webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
76 Chs

Kabanata 7

[LAUREN'S POV]

"Girl, ikaw muna ang bahala diyan sa pag-iihaw ng squids. Kukuha lang ako ng mga pinggan at wine para sa party." sabi sa 'kin ni Dave.

"Okay." ang tugon ko.

Kami ni Dave ang natalo kanina sa panghuhuli ng mga squids. Iisa lang ang nahuli ko habang si Dave naman ay walang nahuli. Kinantahan ba naman niya ang mga squids. Nagsilayuan tuloy ito sa kanya. Mala-I Can See Your Voice ang boses ni Dave. Sintunadong-sintunado.

Habang nag-iihaw ako ng mga squids ay nakita ko naman sina Tim II, Mitchell at Javier na papalapit sa akin. Teka, parang may kakaiba sa kanila?

"Hi Lauren." bati sa 'kin ni Tim II. Teka, bakit may kissmark sa leeg niya?

"Hmm! Ang bango naman niyan Lauren." ani Mitchell habang inaamoy ang iniihaw kong squids. Do'n ko napansing bukas ang zipper ng pantalon niya. Muntik na nga akong matawa sa design ng panty o brief niya. Barbie.

"Nasaan pala sina Summer?" tanong sa 'kin ni Javier na baliktad naman ang suot niyang sando.

"Ahhh! Nasa loob sila rest house." sagot ko kay Javier.

"Bro, baliktad ang suot mong sando." ani Mitchell sabay turo sa sando ni Javier.

"Fuck!" mura ni Javier nang makita niyang baliktad ang suot niyang sando.

"Mitchell, bukas ang zipper mo. Pfft!" sabi ni Tim II kay Mitchell at pinigilan niyang matawa.

"Tang-ina!" biglang mura ni Mitchell at agad niyang sinara ang zipper niya sa pantalon.

Si Javier naman ay nag-topless at inayos ang suot niyang sando.

"Bakit ganyan ang mga itsura niyo? Ikaw Tim may kissmark sa leeg. Bukas naman ang zipper mo Mitchell at Barbie pa talaga ang brief o panty mo. Tapos ikaw naman Javier baliktad ang damit mo. Ano ba ang nangyari sa inyo habang hindi namin kayo kasama?" tanong ko sa kanila.

"Eh kasi Lauren. Yung kissmark ko sa leeg ay galing kay Malandi. Yung nakilala namin kanina. Tapos may nambastos sa kanya kanina sa bar." ani Tim II.

"Teka, pumunta kayo sa bar?" tanong ko.

"Oo pero hindi naman ako uminom. Umiyak si Malandi pagkatapos siyang bastusin ng lalaki kanina at niyakap niya ako. Yumakap naman ako sa kanya para i-comfort siya. Nakasubsob pa ang mukha niya sa leeg ko habang umiiyak siya kaya dumikit ang labi niyang may lipstick sa leeg ko." paliwanag sa 'kin ni Tim II.

"Kasama ko naman kanina si Bench. Habang naglalakad kami ay biglang sumakit ang paa niya dahil sa pagod na siya sa paglalakad nang mabilis kaya binuhat ko siya. Kaya lang naihi ako bigla kaya binaba ko muna si Bench para umihi. Pero habang umiihi ako ay biglang sumigaw si Bench kaya agad akong bumalik sa kanya at nakalimutan ko ngang isara ang zipper ng pants ko." paliwanag naman ni Mitchell.

"Ako naman ay nagmadaling magbihis dahil sa katatawag sa akin ni Avon sa cellphone ko na puntahan ko raw siya kaya hindi ko napansing baliktad pala ang suot kong sando. Pati nga rin si Avon ay hindi napansing baliktad ang suot kong sando." paliwanag sa 'kin ni Javier.

So 'yon pala ang nangyari. Mukhang hindi naman sila nagsisinungaling.

"Nandito na pala kayo. At himala! Hindi niyo kasama ang tatlong babaeng 'yon." sabi ni Dave na may dalang mga pinggan.

"Tutulungan na kita." sabi ni Javier sabay kuha ng mga pinggan na hawak ni Dave.

"Inimbita niyo ba ang mga babaeng kasama niyo kanina para sa barbeque party natin?" tanong ko kina Tim II, Mitchell at Javier.

"Hindi." sagot ni Tim II.

"Hindi rin." sagot naman ni Mitchell.

"Same." ani Javier.

"Buti naman at hindi niyo sila inimbita. Baka masira lang ang atmosphere kapag kasama pa sila." narinig kong sabi ni Dave.

Bakit inis na inis si Dave sa tatlong babaeng kasama nina Tim II? Mukhang mababait naman ang tatlong babaeng 'yon.

***

"Cheers!" sabay naming sabi at toss ng hawak naming grilled squid. Hmm! Ang sarap talaga ng niluto kong squid. Pwede na akong magtayo ng barbeque business na puro grilled squid ang ibebenta. Tapos sauce na lang ang tangi nilang pipiliin para sa grilled squid.

"Guys, may papahulaan ako sa inyo. Ang makasagot nito ay may chance na magbigay ng consequence or dare sa mga hindi nakasagot including me." sabi sa 'min ni Dave.

"Sige. Ano ba ang ipapahula mo sa amin?" tanong ni Javier kay Dave.

"It's a riddle. Kaya makinig kayo nang mabuti." ani Dave.

Huminga naman nang malalim si Dave habang kami ay nag-aabang sa riddle niya. "Kapag ang saging ay kulay green, ito ay hilaw. Kapag ang saging ay kulay dilaw, ito ay hinog. Ano naman ang tawag kapag ang saging ay kulay brown?"

"Ha? Saging na kulay brown? Meron bang gano'n?" nagtatakang tanong ni Summer.

"Sa pagkakaalala ko wala naman pero may alam akong ibang saging." sagot ni Mitchell kay Summer.

Ako nga rin eh hindi pa ako nakakakita ng brown na saging.

"Kung ano man ang nasa isip mo Mitchell. Hindi 'yan ang tamang sagot." sabi ni Dave kay Mitchell.

Napakamot naman sa ulo si Mitchell.

"Ang hirap naman yan Dave. Wala akong sagot." sabi ni Barbie.

"Suko na ba kayo?" tanong sa 'min ni Dave na may ngiti sa labi.

"Geez. Ano ba ang sagot?" ani Tim II.

"Edi nilaga. Syempre kapag ang saging ay kulay brown ay nilaga na 'yon." sabi sa 'min ni Dave.

*moment of silence*

"Hahahahaha!" natawa naman kami bigla sa sagot sa riddle ni Dave.

Ngayon ko lang na-realize 'yon ha.

"Oo nga noh. Kapag kulay brown ang saging. Nilaga 'yon." sabi ni Mitchell.

"Naisahan mo ako do'n Dave ha." sabi ni Summer kay Dave.

***

- MEANWHILE -

"What? Sinet up niyo ni Lauren sa engagement party namin noon?"

"Oo, sorry Tim. Sana mapatawad mo ako."

"So nagsasabi siya ng totoo all this time. Paano mo 'to nagawa sa akin?"

"Hindi ko nasabi sa 'yo 'to noon dahil sa takot na baka hiwalayan mo ako. Patawarin mo ako Tim at nagsisisi talaga ako sa ginawa kong kasalanan kay Lauren."

"Fuck! Sa tingin mo mabilis kitang mapapatawad dahil sa ginawa niyo kay Lauren?"

"Nagawa ko lang naman 'yon dahil mahal kita."

"It's not a valid reason para gawin mo 'yon kay Lauren. Get out."

"Tim."

"I SAID GET OUT!"

"Sige, aalis muna ako. Pero sana balang araw ay mapatawad mo ako. Ayokong lumaki ng hindi buo ang pamilya ang anak natin."