webnovel

The Battle at Algolia

TRONO.

Habang nagpapalitan ng atake sina Raiden at Ardell.

Raiden: (ihahampas ang lantaka)

Ardell: (sasalagin iyon ng jian)

Raiden: (papuputukin ang lantaka)

Ardell: (iilag) Flaming halos!

(pagsabog)

Raiden: (sa isip) Hindi ko akalaing may isang mortal na alam gamitin ang buong potensyal ng pulseras. Malayong- malayo ang agwat niya sa mga Magic Warrior na nakasagupa ko. Hindi na ko nagtataka na wala sa mga anak ni Reinjenna ang tumalo sa kanila.

Ardell: Hiyah! (sabay taga kay Raiden)

Raiden: (sasalagin ang atake pero mapapaatras)

Ardell: (sa isip) Hindi na dapat pang patagalin ito... Pero masyado siyang malakas... (aatake)

Raiden: Nawala!

Ardell: hiyaah!!! (susunugin ang kalaban gamit ang pulseras)

Raiden: (masusunog)

Ardell: (hingal)

Raiden: (sa likod ni Ardell) Akala mo ba tapos na?

Ardell: (gimbal)

Raiden: (sasapakin si Ardell)

Ardell: (babagsak) Ah! (gugulong sa sahig)

Raiden: Pinahanga mo ko sa taglay mong kagalingan. At aaminin ko, hindi ka katulad ng mga mahihinang Magic Warrior na nakasagupa ko.

Ardell: (babangon at pupunasan ang dugo sa labi nito)

Raiden: Pero hindi na dapat pang patagalin ang labang ito. Kaya naman... (ihahanda ang lantaka) Paalam.

Ardell: iyon ang akala mo.

Raiden: Ano?

Ardell: (magliliyab)

--- Sa sobrang lakas ng apoy na lumalabas sa katawan ni Ardell at patuloy na nagliliyab, natanggal ang tali niya sa buhok. Maya-maya pa naging pula ito kasabay ng mga mata niya.

Ardell: (ihahanda ang jian) Humanda ka! (aatake)

(tuloy ang laban)

HARDIN NG ITIM NA ROSAS.

NANAIG ang katahimikan sa hardin, hanggang sa humarang si Jessica kay Kazuma.

Kazuma: Jessica.

Jessica: Hayaan mo na silang makaalis.

Kazuma: Ano?

Jessica: Ako lang naman ang pakay mo hindi ba?

Kazuma: (bigla)

Jessica: (kay Quatre) Anong ginagawa mo rito?

Quatre: Jessica, 'wag mong sabihing hinayaan mong mahulog kay Raiden para mapaalis mo kami rito?

Jessica: (hindi kikibo)

Quatre: Jessica, 'wag kang hangal!

Jessica: Umalis ka na rito. Kung nakakabigat pala ako sa iyo, bakit hindi ka pa umalis?

Quatre: (bigla)

Jessica: Ibinigay ko na sa iyo ang tatlong hiyas. Sapat na iyon para makabalik kayo sa mundo ng mga mortal.

Quatre: … (luluha)

Jessica: (kay Kazuma) Iwan na natin siya.

Kazuma: Sigurado ka?

Jessica: (lalamlam ang mga mata)

--- Tumira agad ng kidlat si Quatre.

Jessica: (ihaharang ang bloke ng yelo)

Quatre: Ano? (bigla)

Kazuma: Hindi mo ba narinig, sinabi niyang umalis ka na. Pumapayag naman ako sa kundisyon na iyon kung maiiwan siya dito. Hindi mo kukunin si Jessica...

Quatre: Sinabi ko na sa 'yo na dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo makuha si Jessica!

Kazuma: Ano?

Quatre: (papana)

Kazuma: (mapapaatras)

Jessica: Kazuma! (haharangan ni Quatre)

Kazuma: Grrrr....

Quatre: Hindi ako papayag na kunin mo si Jessica!

Kazuma: Hindi mo ba makuha? Ayaw na niya sa yo!

Quatre: Tumigil ka! (papana)

Kazuma: (isasalag ang kusari gama)

Quatre: Totoo na hindi kami magkasundo ni Jessica pero hindi niya ipagpapalit sa 'yo ang mundong kinagisnan niya. Ang mundo na nagmahal sa kanya at kaming mga kaibigan niya! (titira ng kidlat)

Kazuma: Pero pinabayaan mo siya noong nasasaktan siya! (didistansya) Hindi mo siya kailanman itinuring na kaibigan dahil parati mo siyang sinasaktan! (susugod)

Quatre: Hindi ako mag-aaksaya ng panahon sa kanya kung hindi ko siya pinahahalagahan! (papana)

Kazuma: Huwag mong gamitin ang inyong mundo para mapasunod lang siya!

Quatre: At 'wag mong gamitin ang kahinaan niya para makuha siya!

(pagtama ng palaso sa lupa saka iyon sumabog)

Jessica: (tatalsik) Aaaargh!

Quatre: Jessica!!! (sasaluhin ito)

(pause)

Quatre: (kay Jessica) Ayos ka lang ba?

Jessica: (bigla) Quat…

"sinungaling"

Jessica: (sasakit ang ulo) AAAHHH!

Quatre: Jessica! Hoy… nandito na ako…

Jessica: (hahawak sa ulo)

Quatre: Jessica!

"Isa siyang manggagagamit…"

Jessica: … (pabulong) tama ka.

--- Isang patalim na yelo ang tumama sa tagiliran ni Quatre.

TRONO.

Umilag agad si Ardell sa pag-atake ni Raiden gamit ang lantaka niya.

Ardell: (iilag)

Raiden: (susugod) humanda ka! (pasasabugin ang lantaka)

Ardell: Sinasamo ko ang kapangyarihan ng pulseras ng apoy... (itataas ang jian)

Raiden: (mapapaligiran ng apoy)

Ardell: (saka tatagain si Raiden)

Raiden: (babagsak) AAAAHHHHH!!!

(nasusunog na katawan ni Raiden)

Ardell: (hingal)

(silence)

Ardell: (titindig) Alam kong hindi ka mamamatay sa ginawa ko. Pero sasamantalahin ko na ito para tulungan si Quatre. (babalik sa dating anyo at aalis)

HARDIN NG ITIM NA ROSAS

Natigilan si Quatre nang tamaan siya ni Jessica sa tagiliran ng patalim na yelo.

Quatre: B-bakit? (babagsak)

Jessica: Hindi ko gugustuhing sumama sa isang tulad mo masyadong mataas ang tingin sa sarili… Alam kong ginagamit mo lang ako para sa iyong iniingatang dangal. (lalakad papalapit kay Kazuma)

Quatre: (kakapit sa paa ni Jessica) s-saglit…

Jessica: (titingnan si Quatre)

Quatre: H-huwag kang... s-sumama kay K-Kazuma…

Jessica: (wala sa sariling luluha)

Kazuma: Jessica, hindi tayo patatahimikin ng lalaking iyan. Tatapusin ko na siya!

Jessica: Huwag.

Kazuma: Ano?

Jessica: Umalis na tayo. (tatalikod)

Kazuma: Tayo na… (ilalahad ang kamay kay Jessica)

Jessica: (lalakad)

--- Saka dumating si Ardell.

Ardell: Quatre!

Quatre: Ardell, (hawak ang tagiliran) s-si Jessica…

Ardell: (titingnan sina Kazuma)

Kazuma: Ako ang pinili ni Jessica, kaya umalis na kayo rito.

Ardell: Hindi! Jessica, tayo na… Nangako ka na babalik tayo sa mundo natin ng magkakasama di ba?

Jessica: Ayoko nang bumalik…

Ardell: bakit?

Jessica: Hindi ako nababagay sa mundong iyon.

Ardell: Ano'ng sinasabi mo? Hindi ba may pamilya sa mundo natin?!

Jessica: (tatalikod)

Ardell: Grrrrrrrr… (magliliyab ang mga kamao) Walang hiya ka! (susugod)

--- Hinarang agad ni Kazuma ang atake ni Ardell para kay Jessica.

Ardell: Wala na bang halaga sa yo ang mga pinagsamahan natin?! Kung pabigat ka kay Quatre, sa amin hindi! Hindi ako magsasayang ng panahon ko para lang kaladkarin kita pabalik sa mundo natin kung talagang pabigat ka! Tinatapon mo kami dahil tinapon ka ng iba, bakit mo kami hinuhusgahan?!

Jessica: t-tama na...

Ardell: Hindi masusukat ng kahit anong bagay ang mga pinagsamahan natin at kung sino kang talaga! Tanga ka dahil itatapon mo kami ng dahil sa isa pang TANGA!

Jessica: (yuyuko) TAMA NA!!! (luluhod)

Kazuma: Tumigil ka na! (maglalabas ng malakas na pwersa)

Ardell: (tatalsik pero nakatayo pa rin)

--- Dumating sina Reid sa hardin.

Andrea: A-ano nang nangyari?

Reid: Gising na si Kazuma.

Andrea: A-ano? (bababa sa likod ni Reid) Si Jessica?

Reid: Ayon.

Andrea: (lalapit kina Quatre at Ardell) Mga kasama!

Ardell, Quatre: (lilingon)

--- si Kazuma naman, handa na siyang umatake kay Ardell.

Kazuma: Magbabayad ka sa ginawa mo kay Jessica.

Ardell (fighting pose)

Andrea: (aatake) Water blast showers!!! (bababa sa harap ni Ardell)

Kazuma: (iilag)

Ardell: Andrea, gamutin mo si Quatre, madali ka!

Andrea: Oo! (lalapit kay Quatre at gagamutin ito) Quatre...

Quatre: Mga kasama, kailangan ko ng tulong n'yo.

Reid: Ano 'yon?

Quatre: Hindi ko matutulungan si Jessica kung nakaharang si Kazuma. Kailangang mapaglayo natin sila.

Ardell: Sounds like a plan.

Andrea: I'm game.

Reid: (ilalabas ang ispada)

--- Nagsimula nang mabuhay ang mga baging ng itim na rosas at pinalibutan agad niyon si Jessica na ngayon ay nakatulala sa kawalan.

HARDIN NG ITIM NA ROSAS.

Nagsimula nang umatake si Andrea.

Andrea: Water blast showers!

Kazuma: (iilag agad)

Ardell: Flaming halos!

Kazuma: (sasalagin iyon)

(pagsabog)

Reid: Hiyaaah! (tatagain si Kazuma ng ispada)

Kazuma: (sasalagin iyon)

Quatre: (papanain si Kazuma)

Kazuma: (iilag agad)

--- Napansin ni Kazuma na malayo na siya kay Jessica na pinapalibutan na ng mga rosas.

Kazuma: (sa isip) Kung ganoon, inilalayo nila ako para mabawi si Jessica.

Andrea: Hetong sa 'yo! (papaluin si Kazuma ng baton)

Kazuma: (iilag saka tatagain si Andrea ng kusari gama)

Andrea: Niyah! (magiging tubig)

Kazuma: Ano?!

Ardell: (hand sign) Fire breath! (sabay buga ng apoy)

--- Tumakbo naman agad si Quatre kay Jessica.

Quatre: Jessica please, I'm sorry! (papana) Soul Cleansing Arrow!

Jessica: (tulala)

--- Pagpana ni Quatre, napunta sila sa ibang dimensyon.

Jessica: (nakaupo habang yakap ang mga binti)

Quatre: (lalapit) Jessica?

Jessica: Bakit ka nandito?

Quatre: Nandito ako para bawiin ka.

Jessica: Bakit pa?

Quatre: Jessica alalahanin mo, ang nais ko lang ay ang makabalik tayong lahat ng maayos at ligtas. And I'm sorry for being insensitive.

flashbacks

Quatre: (sigh) Hindi ako galit. (hahaplusin ang mukha ni Jessica) Ang punto ko lang, nag-aalala rin ako sa ginawa mo. Gusto kong bumalik tayo ng sama-

sama sa mundo natin. Maliwanag ba?

Jessica: S-Sorry.. kung nag-alala ka…

Quatre: Shhh… Thank you. (hahalik sa noo ni Jessica)

Ardell: (ngingiti)

--- Nilapitan sila ng isang residente at nagbigay ng gamot sa grupo, pero bago pa sila makapagpasalamat, bigla rin itong tumakbo.

Jessica: takot pa rin sila sa atin.

Ardell: Normal yon Jessica.

Quatre: Balang araw hindi na rin sila matatakot sa mga tulad natin.

Jessica: tama ka.

***

(gigising si Jessica sa likod ni Quatre)

Jessica: Nasaan na tayo?

Quatre: Gising ka na pala.

Jessica: Hindi! Tulog pa ko!

Quatre: Bumaba ka nga diyan!

Jessica: Eto na! (bababa)

***

--- Isang palaka ang biglang tumalon kay Andrea.

Andrea: (titili)

Quatre: Andrea! (lalapit agad) Ayos ka lang ba?

Andrea: Oo.

Quatre: Palaka lang iyon. (yayakapin si Andrea)

Jessica: (darating dala ang malalapad na dahon) 'Eto na ang… (makikita si Quatre na yakap si Andrea) haay… (iiling na lang)

***

Quatre: Sandali nga.

Jessica: bakit Quatre?

Quatre: Ba't hindi ka naapektuhan ng ilusyon ni Jordi?

Jessica: Iyon ba?

Andrea: Oo nga.

Jessica: Dahil nangako tayo di ba? Magkakasama tayong babalik sa mundong ginagalawan natin. (ngingiti)

***

Jessica: (titingnan si Quatre)

Quatre: Jessica, halika na...

Jessica: Quatre...

Quatre: Mahalaga ka sa akin... Maniwala ka.

--- Sa laban naman nina Andrea, Ardell, Kazuma at Reid, agad namang naagapan ni Reid ang tangkang paglapit nito kay Jessica.

Ardell, Andrea: (sasalagin ang atake ni Kazuma)

Kazuma: (titira ng malakas na pwersa)

Ardell, Andrea: (tatalsik agad)

Reid: Andrea! Mandirigmang Apoy! (sasaksakin ni Kazuma sa hita) AAAAAAHHHH!!!

Andrea: (bigla) Reid!

(sa 'di kalayuan...)

Jessica: (sa isip) M-mga kasama… (matatauhan)

Quatre: (ilalahad ang kamay) Tayo na!

Kazuma: Sandali! (susugod kay Quatre)

Quatre: (lilingon)

--- May sumalag sa kadenang karit ni Kazuma at iyon ay walang ina kundi si Jessica.

Quatre: Jessica?

Jessica: Ayos ka lang ba?

Kazuma: Jessica!

--- Agad na dumistansya si Kazuma. Katahimikan.

Jessica: Itigil mo na ito Kazuma.

Kazuma: Hindi! Hindi ako papayag na bumalik ka sa kanila lalo pa't alam kong sasaktan ka lamang ng lalaking iyan!

Jessica: Salamat pero hindi mo kailangang gawin ito... Pero kung hindi ka paaawat, wala akong magagawa kundi ang labanan ka.

Kazuma: Kung iyon ang kinakailangan para makuha ka, pumapayag ako.

(silence)

Jessica: Sinasamo ko ang kapangyarihan ng pulseras ng yelo... tinatawag ko ang anim na alamid na siyang tagapagbantay ng Sangatsu... Ang unang alamid na sumisimbolo sa kapangyarihan at kakayahan ng mandirigma. Ang ikalawang alamid bilang tagapagbantay ng oras at buhay ng mga nilalang. Ang ikatlong alamid na siyang salamin ng katotohanang magpapalaya sa bawat nilalang. Ang ikaapat na alamid na simbolo ng pagkakaisa at pagtutulungan. Ang ikalimang alamid na siyang panday ng katarungan…

Reid: (gimbal) Ang orasyon na iyan…

Andrea: bakit?

--- Napansin nila na hindi pa tapos sa orasyon si Jessica pero unti-unti nang nawawasak ang lupa, lumilitaw ang aparisyong orasan sa paligid at lalong lumalamig.

Jessica: At ang ikaanim na alamid ang simbolo ng kapayapaan at digmaan... Tinatawag ko ang anim na alamid upang tulungan akong supilin ang kadiliman, bigyang liwanag at pag-asa ang bawat nilalang at maging panday sa aming mga mandirigma!

(titigil ang mga orasan sa pag-ikot)

Jessica: Six Fox... ATTACK!

(tatakbo ulit ang oras)

--- Agad na lumabas ang anim na alamid at inatake si Kazuma maging ang palasyo ng Algolia. Agad na dumistansya sina Andrea, Reid, Ardell, at Quatre. Pero kasabay niyon, nagbago ang mga baluti ng apat na mandirigma.

--- Matapos wasakin ang buong palasyo ng Algolia, lahat ng mga alamid ay inatake si Kazuma.

Kazuma: (sasalagin ang mga atake ng mga alamid)

(At sina Ardell...)

Ardell: Ano'ng mga 'yan?!

Reid: Iyan ang mga panday ng Magic Warriors.

Andrea: Ano?

Reid: Sila ang mga sinaunang sundalo ng Sangatsu. Dahil sa propesiya na darating ang pinakamatinding digmaang gugunaw sa Sangatsu, lumikha ng basbas ang mga nasabing mandirigma upang protektahan ang bayang ito at...

Andrea: Kami 'yon?

Reid: (tatango) Bukod doon, ikinulong nila ang kanilang mga kapangyarihan sa loob ng isang susi at sinabing magbabalik sila bilang mga alamid para protektahan ang bayang ito.

Ardell: Susi? Anong klaseng susi iyon?

Reid: Hindi ko alam…

(sa laban...)

--- Kaharap ni Kazuma ang anim na alamid na nakapaligid kay Jessica.

Yuy: Yuy.

Ni: Ni.

Sai: Sai.

Shin: Shin.

Wu: Wu.

Seis: Seis.

Jessica: (matatauhan ulit)

Yuy: Ikaw ba ang tumawag sa amin?

Jessica: (medyo naguguluhan) O-oo? I-I mean, opo!

Ni: Kay tagal na rin mula nang mahibing tayo sa loob ng susi... at isang bata pa pala ang gigising sa atin.

Wu: Sinabi mo pa.

Jessica: Mawalang galang na…

--- Tumingin lahat ang alamid kay Jessica.

Jessica: Ang totoo, hindi ko rin alam kung paano ko kayo naipatawag sa kung saan man, ngunit sa tingin ko kakailanganin ko ang tulong ninyo para sa digmaang ito.

Wu: Inuutusan mo ba kami hangal!

Jessica: Hindi. Pero isa itong pakiusap.

(silence)

Jessica: Hindi kami nabibilang sa inyong mundo. Pero kailangan nang magwakas ng digmaang ito. Nagsusumamo ako... (luluhod)

(silence)

Seis: Sa tingin ko wala naman tayong magagawa dahil naipatawag na tayo ng batang iyan.

Shin: Sabihin mo, sino ang kalabang nais mong pabagsakin?

Jessica: (titingnan si Kazuma) Siya.

Kazuma: (gimbal)

Jessica: (kay Kazuma) Patawad... at Salamat sa pakikipagkaibigan Kazuma...

Kazuma: (bigla)

Jessica: Pero hindi ko maaring pagbigyan ang pag-ibig mo. (paiikutin ang sibat). Kailangan tuparin ko ang misyon ko bilang isang Magic

Warrior.

Kazuma: (luluha) Jessica hindi!

Jessica: Yuy. Snow Light Canon!

Yuy: (susugod)

Kazuma: (sasalagin ang atake ng kusari gama)

Jessica: Ni.

Ni: (lalabas)

Jessica: Snow blade!

Ni: (aatake gamit ang maraming snow blades)

--- Sunud-sunod ang atakeng ginawa ng ikalawang alamid hanggang sa mawasak ang kinalulugaran ni Kazuma.

(pagsabog)

--- Pagkatapos ng atake'ng iyon, hindi na nagparamdam si Kazuma.

Jessica: (luluha)

--- Kaya naman...

Jessica: (mapapaluhod)

Quatre: Jessica! (lalapit) Ayos ka lang ba?

Jessica: Oo...

(lalapit ang anim na alamid)

Shin: Kahanga-hanga! Hindi ko alam na sa kabila ng hindi mo alam kung paano mo kami naipatawag ay nagawa mo ding gamitin ng maayos ang kapangyarihan ng dalawang alamid.

Sai: Shin, masyado kang natutuwa sa mandirigmang iyan.

Andrea: (sweatdrops)

Wu(vu): Tsss... Hindi natin maiaalis na siya ang dahilan kung bakit nagising si Kazuma! Palibhasa isa siyang babae!

Andrea: What was that suppose to mean?

Ardell: (aawatin si Andrea)

Yuy: Tama na yan, ang propesiya ay naganap na... Ang kailangan nating gawin ay himukin ang batang ito na palakasin ang kanyang isipan para magamit niya tayo ng maayos. (kay Jessica) Ano sa tingin mo binibini?

Jessica: (bigla) Salamat po sa pagtitiwala…(yuyuko)

Shin: Ano'ng salamat? May kapalit iyon.

Quatre: WHAT?!

Shin: Kapag hindi mo kami nagamit ng maayos, kukunin namin ang buhay mo. Hindi kami nagpagising sa mahabang panahon para sayangin lang ang kakayahan namin...

Quatre: A-at...

Shin: Bawat kakayahan ay pinagyayaman. At ang kakayahan namin na ipagtanggol ang ibang tao ay ibinabahagi namin sa mga taong may busilak na puso. Bagama't napupuno ka ng kalungkutan, hindi ka nagkailang tumulong sa mga tulad nilang nangangailangan ng tulong. Isa kang mabuting tao, Mandirigmang Yelo.

Ni: Ang drama mo Shin. Kung kailangan mo kami, tawagin mo lang kami at handa kaming tumulong sa inyo.

Jessica: K-kahit sa mundo ng mga mortal?

Seis: Kahit sa mundo ng mga mortal…

(naglaho na ang mga alamid)

Katahimikan.

Maya-maya pa, biglang lumindol sa Algolia.

Jessica, Andrea, Ardell, Quatre, Reid: (gulat)

(magbabago ang lugar na katatayuan nila)

HIMPILAN

Nasa isang himpilan sila kung saan dapat nakalagak ang mga hiyas. Doon lumabas ang mga diwata.

Nieve: Binabati namin kayo Magic Warriors, nalagpasan ninyo ang mga pagsubok.

Andrea: Salamat. Ang totoo, hindi namin magagawa ito kung hindi sa bawat isa.

Jessica: (lalapit at luluhod)

Guardians: (magugulat)

Jessica: Patawarin ninyo ako... isa akong malaking kabiguan sa inyo... Handa akong harapin ang kaparusahan kapalit ng paggising ko kay Kazuma.

Quatre: Hindi, ako ang may kasalanan. Kung may dapat mang sisihin ako iyon!

Andrea: May kasalanan din ako sa nangyari, kung tumulong lang sana ako noong una pa lang hindi magkikita sina Kazuma at Jessica.

Ardell: Hindi po. May kasalanan din ako sa nangyari dahil bilang nakatatanda sa kanila, dapat nabantayan ko sila ng maayos.

--- Hindi kumibo ang mga tagapagbantay. Sa halip, lumapit si Tenou kay Jessica.

Tenou: (lalapit kay Jessica) Hindi totoo iyan, kung hindi dahil sa iyo hindi papayag ang grupo na maging isang ganap na Magic Warrior.

Pyros: Ikaw rin ang tumutulong sa kanila upang malagpasan ang pagsubok na makuha ang mga hiyas. Kaya hindi ka isang malaking kabiguan sa amin...

Jessica: (luluha) T-talaga po?(iiyak)

Nieve: (yayakapin si Jessica) Walang dapat parusahan sa inyo... Alam ko ang nararamdaman mo... kaya naman, huwag kang malungkot. Huwag kang padadaig sa mga masasakit mong karanasan. Sa halip, gamitin mo iyon upang maging malakas.

Jessica: Ikaw... matagal ka nang nasa akin? Kung ganoon ikaw ang dahilan kung bakit ako may kapangyarihang gamitin ang yelo?

Nieve: (iiling) Nasa kalooban mo lamang ako at binabantayan ka ngunit hindi ako ang dahilan kung bakit ka may kapangyarihan.

Jessica: Ano ang iyong ngalan?

Nieve: Ako si Nieve.

Jessica: Salamat, Nieve... (tatayo)

Quatre: Jessica. (ibibigay ang hiyas ng niyebe)

Jessica: (kukunin ang hiyas)

Quatre: Ang hiyas ng niyebe ay para sa Mandirigmang niyebe.

Jessica: Salamat.

Ardell: Okay, magsimula na tayo!

--- Pumunta na ang apat sa mga himpilan samantalang inilagay na ni Quatre ang hiyas ng lupa at hangin sa mga himpilan nito.

Ardell: Ang hiyas ng apoy na nagbibigay ng liwanag at init sa bayan ng Sangatsu. (ilalagay ang hiyas sa himpilan)

Andrea: Ang hiyas ng tubig na sumisimbolo sa kalinisan ng puso ng bawat nilalang. (ilalagay ang hiyas sa himpilan)

Quatre: Ang hiyas ng kidlat na sumisimbolo sa lakas ng bawat mandirigma. Siyang nagbibigay ng kapangyarihan na magpatuloy sa unos ng buhay. (ilalalagay ang hiyas sa himpilan)

Jessica: At ang hiyas ng niyebe na siyang bumabalanse sa bawat sa kasamaan at kabutihan at tagapamagitan ng mundo ng mga mortal at ng Sangatsu.

(ilalagay ang hiyas sa himpilan)

(sasabog ang isang matinding liwanag)