webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
76 Chs

Entry No. 11

Dear Future Husband,

Ikalawang araw na namin dito sa Sanya pero mukhang hindi yata masaya ang mga girls na kasama namin lalo na si Dave. Ewan ko ba kung bakit inis na inis sila sa tatlong babaeng nakilala nina Tim II kahapon. But I smell something fishy sa tatlong babaeng 'yan. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mag-ingat sa kanila lalo na kay Maybelline. Parang masama kasi ang tingin sa akin ni Maybelline kanina habang nagtatawanan kami ni Tim II. Siguro ganyan lang talaga siya, o parang may ginawa ako na nagpainis sa kanya. Hindi ko alam. Sana lang nandito ka para may makausap ako.

Your Future Wife,

Lauren