1 KABANATA 1

Savi.

"Wohooo! Go Savi!" rinig kong sabi ng mga kaibigan ko at agad kong dineretso ang pag-inom ng alak mula sa bote. Napapikit ako at dinamdam ko ang pait at init nito sa lalamunan ko at nauubong hiniwalay ito sa bibig ko nang maubos ko.

  Naghiyawan silang lahat dahil sa ginawa ko. Napangiti ako nang malawak.

  "Am I great?" Nakangising tanong ko at napuno ng kantiyawan.

   "You are, Savi. Wala ka pa ring kupas."

  Natawa ako sa sinabi ni Hannah. My best friend who has the same name like me. Isa siguro sa naglapit sa aming dalawa ay ang pagkakaroon namin ng parehas na pangalan. Everyone found it cool so I did.

  "Girls, how about kissing guys?" Suhestiyon naman ni Mary Grace. Malawak ang ngisi niya at namumungay na din ang mga mata niya marahil sa kalasingan.

  I'm a dead meat. Nakarami na naman kami ng inom at tumakas ako mula kay Mom and Dad. It's 1:13 in the morning yet we're still enjoying our night life here at La Verde's Club.

   "B'tch, find us a handsome guy." Walang emosyong sabi ko.

  Natawa siya sa sinabi ko at napatango. We're enjoying our life by doing this every friday. Sa school ay hindi din naman kami pahuhuli. Hindi kami matalino at hindi din kami bobo. Average lang ang IQ namin at hindi katulad ng almost perfect kong kakambal.

  "Count me in!" Excited na sabi ni Hannah at uminom ng alak sa hawak nitong baso.

   Bahagya akong umirap habang pinagmamasdan sila na excited na excited sa game na naisip ni Mary Grace. The other girls from our class was with their boyfriends and busy making out. Damn.

  I wish---fvck. Nanlaki ang mata kong napatingin sa pintuan ng bar at nakita ko ang lalakeng hinahanap ko ngayong gabi. Deus Vergara. The great freaking Deus Vergara is here!

  "Fvck." Bulong ko at napatingin ang mga kaibigan ko sa tinitingnan ko.

   "Hot as fvck." Anas din ni Mary Grace at agad ko siyang binigyan ng makahulugang tingin.

  "Oh my, of course. Go kiss your man, Savi." Aniya at agad akong ngumiti nang nakakaloko.

  Inayos ko ang pagkakababa ng neckline ng dress ko at medyo ibinaba pa ito para makita ang cleavage ko. Napakagat ako nang labi bago tumayo at lumapit sa inupuan ni Deus. Kahit pasuray-suray ay pinilit kong maglakad ng diretso.

   "Deus." Tawag ko sa kaniya nang makalapit ako.

  "What?" Malamig niyang tugon pero ngumiti lang ako. Sanay na sanay na ako sa pagiging malamig niya sa akin.

  "Nothing. I'm glad you're here."

  Hindi niya ako pinansin. Umupo ako sa tabi niya pero hindi pa rin niya ako nililingon.

  Tumingin ako sa direksyon nila Mary Grace at nakita kong nanonood sila sa akin dahilan para mas lalong madagdagan ang pressure ko para mahalikan si Deus.

  "Can you look at me even just for a while?" Mapait na tanong ko. I've been inlove with him for how many years. Since I was still a toddler gusto ko na ata siya! Why can't he see my feelings and effort just to be with him? Nagmumukha na akong cheap sa iba para sa kaniya pero wala pa rin siyang pake. Nagsawa na nga sila Mommy at Lux sa kasasaway sa akin pero siya ang gusto ko. Si Deus lang.

  "Why would I do it?" Maanghang na sabi niya dahilan para kumalat ang pait at sakit sa dibdib ko.

  "Dahil Ate mo ako?"

  Napatingin siya sa akin. I knew it. Mas matanda ako ng isang taon kay Deus pero hindi hadlang iyon para hindi ko siya gustuhin. One year is nothing. Age doesn't matter naman 'di ba?

  Tanging ang pagiging "Ate" ko lang sa kaniya ang nakikita niya at hindi na higit pa doon. He just respect me if he remembers that I'm year older than him.

   "Exactly. Wala kang mapapala sa akin, Ate Savi."

  Sumimangot ako. "Bakit wala? Why do you always see that my love for you is forbidden?"

  "Because I'm just your younger brother."

  Umarko ang kilay ko sa sinabi niya. Just a brother? Tiningnan ko siya ng seryoso.

  "Do you want me to prove why my love for you is not forbidden?"

  Naguluhan ito sa sinabi ko kaya napangiti ako sa reaksiyon niya. Cute, Deus. Kahit anong gawin niya, kahit simple lang ay kinikilig na agad ako. Ganun siya kalakas sa akin.

   Napatitig ako sa mata niya at bumaba iyon sa labi niya. Lumapit ako sa kaniya at ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at hinalikan siya.

   Nanigas siya sa kinauupuan niya. I can't help to form a victory smirk while I'm kissing my man. Yes for the first time, I've kissed him.

  Ilang minuto pa ang tinagal ng halik ko sa kaniya at mas lalo kong idiniin ang sarili ko sa kaniya. Hanggang sa bigla niya akong itulak.

    Nawala ako sa balanse at napaupo. Narinig ko ang sabay-sabay na pagsinghapan ng mga tao sa paligid namin.

  "Savi!" Sigaw nila Mary Grace at nilapitan ako.

   Tila nabuhusan naman ako ng malamig na tubig. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Deus. Salubong ang dalawang makapal na kilay nito at nag-aalab sa galit ang mata nito habang nakatingin sa akin.

"Fvck, Savi. Sabi ko sa iyo tigilan mo na ako. I won't love a cheap girl like you."

  Parang sinaksak ng kutsilyo ang dibdib ko sa sinabi niya. Cheap? Akala ko sa bibig lang ng ibang tao ko maririnig ang masakit na salitang iyon pero maririnig ko rin pala ito kay Deus. Kay Deus na siyang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

  Kumurba ang isang mapait na ngiti sa labi ko. Dati ay whore at easy to get lang ako para sa kaniya pero ngayon cheap na din. Wow, ang laki ng ibinaba ko.

   Why heart? Why did you choose this man? Kahit na nasasaktan ka na, siya pa rin. Ganun ba talaga ako katanga katulad ng sinasabi ni Lux sa akin?

   Wala sa sariling tumayo ako at tinitigan si Deus. Ngumiti ako sa kaniya na parang hindi ako nasasaktan at biglang lumambot ang ekspresiyon nito habang nakatingin sa akin. No. Don't look at me that way, Deus. I don't want to be pitied by you.

  "Hindi ko alam kung kailan ka muhuhulog sa akin, Deus. Ang alam ko lang ay sa akin ka pa rin babagsak sa huli. Akin ka, naiintindihan mo?" Nakangising sabi ko at iniwan siyang tulala roon.

  Nagpaalam na ako kay Mary Grace, Hannah at sa iba pa naming kasama at umalis na.

   "Are you sure you can drive?" Tanong pa ni Hannah bago ako lumabas. Napatiim-bagang ako dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina.

  "I can manage. Thanks, Hannah." Maikling sabi ko bago pumasok sa sasakyan at pinaandar iyon.

Ipinarada ko ang sasakyan ko sa garahe at dahan-dahan na pumasok sa buhay. Pinanlamigan ako ng kamay nang makita ko na nakabukas ang ilaw sa sala.

  What the hell? Sino pa ba ang gising? Malapit na mag-2:30 ng umaga.

   Gayunpaman ay binuksan ko ang pintuan. Baka si Manang lang iyon. Nawala ang kalasingan ko nang mabungadan ko si Lux na mukhang antok na antok na at nakatingin sa akin.

  Bumaba ang tingin nito sa damit ko. Agad kong tinakpan ang cleavage ko na halos lumuwa na dahil ibinaba ko kanina ito.

  "What the heck, Savi?!" Bulalas niya at napakagat na lamang ako ng labi. Lux is like Mom. Masyado itong mahigpit sa akin at dinaig pa si Dad. Ang gusto ko lang sa kaniya ay hindi diya nagsusumbong kila Mom and Dad at siya na mismo ang nagdidisiplina sa akin.

   Ironic because I'm 3 and half minutes older than him but he acts more matured than me.

  "I need to sleep, Lux. Save your words tomorrow." Walang ganang sabi ko.

  "Why are you like that, Savi? Nag-aalala ako sa'yo. Pinuntahan kita sa kuwarto mo pero walang tao doon."

  "Nag-bar kami nila Hannah, happy?"

  Mas lalong hindi naging maganda ang timpla ng mood nito sa sinagot ko. Napabuntong-hininga ako at tinalikuran siya at nagsimula nang umakyat sa hagdan.

  "You we're there for Deus again."

  Napatigil ako sa paghakbang at tumingin sa kaniya.

  "Why? Ano na naman, Lux? Sinabi ko naman sa'yo na I can't teach my heart to unlove him. Anong gagawin ko? Ni ang paghahabol sa kaniya ay hindi ko na ata matanggal sa sistema ko. I'm crazy inlove to him, Luxury!"

  "Stupid."

  "I already know that. Kung may gamot lang sa katangahan ay binili ko na pero wala eh." Mapait na sabi ko at napamaang siya sa sinabi ko. Mariin siyang napapikit at napahawak ng sintido.

  "Hindi ko alam ang gagawin ko sa'yo, Savi. Kakambal kita at nag-aalala ako para sa'yo."

  "Sorry, Lux. Sorry because you had a stupid twin like me."

  Lumambot ang ekspresiyon niya sa sinabi ko. Maya-maya ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay naming dalawa.

  "I'm scared of lossing my lovely twin. I'm scared as fvck for you, Savi. Please take care of you heart."

  No need to take care of it, Lux. Pira-piraso na ang puso ko sa simula pa lang. Wala ng aalagaan dahil sira na.

 

 

  

  

avataravatar
Next chapter