webnovel

Complicated Yet Happy Life

Hindi ko alam kung bakit may mga tatay na sugapa sa alak. Tulad nalang ni papa . Wala sigurong araw na hindi ito umiinom. Buti sana kung natutulog lang ito pagkauwi.

Pero hindi eh...

Nagwawala ito. Sumisigaw. At ang isa pa ay nasasaktan niya si mama, at yun ang pinaka-ayaw ko!

Kahit sino naman hindi ba?

Bata pa lang kami ay ganito na si papa. Lasingero at adik pa sa sigarilyo. Hindi ko nga alam kung bakit nag tagal sila ni mama eh.( ito na ba ang sinasabi nilang pag-ibig? Haay kung ito nga -Huwag na lang sana)

Wala naman kaming magawa, kahit ilang beses na pinagsabihan ng mga nakatatanda kong kapatid ay hindi parin ito nakikinig. (sino dito ang ganyang tatay?)

Haayy…

Minsan gusto ko na lang maglayas… pumunta sa malayong lugar- yun bang walang iisiping problema-"

"Tama na yan. Matulog kana at nakakahiya kina kuya ehh." mahinahon na sabi ni mama kay papa. Pero itinataboy siya nito. Ayaw nitong magpahawak. Kaya naman inalalayan ito ni kuya papasok ng bahay.

Si Rose naman ay nanginginig sa takot. Nakayakap saakin ang dalawa kong kapatid. Nasa loob na kami ng kulambo habang tinitingnan si papa.

Kumakain na ito.

Pinahiga ko na ang dalawa kong kapatid. Pinatulog ko na at may pasok pa kami bukas.

Ganito lagi ang nangyayari kapag lasing si papa. Natatakot ang mga kapatid ko lalo na kapag nagsisigawan na sina mama at papa. Mabuti na lamang at hindi nangingialam ang mga kapatid ni mama.

Kundi baka hindi lang sigawan ang mangyari.

Iisa lang kasi ang compound na tinitirhan namin. Ang lupang pagmamay-ari ni lola. May kanya-kanya silang lupa na sapat lang para pagtayuan ng bahay.

Hindi parin ako makatulog.

Si papa kasi kung ano-ano ang sinasabi kay mama. Na kesyo naiinis siya kay mama-na kesyo raw wala na raw si mamang ginawa kundi magbunganga.

Oo, maingay at mabungaga talaga si mama. Kaya nga lagi silang nag aaway eh. Sigawan dito…sigawan doon. Nakakarindi.

Minsan nga ayoko ng umuwi sa bahay. Kasi sa school, kahit nakakainis ang mga kaklase ko ay mas gusto ko parin silang makasama kaysa sa bahay.

Ewan ko ba.

Pero minsan nasa bahay ako nina lola. Dun ako nagpapalipas ng oras kapag naririnig kong nagbabangayan sina mama at papa. Isinasama ko rin ang dalawa kong kapatid. Dun kami naglalaro ng sungka nila lola.

Mahilig kasi si lola sa sungka at masaya kami tuwing naglalaro kami nito.

[Kinabukasan]

"Gisinggg na kayo! Tanghali na. May mga pasok pa kayo." narinig kong sigaw ni Papa. Tiningnan ko ang di keypad kong selpon. Pasado ala-sais na pala nang umaga.

Tiningnan ko ang mga kapatid ko,nahihimbing pa. Ayoko sanang gisingin sila pero hindi pwede dahil may pasok pa kami at ayokong ma-late lalo na at malapit na ang 4th grading namin.

"Hoyy. Gising na. May pasok pa tayo." marahan kong niyugyog ang balikat ng dalawa kong kapatid. Maya-maya pa ay nagising na rin sila. Papungas-pungas na bumangon si Rose sumunod na rin si Lissa.

Nauna na akong lumabas ng kwarto.

Nakita ko rin si papa na nag-iinit ng tubig sa takure.

Tiningnan ko lang si papa. Okay na rin ito at alam ko nahimasmasan na ito sa kalasingan kagabi.

"Yan nag-init na ako ng mainit na tubig panligo niyo." sabay sabi ni papa. Kumukulo na rin kasi ito.

Marahan akong napangiti. Kahit talaga lasingero si papa, naiisip parin pala kami.

Malamig kasi ang panahon lalo na tuwing umaga. Kaya naman nag-iinit talaga ng tubig si papa. Akala ko kasi hindi siya gigising ng maaga kasi may hangover pa, pero- heto ready na ang pangligo namin.-ang mainit na tubig.

"Salamat po" sagot ko kay papa.

Kumuha na rin ang bihisan at nauna na akong naligo habang kumakain ng almusal ang dalawa kong kapatid. Nakita ko lang na lucky me chicken ang niluto ni kuya.

Okay lang naman. Sanay na kami. Pasalamat nga ngayon kasi may almusal kami. Minsan kasi wala,tapos ang baon namin limang piso lang. Naglalakad lang kami papuntang school, hindi naman kasi ito kalayuan sa amin.

Siguro mga 15minutes andun na kami. (Malapit no?)Hahaha…

Pagkatapos kong maligo at makapag-almusal ay umalis na ako. Hindi ko na hinintay si Lissa dahil kasama naman niya ang mga kaibigan niya. Si rose naman ganun din.

Kaya naman pinuntahan ko na lang ang bestfriend ko. Sabay kasi kami laging pumasok.

At as usual…

"Good morning tito, si Joan po?" bati ko kay tito, tatay ni bessy.

"Good morning anak, haaay naku. Yang bestfriend mo, hindi pa naliligo. Ayun kakabangon lang."pailing-iling ni tito. Natawa nalang ako dahil sanay na rin naman ako.

Haayyy ang bessy ko talaga.

"Sorry bessy, parang late na tuloy tayo" sabi ni bessy. Mabilis na kaming maglakad.

" Hay naku. Sanay na bess." natatawa kong sabi rito.

Hindi nga kami nagkamali. Late na kami. Nakita namin si Manong Guard. Nakasarado ang gate at nagpupulot nang basura ang mga late na studyante tulad namin.

Kaya kami… nagpulot na rin.

Nang masigurado namin na marami na kaming napulot na basura ay ipinakita na namin kay Manong guard. (Napaka-strikto talaga ni Manong guard. Hindi kami pinapasok hangga't hindi kami namumulot ng basura.

Patakbo kaming pumunta sa room. Mabuti na lang at wala pa si sir, kundi naku- baka mapalabas na naman kaming dalawa. Ang ending -absent kami pareho.

[pagkatapos tumakbo ng halos kalahating oras]

Hinihingal pa kaming umupo sa bench. Bumili si Mary ng tatlong bote ng softdrinks at tatlong order din ng pansit bihon.

"Hoyy! Kayong dalawa. Ilang beses na kayong late ahh. Gusto niyo bang grumadweyt huh" bulyaw samin ni Mary, ang isa sa mga kaibigan namin.

"Don't worry Maria, makakagradweyt kami ni bessy no! And correction, nakaka-tatlo pa lang kami ng late no. Kaya sabay-sabay pa tayong aakyat sa stage". natatawa kong sabi

"Agree" sigunda naman ni bess sakin, na kasalukuyang kumakain ng pansit bihon na may kaunting repolyo. [ Mas pamutla pa ata itong pansit na kinakain namin kaysa sa mga labi ko eh]

Nagtawanan na lang kami.

Katatapos lang namin sa P.E subject. Wala naman kaming ginawa kundi tumakbo nang tumakbo.

Si sir kasi,nabadtrip sa mga kaklase kong pasaway,lalo na kay Carlito at Gian na muntikan pang magsuntunkan.

At dahil "One for all and All for one kami ay pinatakbo kami sa Field ng halos kalahating Oras.

At ayun…nadagdagan na naman ang inis ko sa dalawang damuhong na yun!

Kahit kelan talaga mga abnormal!

'Hoyy. Bessy, okay ka lang?"biglang tanong sakin ni Joan.

Napatulala kasi ako nang makita ko si Gian.

Nasa kabilang bench.

At...

"A-ahh haha.Oo. May naalala lang ako. Mamaya kasi may gagawin kami sa bahay. Kaya after ng klase natin, uuwi agad ako." nasabi ko na lamang ng wala sa loob. Sa katunayan, wala naman talaga akong gagawin I mean hindi naman talaga ako nawawalan ng gagawin.

Napatayo kami bigla ng marinig namin ang ring ng bell. Takbuhan kami papasok dahil nakita na namin si Maam Cristel na papasok sa room.

Nagsi-upo na kami sa kanya-kanya naming upuan. Napatingin din ako sa likod dahil andun din si Gian.

Nagkatinginan kami pareho pero isang segundo lang ay umiwas na ako.

T-teka? Umiwas? At bakit Leigh??

" Magandang hapon klass. Magsi-upo na ang lahat"-ma'am Cristel

"Magangdang hapon din po ma'am." sabay-sabay na sagot namin.

Hindi naman nagtagal si ma'am Cristel, dahil may Faculty meeting daw sila. Kaya binigyan na lang sila ng sitworks.

Pagkatapos naming maipasa sa classroom president namin ay nagpaalam na akong uuwi. Sumama naman sakin si bess.

"Uyy. Uuwi na talaga tayo, mag alas-dos pa lang ahh." sabi ni bess. Palabas na kami ng gate noon. Nagsi-uwian na rin ang ibang studyante. Kaya hindi lang kami ang maagang uuwi.

"Bakit, saan mo gustong pumunta?"

"Hmmm. Mag fishball tayo. Libre ko." nakangiti nitong sabi habang naglalakad ng paatras-paharap sa akin.

"Wow! Bessy. Nilalagnat ka ba? Himala atang manglilibre ka?" sarkastikong sabi ko rito. Hinawak-hawakan ko rin ang noo niya na todo ilag sakin.

"Baliw!Kung ayaw mo, ako na lang"

"SOwsss. Tampo yarn. Tara na nga." sabay hawak ko sa kamay nito. Takbo-lakad kami ni bess habang nagtatawanan.

Para kaming bumalik sa pagkabata na para bang walang iniisip na problema.

Sana nga... Sana bata nalang ulit kami [Ako]....

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Lovemj0624creators' thoughts