webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 100 - ETHAN V.S BILLY

CHAPTER 100 - ETHAN V.S BILLY

-------

LUCAS LEE POV

So nandito kami ngayon sa may fire exit. Dito kami dumaan para masigurado na hindi macocorner ang mga nasa loob pati ito na din ang naisip na madaling daan para ma-rescue si Ethan.

At habang papaakyat kami ay kataka taka naman na walang kahit sinuman ang nandito. Kaya naisip namin na maaaring binuhos nila ang pwersa nila doon mismo sa mga sumasagupa sa may loob ng building.

Hanggang sa makarating kami sa ika-limang palapag. Sa malayo pa lang ay naririnig na namin ang ilang mga boses na para bang mga nag uusap.

"Pano na tayo nito pare? Hindi ko akalain na ito na din pala ang ating magiging huli nating araw. Lalo na nauubos na tayo. Malabo na din na makalabas pa tayo ng buhay nito." umiiyak na sabi ng isang lalaki.

"Kaya nga pare, pero wala ganito naman talaga ang kahihinatnan natin. Simula nang makuha palang tayo dito bilang bata ni Mr. Tan eh parang naibenta na din natin ang kaluluwa natin para sa kanya. Itong pinaglalaban natin ay para lamang sa ikaliligtas niya." umiiyak ding tugon ng isang lalaki.

Narinig namin ang mga pag uusap nila at pare parehas lang kaming nagka tinginan.

"Ano nang gagawin natin babe?" tanong ni Noah sa kanyang nobyang Police.

"Iready niyo ang mga baril niyo. Back up-an ninyo ako kung kinakailangan. Lalabas ako at huhulihin ang mga bandido na yun. Tandaan niyo itong mga nasa braso niyo, iilaw ng pula yang mga yan kapag kailangan ko na ng tulog niyo pero siyempre pag nagkabarilan na dapat automatic na sainyo na bumack up agad kayo, malinaw? " matapang na tugon ni PMAJ. Leuize.

Nagulat kami sa desisyon na yun ng nobya ni Noah. Nakaka bilib din talaga ang tapang niya. Sa totoo lang siya ang pumopronta talaga sa amin at sumusunod lamang kami sa kanya.

"Mag iingat ka babe a." pag aalala naman ni Noah sa kanyang nobya.

At nag umpisa na ngang kumilos ang nobya ni Noah at nakatago lang kami sa likod. Nauna na siyang umakyat sa hagdan ng dahan dahan.

Sinesenyasan niya din kami kung hahakbang na din kami. Hanggang sa nakarating na siya sa mismong pinaroroonan ng mga lalaki.

Agad niyang tinutok ang baril sa mga lalaki at naka ready naman kami bilang mga back up kung sakaling sila ay manlaban.

"Sumuko na kayo! Itaas ang inyong mga kamay, anumang maling galaw hindi ako magdadalawang isip na iputok to sa inyo." matapang na sabi ni PMAJ. Leuize habang nakatutok ang baril nito sa mga lalaki.

Tunay na nakakamangha ang katapangan ng nobya ni Noah. Kaya ito namang kaibigan ko ay halos maihi na sa kaba.

"Ang tagal naman niya sumenyas. Mamaya anong mangyari sa kanya." bulong ni Noah habang hindi mapakaling naghihintay sa hagdan.

"Relax lang, bro. Magtiwala tayo sa kanya." tugon ni Lucas.

"Oo nga, bro. Sigurado naman akong alam niya ang ginagawa niya. Hindi naman siya magiging Police Major kung hindi siya eksperto sa ganyan." dagdag pa ni Enzo.

Pero medyo nagtataka na nga kami nang makalipas ang halos limang minuto ay wala pa din kaming senyas na natatanggap. Hanggang sa sabay sabay umilay ang mga nasa braso namin.

"Ohh umilaw na, tara!" wika ni Enzo at sabay sabay na silang nag akyatan.

At pagka-akyat ay laking gulat naman namin nang madatnan namin ang halos sampung mga kalalakihan ang pare-parehas na mga nakagapos.

"Ohh ayan, di ko na kayo pinahirapan. Nakatawag na din ako ng back up para hulihin sila. Kaya tara na at base dito sa GPS ni Ethan eh malapit lapit na siya dito. Siguro nasa 8th floor siya ngayon, tara na!" casual na pagkakasabi ni PMAJ. Leuize na parang bang walang nangyare.

Hindi namin mapigilan na mapanganga nalang sa aming mga nasaksihan. Grabe bakit ganun? Parang normal lang ito sa kanya. Jusko po Noah, kaya pala bigla ka nalang naging maamong tupa ngayon. Gets na gets ko na.

SAMANTALA...

ETHAN SMITH POV

Bakas sa mukha ang galit ni Billy lalo na nung nakita niya ako. Inalis ko na kasi ang mask na suot ko kanina.

"Sabi ko na nga ba, talagang hindi mapagkakatiwalaan itong bakla na to." galit na galit na sabi ni Billy habang akbay at nakatutok ang baril kay Bogart.

"Bitawan mo si Bogart, Billy. Ako ang harapin mo, bitawan mo siya!" pasigaw na sabi ni Ethan habang nakatutok din ang baril nito kay Billy.

"Perfect Doctor, hayaan mo na ako dito. Tumakas ka na, ayos lang na mamatay ako kesa madamay ka pa. Madami pang tao ang nangangailangan ng tulong mo, pakiusap tumakbo ka na Perfect Doctor." pakiusap ni Bogart kay Ethan na patuloy pa din sa pag iyak.

"Gaya nga ng sabi mo Bogart, may mga tao pa na nangangailangan ng tulong ko. At isa ka dun, kaya hindi ko hahayaan na lumaganap pa ang kasamaan ni Mr. Tan. Alam kong biktima ka din ng pananakot niya kaya nalagay ka sa ganitong posisyon. Billy, alam kong isa ka din sa mga tao na yun. Hindi pa huli ang lahat para magbago. Wag mong sayangin ang buhay mo sa pag gawa ng mga maling gawain. May pagkakataon pa para talikuran mo si Mr. Tan at mamuhay ng tama at patas. Naniniwala akong may kabuthian pang natitira dyan sa puso mo." malumanay na pagkakasabi ni Ethan sabay alis ng pagkakatutok ng baril kay Billy.

"Tumigil ka! Hindi mo kayang bilugin ang utak ko, tsaka tigil tigilan mo nga ako. Kahit anong sabihin mo hindi mo ako mauuto gaya ng pang uuto na ginawa mo kay Bogart!" galit na tugon ni Billy.

BOGART'S POV

Grabe na ang mga nagaganap. Sobra na akong naloloka, walang humpay ang pag iyak ko. Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Doc. Ethan at pinagtatanggol niya pa ako kay ngayon. Kahit na pilit pilitin ko siya na hayaan nalang ako at tuamakas na siya pero ayaw niya talaga akong iwan. Ganito pala talaga kabuti ang puso ni Perfect Doctor.

Hanggang sa mas naloka ako nang bitawan niya ang hawak niyang baril at nakatingin lang siya kay Billy. Pilit niya ding kinukumbinsi si Billy na talikuran na si Mr. Tan at mag bagong buhay na katulad ko.

At may mas ikakaloka pa pala dahil dahan dahang lumalapit si Ethan sa amin at hinihikayat niya pa ding mag bago si Billy.

"Tumigil ka, sabi nang hindi mo ako madadaan sa ganyan. At kahit na anong pakiusap mo mananatili lang ako sa grupo ni Mr. Tan!" pag gigiit ni Billy habang patuloy sa paglapit si Ethan.

Hanggang sa tuluyan nang nakalapit si Ethan pero hindi talaga nagbabago ang isip ni Billy at bigla niyang tinutukan ng baril si Ethan. "Napaka kulit mo talaga ha? Heto mas maiging mawala ka nalang!"

"Ahh!"

*Bang!

ETHAN SMITH POV

I was really trying my best to convince Billy. Binitawan ko ang baril para maramdaman niya kung gaano ako kay sincere sa mga sinasabi ko. Pinili ko ding lapitan siya dahil naniniwala ako na kung sakaling mapili niyang magbago ay bukas palad ko siyang tatanggapin at yayakapin. Ngunit sa kasamaang palad, hindi iyon ang nangyari at nabigo ako...

BOGART'S POV

Oh my God...

"Doc. Ethan, okay lang po ba kayo?"

Nakakaloka! Nanginginig pa din ako hanggan ngayon. Buti nalang naunahan ko si Billy. Dahil bago pa man niya makalabit ang gatilyo ng baril na nakatutok kay Doc. Ethan ay kinagat ko na muna siya sa kanyang braso na naka akbay sa akin sabay agaw ng baril. At dun nga, naiputok sa kaliwang binti ni Billy.

"Ahh! Ahh!" wika ni Billy na nakahiga at namimilipit sa sakit.

Tagumpay din ako sa pag agaw ng baril mula kay Billy. Kita ko din ang bakas ng pagkalungkot sa mukha ni Doc. Ethan pero hindi pa pala natatapos dun ang lahat.

"Ethan Smith?!" isang boses sa hindi kalayuan.

Nang mapatingin kami sa aming harapan ay nakita namin ang may pakana nitong gulo na ito! Si Mr. Tan!

Kaya agad kong tinapik si Doc. Ethan para tumakbo. "Doc, tara na! Tumakas na tayo bago pa tayo maabutan ni Mr. Tan!"