webnovel

10

Tinitigan ko si Jayson ngunit wala akong nakitang takot sa mga mata nito. Parang ako lang ang walang alam sa nangyayari.

'So alam ba ng mga tao na pinoprotektahan sila ng mga taong lobo?'

Bumaba na kami ng puno at sumakay si Jayson sa isa sa mga taong lobo habang ako naman ay naiwan kasama ang lalakeng ngayon ko na naman nakita. Parang ang tagal ko siyang 'di nakita, parang may kung anong tumutulak sa'kin para yakapin ko siya.

"Little wolf, never cheat on me. I shouldn't be jealous, but I do," simula nito at nakita ko ang pagdilim ng mga mata nito. Parang natikom ang bibig ko nang dahil sa sinabi niya.

"Sorry," paumanhin ko.

Nawala ang galit nito at napalitan ng pag-aalala nang mas dumarami pa ang naglalaban malapit sa pwesto namin. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ang tuktok ng ilong ko.

Binuhat ako nito at tumalon mula sa taas ng puno papunta sa lupa.

"You'll be safe, trust me," sunod nitong sabi at umatras ito.

Nakita ko na naman sa pangalawang pagkakataon ang pagpalit nito ng anyo. 'Di ko maiwasang mapangiwi dahil sa naririnig kong mga buto sa katawan nito. Nang matapos ito ay ibinaba nito ang pagkakatayo upang makasakay ako.

Bago kami makaalis, nadakip ng mga mata ko ang lalaking pamilyar ulit sa'kin. Hindi na mapula ang pares ng mata nito kung ikukumpara kanina. Kagaya no'ng una naming nagkita, malalim ang kan'yang itim na mga mata. Sumilay ang ngiti sa labi nito.

Isang mapait na ngiti.

Pigil hininga kong inalis ng tingin dito at nagdasal na sana'y 'wag niya kaming atakihin. At gano'n nga ang nangyari.

Nakalabas na kami ng gubat at tanaw ko na ang kotse ni Jayson na halatang ako nalang ang inaantay. Bumaba na ako sa pagkakasakay sa kasama ko at tinitigan ang malaking itim na lobo na nakatitig din sa'kin pabalik.

Hinaplos ko ang balahibo nito sa ulo at nadakip ko ang pagbaba ng mga tainga nito.

'Ang cute.'

Kahit naiilang ay niyakap ko ito.

"Salamat, Drake," sambit ko.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Bumitaw na ako rito at halata sa itsura nito na ayaw pa nitong bumitaw. Napangiti ako.

Naglakad ito paikot sa'kin na tila ba chinicheck kung okay ako at marahan na tumalikod sa'kin. Sa isang iglap ay nilamon na ito ng dilim, bumalik na siya ro'n para tulungan ang mga kasamahan niya.

Tumalikod na rin ako sa gubat at nagtungo na sa kotse.

'Dapat ba maging masaya ako dahil nakita ko siya? O mag-aalala ako dahil bumalik siya ro'n?'

Kaso anong magagawa ko.

Naisip kong may punto siya sa sinabi niya noon. If I'm a human, I'll bring danger. Just like what vampires do now to them, they're now bringing death for everyone within that Devil's path.

Napabuntong hininga nalang ako sa naisip at naglakad na palapit sa kotse ni Jayson.

"You wanna go back babe?" tanong ni Jayson.

"Hindi, kaso nag-aalala lang ako. Niligtas nila tayo habang bumalik sila do'n para hanapin si kamatayan," sagot ko.

"That is their fate," walang ganang ani nito.

"Pano mo nalaman na poprotektahan nila tayo?" takang tanong ko.

"I'm not sure if you heard me awhile ago. I freaked out because I saw that guy who carried you looking like he's gonna kill me, and not him alone, but with his pack shifted to werewolves!" ani nito sabay upo ng diretso.

Kahit magulo si Jayson, marunong din pala 'to matakot. Pero hindi sa mga prof.

"He offered help okay? Sinabi ko kasi sa kan'ya na nando'n tayo para sa research natin. At sinabi niya namang tutulong siya basta ayusin natin yung research natin," ani nito.

"Kaso pano maaayos, hindi naman tayo nakatake-note ng maayos," pagrarason ko.

"There's a chip saving the things that we saw a while ago. Kukunin ko 'yon pagsafe na sa lugar na 'yon," sagot nito.

"Okay, sabi mo eh. Pagbumagsak tayo isusumbong kita do'n," ani ko.

"No way, I can't even look at him straight, I won't be disappointed kung ikaw rin," ani nito at tumawa.

Pagod at antok nalang ang naramdaman naming nang bumiyahe kami pauwi. Susubukan nalang siguro naming kalimutan ang mga patayan. Research lang dapat naming kulikutin.

Isang linggo na ang nakaraan nang mangyari ang pagpunta namin ni Jayson sa 'The Devil's Path'. 

Matapos ang pangyayaring 'yon ay purong pagsusulat nalang at pagreresearch sa browser ang ginagawa namin. Nagkikita lang kami ni Jayson sa loob ng room at do'n nagkakaro'n ng pag-uusap tungkol sa project at wala ng iba.

Palagi pala siyang busy, hindi ko siya nakikita sa ibang lugar, 'di tulad ng iba kong mga kaklase.

"Hoy, tulala kana naman," usap sa'kin ni Joan dahilan para mailipat ko sa kan'ya ang aking tingin mula sa kawalan. Nandito na naman kami sa room, sinusubukang sagutan ang mga tanong na inilagay ng prof. namin sa white board.

"Nakakabagot kasi ang mga tanong," pagrarason ko nalang. Nagkibit balikat naman si Joan at kinausap nalang si Kyla para makakuha siya ng isasagot.

Natapos ang klase namin na pang-umaga at nagsilabasan na kami. Agad kaming tumungo nina Joan at Kyla sa canteen at kumain.

Sa isang linggong pagtagal ko rito ay nasanay na ako sa titig ng mga naka-red card at gold card. At tila wala akong ganang pagmasdan sila. Baka maulit ang nangyari dati kapag tumigil ako para mag-obserba.

Umupo na kami sa bench na nasa labas at nagsimulang kumain.

"May kakaiba talagang aura sa loob," ani ni Kyla na parang kinikilabutan pa rin kahit nasa labas na kami. Isinubo niya ang fries na inorder niya at nakalimutan yatang maglagay ng ketchup kakaisip.

"Oo, yung parang lalamunin ka nila kunting galaw mo lang. Ano ka ba, matagal na dapat 'no! At nasa school tayo, kaya 'di sila pwedeng gumawa ng ikakasira nila dito," dugtong ni Joan na halatang nasanay na. Siya na ang naglagay ng ketchup sa fries ni Kyla at kumain na rin.