webnovel

Chapter 4

Marahan akong nagmulat nang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko dahil sa nakabukas na bintana. Nag inat ako sandali at bumangon na at saka niligpit ang aking pinaghigaan. Sa tantiya ko ay nasa alas nuebe na ng umaga dahil mataas na ang sikat ng araw. Napatingin ako sa kabilang papag at napansing wala na ang pasyente ko buong magdamag. Saang lupalop kaya ito naroroon?  Matapos nya akong puyatin magdamag kakabantay sa kaniya. Maya't Maya rin ang pagchecheck ko kung normal ba ang paghinga nya tapos bigla na lang syang mawawalang parang bula. Baka naman kinuha nila tala at buwan kasi nagwapuhan char haha.

Matapos maligpit ay lumabas na ako para magtungo sa kusina. Wala pa man sa kusina ay naririnig ko na naguusap sila inay at itay pati na rin si Anton at yung lalaking napulot ni itay. Hayyy, sa dami naman ng mapupulot ni itay bakit lalaki pa?  Pwede namang ginto na lang.

"Wala ka ba talagang naaalala iho?"

"Wala po talaga akong matandaan, even my name or anything. I don't remember everything." wika nung lalaki tsaka napapikit habang nakahawak sa ulo nito na tila sumasakit.

"Naku'y wag mong pilitin ang sarili mo kung wala ka talagang maalala at baka lalo  lamang sumakit ang ulo mo." nagaalalang sabi ni inay.

"Nagtataka lamang ako kung bakit napakarami mong pasa sa katawan at may sugat ka rin sa ulo. Hindi man ako sigurado ay baka ika'y napagkatuwaang bugbugin at itapon dito sa aming lugar. Subalit bakit rito pa sa gubat?  Kami lamang halos ang nakakaalam ng lugar na ito." si itay.

"Marahil iyang sugat mo sa ulo ay pinalo ka ng malakas kung kaya't pansamantala mong nakalimutan ang lahat, hindi ba't may ganoong pangyayari Pedro?  Ano nga bang tawag doon?" tanong ni inay.

"Anesthesia, Selma maaaring mayroon kang pansamantalang anesthesia iho."

Natawa ako sa aking narinig na naging sanhi upang mapatingin sila sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang sumali sa usapan.

"Temporary Amnesia po inay, itay, maaari pong mayroon siya noon." sambit ko.

"Kuuu anak magkatunog din naman haha" tawa ni inay.

"Maige't gising kana anak tayo ay magalmusal na rin nang sabay sabay. Naglaga ako ng hinog na saging at itong mainit na salabat." sabat ni itay.

Derederecho akong umupo sa kawayang upuan at dumampot ng isang nilagang saging.

"Pwede ka namin samahan ni inay sa bayan upang ipaalam sa pulisya ang kalagayan mo at ng sa ganon ay pwede ka ring makilala ng mga kamaganak mo kung sakaling ipanawagan nila ito sa media." sabat ko.

"Please... Pwede bang manatili muna ako rito pansamantala?  Gusto ko munang maalala ang lahat bago ako bumalik sa amin?" nakikiusap nitong sabi.

"Subalit paano kung hinahanap kana sa inyo?" tanong ni inay.

"Pero mas mahihirapan po ako kung babalik ako na walang anumang naaalala. Nakikiusap po ako, pwede po bang dumito muna po ako pansamantala?"

"O siya sige. Kung iyan ang mas makakatulong sayo. Manuwari'y bumalik na agad ang iyong alaala sa madaling panahon." banggit ni itay.

"Maraming salamat po"

"Teka Kuya ano nga palang itatawag namin sayo?  Eh wala ka namang pangalan." makulit na tanong ni Anton.

"Hindi ba't Anton ang pangalan mo? " nakangiti nitong tanong?

"Opo kuya"

"Edi tawagin nyo na lang muna akong Tantan para ikaw si Tonton at ako naman si Tantan" nakangiti pa rin ito.

Sumangayon naman sina inay, itay at Anton na Tantan ang itatawag sa kaniya kaya naki sang ayon na rin ako.

Habang nagaalmusal ay panay ang kwentuhan at tawanan nila. Palihim kong sinusulyapan si Tantan at sinasaulo ang bawat anggulo ng mukha nito. Tunay ngang napaka puti at kinis ng balat nito. Ang mga labing mapupula, matangos na ilong, medyo singkit na mata, mahahabang pilikmata at makapal na kilay ay tunay kaakit akit pagmasdan. Napukaw rin ang aking atensyon ng matitikas nitong bisig at pangangatawan na halata at kitang kita dahil nakasuot lamang ito ng lumang sando ni itay. Samakatuwid, maituturing na isa siyang modelo dahil sa kaniyang kisig at kagwapuhang taglay. Napapitlag ako nang biglang magsalita ng malakas ang kapatid ko.

"Eh Kuya Tantan baka naman hindi ka kumakain ng Kamote, saging at mais. Madalas ganyan ang pagkain namin. Minsan lang kami kumain ng kain eh baka hindi ka po sanay."

"No. Kumakain ako nyan." nakangiti nitong sagot.  "Sabi nga nung teacher ko noon naraming vitamins ang nakukuha sa kamote, saging at mais." sagot nito.

"Ayos! Kaya lang Kuya wag lang sosobrahan ang kain ng kamote kasi nakakapag pa utot. Baka magaya ka Kay Ate Alexa malakas umutot HAHAHAHAHA!"

"Ano ka ba Anton!  Kumakain tayo!" pagtataray ko. Napapahiya akong yumuko. Kitang kita ng gilid ng mga mata ko ang biglang pagngiti ni Tantan habang nakatingin sa akin.

"Naku kayo'y kumain ng kumain. Maryang aalis kami ng tatay mo at ngayon kami maghahango ng  uling. Sasama daw si Anton kaya ikaw na muna ang bahala Kay Tantan dito sa bahay. Mamaya ay tulungan mo siyang hugasan ng pinakulong dahon ng bayabas ang kaniyang mga sugat upang maghilom ng mabilis."

Napatingin ako Kay inay sa kaniyang sinabi. Ibig sabihin ay kaming dalawa lamang ang matitira dito sa bahay. Gustuhin ko mang tumanggi ay alam kong hindi papayag sina inay kaya wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang.

Matapos mag almusal ay umalis na ng bahay sina inay upang magtungo sa ulingan. Mabilis ko ring niligpit at hinugasan ang aming pinagkapehan at matapos ay dinampot ko ang walis tingting upang magwalis ng paligid ng bahay. Kailangan kong libangin ang sarili ko. Kailangan kong umiwas kay Tantan dahil wala akong balak makipag usap sa kaniya. Pagkalabas ng bahay ay nagulat ako dahil nakaupo na sya sa duyan sa ilalim ng puno habang nakatingin sa malayo. Ano nanaman kaya iniisip nun? Siguro gusto nya nang maalala ang lahat para makabalik na siya sa kanila.

Imbis na magumpisa sa harapan ay  umikot ako ng bahay at sa likod nagumpisang magwalis. Ang mga tuyong dahon na naipon ko ay agad ko ring sinigaan upang magbigay usok sa paligid at para hindi na rin liparin ng hangin.

Pagkatapos sa likuran ay napagpasyahan kong bumalik na sa harapan ng aming bahay upang doon naman magwalis. Mabuti na lamang at wala na si Tantan sa duyan dahil naiilang akong magwalis na nakatingin siya. Mabilis kong tinapos ang pagwawalis at sinigaan din. Pagkatapos ay pumasok na ako ng bahay upang magpahinga sandali. Naisip kong mangahoy at magsalok na lang ng tubig upang malibang ko ang aking sarili para makaiwas kay Tantan.

Matapos magpahinga sandali ay tumayo na ako upang kunin ang tabak at sako para mangahoy. Palabas na ako ng bahay ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Pwede ba akong sumama sayo?"

Nakangiti ito habang derechong nakatingin sa akin.

"Naku wag na. Dito kana lamang at baka hindi ka sanay pumasok ng gubat. At saka hindi pa magaling ang mga sugat mo kaya magpahinga kana lang muna." Mabilis kong sabi. Umiiwas nga ako sa kaniya tapos sasama naman sya.

"Sige na, wala rin akong makakausap dito kaya sasama na lang ako sayo. Hindi na rin naman masakit mga sugat ko, okay na ako kaya pasamahin mo na ako. Okay na okay na talaga ako, magaling kasi yung nurse na nagalaga sakin kagabi." Nakangiti nitong sagot sa akin.

Umiwas ako ng tingin at tinalikuran sya.

"Bahala ka nga ang kulit mo. Wag kang magrereklamo sa daanan ha?"

"Yes, yes it will be okay." sagot nito at sumunod sa akin.

Habang naglalakad ay hindi ako nagsasalita o kumikibo sa kaniya. Wala akong balak makipag kwentuhan sa kaniya.

"Hindi ka na natatakot magisa sa mga ganitong lugar Alyana?"

"Alexa pangalan ko hindi Alyana. Ma. Alexa Cruz Sta. Ana" mataray kong sagot.  "At saka bakit naman ako matatakot eh dito na ako lumaki. Eh pati nga mga maligno at kapre dito kasundo ko eh."

Bigla siyang nagpauna ng lakad at hunarap sa akin.

"You mean, totoong may kapre dito sa gubat?" kinakabahang tanong nito.

"Aba oo naman, sa libro nga may kapre sa gubat pa kaya."

Hindi ito sumagot. Palihim akong ngumiti dahil tingin ko pa lamang ay halatang duwag na siya sa mga ganung bagay. Kaya naisip kong dagdagan pa ang mga sinasabi ko sa kaniya.

"Mayroon din ditong mga tiyanak at tikbalang. Madalas silang lumalabas kapag umuulan at papahapon na."

"What?  Anong oras tayo uuwe?" mabilis nitong tanong.

"Baka mamaya nang hapon. Dadaan pa ako dun sa taniman ni itay ng saging at baka may mga hinog na na pwedeng tibain."

"So pwede tayong gabihin sa daan? Alexa hindi ba delikado na yung ganong oras?"

"Bakit naman delikado? "

"Kasi sabi mo ganung oras lumalabas yung mga kapre, tiyanak at tikbalang."

"pfffft." impit akong natawa.

"Bahala ka basta ako kilala na nila eh ikaw hindi pa. Edi iiwan na lang kita sa kanila."

"Alexa I'm not kidding. Can we go back earlier please?"

"Hay Ewan ko sayo sasama sama ka jan duwag ka naman Pala."

Mabilis akong naglakad upang unahan siya. Nang makarating kami sa may kakahuyan na mga tuyo ay nagumpisa na akong kumuha ng mga panggatong na malingas. Karamihan ay mga maninipis na patpat upang mabilis maglingas. Nakakarami na ako ng kuha ng biglang lumapit saakin si Tantan at may dalang mga maliliit na sanga ng kakawati.

"Here.  Hindi ito masyadong mabigat kaya kahit marami pwede nating dalhin." nakangiti nitong sabi.

"Jusmiyo eh hindi naman lilingas yan eh. Ang mumura pa nyan napakahirap nyang paapuyin. Wag kana nga manguha ako na lang sinasayang mo lang Yung mga buhay na puno."

"I'm sorry hindi ko alam na hindi pala 'to pwede."

"Okay, okay.. Jan kana lang maupo kana lang okay?  Matatapos na rin naman ako pwede na 'to dahil dadaan pa tayo sa sagingan."

Sumunod naman ito at naupo lamang habang pinapanuod ako. Makalipas ang isang oras ay nagpasya na kaming magtungo sa sagingan. Tama nga ako may ilang puno na pwede nang tibain. Subalit Hindi naman namin iyon madadala dahil mayroon pa kaming dalang panggatong kaya naisip ko na pwede naman namin iyong kunin at ilagay muna sa munting kubol na nakatayo na marahil ay pahingahan Ni itay.

Si Tantan ang nagtiba ng saging dahil na rin sa pagpupumilit nya. Naka dalawang buwig naman kami na hinog na kaya tuwang tuwa si Tantan dahil first time nya daw ito maranasan at ngayon nya lang nakita ang hinog Sa puno na saging.

Mga bandang alas tres na ng hapon ay handa na sana kaming umuwe ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis naming ikinanlong ang mga panggatong at saging sa kubol na nakatayo. Doon ay sumilong na rin kami upang magpatila. Subalit nagdidilim na ang paligid ay malakas pa rin ang ulan.

Madilim na ang buong paligid nang tumila ang ulan. Mabuti na lamang ay mayroong maliit na lampara sa kubol at mayroon ding posporo kaya swerteng makakauwe kami ni Tantan.

Sa pagpupumilit ni Tantan ay pasan pasan niya ang isang sakong panggatong at nasa kabilang kamay naman ang isang buwig ng saging. Ako naman ay bitbit lamang ang munting lampara na nagbibigay liwanag saamin. Iniwan na namin ang isang buwig pa dahil mabigat at hindi na kayang dalhin pa. Gustuhin ko mang pasanin ay pinagalitan lamang ako ng aking kasama at sinabing ang mga babae ay hindi dapat nagbubuhat ng mabigat. Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang.

Habang naglalakad sa gitna ng gubat ay enjoy na enjoy ako sa pakikinig sa mga tunog ng kuliglig at huni ng mga ibon. Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang bumilis maglakad si Tantan at inunahan ako.

"Make it fast Alexa"

"Sandali lang oy baka madapa ka jan madagdagan pa yang bangas mo."

Hindi niya ako pinakinggan derederecho lang siya paglalakad. Bigla akong may naisip para tumigil sya.

"Tantan may naaamoy akong yosi ng kapre. " kunware ay seryoso kong sabi.

"What????"

"Sabi ko nakakaamoy ako ng yosi ng kapre."

"Alexa you're not funny. I'm scared kaya nagmamadali na ako. Sobrang gabi na baka may makasalubong tayong tiyanak, tikbalang, manananggal or whatever."

Mahina nitong sabi.

"HAHAHA joke lang oy wag kang masyadong seryoso sige ka lalo ka nilang tatakutin."

"Let's just walk silently okay? Common it's getting late."

Natatawa na lang ako ako habang sumusunod sa kaniya. Ang laki laking tao duwag.

Makalipas pa ang ilang sandali ay nakarating na kami sa tarangkahan ng aming bahay at doon ay natanaw ko sina inay, itay at Anton na naakasilip sa bintana.

Keep on reading guys!  :)

-jessymae29