1 P R O L O G U E

P R O L O G U E

Maraming mga tao ang umiiyak. Mapa lalaki o babae dahil sa mga yakap at napa mahal sa kanila ay ayaw na nilang bitawan ngunit pinaglayo na sila nang tadhana.

Napa iling na lamang ako sa nakita at napa buntong hininga. Eto na nga ba ang sinasabi ko, napaka delikadong misyon dahil sa pag-ibig. Marami na ang nababaliw dahil doon at ayaw nang mahilaway sa taong minahal din nila. Ngunit dahil lumabag sila sa Rules ay lalaki ang matatanggal at babae ang mananatili rito.

"What a scene." Natatawang sambit ni Kenj sa gilid ko at tuloy tuloy lamang namin pinapanood ang scene. Ang iba ay tulad naming nanonood lamang.

"Masanay kana. Taon taon naman palaging ganito sa Place natin." Iiling iling na sambit ko na ikina iling naman nya.

"Ayun na nga ang problema. Walang pinag bago at paulit ulit lang natin tong nakikita." Inakbayan nya ako at hinigit upang maka alis doon.

Nag punta kami nang Bar at nag inom para i congratulate namin ang taon na ito. Katuwaan at inuman lang ang ginawa namin nang makisali sina Nicka at Niko. Ang dalawang mag partner.

Ang nangyari ay nag usap kami ni Nicka at nag usap ang mag partner namin. Nang hindi ako maka kinig dahil ramdam ko ang titig ni Niko sa likod ni Nicka kaya naman nag taka ako.

"May problema kaba?" Sabat ko na ikinatigil ni Nicka at sa pag kwento at nilingon ang lalaki.

Umiling lamang ito at tumango na lamang ako. "Paano ba yan, hindi na namin kayo makaka partner." Sabat ni Nicka na ikinatahimik nang dalawa.

"Ayos lang, nandito pa rin naman kami."

"Congratulations to us." Sabay sabat ko nang hindi na sila mag dramahan dito. At sabay naman namin ininom ang Wine at sumayaw sayaw na doon.

Nang malasing ay nagulat ako nang parang napatigil si Nicka sa kinatatayuan nya. " I love him." Wala sa sariling sagot ko.

avataravatar
Next chapter