webnovel

Against the Earth Gem

GUBAT

Nagising si Jessica na pasan ni Quatre habang naglalakad sila sa kalagitnaan ng kagubatan.

Jessica: Nasaan na tayo? (magkukusot ng mata)

Quatre: Gising ka na pala.

Jessica: Hindi! Tulog pa ko!

Quatre: (inis) Eh kung ihulog kaya kita?! Bumaba ka nga diyan! (titigil maglakad)

Jessica: Eto na! (bababa)

--- Tumigil din ang grupo sa paglalakad.

Andrea: Naglalakbay tayo ngayon para sa taong nagngangalang Lacerta.

Jessica: Sino 'yon?

Ardell: Hindi ko alam. Ang sabi lang ni Reid ay siya ang pwede nating pagpagawaan ng sandata.

Jessica: bakit pa?

Quatre: Ang sabi kasi, nasa sa 'yo ang kalatas at tanging ikaw lang ang makakabasa niyon.

Jessica: Kalatas? (mag-iisip) Ah! Oo. (kukunin ang kalatas sa dibdib) Hinihiling ko sa 'yo na ibigay sa amin ang iyon nilalaman upang makatulong sa aming paglalakbay…. NGAYON NA! (bubuksan ang kalatas)

--- Saglit na nagkaroon ng liwanag at nagkaroon ng laman ang kalatas.

Jessica: Okay… Ayon dito, sa dulo pa ng bundok natin makikita ang isang mala-aklatang bahay na tinitirahan ng panday na si Lacerta. (ituturo ang larawan ng bundok)

Ardell: Ahh… panday pala siya.

Quatre: Tayo na ng matapos na ito. (lalakad)

Jessica: Quatre.

Quatre: (titigil) Ano yon?

Jessica: Salamat.

Quatre: (lalakad)

Jessica: Haay… (sa sarili) Ang sungit.

(Kaluskos ng mga halaman)

Ardell: (maalarma)

Jessica: (poporma)

--- Agad na umilag ang apat nang sugurin sila ng isang halimaw.

Andrea: (sa likod ng puno) Niyaaahhh!!!

Quatre: (haharang kay Andrea)

(growl)

Quatre: Lightning Crasher!!!

(naputol ang braso ng halimaw)

Ardell: Fire Ball!!

(naging abo ang halimaw)

Ardell: Panis!

--- Lumakad na sila papunta sa nasabing lugar. Ilang bundok ang dinaanan nila at pumitas na rin sila ng maari nilang kainin sa daan. Hanggang sa inabot na sila ng gabi sa gubat.

Ardell: Dito na lang siguro tayo magpaumaga.

Jessica: Mabuti pa nga.

Andrea: Dito? EEEEEEEEEEEEEEEWWW!!!

Jessica: Wala tayong magagawa. Wala namang hotel dito. (lalakad) kukuha lang ako ng mahihigaan natin.

Ardell: (kay Andrea) At ikaw, kumuha ka ng panggatong natin kaysa nagrereklamo ka diyan.

Andrea: Oo na! 'Eto na!

--- Isang palaka ang biglang tumalon kay Andrea.

Andrea: (titili)

Quatre: Andrea! (lalapit agad) Ayos ka lang ba?

Andrea: Oo.

Quatre: Palaka lang iyon. (yayakapin si Andrea)

Jessica: (darating dala ang malalapad na dahon) 'Eto na ang… (makikita si Quatre na yakap si Andrea) haay… (iiling na lang)

KINABUKASAN.

Nagpatuloy silang apat sa paglalakbay nila. Ilang bundok ang inakyat nila at ilang halimaw ang pinuksa nila hanggang sa makarating sila sa isang bayan.

--- Sa pagdaan nila sa nasabing bayan, lahat ng Makita sa kanila ay nagtatago at nagsasara ng bahay nila.

Jessica: bakit sila nagsasara ng pinto?

Ardell: Natatakot sila sa atin.

Jessica: huh?

Quatre: Ito ang resulta ng nagdaang digmaan. Dahil natatakot sila sa mga Algolinong susugod wala silang magawa kundi ang tumakbo at magtago.

Jessica: kawawa naman sila…

Andrea: But the thing is this is not our world. The one responsible to protect these poor people are not us but their leaders isn't it?!

(lalong nagsara ng pinto ang mga tao dahil sa takot kay Andrea)

Jessica: Okay, they're more scared of us because of you. Is that helpful?

Andrea: (iirap)

Ardell: Tingin ko hindi tayo ang dahilan kung bakit sila nagsasara ng pinto.

Quatre: bakit? (lilingon)

(mula sa alapaap bumaba si Jordi sa harap nila)

Quatre: Jordi!

Jordi: Nagkita na naman tayo.

Jessica: Itigil mo na ang panggugulo mo sa bayang ito!

Jordi: Ayoko.

Ardell: Ano ba ang kailangan mo sa mga walang laban na residente dito? Walang maglalakas loob na labanan ka ungas!

Jordi: Kailangan ko ang dugo nila.

Jessica: Dugo?

Andrea: (kay Quatre) uso pala bampira dito?

Quatre: Hindi no!

Jordi: Kahit ano pa! Ang dugo ng mga Sangian ang siyang nagpapalakas sa akin at sa aking kapangyarihan.

Jessica: Sinungaling! Gusto mo lang katakutan ka ng mga tao rito lalo pa't nasa sa iyo ang hiyas ng lupa! (susugod)

Ardell: Jessica!

Jordi: (maglalabas ng mga baging papaluin si Jessica)

Jessica: AAAARGH!!! (babagsak)

Ardell: (lalapitan si Jessica) Huwag ka ngang masyadong mapusok!

Jessica: Pasensya na… (tititigan si Jordi)

Jordi: Hindi ninyo ko matatalo hangga't nasa akin ang Hiyas ng Lupa.

Ardell: natalo ka na namin at matatalo ka ulit naming kahit ilan pang ulit!

Jordi: Ah, gan'n? Pwes, hetong sa inyo!

--- Muli niyang nilabas ang mga baging na sumugod kay Jessica. Sa pagkakataong iyon, lahat sila ay nakailag na.

Andrea: Water Spiral Attack!

Jordi: (haharangan ng mga baging)

Andrea: Ano?!

Jordi: Hindi ninyo ako matatalo!

(papalo ang mga baging kay Andrea)

Andrea: (iliag)

Quatre: Andrea! (sa mga baging) Lightning Crasher!!!

(naputol ang mga baging na sumusugod kay Andrea)

Quatre: (lalapit agad) ayos ka lang ba?

Andrea: Oo.

Ardell: Fire Ball!

Jordi: (uulanan ng mga bolang apoy)AAAAAAAAAAAAAAAARRRGH!!! Hindi ako patatalo sa inyo!!

(itatali ng baging sina Quatre at Andrea)

Quatre, Andrea: AAAAAAAAAAAAAHH!

Jessica: Andrea, Quatre! Ici---

Jordi: Sige, subukan mong sumugod kung ayaw mong maging abo silang dalawa! (kukuryentehin sina Quatreat Andrea)

Quatre, Andrea: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!

Ardell: tama na!

Jordi: Titigil lang ako kapag pumayag ang isa sa inyo na kunin ko ang dugo n'yo!

(patuloy ang pagkuryente kina Quatre at Andrea)

Jessica: Tama na! pumapayag na ko….

Ardell: Ano?!

Quatre: J- Jessica…

Jessica: pakawalan mo sila… pwede mong kunin ang dugo ko…

Ardell: Are you serious?!

Jessica: I'm dead serious.

Quatre: H-Huwag…

Jessica: (lalakad palapit kay Jordi)

--- Nang nakalapit si Jessica, saka pinakawalan ni Jordi ang dalawang bihag.

Jordi: madali ka naman palang kausap.

Andrea: (hahawak sa lupa) Water Spiral Attack!!!

--- Mula sa ilalim ng lupa tinamaan si Jordi sa mukha ng kapangyarihan ni Andrea.

Jessica: Crystalline Icicle!!!

Jordi: (tatamaan sa katawan) AAAAAAAAAAAAAARGH!!!! MAGKIKITA PA TAYO!!! (maglalaho)

ALGOLIA

Matapos nilang panoorin ang pagkatalo ni Jordi sa salaming itim…

Reinjenna: natalo na naman si Jordi.

Mari: (nasa isang sulok) Bakit kasi hindi n'yo pa ako ipadala para tapusin ang mga Magic Warriors na 'yan.

Reinjenna: Maghintay ka lang muna, Kailangan nating malaman kung sino sa kanila ang gigising sa kapangyarihan ng Algolia.

BAYAN.

(Sina Quatre nang matapos ang laban… )

Jessica: (lalapit kina Quatre) Ayos lang ba kayo? (hahawak sa mukha ni Quatre)

Quatre: (iiwasan ang kamay nito)

Jessica: Quatre…

Quatre: Bakit mo ginawa yon?

Jessica: Quatre, kasi mga kaibigan ko kayo.

Quatre: Hindi ka ba nag-iisip na maaring patayin din kami ni Jordi oras na makuha niya sa 'yo ang gusto niya? Mabuti na lang tanga siya.

Jessica: (yuyuko at luluha)

Quatre: (sigh) Hindi ako galit. (hahaplusin ang mukha ni Jessica) Ang punto ko lang, nag-aalala rin ako sa ginawa mo. Gusto kong bumalik tayo ng sama-sama sa mundo natin. Maliwanag ba?

Jessica: S-Sorry.. kung nag-alala ka…

Quatre: Shhh… Thank you. (hahalik sa noo ni Jessica)

Ardell: (ngingiti)

--- Nilapitan sila ng isang residente at nagbigay ng gamot sa grupo, pero bago pa sila makapagpasalamat, bigla rin itong tumakbo.

Jessica: takot pa rin sila sa atin.

Ardell: Normal yon Jessica.

Quatre: Balang araw hindi na rin sila matatakot sa mga tulad natin.

Jessica: tama ka.

--- Agad din silang umalis sa bayan para hanapin ang panday ng Sangatsu.