1 Prologue

Sa isang masukal at madilim na kagubatan dalawang tao ang tumatakbo sa bingit ng kamatayan. Magkahawak ang kamay at parehong pagod dahil sa walang katapusang pagtakbo upang makaligtas sa kamatayan.

Pigil ang hininga at mabilis ang pagtibok ng puso ni Kichay. Hindi nya alam kung saan sila papunta wlang direksyon ang kanilng tinutungong daan. Hindi nya rin alam kung sino ang mysteryosong lalaki na nakahawak sa kanyang kamay dahil sa madilim na kagubatan hindi nya maaninag ang mukha nito. Ngunit alam nyang ligtas sya sa lalaking ito mas doumoble pa ang pagkabog ng kanyang puso sa tuwing napapatingin sya sa magkahawak nilang kamay na parang may dumadaloy na kuryente sa kanyang kamay papunta sa kanyang puso sanhi ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

"Hindi kayo makakatakas mahuhuli ko din kayo WAHAHAH!!." Dumagungdong sa kanilng likuran ang isang malalim at nakakatakot na boses na kung mahuhuli nga sila ay siguradong sa simentiryo ang abot nila.

Tumatagaktak na ang pawis sa kanyang noo at likuran pagod at hinihingal nadin sya sa pagtakbo, sumasakit na rin ang kanyang paa hindi na nya kayang tumakbo pa kapag pinagpatuloy nya ang pagtakbo ay himatayin na sya.

Shit lng beh! Dati namn akong runner paghinahabol ng mga tanod pero bakit ang bilis kung hingalin ngayon. Ngayon pa talaga namay humahabol saming kupal. Wari nya sa kanyang sarili

Hinila nya ang lalaking nakahawak sa kanyang kamay patago sa isang puno ng balite at nagtago upang hindi makita ng humahabol sa kanila

at pansamantalng mag-pahinga.

"S—sandali lng mag—pahinga muna tayo, kanina pa tayo tumatakbo na—papagod nako." Hinihingal kong sabi sa kanya tinitigan kong maigi ang kanyang mukha, wla syang itchura hindi klaro sa paningin ko ang mukha nya.

Normal namn syang tao matipuno din ang katawan nya. Siguro kung e-aangat nito ang t-shirt nya may abs to katataman lng din ang laki ng kanyang braso kung baga sa relasyon swak na sakto pa hehe konek?.

Kaya siguro wla syang mukha dahil anak sya ng isang engkanto!!? Bigla akong kinilabutan sa aking naisip kaya dumistansya ako ng bahagya sa kanya ngunit hawak pa din nito ang aking kamay.

Baka bigla akong sakmalin at balian ng leeg nito. Mama ko po wag namn sana!

"S—sino kaba? Bakit tayo tu—matakbo? Sino ang humahabol satin? may utang ba tayo sa kanya?." Sunod-sunod kung tanong sa kanya nababakas din sakin boses ang takot ngunit nanatili lamng syang tahimik na parang pipi.

Wla nangang mukha wla pang boses. Ano na kuya? nalunok moba dila mo?!

"Bakit ayaw mong magsalita? Siguro bad breath ka nu?, hindi din klaro ang iyong mukha. Sino kaba talaga?." Nagulat ako ng bigla syang lumapit at tinakpan ang aking bibig.

"Shh.." At dinampi ang sariling hintuturo sa labi. Parang pinakikiramdam nya ang paligid. May nadinig akong yapak na papalapit sa amin. Biglang nanindig ang aking balahibo at parang maduduwal sa lansa na aking naaamoy.

Takte ang baho namn, wla bang tubig sa kanila? Hindi ba nya alam ang salitang maligo? Pucha! sakit sa ilong

Nanatili pa ding nakatakip ang kanyang kamay saking bibig. Bigla nya akong hinila patayo at handa na sanang tumakbo ulit ngunit.

Bigla nalng may isang panget na nilalang ang tumambad sa aming harapan. Oo beh tama ka ng pagkakabasa panget talaga as in nuknukan ng panget mas panget pa kay marlou. Char baka bigla akong ipa-shot to kill nun pero atlis mas may panget pa kay marlou. Heheh.

Ang nasa aming harapan ay isang halimaw mayron itong malalaking sungay na kinabog pa si Maleficent. Kulubot din ang mukha nito....Hindi, halos lahat ng parte ng katawan nito ay kulubot na parang hindi uso ang salitang Botox sa kanya. Kulay pula din ang kanyang kulay mahahaba at maiitim din ang kanyang kuku na animoy pwede ng gawing pang tangal ng tinga, matalas din ito na kung ikaw ay makakalmot ay siguradong wasak ang mukha mo.

Ang mga mata nito ay purong itim lamng at wlang bahid na puti na makikita, bigla itong tumingin sa akin kung paano ko nalamn na nakatingin ito sa akin ay dahil nanindig ang aking balahibo. Nakatitig ito sa akin at ngumisi pa ang bakulaw.

Type siguro ako nito. Sorry nalng sya pero diko type ang hindi naliligo at mabaho pa kesa sakin. Aminado namn akong minsan lng akong maligo heheh.

Shit! Pati ngipin ang panget din naparang kinain nya ang lahat ng kendi sa mundo, siguro ang agahan, tanghalian at haponan nito ay puro kendi. Puros bulok ang ngipin nito sa harapan kadiri beh. Hindi ata uso toothbrush sa kanya. Pustahan bad breath to si kuya paghiningahan ako nito

siguradong tigok ako beh.

Humakbang ito papalapit sa amin. Agad nahinila ako ng lalaking ito patago sa kanyang likod. Nakalimutan kong andito pa pala ang lalaking to akala ko kinain na sya ng lupa dahil sa sobrang tahimik nya.

"Ibigay mo na sya sa akin." sabi nito sa nakakatakot na boses pati boses nya panget din wla man lng bang magandang katangian tong bakulaw nato.

Siguro nong nagpaulan ng kapangetan si lord nasalabas sya at nakahubad na nagtatampisaw. Nasa kanya na lahat eh.

"IBIGAY MO NA SYA SA AKIN!!!!" Dumagundong ang kanyang malakas na boses sa buong kagubatan napati ang mga ibon ay nagsiliparan palayo.

"Hindi mo sya makukuha. Hindi ko na itutuloy ang misyon ko." sa unang pagkakataon ay nadinig ko din ang boses nya malalami ito at buong-buo na parang musika sa aking pandinig.

Ganda ng boses. Inferness pwede nyang maging sideline ang pagiging singeriest

"Hindi mo pwedeng bawiin ang initos ko sayong misyon." parang baliw nitong pagkasabi nakangisi pa ang bakulaw creepy beh. "Dahil una sa lahat pag mamayari ko ang kaluluwa mo at nakipag-kasundo ka sa demonyo." biglang nanlaki ang aking mata sa narinig. Kaya pala nuknukan ng panget ang bakulaw nato dahil ito pala si Satanas akala ko pa namn costume nya lng yan para takotin kami di pala. Legit mga prii mas may panget pa kay marlou swerte mo boy nagbago ang pananaw ko na ikaw lng ang panget sa mundo hehe peace.

"At nakalimutan mo naba nanggaling ka din dun. Binalaan nakita na dapat hindi ka mapamahal sa misyon

mo!!!" galit nitong sabi natumalsik pa ang laway kadiri walng GMRC ah. Nakalimotan ko si Satanas pala to malamang wla talaga tong GMRC.

"Hindi mo dapat hinayaang tumibok ang puso mo, dahil lahat ng galing sa impyerno ay walng puso!! Kaya ibigay muna sya sa akin kung ayaw mong patayin ko sya." mahabang litanya nito namay ngisi sa mga labi. Humigpit ang hawak nya sa akin naparang kumukuha sya ng lakas sa akin. Napatingin ako sa malabo nyang mukha kahit hindi ko makita ang kanyang mukha nararamdaman ko ang seryoso nyang tingin kay Satanas. Instink beh instink.

"Hindi mo sya pwedeng patayin dahil nasa kanya ang bagay na gusto mong makuha. Kaya bumalik ka nalng sa imperynong pinanggalingan mo at bantayan ang mga kaluluwang nandun." ano ang bagay na sinasabi nya? Ano yun at bakit nasaakin yun bakit kaylngan iyon ni Satanas? Nagugulohan nako.. wla nakong maintindihan.

Biglang nag-bago ang klima ng panahon ang maitim na kalangitan ay mas lalo pang umiitim. Ang mga ibon ay nagsisiliparan palayo lumakas ang ihip ng hangin na parang tatangayin kami umingay din ang paligid sa mga hayop sa kagubatan na nagtatakbohan. Napatingin ako sa mga puno namamatay ang mga dahon nito at natatangay ng malakas na hangin.

Epekto bato ng baho ng hininga ni Satanas? Grabe pati dahon ng puno di nya pinalampas. Toothbrush din kase pag may time. Tsk.

avataravatar
Next chapter