1 Chapter 0.01

Third Person's P.o.v.

"We have a new client Pav, he want's to meet us." Sabi ng babae matapos ibaba ang tawag. Lumapit siya sa babaeng kausap na prenteng naka upo sa couch habang umiinom ng wine at umupo sa tabi nito.

"Where? When?" Tanong ng babaeng umiinom ng wine na tinawag na Pav.

"Gullien Company. He said, the meeting should start as soon as possible." Sabi nito "And he wants to see your face too, that fucking old man ordered" inis na sabi ng babae, napatango tango naman si Pav.

"Okay then, let's go" sabi ni Pav at ibinaba ang hawak na kopitang may konting laman pa ng wine.

"What? are we going to show our face? What if----" hindi na pinatapos ni Pav ang babae sa pagsasalita.

"Relax, We're not going to show our face." sabi nito at tumayo "Let's go, I think it's important." Wala ng nagawa ang babae at sumunod na sa Pav kuno palabas ng HeadQuarters nila.

Nag-disguise silang dalawa bilang janitress. Inutusan ni Pav na kumuha ng kaparehang kasuotan ng mga janitor sa Gullien Company ang isa pa nilang kasamahan at nagawa naman nito.

Nakasumbrelo ang dalawang babaeng pasimpleng pumasok sa Building ng kompaniya. Nagawa nilang makapasok ng hindi pinaghihinalaan at nahahalata. May dala dala silang isang box na hindi kalakihan.

Sabay silang nagpunta sa elevator at pumasok dito. May ilan silang nakasabay na empliyado ng kompaniya. Napatingin sa dalawang babae ang kasabay nila at nagtanong.

"Saan kayo maglilinis? Ngayon ko lang kayo nakita" sabi ng lalaking nakabusiness attire.

"Bago lang kami, pinaglilinis kami ni Sir sa Office niya" Sagot ng kasama ni Pav, napatingin ang lalaking naka-business attire sa kahong dala ni Pav. Tinuro ng naka business attire ang box na hawak ni Pav.

"Anong nasa loob niyan?"

"Cleaning materials and some cleaning agent" sagot ni Pav sa malamig na tono. Hindi na nagsalita pa ulit ang lalaki at lumabas na ng elevator ng magbukas ito. Nang makarating na sila sa huling floor ng building, pumunta muna sila sa isang c.r. para magpalit ng suot.

Ang laman ng box na dala nila ay damit na pang-business. Iniwan nila ang kanilang dalang box sa pinasukan nilang cubicle at pagkatapos magbihis ay lumabas na sila ng Comfort Room at dumiretso sa Office ng kanilang kliyente. Pinagbuksan si Pav ng kasama niya, at nauna itong pumasok.

Nadatnan nila ang lalaking nagkaupo sa swivel chair niya at may binabasa. Naglakad papasok ang dalawang babaeng naka-business attire na. Si pav ay may suot na maskarang itim na bumabalot sa buong mukha niya, tanging mata lang at bibig ang nakikita at ang kasama niya ay naka maskara din pero kalahati lang.

Tumunog ang suot nilang takong na nakakuha ng atensiyon ng lalaking naka-upo sa swivel chair. Napa-angat ito ng tingin at ng makita ang dalawang babaeng nakamaskara'y nangunot ang nuo nito.

"Who are you?" malamig na tanong ng matandang lalaki na nasa edad 45-50 kung titingnan. Umupo si Pav sa puting couch at nagpang-dekwatruhan habang naka-cross arm at ang kasama naman niya ay tumayo sa tabi niya.

"She's the Legendary Mafia Slayer, Mr. Gullien. You ask for our assistance right?" Naibaba ni Mr. Gullien ang kaniyang binabasa kanina at nakangising napatingin kay Pav na naka-upo.

"I didn't expect you to come right away" nakangisi nitong sabi. May kinuha siyang folder sa drawer ng table niya at lumapit sa dalawang babae't naupo sa kasalungat na couch.

"Who do you want me to kill?" diretsahang tanong ni Pav na siyang Mafia Slayer. Natawa ng bahagya ang matandang business man dahil sa prangkang nitong tanong.

"How did you get in here? I didn't receive a call from my secretary" tanong ng matandang lalaking hindi pinansin ang tanong ng Mafia Slayer.

"I hate attention so, we sneak in" natawa si Mr. Gullien. Inilapag nito sa small glass center table ang hawak niyang folder.

"My my... that's what I like about you" napa-irap ang Mafia Slayer ng palihim dahil hindi pa siya nito diretsahin. Nasasayang lang ang oras niya.

"Are you going to discuss about my new target or what? I'm a little bit pissed here" malamig na reklamo ng Mafia Slayer, mahinang napatawa si Mr. Gullien at itinuro ang folder.

Kinuha naman ito ng kasama ng Mafia Slayer at binigay sa kaniya. Tiningnan ng Mafia Slayer ang laman ng folder at bumungad sa kaniya ang isang litrato ng lalaki.

"He's the Cravender's Heir" napatango ang Mafia Slayer at pinag-aralan ang nakalagay na impormasiyon. "The First Mafia Boss's Son, I want you to kill him. Can you do that for me?" tanong ng matanda habang nakatingin ng seryoso sa Mafia Slayer.

"No" maikling sagot ng Mafia Slayer na hindi tumitingin sa matandang business man. Bahagyang itong nagulat sa sinabi ng Mafia Slayer, pati na din ang kasama ng Mafia Slayer ay nagulat sa sinabi nito.

Hindi pa kasi tumatanggi ang Mafia Slayer sa kahit sinong kliyente nila. Oo lang siya ng Oo na parang vending machine na laging sinusunod ang gusto ng kanilang kliyente.

"What? Are you afraid now?" seryosong napatingin ang Mafia Slayer kay Mr. Gullien at ibinaba ang folder na binabasa kanina. Kung nakaka-intimidate ang mukha ni Mr. Gullien at presence nito, ang sa Mafia Slayer ay mas nakaka-intimidate/nakakatakot. Kahit mata lang ang kita dito.

"I'm not afraid of anything" walang emosyon nitong saad na magpapataas ng balahibo mo kapag narinig. "I'm not going to kill the Cravender's Heir for you, I'm going to kill him for money, and for my self"

Mahinang napatawa si Mr. Gullien dahil akala nito'y hindi na ito papayag. Pinakaba siya nito. Hindi na kasi niya alam kung sino ang uutusan niya na patayin ang tagapagmana ng mga Cravender. Ang mga pinapadala niya kasing hitman at assassin ay namamatay.

"Oh, I thought you're going to refuse. I'm sorry for what I've said earlier" pormal na saad nito. Napatango ng dalawang beses ang Mafia Slayer at sinenyasan ang kasama na kuhanin ang folder.

"Apology accepted, now how much can you pay for the head of that man?"

"Name your prize" napangisi ang Mafia Slayer.

"One Hundred Billion" bahagyang napangiti si Mr. Gullien dahil maliit na halaga lang pala ang hinihingi ng Mafia Slayer. Kaya pala maraming lumalapit sa kaniya dahil mura ang service niya.

Nasabi sa sarili ni Mr. Gullien na dapat sa una pa lang ay sa Mafia Slayer na siya tumawag para makatipid. 200-500 Billion kasi ang demand ng mga una niyang inutusan.

"Oka---"

"US Dollar" dagdag ng Mafia Slayer. Hindi nakapagsalita si Mr. Gullien. Akala nito'y mababa magbigay ng presyo ang Mafia Slayer hindi pala. Nawala ang maliit na ngiti sa labi ni Mr. Gullien at nag-isip.

Kaya naman niya itong bayaran pero kalahati lang dahil hindi siya pwedeng basta basta na lang maglabas ng pera ng kompaniya niya ng gano'ng halaga. Tumingin siya sa kasama ng Mafia Slayer at saka sa Mafia Slayer.

Nagdadalawang isip siya pero pumayag din.

"Okay, just make sure he's really dead"

"No worries. If you want, I'm going to give you his head" tumango si Mr. Gullien at makikipagkamay na sana ng bigla silang makarinig ng mahinang sara ng pintuan.

Napalingon sila sa pintuan ng office ni Mr. Gullien. Mabilis na pinuntahan 'yon ng kasama ng Mafia Slayer pero bumalik agad na may hawak na I.D.

"Someone's eavesdropped, He's too fast, I didn't catch him. But he left his I.D." sabay pakita nito ng I.D. ng isang lalaki. Ito 'yung kaninang lalaki na kasabay nila sa elevator na tinanong sila.

"I will take care of him, Its that okay Mr. Gullien?" tanong ng Mafia Slayer.

"Sure, do whatever you want." sabi nito at sumandal sa couch. "So, is it a deal?" tumango ang Mafia Slayer.

"Deal"

...

DoughNutEatMe

avataravatar
Next chapter