webnovel

CHAPTER 1: Disaster on the First Day

First day ng school. Ang aga kong gumising, syempre excited. Tsaka magsusuot na naman ako ng panibagong uniform. Ano ba yan...every time na lang lipat kami ng lipat, so transfer din ako nang transfer dahil sa trabaho ni papa. Sumakay ako ng school bus na katitigil lang sa harap ng bahay. Umupo ako sa pinakaharap na upuan.Bigla na lang sigaw ng lahat nang may mabahong amoy na dumaan.

"Yuck! sinong umutot! I can't stand it!", sigaw ng isang maarteng babae.

Isang sigaw mula sa aking likuran ang nagbigay dahilan upang ako'y mamula.

" Guys...yung babae dito yung umutot", sigaw niya habang tinuturo ako.

"Luhh, di ako yun", tutol ko ngunit sa lakas ng sigawan at tawanan at hindi na marinig ang aking boses.

First day ng school, bwiset!Tinignan ko ng masama yung lalaking nagturo sa akin. Tinignan ko yung ID niya. Ryan Jay Suarez pala ha. Ang pangit na pangalan napabulong ko sa sarili ko. Tumingin siya sa akin kaya agad naman akong nag-iwas ng tingin. Pagkababa ko ng bus, dumiretso agad ako sa gate. Ang daming studyante pala dito. Papasok na sana ako nang pigilan ako ng guard.

" Asan ID mo?",tanong niya sa akin.

Kinapa ko yung ID ko. Patay...wala!Naalala kong sinabit ko siya sa may sabitan ng closet ko!

"Ahh sorry po, nakalimutan ko ehh", sagot ko at kinagat ko ang aking labi.

" Hindi pupuwede", matigas na sagot ni manong guard.

"Pero-"

"Hindi nga puwede diba!", muli niyang sagot.

Nakita kong lumapit yung Ryan na yun. May ibinulong siya sa guard

tsaka siya pumasok. Pumasok na din yung ibang mga studyante. Laking gulat ko nang papasukin na din ako ng guard. Lakas talaga ng persuasive power ko...

" Sa susunod huwag mo nang kalimutan ID mo ha? D na talaga kita papapasukin", pahabol niyang sabi sabay ngiti.

Dumiretso ako sa gym kung saan sila nag-assign ng section. Ang laki ng school na ito. Pagkatapos maassign, dumiretso ako sa assigned room ko. Malapit pa akong maligaw tsaka may nakabunggo akong babae. Buti nalang mabait tsaka di maarte kaya yun, pinatawad niya ako. Pagpasok ko sa room nakita ko na naman si Ryan! Classmate ko siya!?

"Hey!Nandito na yung babaeng umutot sa bus", sigaw niya sabay tawa.

" Sabi ko nang hindi ako ehh-"

"Shut up, huwag ka ng magkaila", mabilis niyang sagot.

Naghanap ako ng upuan sa likod. Ako nga bang mapapala ko sa pakikipag-away sa isang walang kwentang tao. Nagbell na. Pumasok yung adviser namin sa loob.

" Good morning everyone!Siguro naman kilala nyo na ako. Ako so Denneth Olivas. Oh! may transferee pala tayo! Please introduce yourself."

"Hi!I'm Shane Barrientos, 15 years old. And I'm looking forward with working with all of you", pagpapakilala ko sa sarili ko.

" Welcome in Dream High University Shane! Hope you'll enjoy your stay here",nakangiting sabi ni Sir.

Agad nila akong pinalibutan at pinuno ng tanong. Nung nagbell, nagsiupuan silang lahat.

"Nandyan na naman yung terror na teacher", sigaw nila habang tumakbo at umupo.

Nagulat ako nung may bumato sa akin ng papel. Pumasok yung babaeng teacher. Medyo matanda siya at matangkad. Nagsalubong ang mga kilay niya. Pinulot ko yung papel at binasa ko ng tahimik.

HI SHANE, DISASTER GIRL. NERDY PA PALA

- from Ryan, The Revealer.

Tinignan ko siya at tumawa siya ng malakas.

Nagalit yung teacher namin na si Ms. Fe Yague.

" Mr. Suarez! What are you doing?!", sigaw niya.

"Continue shouting at me Ms. Yague...know your place. Tandaan mo, daddy ko may-ari ng school nato",cool niyang sagot.

Nakita ko ang takot sa mga mata ni Ms. Yague. Yabang talaga nito. Napansin ako ni Ms. Yague kaya yun, nagpakilala na naman ako sa kanya. Then nagstart yung discussion namin. After that, nagbell na din. Time for a new subject...