ms. Thompson? Ms. Thompson?" nagtatakang tanong ni Ethan

dahil hindi sumasagot si Penelope.

Habang umaandar sinilip ko siya sa may likuran ko kahit medyo nakakaduling. At ayun naka yuko

at naka pikit pala. Totoo nga ang sinabi sakin ni Lucas na takot nga siya sa jetski. Ngayon ko lang

nalaman yun a.

"Takot ka pala sa jetski Ms. Thompson?" tanong ni Ethan.

"Yeah, but don't worry bout me. Sayo nga ako nag aalala kasi nag jejetski tayo tapos naka mask ka. Nakaka suffocate yang ginagawa mo." part of the plan na concern ni Penelope.

Naku mukhang concern nga siya sakin. Patay na, pano na to? Tatanggalin ko ba? Hmm. Okay nakapag isip nako...

"Okay Ms. Thompson, aalisin ko na para di kana mag worry."wika ni Ethan.

PENELOPE THOMPSON POV

OMG! Tatanggalin na niya. Eto na yung tamang oras para malaman ko kung sino ba talaga siya. Kinakabahan ako....