webnovel

The Killer App

The Killer App May kinaiinisan ka ba? Binully, pinahiya, sinaktan o pinagsamantalahan? Now is the time para makaganti ka sa kanila. Use the Killer App. Killer App is a newest Application na pwede mong magamit. Makikita nga lang ito sa isang website sa darkweb. Sa app na ito, pwede mong ilagay ang litrato ng taong gusto mong takutin, gantihan o ipapatay, kasama ang personal information nito. At kung gusto mo naman itong mamatay, pwede kang magsuggest paano mo gustong mamatay ang taong iyon. Nakadepende ang presyo ng buhay ng taong iyon sa kung paano siya pahihirapan o papatayin. This is a revenge in Z-Generation way. Download the app now!

wackymervin · Action
Not enough ratings
21 Chs

The Killer App 18: Ang Gubat

The Killer App 18: Ang Gubat

Wala paring ideya si Heaven sa mga nangyayari. Hindi nga rin alam ng dalaga kung tama bang sumama siya sa isang lalaking mayroong bitbit na baril.

Bakit nga ba may baril si Topaz? Tanong sa isip nito habang kapwa nila binabagtas ang lugar na kung saan nababalot ng katatakutan at lagim, ang gubat ng Hillstone Academy.

May mga kwento-kwento kasi na umiikot sa kanilang Academy tungkol sa lugar na iyon. Mayroon raw isang babaeng nakasuot na puting damit at mahaba ang buhok ang nakikitang nakalutang at tila nananakot sa mga nagngangahas na pumasok roon.

At napabalita na rin na may mga ilang estudyante ang natatagpuang walang buhay sa gubat. Kinukuha raw ito ng White Lady at inaalay sa gubat.

Kaya ganoon na lamang ang takot ni Heaven sa lugar na iyon.

...

Biglang huminto si Topaz sa isang malaking puno. Pinakiramdaman niya ang paligi kung mayroon bang sumunod sa kanila, wala naman siyang narinig o naramdaman kaya doon na siya nakahinga ng maluwag. Sumandal sa punong iyon at hinabol ang kaniyang hininga. Napa-upo na rin sa tabi nito si Heaven at gaya niya, hingal na hingal rin ito sa ginawa nilang pagtakbo ng oras na iyon.

Maya-maya ay nakarinig na sila ng sirena ng police mobile. At tila nabuhayan ng loob ang dalaga ng marinig iyon. Akmang tatayo sana ito upang bumalik mula sa kanilang pinanggalingan ng muntikan na naman siyang matamaan ng bala ng minutong iyon, mabuti nalang at muli siyang nahila ni Topaz at pinadapa sa lupa.

"Ano bang ginagawa mo?" inis na sabi ni Topaz sa dalaga.

"Shit! Paano niya tayo nasundan?" nanginginig na sabi ni Heaven.

"Tumahan ka na, please. Baka marinig pa niya tayo." saka kinagat ng dalaga ang kaniyang ibabang labi at pilit na kinalma ang sarili kahit sobrang takot na takot na siya sa mga nangyayari.

Dahan-dahan na tumayo si Topaz habang hawak-hawak nito ang kamay ng dalaga, Pinakikiramdaman niya ang mga yapak ng Killer na sumusunod sa kanila kaso bigla niyang nabitawan si Heaven at nahila ito ng Killer.

Kitang-kita ni Topaz ang takot sa mga mata ni Heaven ng minutong iyon. Nakatutok na ang matalas na kutsilyo sa leeg nito, at akmang gigilitan na siya ng leeg na parang baboy, pero lakas loob na binaril ng binata ang ulo ng killer at bumulagta kaagad ito, saka niya nilapitan si Heaven at niyakap ng mahigpit.

"Tapos na. Wala na siya. Tumahan ka na." sabi pa nito habang pinapakalma niya ang dalaga at hinihimas ang likuran nito.

"Kailangan na nating makaalis dito. Alam kong, may susunod pa sa kaniya." giit pa ni Topaz saka na sila naghanap ng ibang daan palabas ng gubat na iyon.

Nang makarinig si Topaz ng agos ng tubig ay hinahanap niya ang tunog na iyon at nang nakita na niya ito, ay muli niyang hinila si Heaven at dinala ito doon.

"Ilog? Baka malalim, baka may ahas o buwaya. Baka mamatay tayo diyan?" pag-aalala pa nito ng minutong iyon. Dahilan para matawa sa kaniya si Topaz ng minutong iyon.

"Sa Killer kanina hindi ka natakot, pero sa ahas at buwaya takot na takot ka?"

"Nandiyan ka naman e." natigilan si Topaz at sinabing wala nang ibang daan pa silang maaaring daanan. Iyon na raw ang pinaka-madali at ligtas na alam niya.

"Ayoko, okay lang ako na mamatay ako sa tama ng bala. Huwag lang sa mukha o makain ng ahas o buwaya." sabi pa nito sabay talikod ng minutong iyon. Hindi na alam ni Topaz kung anong gagawin sa tigas ng ulo ng dalaga.

"Bahala ka. Maiwan ka diyan!" aalis na sana si Topaz kaso bigla namang hinila ni Heaven ang Coat nito dahilan para mapaharap ang binata.

"Ano?"

"Oo na! May choice pa ba ako?" mataray na sagot pa niya rito.

"Well, may choice ka naman. Pwede kang..."

"Alam mo, hindi ko talaga sure kung tunay kang lalaki. Ang daldal mo para maging tunay na lalaki. Dami mong sinasabi." saka siya umusong na sa tubig.

Napaisip naman si Topaz, ang daldal ba niya? Hindi nga siya gaanong nagsasalita tapos napagbintangan pa tuloy siyang madaldal at bakla?

"Ano? Tatayo ka nalang ba diyan?"

Napailing na lamang na sumunod si Topaz habang nakangiti ng minutong iyon saka na siya sumuong sa tubig.

Dinala sila ng agos ng tubig sa kabilang barangay at doon na sila nakasakay pabalik sa tahanan nila Heaven pero mayroong hindi magandang balita na madadatnan ang dalaga pagbalik niya ng kanilang tahanan.

Ang kaniyang mahal na Ina ay duguan at wala ng buhay na nakahandusay sa sahig nila sa kanilang sala.