webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
76 Chs

Kabanata 13

[LAUREN'S POV]

Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko sina Dad at Yaya na nag-de-decorate ng Christmas Tree.

"Anak, maganda na ba ang Christmas Tree natin?" tanong sa 'kin ni Dad.

"Yes Dad." sagot ko at nag-thumbs up ako.

"Magbihis ka na anak dahil mamaya ay magbubunutan tayong tatlo kung sino ang bibigyan natin ng gift sa pasko." sabi sa 'kin ni Dad.

"Sige po Dad. At saka tutulong na rin po ako sa pag-de-decorate." excited kong sabi.

"'Wag na anak. Ipahinga mo na lang 'yang braso mo para gumaling agad." sabi sa 'kin ni Dad.

Tumango naman ako at agad akong nagbihis.

Tuwing pasko ay ginagawa namin 'to. Sayang lang dahil wala na si Mama. But I'm happy dahil nandito naman sina Dad at Yaya.

*tenenenenenenenen*

May nag-text sa phone ko.

***

1 New Message

From: +639000000000

Pasensiya na kung late reply ako. Na-lowbat kasi ang phone ko. Pero hindi ako scam. I'm one of the guys who admires you.

***

One of the guys who admires me? Weh!

***

To: +639000000000

Anong ibig mong sabihin?

***

Kunwari hindi ko alam.

Pagka-reply ko ay lumabas na ako ng kwarto since tapos na akong magbihis.

Pababa pa lang ako ng hagdan nang tumunog ang phone ko.

*tenenenenenenenen*

May nag-text na naman.

***

1 New Message

From: +639000000000

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Lauren. Matagal na kitang gusto. Wala lang akong lakas ng loob na magparamdam sa 'yo dahil gaya mo ay nerd din ako. Tapos mataba pa ako. But now that I achieved my perfect body and handsome face, mayroon na akong lakas ng loob na magtapat ng feelings sa 'yo.

***

Natulala ako sa nabasa kong text.

Matagal na niya akong gusto?

Hindi ako makapaniwalang matagal na akong mayroong admirer.

*tenenenenenenenen*

Bumalik ako sa huwisyo nang tumunog ang phone ko.

***

1 New Message

From: +639000000000

Sana hindi kita nabigla Lauren.

***

I replied.

***

To: +639000000000

To be honest, nabigla mo ako. Pero nakakataba lang ng puso dahil mayroon pa lang nagkakagusto sa aking ibang tao. Bakit mo pala ako nagustuhan? Hindi naman ako kagandahan.

***

*tenenenenenenenenen*

***

1 New Message

From: +639000000000

Don't say that you're not beautiful. You're the most beautiful girl that I've ever seen.

***

Kinilig ako do'n ha. Pero baka binobola niya lang ako.

***

To: +639000000000

Mambobola.

***

*tenenenenenenenenen*

***

1 New Message

From: +639000000000

Hindi kita binobola. Totoo ang sinabi ko. ;-)

***

Teka lang, hindi ko pa pala 'to kilala.

***

To: +639000000000

Ano pala ang pangalan mo?

***

*tenenenenenenenenen*

Nag-reply na siya.

***

1 New Message

From: +639111111111

Congratulations! You won P850,000.00 cash tax free. To claim your prize. Just load 09123456789 worth P1,000.00.

***

Epal naman 'tong scammer na 'to.

Nireplyan ko ito.

***

To: +639111111111

Not interested.

***

*tenenenenenenen*

Baka yung scammer 'to.

***

To: +639000000000

I'm Tao. Your future husband.

***

Hindi pala scammer ang nag-text. Yung admirer ko pala.

Pero Tao raw ang pangalan niya. Kakaiba ha. At future husband ko raw siya. Advance siyang mag-isip ah.