webnovel

Battle Royale

Athena.

"And the last pair..."

Yeah right, bakit ba may pabitin effect pa? Tss.

"Sir ano na?" Tanong ng katabi ko na halatang excited sa last pair. Naku! Baka mawala ang excitement mo 'pag ikaw pala ang nabunot.

"The last pair is Mr. Zans Zhyne Dy and Ms. Athena Agatha Choi."

Halos mabingi naman ako sa sigawan ng mga kaklase ko, na kesyo daw bukas pa sila, na kesyo daw makakapaghanda pa sila. Parang ewan lang ne?

Teka..

..ako ba 'yong nabunot? Ghad. Sa dinami-dami ng makakalaban ko bakit siya pa? What a really unfortunate day.

"Okay, let us proceed in the martial arts studio. Para matapos natin agad ang practical test na 'to."

Habang naglalakad kami papuntang MA Studio ay may biglang pumasok sa isipan ko. Ibabalik ko ba yung panyo niya? Aish! Paano ko naman i-aapproach ang isang masungit na lalaking gaya niya? Daig pa 'yong babaeng may dalaw e. Takte!

Nang makarating na kami sa MA Studio ay agad muna kaming pinaupo ni Sir sa sahig, "Before we start the Battle Royale, I need to discuss first to all of you the rules." Tumango nalang kaming lahat sa sinabi ni Sir.

"First rule, kapag ang inyong gamit na kama sword or uchigatana ay nalaglag sa lapag ng hindi inaasahan ay pwede pa iyong gamitin pero kapag ang kalaban mo ang naging dahilan ng pagkakalaglag ng inyong weapon ay hindi na 'yon pwede pang gamitin. Dalawa naman talaga ang kama sword na gagamitin ng isa and only one uchigatana. Second, kung sino man ang unang masugatan ay siya ang talo."

Teka! Parang ganiyan yung rules noong kinalaban ako nila black, red at blue ah. Same as this. Kailangan pa bang sugatan ang kalaban? Para namang hindi school to at para lang isang martial arts session.

"Pero Sir, kailangan talaga sugatan ang magaganap? 'Di ba may mga nabunot na pairs na girl versus boy? Unfair naman po ata 'yon tsaka two kama sword and only one uchigatana?"

"Yes, that's the rule of the Battle Royale. Tsaka, magtotos-coin kayo kung sino sa inyo ang gagamit ng kama sword or uchigatana."

Nagtaas ako ng kanang kamay at tinanguan naman ako ni Sir, pahiwatig na sabihin ko na kung anuman ang gusto kong sabihin.

"Sir, sa game po ba na Battle Royale pwede ang mag-surrender sa oras ng laban?" I asked out of the blue. Curious lang kasi ako kung pwede bang sumuko lalo na kapag hindi mo na kaya yung labanan niyo.

"About your--" Naputol yung sasabihin ni Sir kasi biglang sumingit si Zans.

"Bakit, may balak ka bang sumuko sa laban natin?"

Aba! Ako pa sinabihan niya na may balak sumuko? Wala ata sa vocabulary ko ang salitang pagsuko.

"I'm just asking here a question, you know? Brain Zans, brain!" Pagkasabi ko niyan ay inirapan ko na lang siya kasabay ng pang-aasar ng mga kaklase ko sa 'ming dalawa.

"Oohh! Away na 'yan."

"Kay Athena ako."

"STOP! Para kayong mga bata ah! All of you aren't a child anymore, so don't act like one." Natahimik naman agad sila dahil sa pagsigaw ni Sir. 'Yan kasi, pagpustahan daw ba yung pag-aaway namin.

"Okay, you're asking Ms. Choi if it's free to surrender? Well, absolutely yes. Hindi ko na pala kayo mabibigyan ng time for warm up nor practice, kasi we're running out of time."

Tumango nalang ako kay Sir. After no'n ay nilabas na ni Sir ang dalawang kama sword at isang uchigatana.

"Pumunta na dito sa gitna yung first pair."

Pumunta naman sa gitna sina Xierry at Gela.

"You Ms. Haiku, head or tail?" Tanong ni sir kay Xierry.

"Head po sir." Sagot naman nito.

"Bale, ikaw Ms. Ho ang tail."

Tumango nalang si Gela bilang sagot kay Sir. Hinagis na ni Sir ang piso at agad na sinalo. Binuklat na ni Sir 'yong palad niya at saka niya sinabi kung anuman yung lumabas.

"Tail, what do you prefer Ms. Ho, kama sword or uchigatana?"

"Uchigatana."

Wrong choice! Kung ako, mas prefer ko ang kama sword, kahit maliit lang siya atleast dalawa. May reserba ka kung sakaling mahulog man ang isa. Advanced na rin siyempre kung handle mo na 'yong armas na 'yon.

"So, Ms. Haiku you'll use kama sword. Let's start."

Nagsimula na rin agad silang maglaban. Atras, sugod, abante lang ang puro nangyayari sa kanila. Makalipas ang ilang minuto ay nasugatan ni Xierry si Gela.

MABILIS na natapos yung apat na pares. Hindi ko alam pero parang nagkaroon ng mga kabayong nagkakarerahan sa puso ko kasi bigla akong kinabahan.

Ano bang ikinakakaba ko? Si Zans lang 'yan, sisiw!

"Proceed here at the center, Ms. Choi and Mr. Dy." Utos ni sir kaya naman agad akong tumayo at lumakad papunta sa gitna. Tumayo na rin si Zans at tumabi sa gilid ko.

"Dahil ikaw ang babae Ms. Choi, ikaw nalang ang tatanungin ko. Head or tail?"

"Tail po."

Hinagis na ni sir yung barya at sinalo niya rin ito. Dahan-dahan niyang binuksan yung kamao niya.

Sheez! Parang nag-slow motion yung mundo ko ng makita kong head ang lumabas. Ugh! Kapag hinahabol ka nga naman ng malas oh! Dagdag mo pa tong katabi ko na pangisi-ngisi lang. Psh, akala mo naman bagay sa kaniya.

"What do you prefer Mr. Dy, kama sword or uchigatana?"

Napahawak naman si Zans sa baba niya na para bang nag-iisip. Tapos tumingin siya sa'kin ng nakakaloko at ngumiti na mas kinainis ko sa kaniya. Please lang, kahit ngayon lang, maging anghel ka naman sa buhay ko.

Lord! Wag naman po niya sanang piliin yung pinakagamay kong armas.

"Kama sword."

'Yan lang yung sinabi niya pero parang gumuho na yung mundo ko. Huhu, mom, dad, help me! He is a demon, a demon that is chasing after me.

Doomsday ko na ata ngayon. Sa kama sword ako mas magaling, sumunod lang yang uchigatana na 'yan. Ba't gano'n? Dumating ba talaga siya sa buhay ko para lang inisin ako? Pwes, mission accomplished na siya.

Pero Athena, keep on fighting! Kayanin mo yang pesteng 'yan. Isa lang siyang ipis na nakaharang sa dinadaanan mo, so much better kung tapakan mo na siya maaga pa lang.

"So let's start the highlights of the Battle Royale."

Highlights? I don't consider this as a highlight of the show. Because, it's the climax. Well, simulan na natin ang laban.

"Ano na Athena? May time ka pa para makapag-isip kung susuko ka."

I just gave him my infamous death glare, "Sorry Mr. Dy because I'm not fond on using the word surrender in my entire life. So if you don't mind, let's just start the beginning of the battle, much better."

"Okay." He said in a bored tone of voice. Ewan ko lang kung mabored ka pa mamaya Zans once na nagsimula na ang laban.

"You may now start on battling." Pagbibigay ni sir ng hudyat sa 'ming dalawa kaya naman pumunta na kaming dalawa ni Zans sa gitna. Tinitigan niya lang ako at sinabing ladies first.

He's so vainful! Hindi porque lalaki siya, basta-basta nalang siya mang-aapi ng babae.

"Well, you go first. Sabi mo ladies first."

Because of what I'd said, hid face turn into a devilish look, "Why would I? I'm not a lady."

"Aren't you?" I said with a naughty smirk on my lips.

"I'm giving you a chance, you go first." Aba! Ang kulit talaga ng isang 'to ah. Ayaw talagang magpatalo kahit kailan.

"Fine, if that's what you want."

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay agad akong sumugod sa kaniya habang inaatake ko siya gamit ang uchigatana na hawak ko sa aking kanang kamay. Wala naman siyang ibang ginawa kun'di ang umatras habang sinasalag ang bawat hampas at palo ko gamit ang kaniyang kama sword.

Nang magsalubong ang mga sandata namin ay agad niyang itinulak ang armas ko pataas ng buong lakas, dahilan upang mapaatras ako. Do'n na siya kumuha ng pagkakataon para sugudin ako gamit ang kaniyang kama sword.

Sinugod niya ako habang inaatake nang mabilis. Umatras lang ako at umilag. Nang makakuha na ako ng tiyempo ay agad kong sinalag ang kaniyang kama sword at naging dahilan 'yon ng pagkalaglag nito.

Haha! Isa nalang ang armas nya.

Dahil siguro sa inis niya ay agad niya ulit akong sinugod. Sinalag ko ulit 'yon, pero this time, yung sandata ko naman ang tumalsik sa taas. Umatras ako nang kaunti para masalo ko yung uchigatana ko. Pagkasalo ko do'n ay nakita ko naman siya na aatakihin na ako kaya sinalag ko ulit ang kaniyang armas at ginamit ko 'yon para patalsikin ang kaniyang kama sword.

At hindi naman ako nabigo kasi nahagis 'yon sa likuran niya. Sinugod niya na ako at akmang bibigyan ng suntok sa mukha pero agad ko yung inilagan.

I kick his ankle and that made him fall on the ground. Pumatong ako sa may bandang tiyan niya at susugatan ko na sana siya sa mukha nang bigla niya akong hinalikan, sa labi.

What the heck?! Dahil sa ginawa niyang 'yon ay nabitawan ko ang aking uchigatana.

Agad ko siyang binigyan ng suntok sa kaniyang dibdib na naging dahilan ng pagkahiga niya at pagdaing sa sakit.

"Fuck!"

Napansin kong hindi siya nakasuot ng PE kaya naman agad kong hinablot ang kwelyo ng damit niya at sinabing, "Eto ang tatandaan mo, no one dare to steal my first kiss." And with that, I gave him a full-forced punch on his jaw line and it made him grown again.

"Ugh! Really? Well, remember this face, this handsome face who had stole your first ever kiss."

Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha nito ah! Kinuha ko yung uchigatana na nakalapag sa sahig at sinugatan ko 'yong pisngi niya. Haha! Ngayon niya sabihin sa 'kin kung gwapo pa rin siya.

"Argh! You piece of a shit!" I grabbed his collar again and gave him a punch on his chin.

"Damn you! Don't you ever dare lay your filthy hands on mine. Remember that, you stupid moron! Psh, nitwit." And again, I punch him on his nose.

Nang bitawan ko na yung manggas niya at tumayo na sa pagkakaupo sa kaniyang tiyan ay kasabay no'n ang palakpakan na sumibol sa loob ng martial arts studio.