webnovel

The Last Letter (COMPLETED)

In this world, depression has no face. They tend to smile, but that doesn't mean they're not in pain. Some people pretend they are strong when infact they're broken inside. Find out the life of Angelica Samson, a girl who always display her beautiful smile, a girl who used to pretend that she's strong in order to survive in this cruel world. Buckle up as you find out how she deals with her own monster — How she deals with her own thoughts.

SoDamnGlam · Teen
Not enough ratings
50 Chs

Sixth Letter

"Why are you looking at me like that?" Tanong ko sa lalaking kaharap ko.

"Because you are ugly." He chuckles.

"Nang-aasar ka ba?" I said.

"Halata ba?"

"Teka, ikaw 'yong nasa tindahan kanina 'di ba? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at mariing tinignan ang hawak niya.

Hawak niya ang mga envelope na naglalaman ng letters ko.

"Akin na 'yan! Pakealamero!" Sigaw ko at kinuha sa kanya ang gamit ko.

"Hey, please be gentle!"

"Wow! Coming from you! Coming from the person who isn't gentle at all, who is not having a single gentleness in his body."

"You know what, ang pangit mo!" Bulalas niya.

"Sa tingin mo ba gwapo ka? Well, sleep again. Maybe you are just dreaming."

"Lumayas ka nga sa kwarto ko." Mahinahon niya na itong saad.

"Kwarto mo 'to? Ang pangit ha!" Sabi ko at nilagay na sa bag ang envelopes.

Actually, he has a taste. His room isn't bad.

But the person who is sleeping here is bad.

Matapos kong mapulot ito ay agad na akong lumabas. Nakakainis!

"Oh, Ange, gising ka na pala. Sana lang ay hindi ka binulabog ni Gian." Sabi ng ate ni Faith. What's her name again?

"Of course not, ate Hazel." Aniya habang palabas ng kwarto niya. Oh, Hazel. Right.

Ang gaganda nina ate Hazel at Faith, magaganda din ang ugali nila. Maliban dito sa lalaking ito. Napaka-sama na nga ng ugali, ang sama pa ng mukha! Siguro ampon lang siya.

"Magtino ka, Gian. Bisita siya. Ahm, Ange, dito ka na mag-dinner ah? Nag-luto ako ng masarap na ulam." Ani ate Hazel.

"I'd love to, but I can't. Kailangan ko na po kasing umuwi." Actually, palusot ko lang 'to. Ayaw ko lang makasama sa iisang lamesa ang lalaking may masamang ugali.

"Gano'n ba? Oh, sige. Mag-ingat ka ha? Hatid ka na ni Gian."

"No!" Pag-tutol ni Gian.

Ayaw ko din naman pero 'di ako OA mag-react. Duh!

Nilakihan ito ng mata ni ate Hazel. Wala kaming choice kundi sundin ito. Nakakahiya kasing tanggihan uli si ate Hazel eh. Baka kung anong isipin niya.

"Fine! Let's go."

Nauna na itong lumabas. Walang manners, tch.

"Mauna na po ako. Thank you po." Sabi ko at nag-paalam na.

Lumabas na ako at inilibot ko ang mata ko dahil hindi ito mahagilap si Gian.

Oh, there. Naka-upo siya sa upuan sa tindahan nila na nakasarado na. Sinong mag-aakala na ang lalaking pinagtanungan ko kanina ay kapatid ni Faith. Wala pa siyang care sa kapatid niya? Nilalagnat ito pero hindi man lang niya inalagaan, ni puntahan nga ay hindi niya ginawa.

Nilapitan ko siya, not so near kasi nagsisigarilyo siya.

I don't like smokers.

"You like? Let's smoke and chill." Aniya.

"I don't smoke." Sabi ko at tinignan lang siya. Makaramdam naman sana siya.

"Sometimes, all you need is cigarette and silence. Ctto."

"Ctto?"

"Why you don't smoke?" He asked.

"I don't smoke and I don't like smokers."

"Why? 'Cause you think they're bad?" Bad? Siya lang naman 'yong kilala kong smoker na bad, eh.

"No. I don't like them not because they're look bad. But because I have asthma."

Tinignan niya ako at tinapon niya ang sigarilyo bago ito tapakan.

"Let's go." Sabi niya at tumayo na.

Nagka-tinginan lang kami ng ilang segundo bago ako tumayo.

"Tara."

Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa istasyon ng tricycle.

"Dito mo na lang ako ihatid." Ani ko. Magpapasalamat sana ako kaso hindi niya deserve ang salamat ko.

"No. Ihahatid kita hanggang sa bahay niyo."

"What? No." Pagtutol ko.

Umilang lang ito at agad na hinila ako pasakay ng tricycle.

"What the fudge!" Bulalas ko.

"Stop complaining. Hindi ko 'to ginagawa dahil may pake ako sa 'yo. I do this because of my ate, so shut up."

Ang pangit ng ugali! Nakakainis! Ilang minuto ko pa lang siyang nakakasama ay parang sasabog na buong katawan ko, what more kung kasama ko siya ng isang oras pa.

Tahimik lang kami habang binabaybay ang kahabaan ng daan. May times na nagdidikit ang mga braso namin pero nilalayo din naman namim agad.

Alam mo 'yong pakiramdam kapag nagdidikit braso namin? Well, 'wag niyo na alamin dahil baka lalo lang mag-init dugo ko!

"Manong, ang sungit mo!" Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil sa imbis na sabihin ko na 'manong, para po' ay iba ang nasabi ko.

"Ano ineng?"

"Para ho, manong." Shot! Nakakahiya!

Agad niya naman hininto ang tricycle at bumaba na ng tricycle si Gian.

Habang pababa ako ay kinukuha ko ang wallet ko sa bag ko.

"Bayad po." Napahinto ako nang mag-abot ng bayad si Gian.

Matapos no'n ay umalis na si manong kasama ang tricycle niya.

"Babayaran kita. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa 'yo." Sabi ko habang hinahanap pa din ang wallet sa bag.

"Pwede ba? Mabait ako kaya ako 'yong nagbayad. At isa pa, gentleman ako."

"Wow, ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo."

Umiling lang ito at nagsimula nang maglakad.

Tinignan ko lang siya habang dahan-dahang naglalakad.

Hihinto 'to. I'm 100% sure na hihinto 'to in just 3 seconds.

One.

Two.

And three.

"Bakit hindi ka sumusunod sa 'kin?" Marahas siyang huminto at humarap sa 'kin.

I told yah! Sabi na nga ba at hihinto 'tong ungas na ito eh.

"Bakit kita susundan?" Nakapamewang na tanong ko.

"Ayaw mo pa bang umuwi?" He rolled his eyes.

"Sabi ko na barbie eh!"

"What?" Dahan-dahan itong lumapit sa 'kin.

"Wala. Bakit nga kita susundan?"

Palapit lang siya nang palapit.

"Barbie? Do you want me to kiss you?"

"Yuck!"

"So, let's go. Umuwi ka na." Sabi niya at tumalikod sa 'kin.

"Boploks! Hindi diyan 'yong daan papunta sa amin!"

Humarap ulit ito sa 'kin. Nagkamot-batok siya. Alam niyang napahiya siya sa 'kin. Maybe today is the most embarassing day for him.

"Fine! I will just follow you, okay?" Namumula sa inis niyang saad.

"Okay!"

"Let's go at baka halikan pa kita diyan."

"Alam mo, kadiri ka!"

"Alam mo, mas kadiri ka! You think I will kiss you? Well, mas bagay sa 'yo ang sleep again, maybe you are just dreaming line mo!" Nagsimula na siyang maglakad at binangga ako.