webnovel

Chapter| 4

--------------------------

4 | The New Neighbor

--------------------------

Araw ng Lunes | 5:45 pm. Sa Tulay, maaliwalas ang langit, mapula ang araw na nagrirepleksyon sa tubig ng batis, malamig ang hangin, rinig mo ang bawat ihip.Ang mga ibon at kuliglig ay nagsisimula nang mag-ingay. Perpekto para sa mga romantikong tao, na nais magtagpo sa ilalim ng palubog na araw, na pa ra bang natapunan ng pulang pintura ang buong paligid ng langit.

Pero sa'kin, walang karuma-romantiko, puro kahihiyan ang nangyari.

----------------

Patuloy ako sa pagtakbo, maya-maya'y tumigil ako sandali sa ikatlong bahay bago ang bahay namin, pansamantalang nagpahinga at napahawak sa nangangatog na mga tuhod. Naghahabol ako ng hininga ngayon.

"I think we can't see each other anymore." I said to myself. [wew! english]

Nagpatuloy ako sa pagtakbo pero di ganun kabilis di tulad dati.

Pumasok ako ng bahay na naliligo sa pawis.

"oh god!" sambit ni mama sa pagkakagulat, napawak pa sa dibdib. "anak, anong nangyari sayo?" dugtong niyang tanong.

Pinunasan ko ng palad ang pawis na tumulo sa pisngi ko.

"I'm running from the bridge going here. that's why i'm so pawis dropping in my face." sagot ko. [ na-enjoy ata ako mag-english.]

Napailing ako kay ate na natawa habang pababa ng hagdan.

"What are you laughing?" natanong ko agad.

Lumapit siya agad sa akin."Anong nangyari sayo? nilalagnat ka ba? natuyuan ka ba ng pawis sa ulo? o masakit ba tyan mo? kaya ba nagi-english ka ngayon." sunod-sunod nitong tanong at hinawakan ang noo ko.

hinawakan ko ang kamay niya upang matigil ito sa ginagawa niya sakin."ate, I meet a boy at the bridge--- ay! I mean, meron ako nakausap na foreigner sa tulay kaya hindi siguro Di maka-get over ang dila ko." saad ko ng maubosan na ng baon kong english.[malalim pa rin ang paghinga ko.]

Napapigil ng tawa si mama at ate. " talaga? " sabay pa nilang tanong.

"totoo ang sinasabi ko." deretsyo kong sagot.

"mabuti pa, mag-linis ka na ng sarili mo at maghahapunan na tayo." wika ni mama na bumalik sa kusina.

Tumungo na si ate sofa at nagbukas ng T.V.

Ako naman ay dumeretso na pakyat ng hagdan at agad tumungo sa'king silid.

-------------------

Kinabukasan

-------------------

Tulad pa rin ng kahapon,sa paaralan pa rin ang aking tungo.

"ngayon pag-aaralan natin ang tungkol sa mga pandiwa." wika ni Mrs. Baldes habang nagsusulat sa chalkboard.Siya ang Filipino teacher namin tuwing martes ng umaga.

"Anie" mahinang tawag ni Ariel sa pangalan ko.

"bakit?" Mahina ko ring tanong sa kanya habang tutok pa rin ako sa pagsusulat sa notebook.

"Paki bigay naman nitong sulat sa ate mo oh." inilahad niya sakin ang kapirasong puting sobre.

Napalingon ako sa kanya."wag ka nang umasa, dahil wala ka namang pag-asa sa kanya... Meron na si ate na nagugustuhan." saka ko muling Binaling ang antensyon sa pagsusulat.

Kinahapunan, habang Naglalakad ako at muling napadaan sa tulay,bigla kong naalala ang nangyari sakin kahapon. Nagtayuan ang mga balahibo ko, kaya napabilis ako ng lakad.

Pagdating ko sa bahay, dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Habang nilalagok ko ang tubig,natanaw ko si papa na may kausap sa kapitbakuran namin.

Nang matapos ko ang pag-inum ng tubig, lumabas ako sa kinaroroonan ni papa at nilapitan siya.

"pa,Mano po" Kukunin ko sana ang kanyang kamay ngunit tumanggi si papa.

"wag na anak at marumi ang kamay Ko." wika nito habang Hawak ang maruming gloves.

"Siya ba ang panganay mo? " Tanong ng babaeng kausap ni papa na nasa kapitbakuran.

Binaling namin ni papa ang tingin sa babae.

"ah Hindi siya,siya ang Pangalawa ko- si Anita." nakangiting sambit ni papa.

"hello po." napilitan akong bumati,nakangiti kasi siya habang Tinititigan ako.

"hi! Ako nga pala si Rita, bagong kapitbahay niyo rito." nakangiti Niyang pakikilala."ah yung Asarol, pwede ko na ho ba mahiram?" dugtong nito ngunit sa puntong iyon ang kanyang tingi ay Kay papa na nakabaling.

"Ah Oo nga pala, sorry masyado kasi ako naaliw makipag kwentuhan sayo." wika ni papa na napakamot sa ulo.

Binaling ni papa ang tingin Sakin. " anak Paki Kuha ng Asarol sa budega."

"OK." agad naman ako Sumunod, Kinuha ko ang Asarol.

Patungo na ko sa Kapitbakuran dala ang asarol, nang ako'y nabigla kay mama, bigla-bigla kasi siyang sumulpot sa tabi ko at kinuha sakin yung Asarol.

"Ako na magbibigay. " sambit ni mama na derederetso lang patungo kay papa, Sumunod ako.

"Ito na ang asarol na hinihiram mo."nakangiting inabot ni mama Kay Ms.Rita ang asarol.

Kaya natigilan ang Dalawa sa pag-uusap.

Nilingon ni mama si papa at hinawakan sa baywang, yung mahigpit ba. "ipakilala mo naman ako honey." nakangiting bulong na sabi ni mama, pero rinig ko yun ha.

Ginantihan naman ni papa ng hakbay sa balikat si mama. "ah, Rita si Luciana asawa ko, Luciana si Rita." pagpapakilala naman ni papa sa kanila sa isa't isa.

"Siya yung nakabili ng bahay ni Aleng Trinidad. " wika ni papa.

"hi" nakangiting inabot ni Ms. Rita ang kanyang kamay kay mama, na di naman tinanggihan ni mama at saka nagbitiw ng kamay. "Kalilipat lang namin dito noong linggo ng Hapon...kami ay malayong kamag-anak ni Tiya Trinidad." paliwanag nito.

"kami?" patanong na sabi ni mama.

"ah,may isa akong anak,siguro mga kasing edad mo lang siya hija." wika nito at nabaling ang tingin sakin.

Mali pala ang pagkakasabi kong Ms. Rita, dapat Mrs. Rita pala. Wala kasi sa Itsura niya na isa na siyang ina. Napakaganda Niya kasi at talagang napakahinhin ng kanyang boses. Ang ngiti at tawa niya ay Parang pang Maria Clara.

Anyways, ngayon ko lang napansin na meron na kaming bagong kapitbahay, Sana hindi siya tulad ni Aleng Trinidad.

Si Aleng Trinidad kasi mainit ang dugo saming magkakapatid, Lagi nya kami sinigigawan na "walang galang ang mga batang to di man lang Marunong gumalang sa nakakatanda." madalas niyang sabihin kapag di kami nagmamano sa kanya. Lalo pagnakakasalubong namin siya sa daan.

At sa tingin ko hindi naman ganun si Mrs. Rita dahil malayo naman sa kanyang Itsura.

"kung Gayo'y maraming Salamat dito sa asarol,masisimulan ko na ring alisin ang mga nagsisitangkarang mga damo. Balak ko rin kasing Taniman ng mga gulay ang likodbahay." sambit ni Mrs. Rita.

"Wala yun, Basta kung Kailangan mo ng makakatulong sa pag-aayos, nandito lang ako." kurot sa Tagiliran ang Inabot ni papa Kay mama.

"kami,Andito lang kaming Mag-anak na handang tumulong." nakangiting dugtong ni mama sa sinabi ni papa.

Ang weird ni mama ngayon, Pansin ko lang.

"Maraming salamat sa inyong mag-anak kung gayon.o siya mauna na ako at tiyak na darating na rin ang anak ko." Paalam nito. Tumalikod na si Mrs. Rita. Habang si papa at mama naman ay nananatili sa kanilang posisyon, nang natanaw na nilang nakapasok na ng bahay si Mrs. Rita. Biglang bumitaw si mama kay papa. Wala na ang mga ngiti nito.

"wag kang tatabi Sakin mamayang gabi." sambit ni mama at derederetso itong pumanaog sa loob ng bahay.

"teka ano ba ang nagawa ko?? Galit ka ba?" Tanong ni papa na agad sumunod kay mama papasok ng bahay.

Napakibit-balikat na lang ako.

Sumunod na rin akong pumasok ng bahay at Tumungo sa aking kwarto.

---

"wow, namiss ko ang sinigang mo papa." Wika ni Richie na nakadungaw sa ginagawa ni papa.Nagsalin si papa ng ulam sa topperwear.

"o, para Saan naman yan?" Tanong ni mama ng mapansin iyo.

"ah, ibibigay ko Sana sa bagong kapitbahay natin." sagot ni papa,binitbit ang may lamang topperwear patungong lamesa.

"para kay Rita?"

"Sino pa ba bago nating kapitbahay?"

Biglang Kinuha ni mama ang topperwear na may laman."ako na Magbibigay." pagprisinta nito.

"Ma! May tawag para sayo." pag agaw ng atensyon ni Ate kay mama.

Iniabot naman Sakin ni mama ang topperwear.

"ikaw na annie ang magbigay nito." bilin niya sa akin at wala naman akong nagawa.

Paglabas ko ng bahay nabaling ang tingin ko sa bahay ng aming bagong kapitbahay at napabuntong-hininga. "hay naku, si  mama talaga." nagpatuloy ako patungo sa kabilang bahay at kumatok ng tatlong beses. 

Agad naman akong pinagbuksan ng pinto ."hi Anita" nakangiting bati sakin ni mrs.Rita. Gash ang ganda niya talaga.

"magandang gabi po,pinapaabot po pala ito ni papa,  ah ni mama po pala." nakangiti kong iniabot ang topperwear kay mrs.Rita.

"Rita,nakita mo ba yung kapares nitong sapatos ko? Di ko kasi mahanap." boses ng isang binatilyo ang umakit sakin para mapatingin sa loob.  Ngayon pareho kami ni mrs.  Rita nakatingin sa Taas ng hagdan. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang lalaki, . .  Hala Hala hala!! Siya yung foreigner sa tulay na nakita ko. Hala!! Bumababa na siya,

"Dylan, Paki tingnan mo na lang jan sa mga iba pang bagahe."sagot ni mrs. Rita. "Ani--" naputol na Sasabihin nito ng matanaw niya na ko na Nasa tarangkahan na ko ng bahay namin.

Dali-dali akong umalis habang may pagkakataon pa ko na di niya ako makita, patakbo akong pumasok ng bahay habang pinagpapawisan ng malamig kahit napakalamig ng hangin sa labas.