webnovel

2

"Hay, salamat nama--ah!" agad na sigaw ko nang balak akong atakihin ng isang lobo dahilan para mapapikit ako.

Nagtagal ng ilang segundo at wala akong naramdamang sakit.

Iminulat ko ng kaunti ang mata ko at nakita na nandito na ang mga kapack ko na nagpapatrol ng boundary namin kasama ang beta ng aking ama.

Sinunod ko kung saan sila nakatingin at halos manginig ang tuhod ko nang makita ang walang malay na lalaki habang nakatingin doon ng matalim ang isang malaking itim na lobo.

Tumingin ito sa akin at 'di sinasadyang mapaatras ako. Bigla itong umamo, at naging asul ang kaninang dilaw na mga mata.

Naglakad ito papunta sa'kin. Kitang kita ko ang pagbalik anyo nito sa tao habang ang isang kasama nito ang siyang naghanda ng damit na agad niya namang isinuot.

"H-hindi ikaw ang umatake sa'kin?" pagputol ko sa katahimikan, at upang maalis ang atensyon ko sa abs na nakabalandra sa harapan ko.

'Masyadong naguguuluhan na ako sa nangyari, dumagdag pa ang anim na pandesal ng lalakeng ito.'

Lumapit ito sa'kin. Ang seryosong mukha nito kanina ay napalitan ng saya na ikinakunot ng noo ko.

"Hey!" bati nito sa'kin na parang walang mga taong tumitingin sa'min.

Akmang hahawakan nito ang pisngi ko nang may magsalita.

"Alpha Drake, pumasok kayo sa teritoryo namin ng walang pahintulot. At sinaktan mo rin ang isa sa kasamahan namin. Kakausapin ka ng aming Alpha, para malaman ang rason mo," putol ng Beta sa sasabihin ng lalaking nasa harap ko.

"Kindly tell Lucas that what is he gonna do if a werewolf from my pack attacked his Luna," sagot nito at itinuloy ang balak niyang gawin.

Napatikom ang Beta nang dahil sa sinabi ng lalakeng nakahawak sa magkabilang pisngi ko. 'Di ko siya kilala, pero 'di ko alam kung bakit hinahayaan ko siyang lumapit sa'kin.

'Mate niya ako?'

Kaya pala sobrang seryoso niya kanina, kasi gustong-gusto niya akong mahanap. Habang ako naman ay tumatakas.

Wala naman akong magawa dahil hindi pa ako nakakapagpalit anyo, ibigsabihin, hindi ko mararamdaman ang tindi ng nararamdaman ng isang mate.

"Come'on little wolf, can I have a little time with you?" maamo nitong tanong.

Marahan akong umiling at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya, higpit ng pananabik ngunit may pag-iingat.

"Nakita mong ayaw niya sayo, kaya 'wag mong basta basta nalang siyang hahawakan."

Nilingon ko ang nagmamay-ari ng pamilyar na boses, at ang ina ko ito. Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya nang dahil sa nangyayari.

Ngumiti sa'kin ang lalake na parang sinasabi niya sa'kin na okay lang ang lahat.

"I can't do that, she didn't reject me as her mate, I can still wait," ani ng lalaki na halatang nagtitimpi lang.

"Xiera, sabihin mo sa kanya kung bakit hindi ka bagay dito sa'tin lalo na kay Alpha Drake," utos sa'kin ng ina ko.

'Drake pala ang pangalan niya.'

Napayuko ako at marahang tinanggal ang kamay ng lalaking tinatawag nilang Alpha Drake."Hindi pa ako nakakapagpalit ng anyo," bulong ko.

Hindi dapat ako mag-antay na madidismaya rin siya dahil ngayon palang naman kami nagkita, ngunit may kung anong kirot sa puso ko sa pag-amin ng bagay na ikanahihiya ang ipinanghihina ko.

Ilang segundo itong 'di kumibo. Tila ba pinoproseso nito ang sinabi ko.

Isa siyang Alpha. Kahit na anak rin ako ng Alpha, magiging malabo ang relasyon namin dahil hindi ako nagpapalit ng anyo. Magsisilbi akong kahinaan niya sa hinaharap.

Alam ko rin na inilalayo lang ako ng Luna sa kahihiyan. Isang taong lobo na hindi nagiging lobo, magiging malaking kasinungalingan ako sa reputasyon ng taong nasa harapan ko.

"You're a human?" tanong nito habang marahan na umaatras.

"H-hind---" agad na sagot ko. Biglang sumikip ang lalamunan ko. Gusto agad ng utak ko na itanggi ito ngunit sa sinabi niyang isa akong tao, maaaring tama siya dahil naiiba ako sa lahat ng mga nandito sa lugar na 'to.

Kahit na may parte sa'kin na naniwala sa sinabi niya at maaaring 'yon ang rason kung ba't 'di ako nakakapagpalit ng anyo, may parte sa'kin na parang lobo pa rin ako. Dahil kahit na 'di ako tinuturing na lobo, gusto ko pa rin siyang hilahin papalapit sa'kin.

Sa pag-atras niya, nabasag ang pag-iisip ko na isa rin siya sa ma taong ituturing akong espesyal gaya ng ginawa sa'kin ng lola ko.

"You're not?" marahan na tanong niya. Tanong na isang kasagutan lang ang dapat na isagot.'Taong lobo rin ako' kung napakadali lang sabihin ng mga salitang 'to, ngunit wala nga ako kahit isang patunay na kabilang nga ako sa kanila.

Napayuko nalang ako sa mga nangyayari. Mas masakit pala ang layuan ka ng taong nakilala mo palang, kung ikukumpara sa nais kang saktan kahit matagal na kayong magkapack. Stranger or family, pagmay mali sayo, 'di maaalis ang pag-iisip na 'di sila magdadalawang isip na layuan ka.

Narinig ko ang yabag ng isang tao, ang lola ko. Sa lahat ng nakilala ko, siya ang pinakapamilyar sa'kin, kahit na malayo siya, alam na alam ko kung siya o hindi. Agad naman akong niyakap ng lola ko, at tinignan kung may sugat ako dahil sa pag-atake sa'kin.

Kahit lagi siyang nahuhuli, sinisigurado niya pa ring maayos ako.

"That's the reason why I can't find you a while ago," dagdag sa tanong ng Alpha.

Kumunot ang noo ko at agad na iniangat ang ulo ko sa kadahilanang 'di ko siya sinagot ngunit mukhang nahanap niya na ang kasagutang hinihintay niya.

Napatingin ako sa taong yumayakap sa'kin.

Alam kong tao si Lola Eva, ang nag-alaga sa'kin bata palang ako, ngunit 'di ko aakalain na pagkakamalan niya akong tao dahil sa tao ang kasama ko ngayon.

Umapaw ang pagkadismaya ko. Kasama ko ang pack ko nang makita niya ako kani-kanina lang, sinagip niya pa ako sa kapamilya ko ngunit hinusgahan niya pa rin ako na isa akong tao.

"Werewolf pa rin siya Alpha Drake, pero hindi siya pwedeng iisa sa'tin, please know our Golden Rule," ani ng ina ko.

"I know... humans bring danger to werewolves, and vampires brings death to werewolves. It should be x for x and y for y," sagot nito at nagsimula nang maglakad palayo, bagsak ang balikat. Pinakaunang Alpha na nakita ko na halos wala nang pag-asa sa inaasta.