webnovel

The Living Dead

Rhyzel is a girl who's been hurt a lot of times. Who's been alone emotionally and been in the dark for a long time. Who has forgotten the feeling of happiness in her heart. She's supposed to not exist in this world anymore, but still living and seeking something for a reason. And that is... living the best of your life. Written by: JiminieCams All rights reserved © 2019 [Completed]

JiminieCams · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Kabanata 5

Kinabukasan, late na ako nagising. Hindi naman ako papasok kaya ayos lang. Lumabas na ako ng kwarto at nagpakulo ng tubig upang ilagay sa kakainin kong cup noodles.

Wala si Lolai ngayon dahil sinundo siya kagabi ng kanyang anak. Mga ilang araw sila mawawala kaya sa tingin ko ay ilang araw pa bago muli ako makatikim ng luto ni Lolai.

Nang mag-hapon na, lumabas ako ng bahay at sumakay sa aking bike. Nagpapatugtog din ako sa aking suot na headset habang nagpe-pedal.

Ngayong araw ay balak kong pumunta sa grocery para mamili. Ilang linggo na rin kasi ang nakalipas nang huli ako namili.

May nadaanan akong tindahan kaya huminto ako at ipinarada ang bike sa tabi. Bumili muna ako ng paborito kong milkie polvoron. Bumili ako ng limang piraso. Ibinulsa ko ang iba at kinain ang isa. Habang kumakain ay may narinig akong kakaiba.

May napansin akong kakaiba sa isang eskinita na nasa tabi ng tindahan. Lumapit muna ako sa aking bisikleta na nakaraparada at ikinandado. Inilagay ko din sa leeg ang aking headset upang mapakinggan ng maayos ang nangyayari.

"Sige na, umalis ka na! Wala ka namang pera!" May narinig akong mabibilis na yabag ng mga paa palayo.

Sumilip ako sa eskinita. May mga lalaking nakapalibot sa sa eskinita na sa tingin ko ay lima. Malalaki ang mga katawan nila. Puno din ng tattoo ang kanilang mga braso.

"Hoy! Ang yabang mo ah! Sino ka ba sa akala mo?!"

"I'm just a nobody."

"Aba't---" Pumikit na ako at handa ng tumama sa'kin ang kanyang kamao. Pero ilang segundo ang nakalipas ay wala pa rin akong naramdamang kamao na nakadikit sa aking balat. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.

May nakita akong isang pigura ng lalaki na nakahawak sa kamaong tatama na sana saakin.

"Ba't ba nakikialam ka?! Sino ka naman?!" Galit na galit ang lalaking nasa harap ko.

"I'm her boyfriend." Sinuntok niya sa mukha ang lalaki. Naglapitan sa kanya ang kanyang mga kasama. "Wag mo na uli 'tong gagawin. Isipin mo kung may gagawa ng ganito sa anak mo. Anong mararamdaman mo?" Bakas ang gulat sa lalaki. May nakita akong nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Maging ako ay nagulat sa kanyang sinabi.

"Tara na." Hinawakan niya ako sa braso. Lumabas kami sa eskinita at naglakad sa kalye. Napatingin siya akin ng biglang tumigil ako sa paglalakad.

"Thank you sa kanina. Pero gusto ko lang itanong, kaya mo ba sinuntok ang lalaking 'yon dahil nananakawan mo na naman ako at ayaw mong siya ang makakuha ng gamit ko? Fine, kuhanin mo na ang mga gamit ko. Kaya pakawalan mo na ko." Untag ko. He laughed a bit. Hindi makapaniwalang tumingin siya saakin.

"Pft, you're wrong Miss. Itinigil ko na 'yun. Besides, I am not really a thief.  Dahil sa tuwing sinusubukan ko, lagi kang dumarating sa eksena at pinipigilan ako." Nakataas ang kilay akong napatingin sa kanya, pinagmamasdan siya kung totoo ba ang kanyang sinasabi. Naalala kong dalawang beses ko siyang napigilan sa pagnanakaw noon.

"But that was just twice. Imposible namang dalawang beses mo pa lang 'yon ginagawa."

"Yes, it impossible. But it's really true. Dahil tulad nga ng sinabi ko, hindi ako magnanakaw. Sinubukan ko lang... Pero hindi natutuloy." I can tell that he's telling me the truth. Pero madami pa ding tanong ang nasa isip ko. Sa tingin ko ay halos ka-edad ko lang siya kaya bakit siya nagnanakaw? At ano ang dahilan niya? Kawalan ng pera? Naligaw ng landas? Na-impluwensyahan?

"Why?" Sa tanong kong 'yun ay madaming tanong ang ibig sabihin.

"Natamaan ako sa sinabi mo eh. Dahil sa'yo nagising ako o sa katotohanan. Ipinakita mo sa'kin ang tamang daanan." He smiled. Masyado akong nasisilaw sa kanyang ngiti kaya napaiwas ako ng tingin. That proves that words can change a person.

Some words can stab a person's heart and shattered it to pieces. Some can bring relief. Some words can motivate. And some can bring people down.

"Tara." Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Saan?" Tanong ko.

"I'll treat you. My way of thanking you for what you did." He offered his hand. Tinanggap ko ito at humawak sa kanya. Kahit kailan ay hindi ko inakalang mangyayari ito. Ang makapagturo sa maibalik sa tamang daan ang isang tao dahil aking sinabi.

Bumili kami ng fishbol, kikiam at kwek-kwek. Noong una ay nakikigaya pa ako sa kanya sa pag-tusok niya ng pagkain sa hawak namin stick hanggang sa pagsawsaw ng sauce. Unang beses ko pa lang kasi itong mararanasan.

Hindi kasi ako pinapayagan kumain ng ganito ng mga magulang ko noon. Baka daw kasi sumakit lang ang t'yan ko.

"You know what? Ang sarap mong kasama. Pakiramdam ko kasi ay madami akong natutunan 'pag kasama kita." Napatingin ako sa nagniningning niyang mga mata. Nakakasilaw ang malaki niyang ngiti. Kitang-kita ang malalalim niyang dimples.

Ngayon ko lang natitigan nang matagal ang maamo niyang mukha. Matangos ang ilong, makakapal ang kilay, at mamula-mula ang kanyang labi. At s'yempre, ang malalalim niyang dimples.

Bumilis ang pintig ng puso ko. I suddenly felt a strange feeling. Isang pakiramdam na parang matagal na noong huli ko itong naranasan.

I don't know why but I have this feeling that I can tell anything to him without being judged.