webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
76 Chs

Chapter 5

[BARBIE'S POV]

*Wake up Barbie, it's already morning...*

"Arrrrggggghhh!" inis na sigaw ko nang marinig ko ang tunog ng 'high tech' kong alarm clock.

*eat your breakfast and be ready for school...*

"Ano ba! Wala akong pasok dahil weekend ngayon!" sigaw ko sa alarm clock ko.

Para akong baliw dahil kinakausap ko ang alarm clock ko.

*Jameson Dy is already wake up...*

"Oo na, babangon na ako." sabi ko sabay patay sa alarm clock na nasa bedside table ko.

(A/N: Ang astig ng alarm clock ni Barbie noh? XD)

Bumangon na ako mula sa kama at pumunta sa CR para maligo.

"Waaaaaaaaa!" sigaw ko nang maramdaman ko ang tubig mula sa shower.

Grabe ang lamig naman.

"Waaaaaa!" sigaw ko ulit.

(A/N: Ganyan po maligo si Barbie. Sumisigaw talaga. Hahaha!)

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta ako sa dining room para kumain. 

Nang makarating ako sa dining room ay nakita ko si Kuya Joseph na kumakain ng breakfast.

"Good morning Kuya." masayang bati ko kay Kuya Joseph.

"Good morning din my 'lil sis." bati naman niya sa 'kin.

Umupo ako sa upuan at kumain kasama siya.

"Tulog pa po ba sina Ate Alex at Alexa?" tanong ko kay Kuya Joseph. 

Tumango naman siya. Hindi na ako nagsalita at kumain na lang ako.

(A/N: Habang kumakain sila ay ipo-promote ko muna sa inyo ang short story ni Joseph entitled 'One Week Love - Isang Linggong Pag-ibig'. Kasama po rito si Alex Rodriguez. Please read and vote on Wattpad to support. Malapit na rin 'tong i-published sa Webnovel Account ko.

P.S. #MabuhayAngPlug Hahaha!)

Pagkatapos naming kumain ni Kuya Joseph ay bumalik ulit ako sa CR ng kwarto ko para mag-toothbrush at magmumog. Kailangan ay mabango ang hininga ko para hindi ma-turn off sa akin si Jameson my loves kapag bumisita siya sa mansyon. Hahaha! Prepared yata ako.

Pagkatapos kong mag-toothbrush at magmumog ay kinuha ko ang laptop ko sa drawer at nag-log in sa twitter para mag-post ng isang hugot line.

***

Barbie Lo (@barbieloWP)

Dear Crush,

Kung iniiSMALL ka man nila, wag kang mag-alala dahil iniiBIG naman kita. #HugotNiBarbie

Reply • Retweet • Like

***

Oh 'di ba? Humuhugot talaga ako sa twitter. Ito ay para mapansin man lang ako ni Jameson my loves. Pero sa kasamaang palad ay pinupusuan lang ni Jameson my loves ang hugot post ko sa twitter. Hindi man lang siya nagre-reply. Si Javier lang ang nag-re-reply pero puro pang-aasar lang ang reply niya sa hugot post ko. Kesyo ay wala raw akong lovelife kaya nagpapapansin daw ako. How sad.

Pagkatapos kong mag-post sa twitter ay kinuha ko naman ang cellphone ko na nasa bedside table para mag-selfie. Pinost ko sa facebook account ko ang mga selfie pics na kinuha ko ngayon.

***

Barbie Lo added 30 new photos

Kailan mo ba ako papansinin crush? #GandaProblems

(No photos when Facebook is free

Use data to see photos)

Like • React • Comment • Share

***

(A/N: Sa mga naka-free facebook lang, nganga dahil wala kayong makikitang picture. Hahaha!

P.S. Sa mga naka-cherry naman, may emoji po yan.)

Wow! Ang dami agad ng reactions at comments. Binasa ko ang mga comments ng facebook users tungkol sa pinost ko.

***

Comments:

Sairene Gallegar: "Pano ka mapapansin ng crush mo kung hanggang status lang ang pinopost mo? Mag-post ka rin ng picture para makita ng crush mo ang beauty mo."

Jovelyn Dacuma: "Tama si Sairene Gallegar. Barbie Lo, paano ka mapapansin ng crush mo kung hanggang status lang ang pinopost mo? Mag-post ka rin ng selfie pics."

Jessiebel Gabin: "Ano ba 'yang status mo, wala man lang ka-emo-emosyon. Kaya siguro hindi ka napapansin ng crush mo dahil walang ka-emo-emosyon ang status mo."

***

(A/N: Yan ang disadvantage ng free facebook at ang mga naka-cherry. Na-mis-interpret nila ang post ni Barbie Lo. Hahaha!

P.S. Buti na lang at lagi akong may data at buti na lang at naka-apple ako at hindi naka-cherry. Another hahaha!)

Habang nagbabasa ako ng mga comments ay muntik ko nang maitapon ang cellphone ko dahil sa comment ng lalaking kinaiinisan ko.

***

Javier Blake Ledesma: "Hindi ka papansinin ng crush mo dahil sa itsura mo. Ganda problems. Baka pangit problems kamo."

***

Pakshet ka Javier! Epal ka talaga sa mga pinopost ko sa social media. Nag-reply naman ako sa comment niya.

***

Barbie Lo: "Sana hiwalayan ka na ni Summer."

***

At nag-log out na ako sa facebook. Ayokong makita ang non-sense comments niya. Kahit na i-delete ang comment ay mang-aasar pa rin siya.

Nang ma-log out ko na ang facebook account ko ay pumunta ako sa gallery files ng cellphone ko para tingnan ang mga pictures ni Jameson my loves. Haaaay! Ang gwapo talaga ng my loves ko. Kailan mo kaya ako mamahalin Jameson my loves? Kailan mo kaya mapapansin ang kagandahan ko? Kailan ba?

[SUMMER'S POV]

(A/N: Continuation po 'to ng picnic date nina Summer at Javier.)

Grabe, ang sarap naman ng mga niluto ng honeybunch ko.

"Masarap ba honeybunch?" nakangiting tanong sa 'kin ni Javier.

"Hang sharap honeybunch." sagot ko sa kanya habang may nginunguya akong pagkain.

"Ang cute talaga ng Honeybunch ko." - Javier

Nag-blush naman ako sa sinabi niya. Grabe talaga magpakilig si Javier. Nagsalita lang siya pero kinikilig na ako. Paano pa kaya kung hanarahin niya ako, mas doble pa ang kilig na mararamdaman ko sa kanya.  

"Let's took a selfie honeybunch." nakangiting sabi ni Javier sabay labas ng cellphone niya sa bulsa niya.

Lumapit naman ako kay Javier. at nag-picture taking kaming dalawa.

*click*

*click*

*click*

*click*

*click*

"I will post this on my IG account." sabi ni Javier at may pinindot-pindot siya na kung ano-ano sa cellphone niya.

"Take a look." aniya at pinakita niya sa 'kin ang pinost niya sa instagram

***

javierblakeledesmawp

(Coudn't load image. Tap to retry.)

143 likes

javierblakeledesmawp  Having a picnic date with my honeybunch. #love #couple #sweet #withmygirl

2 minutes ago

***

(A/N: Nganga rin pala ang mga mahihina ang internet connection. Hahaha!)

Hindi ko mapigilang kiligin dahil sa pinost ni Javier. Siya na, siya na ang sweetest boyfriend na nakilala ko.

"l love you honeybunch. You're the best girlfriend that I've ever had." nakangiting sabi sa 'kin ni Javier at hinalikan niya ako sa labi.

"I love you too honeybunch. Ikaw naman ang pinaka-dabest boyfriend na nakilala ko." sabi ko naman sa kanya at hinalikan ko siya sa labi.

Masayang-masaya ako kapag kasama ko siya. Sana siya na, sana siya na nga ang the one ko. At sana ay hindi na guluhin ng evil sister ko ang relasyon namin ni Javier at maging masaya siya samin.

[STEPHANIE'S POV]

(A/N: May mamimeet tayong new character sa POV ni Stephanie.)

"Arrrrrgggghhhh!" inis na sigaw ko sabay hagis sa cellphone ko sa pader.

Hindi ako makapaniwala na nagsasaya ngayon ang malandi kong kapatid kasama ang my loves ko habang ako naman ay inis na inis dito sa kwarto ko dahil sa kanya.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo diyan?" narinig kong tanong ng aming kasambahay mula sa labas ng kwarto ko na mas ikinainis ko pa.

Mga istorbo talaga sila sa buhay ko.

Pinuntahan ko ang pinto ng kwarto ko at binuksan ko ito.

Pagkabukas ko ay sisigawan ko na sana ang aming kasambahay pero may napansin akong isang matipunong lalaki na nasa likod niya.

"Teka, sino siya?" mataray kong tanong sa aming kasambahay.

"Ma'am, siya po si Luis. Bagong kasambahay po na hinire ng daddy niyo." sagot nito sa 'kin.

Napataas naman ako ng kilay sa sinagot sa akin ng aming kasambahay at...

"Pffft! Hahahahahahahaha!" Hindi ko mapigilang mapahagalpak sa tawa dahil sa sinagot ng aming kasambahay.

Oh my God! I'm gonna die in laughing right now.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" narinig kong tanong ng aming kasambahay habang tumatawa ako.

"Hahahahaha! Oh my God! I can't believe this. May lalaki pa lang nag-aaply bilang kasambahay. Hahahaha! Akala ko ay mga babae lang nag-aaply no'n, pati rin pala ang mga lalaki. Hahahaha!" natatawang sabi ko.

Hindi ko na talaga mapigilang mapahagalpak sa katatawa. Oh my gosh! This two made my day.

[LAUREN'S POV]

Tamihik kaming kumakain ngayon nina Jameson at Tim dito sa dining room. Opo, kumain ulit ako. Nakakahiya kasi sa kanilang dalawa kaya napilitan akong kumain muli kahit busog na ako.

Dahil sa sobrang tahimik ay medyo naiilang ako. Feeling ko nga ay may namumuong tensyon sa pagitan nina Tim at Jameson. Ang sama kasi ng tingin nila sa isa't isa habang kumakain. Ano kaya ang problema nila at bakit hindi sila magkasundo? Hay naku, hayaan na nga lang at kumain na lang ako para matapos agad.

*kain*

*kain*

*kain*

*inom*

*kain*

*kain*

Waaaa! Hindi ko na kaya. Nakakailang talaga kapag sobrang tahimik. Kailangan kong mag-open ng topic para naman may ingay kahit konti.

Ano kaya ang magandang topic? Hmmmm! Ano kaya kung ikuwento ko sa kanila ang mga napapanood kong episodes ng Tom and Jerry Show sa Cartoon Network. I'm sure matatawa sila do'n. Tama! Tama!

Magkukuwento na sana ako tungkol sa napanood ko ngunit biglang nagsalita si Jameson.

"Beshie, pagkatapos nating kumain ay pupunta muna tayo sa salon para pagandahin ka sa date natin." sabi sa 'kin ni Jameson na ikinagulat ko.

"What? P-pupunta tayo sa s-salon?" hindi makapaniwalang sigaw ko kay Jameson at nakaramdam ako bigla ng takot.

"Bakit Beshie? Ayaw mo ba?" malungkot na tanong sa 'kin ni Jameson.

Nakonsensiya naman ako dahil sa sinigawan ko si Beshie. Eh sa ayaw kong magpasalon dahil ayaw kong magpaganda, mas komportable kasi ako sa pagiging nerd. At isa pa ay may phobia ako sa salon na hindi ko yata naikwento sa inyo. Noong 8 years old kasi ako ay dinala ako ni Dad sa salon para sa 8th birthday ko. At dahil sa salon na yun ay nasunog ang buhok ko at muntik na akong makalbo. Tumagal ng pitong buwan para humaba ulit ang buhok ko. At dahil do'n ay nangako ako sa sarili ko na hindi na ako magpapasalon kahit kelan at natatakot rin akong mag-make up dahil baka masunog rin ang mukha ko at mas lalo akong pumanget.

"Oo Beshie, sorry ha. May phobia kasi ako sa salon." sagot ko kay Jameson.

Gusto kong maging honest kay Jameson kaya sinabi ko na sa kanya na may phobia ako sa salon. Marami na kasi akong tinatagong sikreto sa kanya at isa na ro'n ang fiancé kong si Tim na hindi pa niya alam.

"At hindi rin siya sasama sa 'yo." narinig kong sabi ni Tim na ikinalingon ko sa kanya.

"At bakit naman hindi siya sasama sakin? Sino ka ba sa buhay ni Beshie ha?" tanong ni Jameson kay Tim na ikinatakot ko.

Waaaaa! Hindeeeee! Baka malaman niya na fiancé ko si Tim.

Nagulat ako nang umakbay sa akin si Tim. Magkatabi kasi kami ni Tim ngayon habang kumakain samantalang si Jameson naman ay nasa harap namin. 

Sinagot naman ni Tim ang tanong ni Jameson na ikinatigil ko sa pagkain, pati na rin si Jameson.

"I'm her fiancé." aniya.

To be continued...

AriadneWPcreators' thoughts