webnovel

The Last Letter (COMPLETED)

In this world, depression has no face. They tend to smile, but that doesn't mean they're not in pain. Some people pretend they are strong when infact they're broken inside. Find out the life of Angelica Samson, a girl who always display her beautiful smile, a girl who used to pretend that she's strong in order to survive in this cruel world. Buckle up as you find out how she deals with her own monster — How she deals with her own thoughts.

SoDamnGlam · Teen
Not enough ratings
50 Chs

Fourth Letter

Caution: This chapter contains violence and self harm that may find disturbing or may not suitable for the young readers.

Readers discretion is adviced.

Nakarinig ako nang yabag. Papalapit nang papalapit sa kinaroroonan ko.

Alam kong si mommy 'yon. Aalis siya at iiwan niya ako.

Maghihiwalay sila ni daddy at aabandunahin nila ako.

Ibabalik nila ako sa ampunan kung saan ako nanggaling.

Hindi ko na napigilang umiyak. Tinakpan ko ang bibig ko para walang makarinig nang hikbi ko.

Narinig ko ang kotse ni mommy na umalis. Kasunod no'n ang kotse naman ni daddy.

Mag-iisa na naman ako.

Wala kaming katulong dahil ako na ang gumagawa ng gawaing bahay. Choice ko 'yon dahil iyon lang ang paraan ko para mag-give back sa kanila.

6 years old ako noong inampon nila ako. Akala ko magiging masaya na ako pero parang lalo lang lumala.

Pinatunayan kong karapat-dapat ako para maging anak nila. I'm also trying my best for them. Pero hindi nila nakikita lahat 'yon.

Nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko sa bulsa ko iyon at tinignan kung sino ang nag text. Si mommy pala.

'Ija, hindi muna ako makakauwi ng bahay ng ilang araw ha? Nag-iwan ako ng pera sa bed mo. Take care of yourself, sweet heart. I love you.'

Aasa pa ba akong babalik sila ni daddy? May aasahan pa ba ako?

Bago pumasok sa loob ay pinunasan ko muna ang luha sa pisngi ko.

Hinanap ko agad ang perang sinasabi ni mommy. May mga foods naman kaming stock pero kailangan ko pa din ng pera pamasahe.

Kahit may kotse na ako ay hindi ko pa din naman ito magagamit dahil wala pa akong driver's license.

Mom's good to me. While dad? I don't know. Siguro ayaw lang niyang maging anak ako. Ayaw niya lang mag-ampon. Kasi gusto niya 'yong sariling anak niya. Kaya hindi niya ako gusto.

After kong magbihis ay isinulat ko na ang letter ko kay mommy.

I want to cry but my eyes can't cooperate. Manhid na ata ako. Tinuring niya akong parang anak. Parang tunay na anak. Hindi ko alam kung kakayanin niyang iwan ko siya.

Iniwan na nga niya pala ako. Kaya niya kahit wala ako sa tabi niya. Kapag nagkakaroon siya ng libreng oras ay pinapasyal niya ako. Pero madalang pa sa madalang niyang gawin 'yon. Ramdam ko pa din naman na mahal niya ako kahit gano'n.

Kay Dad lang naman ako may problema eh. Pero hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob. Sa totoo ko ngang magulang wala akong galit kahit inabanduna nila ako eh. Sa kanila pa kaya?

Nag-umpisa na akong magsulat ng ika-apat na letter para sa dad ko.

Gusto ko na agad tapusin 'tong paghihirap at pagpapanggap ko.

Pero, gusto ko munang matapos lahat ng letters ko for them. I wanna live but there's always tripping me to live.

Mahirap pala ang pinagdadaanan ng mga tulad kong may depression. 'Yong hindi lang siya sadness. Hindi lang siya basta malungkot ka lang. Mahirap kapag long term sadness. 'Yong araw-araw mong pipiliing mabuhay pero gabi-gabi mo ding gustong mamatay.

Am I depressed? Bakit ako naging ganito? Bakit pinili kong mapunta dito? Teka, pinili ko nga ba? Sana nga lang pwede kong piliing maging masaya na lang.

Pero, mahirap. Pain was killing me.

After I wrote my letter for dad, I find my blade inside my drawer.

Am I masochist? 'Cause hurting myself gives me power and strength.

But, no. I'm not a masochist. I don't choose to hurt myself. But sometimes, it gives me satisfaction. Everytime I get numb or doesn't feel anything, I cut myself to feel pain and sometimes to distract myself from depression.

Sinubukan ko lang noong una, but now I am addicted to it.

Matapos kong kunin ay pumunta agad ako sa bathroom.

I slit my wrist. I don't feel anything. Parang mas masakit pa 'yong sakit sa puso ko kaysa sa sakit ng pulsuhan ko.

Bakit ba mas nararamdaman ko pa 'yon?

Naalala ko noong minsang lumapit ako sa kaibigan, sabi ko, depressed na ata ako. Sabi niya baka hindi naman. Ang OA lang ng reaksyon ko sa mga bagay. Kaya, ayaw ko nang magkwento sa iba. Baka sabihini nila, ang drama ko lang. Imbes na magandang advice ang matanggap ko ay baka lalong gustuhin kong mamatay.

Dinagdagan ko pa ito sa kanan kong pulsuhan. Argh!

Ang daming dugong umaagos pero alam kong pansamantala lang ito.

Hindi pa ako nakontento dahil pati ang hita ko ay sinugatan ko na din.

And that gives me pain. So much pain. Pain that I want to feel.

Matapos no'n ay naligo na ako. Unti-unti ko nang nararamdaman ang sakit mula sa mga sugat ko.

Wala namang makakakita nito dahil hindi naman ako nagsasando at nagsho-short lang sa loob ng bahay.

May cardigan akong laging ginagamit at puro ako jogging pants. Iilan lang ata ang short sa drawer ko.

Hindi ko 'to ginagawa para magpapansin.

Ayaw ko ngang ipakita sa iba na sinasaktan ko ang sarili ko.

Ayaw kong malaman nila na sinusugatan ko ang sarili ko.

'Cause people are judgemental. Konting kibot lang ay may masasabi na sila sa'yo.

Ayaw ko lang din madagdagan ang problema ko. Masyado na akong madaming problema para mapansin pa nila.

Lalo ko lang din dadagdagan ang problema ko kapag nakita nila ito.

Nagbihis na ako. Maraming nawalang dugo sa'kin kaya parang nanghihina ako. Gusto ko munang matulog, magpahinga.

May nakatago din akong lubid para kung sakaling maisipan kong magbigti ay magagawa ko agad.

Nahihibang na ako, yes. Pero masisi niyo ba ako?

Tutal, mag-isa na lang naman ako, walang malulungkot kapag namatay ako.

Walang iiyak.

Walang mawawala.

Walang mababawas sa kanila.

Kung pwede lang sanang pumili ng buhay ay pipiliin ko 'yong buhay na masaya. Kahit hindi mayaman. Kahit siksikan sa bahay, basta masaya.

Mga kaibigang nandiyan para sa'yo, anytime na kailangan mo sila.

At sana pwede ko ding piliing hindi madepressed. Hindi saktan ang sarili. Hindi malungkot ng ilang taon. Hindi saktan ng ibang tao. Hindi babuyin ang pagkatao.

Kung pwede lang sana akong mamili.

Pwede naman.

Pwede ko namang piliing mamatay na lang.