webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
76 Chs

Kabanata 19

[LAUREN'S POV]

Tatlong araw na akong nakakulong dito sa kwartong 'to.

Tatlong araw na rin akong umiiyak.

Tatlong araw na akong hindi kumakain.

Kung sa unang araw ay tapang-tapangan ako sa harap ni Jameson, pero ngayon ay hindi na. Halos magmakaawa na ako sa kanya na pakawalan na niya ako ngunit hindi niya ako sinusunod.

Pinipilit din akong pakainin ni Jameson pero nagmatigas ako. Minsan nga ay naiinis na siya sa inaakto ko sa kanya ngunit pinigilan niya lang ito.

Nakahiga lang ako rito sa kama at feeling ko ay nanghihina na ako. Gutom na gutom at uhaw na uhaw na ako. Ayokong kainin ang mga hinahanda sa aking pagkain ni Jameson dahil baka may inilagay siya do'n na mas lalo pang magpapahamak sa akin.

Napatigin ako sa pinto nang bumukas ito. Pero hindi ko inaasahang nandito pala ang dalawang kasabwat ni Jameson noon. Yung mga laging nakakasama ni Stephanie.

"Hi Lauren. Did you miss us?" ani Jasmine.

"Kayo?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Yes, kami nga." mataray na tugon ni Jasmine na obsess na obsess kay Jameson.

Napansin ko namang may kalakihan na ang tiyan ng babaeng lumalandi kay Tim.

"Nandito kami ngayon dahil inutusan kami ni Jameson na pakainin ka. 'Wag kang mag-alala dahil hindi ka namin sasaktan. 'Yon ay kung susunod ka sa amin." dagdag pa ni Jasmine.

"Ayokong kumain! Pakawalan niyo na ako rito kung ayaw niyong madamay kasama si Jameson na makulong!" sabi ko sa kanila.

"Sorry dear pero hindi pwede. Malilintikan kami ni Jameson kung gawin namin 'yon. Mas lalo kaming mapapahamak kapag pakawalan ka namin. At isa pa, gusto kong mawala ka na sa mundong 'to para wala na akong kahati pa kay Jameson. Pero hindi pa ngayon dahil kailangan ko pang maghanap ng tyempo kung kailan kita papatayin nang hindi niya nalalaman." ani Jasmine.

Sinamaan ko sila ng tingin.

"Hinding-hindi 'yan mangyayari dahil makakawala ako rito!" galit kong sabi sa kanila.

"Sigurado ka bang makakawala ka rito?" ani Jasmine.

Hindi naman ako nakasagot nang magsalita si Melanie.

"Jasmine, akala ko ba ay tutulungan natin siya? Bakit parang nagbago yata ang isip mo?" tanong ni Melanie kay Jasmine.

So may balak pala silang tulungan ako. Sa bagay, umamin na nga pala sila kay Kuya Lachlan na may kinalaman sila sa nangyari sa engagement party ko. Pero bakit nagbago yata ang desisyon ni Jasmine?

"I changed my mind dahil may sinabi sa 'kin si Jameson na ikinatuwa ko talaga. Ang sabi niya sa 'kin ay gagawin niya raw akong reyna ng buhay niya. It means may pag-asang maging kami. Yieeee!" masayang sagot ni Jasmine kay Melanie.

Ang harot talaga ng babaeng 'to.

May biglang pumasok na ideya sa isip ko.

"Paano magiging kayo ni Jameson kung ako naman ang gusto niya?" pang-aasar ko sa kanya.

"Anong sabi mo?!" ani Jasmine at halatang naasar siya sa sinabi ko.

"Asa ka pang magiging boyfriend mo siya. Ginagamit ka lang niya Jasmine. Sana naman paganahin mo ang utak mo." asar ko pa.

Tila napikon na si Jasmine sa sinabi ko. "Hindi 'yan totoo! Ako ang mahal ni Jameson at hindi ikaw na malandi ka!"

"Jasmine, kumalma ka. Paano kung nagsasabi siya ng totoo?" ani Melanie.

"Hindi! Ako lang ang mahal ni Jameson at hindi 'yang malanding 'yan!" sigaw ni Jasmine sa galit at lumapit siya sa 'kin.

*pak*

Nagulat naman ako nang bigla niya akong sinampal.

"Ito ang tatandaan mo malandi ka. Akin lang si Jameson kaya wag na wag mo siyang aagawin sa 'kin kung ayaw mo pang mamatay!" galit na ani Jasmine.

*pak*

Sinampal ko naman siya pabalik.

"Edi sa 'yo na siya. Gusto mo isaksak ko pa siya sa bibig mo?" tugon ko sa kanya.

Nababaliw na siya. As if namang aagawin ko sa kanya si Jameson. May iba kaya akong mahal.

"Aba't tarantado ka..."

Sasampalin sana ulit ako ni Jasmine nang may pumigil sa kanya.

"Sinong nagsabi sa 'yong saktan mo siya?" seryosong sabi ni Jameson.

Nakita ko namang nagulat si Jasmine. "Ah a-ano Jameson... Aaaa..."

"Kapag sinaktan mo ulit siya, ihanda mo na ang huling araw mo rito sa mundo." pagbabanta ni Jameson sa kanya.

"Sorry Jameson." natatakot na tugon ni Jameson.

*blag blag blag*

Nagulat kaming lahat nang may marinig kami.

*blag blag blag*

"Fuck! Buksan mo 'tong pintong 'to hayop ka! 'Wag na wag mong gagalawin si Lauren kung ayaw mong patayin kita!"

O_____O

I know that voice.

Nakita ko naman ang gulat sa mga mata nina Jasmine at Jameson.

"Damn it! Paano niya nalaman ang lugar na 'to?" hindi makapaniwalang tanong ni Jameson.

Nabuhayan naman ako nang ma-realize kong si Tim pala 'yon. He's here. Hindi ako makapaniwalang ililigtas niya ako.

Sumigaw ako. "Tim! Nandito ako sa loob! Tulungan mo akoo--mmmpphh!"

Hindi natuloy ang pagsigaw ko nang takpan ni Jasmine ang bibig ko. Hindi ako nakapalag dahil masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi ko namalayang natali na ni Melanie ang dalawang kamay ko.

"Jasmine, Melanie. Itakas niyo si Lauren. Ako na ang bahala rito." utos ni Jameson sa dalawa.

Agad namang sumunod ang dalawa kay Jameson.

"Teka lang Jasmine, 'wag tayong tumakbo." sabi ni Melanie na hingal na hingal na.

"Hindi pwede, baka maabutan nila tayo. Bilisan mo!" ani Jasmine.

Nakalabas kaming tatlo dahil sa likod kami ng bahay dumaan. Hindi naman ako makapalag dahil nakatali nga ako at may takip ang bibig ko.

"Teka lang, ARAAAAYYYYY! ANG SAKIT NG TIYAN KO!" biglang sigaw ni Melanie.

"Ano ba Mela... OH MY GOD! BAKIT MAY DUGO ANG MGA BINTI MO!" napasigaw bigla si Jasmine at gulat na gulat pa siya.

Napatingin ako kay Melanie at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may dumadaloy na dugo mula sa binti ni Melanie.

"AYUN SILA!"

Napatingin kami bigla ni Jasmine sa sumigaw at may nakita kaming limang pulis na papalapit sa amin.

"Hanggang diyan ka lang at huwag na huwag mong susubukang tumakas!" sabi ng isang pulis kay Jasmine na akmang tatakas sana.

Nilapitan naman siya ng isang pulis at pinosasan siya.

Poposasan din sana nila si Melanie nang may pumigil sa kanila.

"'Wag. Siya ang nagbigay ng address kung saan natin matatagpuan si Lauren. Dalhin niyo siya sa hospital." sabi ni Kuya Lachlan sa mga pulis.

Napatingin naman sa 'kin si Kuya Lachlan. "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nila sinaktan?"

"Okay lang po ako. Salamat sa tulong mo." sagot ko sa kanya.

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko. At saka sina Melanie talaga ang tumulong sa 'yo at hindi ako." sagot sa 'kin ni Kuya Lachlan.

Tumango naman ako. Mali pala ako sa pagkakaisip kanina kay Melanie. Akala ko ay kumampi na naman ulit siya kay Jameson.

Speaking of him...

"Si Jameson? Nahuli niyo na ba siya?" tanong ko.

"Wag kang mag-alala dahil nahuli na namin siya. At malilinis na rin natin ang pangalan mo dahil may katibayan na tayo na wala talagang nangyari sa inyo ni Jameson sa scandal. It was a set up." ani Kuya Lachlan.

"Maraming salamat talaga sa tulong Kuya Lachlan. Dahil diyan, sabihin niyo po sa akin ang gusto mo at ibibigay ko 'yon sa 'yo." ani ko.

"Wag na Lauren, sapat na sa akin ang nakatulong ako." sagot ni Kuya Lachlan.

"Wag kang mahiya Kuya Lachlan. Sabihin niyo na po sa akin ang gusto mo. Gusto kong masuklian ang kabutihang ginawa niyo." ani ko.

"Paano kung sabihin ko sa 'yong gusto kitang maging girlfriend?" seryosong sabi ni Kuya Lachlan.

O____O

"HA?" Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Hahaha! Just kidding. Hindi ka naman mabiro." natatawang sabi niya.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil do'n. Akala ko totoo ang sinabi ni Kuya Lachlan.

"At isa pa, baka magalit sa akin ang kaibigan ko kapag malaman niyang girlfriend kita." dagdag pa niya.

"Ha? Sinong kaibigan?" tanong ko bigla.

Sino kaya ang tinutukoy niya? Si Tim ba?

Imposible. Hindi naman sila magkakilala no'n. At saka wala namang gusto sa 'kin si Tim. Naalala ko bigla ang sinabi niya sa akin noong engagement party. Yung binawi niya ang sinabi niya sa akin.

"Kilala ko ang secret admirer mo Lauren. Yung laging ka-text mo sa phone. Matalik ko siyang kaibigan." sagot ni Kuya Lachlan na ikinalaki ng mga mata ko.

"Talaga? Kilala mo siya?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yup. Sige, aalis na ako. Marami pa akong gagawin. Bye Lauren." sabi ni Kuya Lachlan at umalis na siya.

May itatanong pa sana ako sa kanya eh.

Kung kilala niya ang secret admirer ko, it means hindi talaga siya masamang tao. Noong kinidnap kasi ako ay nanghinala na ako sa kanya na kasabwat niya si Jameson. O 'di kaya'y si Jameson ang nag-te-text sa akin at nagpapanggap siyang secret admirer ko. Pero mali pala ako. Hindi siya masamang tao sa inaakala ko. Ibang tao siya.

Pero sana ay makilala ko na siya para masabi ko na hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.

Siya pa rin kasi eh.

Siya pa rin ang mahal ko.

A/N: Last 2 chapters.

AriadneWPcreators' thoughts