13 Chapter 13

He's not perfect.

You aren't either, and the two of you will not be perfect.

But if he can make you laugh at least once,

causes you to think twice,

and if he admits to being human and making mistakes,

hold onto him and give him the most you can.

He isn't going to quote poetry,

he's not thinking about you every moment,

but he will give you a part of him that he knows you could break.

Don't hurt him,

don't change him,

and don't expect more than he can give.

Don't analyze.

Smile when he makes you happy,

yell when he makes you mad,

and miss him when he's not there.

Love hard when there is love to be had.

Because perfect guys don't exist,

but there's always one guy that is perfect for you.

- Unknown -

Dumiretso si Hayley sa rooftop, kailangan niyang kalmahin ang sarili dahil kung hindi ay hindi siya makakapagtrabaho ng maayos. Binuksan niya ang dvd player at isang instrumental music ang nadinig sa paligid. Lumakad siya papunta sa gilid ng pader at inikot ang mga mata sa mga bahay at nagtataasang building sa lugar. Tumingin siya sa baba at nakita niya ang mga sasakyan at mga tao na may kanya-kanyang destinasyon. Huminga siya ng malalim at pumikit. Bumilang ng sampo at pagkatapos ay huminga ulit ng malalim. Kalmado na siya pero pagharap niya ay uminit na naman ang ulo niya.

"This is a private place and my working place. Please go and I don't want any disturbances." Mataray na sabi ni Hayley pero hindi kumibo ang kaharap pero lumakad ito papunta sa tabi niya, lalong nainis si Hayley. Lalakad na sana siya palayo sa binata ng magsalita ito.

"I was almost kidnapped when I was a child." Simula ni Nico na naging dahilan para mapatingin sa kanya si Hayley na may gulat sa kanyang mukha. "It was unsuccessful, thanks to the people who had help me." Patuloy ni Nico. Tahimik lang si Hayley pero gusto niyang i-comfort si Nico dahil sa itsura nito na parang ayaw ng alalahanin ang nangyari dati. "Simula noon naging paranoid na ang parents ko. I'm always with a bodyguard and with a nanny. We were isolated from the outside world. I don't have friends." Nakita ni Hayley ang lungkot sa mukha ni Nico kaya hindi na niya napigilan na ilagay ang kamay niya sa balikat nito. Nawala na ang galit niya sa binata. "Nasa elementary ako noon and until highschool, paranoid pa din sila. Pasalamat na lang ako because noong college hinayaan na nila akong mag-isa pero still, I had to call them every now and then to tell them that I'm doing fine. Doon ko nakilala sila Dashiell at Landon. They suggested that for my parents to totally give my freedom, I should learn how to protect myself so I learned different self defenses." Patuloy na salita ni Nico.

"I'm really sorry if I have to lie and kept my true identity from you and the rest. Siguro, hindi pa din nawawala ang trauma ko of what happened in the past." Sabi ni Nico at kinuha ang kamay ni Hayley na nakapatong sa balikat niya. "I'm really sorry." Muling paghingi ng tawad ni Nico kasabay ng pagdiin ng hawak niya sa kamay ng dalaga.

"No more lies in the future, Mr. Ferrer?" Tanong ni Hayley. "I'll try." Nakangiting sabi ni Nico na ikinaikot ng mata ni Hayley. Bumuntong-hininga si Hayley. "Okay, you're forgiven. Hindi magandang magsimula sa trabaho kung mag-kaaway tayo." Sabi ni Hayley. "Ikaw lang naman ang umaaway sa akin." Sabi ni Nico. "Ako talaga?" Tanong ni Hayley na nakataas ang kilay. Nailang si Hayley ng makita niyang seryosong nakatingin sa kanya si Nico. "B...bakit?" Nautal niyang tanong. Hindi nagsalita si Nico kaya nagulat si Hayley ng bigla siyang hilahin nito dahilan para mapalapit siya dito. Ang dalawang kamay ng binata ay nakayakap sa kanya samantalang ang dalawang kamay niya ay nasa dibdib ng binata.

"Mr. Ferrer!" Sabi ni Hayley na pilit na kumakawala sa yakap ni Nico. "Thank you for listening and forgiving me." Malambing na sabi ni Nico dahilan para kumalma si Hayley. "O...okay, ahm, b...baka pwede mo na akong bitiwan, Mr. Ferrer." Gustong batukan ni Hayley ang sarili dahil sa pagiging utal niya. "Nico." Sabi ng binata. "Huh?" Takang tanong ni Hayley. "Call me Nico. Masyadong formal ang Mr. Ferrer. Parang ang tanda ko na pag-iyon ang tawag mo sa akin." Nakangiting sabi ni Nico. Tumingala si Hayley at nagtama ang mga mata nila. Umiwas siya ng tingin dahil alam ni Hayley na namumula siya. Sanay siya na makalapit sa mga lalaki pero iba ang nararamdaman niya sa mga yakap ni Nico at gusto niya ang nararamdaman niyang iyon. "Okay, Nico." Sagot ni Hayley na unti-unti ng lumayo sa binata.

"So, Miss Acosta..." Hindi natuloy ni Nico ang sasabihin ng magsalita si Hayley. "Ley." Sabi ni Hayley na ikinakunot ng noo ni Nico. "I'll call you Nico then, call me Ley." Nakangiting sabi ni Hayley. "Okay, deal." Nakangiti ding sabi ni Nico. "So, Ley, you'll be starting your work today." Sabi ni Nico. "Yeah, I'll inform the Tailoring staffs na kuhanin na ang measurements n'yo then, after a week you can comeback for fitting." Sabi ni Hayley. "I'm not talking about that." Sabi ni Nico na kinakunot ng noo ni Hayley. "You promised me that you're going to be my PA." Nanlaki ang mata ni Hayley. "Did I?" Painosenteng tanong ni Hayley. "Yeah and for you not to forget, wait..." Sabi ni Nico saka kinuha ang cellphone at ipinadinig ang usapan nila noong Saturday kung saan sumagot siya ng YES sa pagiging PA niya para kay Nico. Hindi makapaniwala si Hayley na ni-record ni Nico ang usapan nila.

"I can't believe you have done that." Naiiling na sabi ni Hayley. Pababa na sila sa first floor para samahan at ipakilala si Nico sa lahat ng department ng Kleid Moda personally. "Para wala kang kawala." Nakangising sabi ni Nico. "Hehehe pero temporary lang 'to. Alam mong madami akong dapat gawin lalo at palapit na ang fashion show." Sabi ni Hayley. "May dalawa akong pwedeng i-refer sa'yo to be your PA." Patuloy ni Hayley. "Maganda ba? Sexy ba?" Tanong ni Nico na ikinataas ng kilay ni Hayley. "Oo! Models sila ng Kleid but before, they had experiences on how to be a PA on their previous jobs." Sagot ni Hayley na medyo inis dahil sa tanong ni Nico. "Selos ka?" Tanong ni Nico. "Excuse me?" Sabi ni Hayley. "Wala." Nakangising sabi ni Nico.

"There you are. I thought nagkarambola na kayo kung saan." Sabi ni Dashiell ng makita sila. Nasa lobby sila ng Kleid at iniintay ang pagbabalik nila na noong una ay akala nila na hindi mangyayari. "Sorry talaga, Ley." Hinging paumanhin ulit ni Quinn. "Okay na, pinaliwanag na ni Nico lahat so I understood why." Sabi ni Hayley. "Hmmm, Nico? Hindi na Mr. Ferrer o Mr. President?" Panunukso ni Landon. Nginitian lang siya ni Hayley. Lumapit siya kay Leo at Rose. "Okay na kayo ng anak ko?" Nag-aalalang tanong ni Rose. "Yes, Tita." Sabi ni Hayley at nakahinga ng maluwag si Rose. "So, pwede ko na siyang iwanan sa'yo?" Nakangiting tanong ni Leo. "Tito, barako na 'yang anak mo so I don't think kailangan niya pa ng baby sitter." Nakangiting sabi ni Hayley. "Oh, wait, papatawag ko sila KC at Nicole before you go for your flight. Do you have still time?" Tanong ni Hayley. "Yeah, pwede pa naman." Sagot ni Leo kaya lumapit si Hayley sa information deck para ipatawag ang dalawa.

Hindi naman sila nag-antay ng matagal. Kumaway si Hayley para makita siya agad ng dalawang prospective PA para kay Nico.

"Good morning po." Magalang na bati nila Kc at Nicole. "Morning." Sabi ni Leo at Rose. Tumingin si Hayley kay Nico para makita ang reaksyon nito pero nainis siya ng makitang hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang dalawang dalaga dahil busy ito sa pakikipagkwentuhan sa dalawang guard na nakatayo hindi malayo sa kanila.

Kinausap nila Leo at Rose ang dalawang dalaga samantalang nilapitan niya si Nico.

"Nico, ano bang ginagawa mo d'yan? Hayun na yung dalawang PA mo oh." Sabi ni Hayley. "Morning Ma'am..." Hindi natuloy ng dalawang guard ang bati nila kay Hayley ng tingnan sila ng seryoso ng dalaga. "Mang Ricky, Mang Roger, 'di po ba ang sabi ko sa inyo ay Hayley lang." Sabi ni Hayley at walang nagawa ang dalawang guard kundi kamutin lang ang ulo. "Pasensya na Hayley, nakakahiya kasi kay President kung madidinig niya na parang wala kaming paggalang sa'yo." Sabi ni Ricky. "Pare-pareho lang po tayong nagtatrabaho dito kaya dapat ay pantay-pantay lang ang pagtingin natin sa isa't isa." Sabi ni Hayley. "Minsan pang tawagin n'yo kong ma'am wala na kayong breakfast tuwing umaga." Banta ni Hayley pero may ngiti sa kanyang mukha. Si Nico ay nakatingin lang sa kanila at hindi niya maalis ang tingin kay Hayley lalo sa nadinig nito mula sa pag-uusap ng tatlo. Nagulat pa siya na tapikin siya ni Hayley sa braso. "Tara na, kausapin mo na 'yung dalawa." Sabi ni Hayley pero hindi na nakasagot pa si Nico ng hilahin siya ng dalaga. Nangiti siya ng makita na hawak ng dalaga ang kamay niya habang hinihila siya pabalik kung saan nakaupo ang mga magulang ng binata at mga kaibigan niya kasama ang dalawang model.

Nang makalapit sila ay napansin agad ni Hayley ang malalagkit na tingin ng dalawang model sa binata. "Nico, I want you to meet, Kc and Nicole." Pagpapakilala ni Hayley sa tatlo. Excited na tumayo ang dalawa at inilahad ang mga kamay. Nakipagkamay naman si Nico pero halata agad niya na handa ang dalawa na gawin ang lahat para sa kanya, ultimo ang pagsama sa kama sa kanya. Umayos lang ang dalawang dalaga na makitang seryosong nakatingin sa kanila si Hayley.

Aaminin ni Nico na babaero siya before pero simula ng makita niya si Hayley sa magazine with his dad, unti-unti siyang nagbago. Nakakahiya mang aminin pero si Hayley na lang ang gusto niyang ikama pero siyempre, hindi lang iyon.

"Well, we'll talk about it first and Hayley will inform you if you will get the job." Nagulat si Hayley sa sabi ni Nico. Bagsak ang balikat na umalis ang dalawang model. "What was that? Ni hindi mo pa sila nakakausap." Takang tanong ni Hayley. "Dad, what can you say?" Tanong ni Nico at umiling si Leo. "Mom?" Baling ni Nico sa ina. "Sorry, bunso, but no for me also." Sabi ni Rose. "Guys?" Nakatingin si Nico kila Dashiell, Quinn, at Landon at sabay-sabay itong umiling. "Anong problema sa kanila? I mean, hindi pa naman natin na-try. Why don't we give them a chance. Maybe, a week?" Tanong ni Hayley na umaasang mabago pa nito ang desisyon ng lahat. "No." Sagot ni Nico. "Give me one valid reason." Sabi ni Hayley. Nangingti ang mga kasama nila sa pag-uusap ng dalawa. "Because they are bitches. I don't want to work with them kung ang gagawin lang nila is to push me in their beds. " Sagot ni Nico. Alam ni Hayley na talo na siya kaya nanahimik na siya. Nakita naman niya kung ano ang ginawa nila Kc at Nicole ng makaharap ang binata.

"Okay, sabihan mo na lang kami if you find someone else. Maybe, a male PA would do." Sabi ni Leo. "Okay, Tito. Bon voyage." Sabi ni Hayley at niyakap ang matandang lalaki. Ganoon din ang ginawa niya kay Rose. "We'll come back on the day of the fashion show." Sabi ni Rose at tumango si Hayley. Nagpaalaman na ang lahat at umalis na sila Leo at Rose na hatid ng family driver nila.

"Saan tayo?" Tanong ni Quinn. "Hatid ko muna kayo sa Tailoring floor for your measurements. Nandito na ba ang buong entourage?" Sabi ni Hayley. "Yep, they were at the coffee shop waiting." Sagot ni Quinn. Pagkatapos tawagin ang mga ninong at ninang, groomsmen at bridesmaids, pati mga flowers girls ay umakyat na sila sa 3rd floor.

"Tatay Mario!" Tawag ni Hayley sa head ng Tailoring Floor. "Hayley, sila na ba ang mga bago mong biktima?" Nakatawang tanong ni Mario. "Opo." Sagot ni Hayley. "Good morning po, President." Magalang na bati ni Mario kay Nico na tinanguan naman ng binata. "Tara na at masimulan na tayo." Sabi ni Mario kaya isa-isa ng sinukatan ang mga kasama sa entourage sa kasal nila Dashiell at Quinn. Tumulong na din si Hayley sa pagsusukat dahil busy ang iba sa pag-aayos ng mga gagamitin sa fashion show. Nagulat siya ng ang susunod na susukatan niya ay si Nico.

"Mr. Ferrer, babae lang po ang kinukuhanan ko ng measurement. Doon ka pumila kay Tatay Mario." Sabi ni Hayley na tinawag ang susunod na nakapila. "Ay ganoon ba?" Pabaklang sabi ni Nico na ikinatawa ng mga nakakita sa kanya. "Bro, sabi ko na at may tinatago ka eh." Pang-aasar ni Dashiell. "Kaya pala ganoon ka na lang makatingin sa akin kapag nakahubad ako!" Dagdag pa ni Landon. Lalong natawa ang lahat. Nagsisi naman si Nico sa ginawa kaya napilitang siyang lumipat sa linya ni Tatay Mario.

avataravatar
Next chapter