webnovel

The Journalist And The Millionaire Tagalog

Maine Mendoza first assignment as a journalist was to interview Alden Richard Faulkerson jr. the BACHELOR MILLIONARE OF CAGAYAN VALLEY. But Maine realized it was not easier to interview Mr. Alden Jr. dahil napaka elusive ni Alden at isa pa ayaw. nito sa mga journalist na gaya niya. But then she didn't know it happened. but she found herself in love with him. Suddenly the assignment didn't matter to her anymore because. she found true love in the process. Ngunit paano niya makakamit ang pag-ibig ng binata kung lagi siya nitong pinagtatabuyan? May pag-asa pa kayang magkaroon ng katuparan na mahalin din siya ng binatang millionaire?

rukawa1990 · Celebrities
Not enough ratings
45 Chs

I love You

Habang nag-uusap ang mga pinsan..niya at ang mga kaibigan niya at habang ka-usap ni Pearly ang kanyang aswang si Maine ay pinagpaalam ni Alden ang kanyang asawa at hinila ni Alden si Maine sa library

"Aray naman! Kung makahawak ka naman ng kamay !! Ang higpit bakit ba? Bakit mo ko hinila dito?" Wika ni Maine sa inis na salita

"Napapansin ko kasing masyado kang malapit agad sa mga pinsan ko baka nakakalimutan mo!!! Asawa kita asawa kita!! So dumistansya ka sa mga pinsan ko! Maliwanag?" Inis na wika ni Alden.

"Ah pinsan mo naman iyon di ba?at bisita natin sila rito kaya dapat lang na ka-usapin ko sila!!!! Atsaka bakit? Nagseselos ka? " wika ni Maine.

"Wh-----what? Of course not!!! Pinagsasabihan lang kita na baka isipin ng mga pinsan ko at kaibigan ko na flirt ang asawa ko kaya ayosin mo ang sarili mo wag ka masyado magpa-sweet sa kanila!!!!" Inis parin na wika ni Alden...

"Dahil gusto ko nasa akin lang yang mga ngiting iyan " wika ng isip at puso niya.

"Ano??????!!!! Flirt ba na matatawag yung pakikipag-usap? Ha!!!? Masyado ka naman mapanghusga about sakin!!! "Inis narin na wika ni Maine

"At pwede Mr. Alden!!!! Asawa mo ko hindi ako bilanggo dito at lalong hindi mo ko tauhan kaya wala kang karapatan pagsabihan ako lalo na kung kathang isip mo lang ang pinagsasabi mo at kung wala ka ng sasabihin!!!! Lalabas na ko!!! At gusto ko na magapahinga!!!! " at tumalikod na nga si Maine malapit na siya sa may pintuan palabas ng library ng tawagin siya ni Alden.

"Maine wait!!!" Pigil ni Alden kay Maine

"Ano? Ba? Hindi ka pa ba tapos? Ha? May kulang pa ba? May dapat pa ba kung malaman para naman hindi ka mapahiya sa mga pinsan mo kakahiya kasi di ba!??" Sarcasm na wika ni Maine...

Ngunit hindi nagsalita si Alden..kaya naman tuluyan ng lumabas si Maine sa library

"Ano ka ba Alden!!!! Ano bang nagyayari sayo? " pagalit na tanong ni Alden sa sarili.

Napasabunot nalang siya sa kanyang inis. sa hindi niya malaman kung bakit ganun nalang ang selos niya sa mga taong nakapalibot kay Maine.

Nagpupuyos sa galit na pumasok si Maine sa kanyang silid

"I hate you Alden wala kang puso!!!!!!!! wala kang balun-balunan Pero kahit ganun ka sakin bakit hindi parin magawa ng puso ko na tuluyang magalit sayo? " piping wika ni Maine

Nang lumabas si Alden ay dumiretcho siya sa mini Bar sa kanyang bahay.

Maya-maya ay nag-inum na siya. At hindi niya namalayan ang isang taong papalapit sa kanya

"Mukhang may problema tayo bro ah? " wika buhat sa kanyang likuran.

Nang lumingon siya ay nakita niya si Mark.

"Ikaw pala Mark upo ka join me!!!" Wika ni Alden .

"Bakit ang aga mo ata uminom? May problema ba kayo? Ni Maine? Hindi na rin kasi siya bumalik sa hardin. Kaya sinundan ko kayo pero pagdating ko sa library ay wala naman kayo roon kaya ng makita ko na bukas ang ilaw mula rito ay naisip ko na baka nandito kayo " mahabang wika ni Mark

"May kunting pagtatalo lang kami bro Mark alam mo na mag-asawa problem." At lumagok siya ng alak pagkasabi niya nun.

"Ah okay ano ba pinag-awayan niyo? " wikang tanong ni Mark.

"Ah? Hindi naman ganun ka importante iyon. Hayaan mo na muna kami bro maayos din namin 'to." Mahinang wika ni Alden..

"Sige bro pero sana lang wag mong sasaktan ang damdamin ni Maine dahil kawawa naman siya" pag-aalalang wika ni Mark

Nagtiim ang bagang ni Alden nang marinig ang katagang iyon kay Mark

"Mukhang masyado kang nag-aalala sa asawa ko bro may nakaraan ba kayo na hindi ko alam o let say may gusto ka sa asawa ko?" Mahinahon ngunit may inis sa boses ni Alden.

"Ano ka ba bro.... wala ano ka ba lasing ka na tara na nga sa hardin kanina ka pa hinahanap nila Shairon eh" pag-iiba ni Mark sa topic.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko bro" wika ni Alden at this time galit na ang boses niya.

" Wala akong gusto kay Maine kung meron man sana nuon pa niligawan ko siya at isa pa bestfriend siya ng kapatid ko at ang turing ko sa kanya ay kapatid ko at kababata ko ang kuya niya kaya natural na mag-alala ako. Dahil hindi na iba sakin si Maine." Wikang sagot ni Mark.

Tumangio lang si Alden.

"Pero ewan ko lang kay Shairon kilala mo naman ang kaibigan natin na iyon lalo na sa babae at kung maganda pa ito. Pero syempre kung sakali man ganun malamang hindi niya tataluhin si Maine. Asawa mo na siya eh" wikang ulit ni Mark.

"Pano kung hindi? Paano kung hindi ko pala asawa si Maine.???????? " uyam na tanong ni Alden.

Nagulat si Mark sa tanong ni Alden.

At natauhan naman si Alden sa sinabi niya maging siya ay kinabahan na baka mahalata ni Mark ang lihim niya.

Kaya naman agad siyang tumayo at iniwan si Mark na naka kunot ang noo.

"May tinatago ka Alden kilala kita kilalang kilala" bulong ni Mark sa sarili.

Maya-maya ay lumabas na rin si Mark sa Hardin at hinanap ng kanyang mga mata ang imahe ni Alden ngunit wala ito.

"O kuya? nakita mo ba sila asan sila? Magpapa-alam na ko kasi baka madali na naman ako ni chief. " wika ni Pearly.

"Nagpapahinga na sila wag kana mag-paalam maiistorbo mo lang sila sabagay sanay ka sa pagistorbohan eh hahhahahahhahahah " biro ni Mark sa kanya at natawa naman ang tatlong binata na kasama nila

"Naku kuya dumali ka na naman ng banat!!!!!!! Maka-alis na nga o basta sabihin mo kay sis Maine umalis na ko" wika nj Pearly at tuloyan ng umalis.

Natatawa nalang si Mark na lumapit kila Lance, fred, Shairon.

Dahil mga pagod ay nakalimutan na nilang mananghalian at maghapunan samantalang napasarap naman ang tulog ni Maine pero una parin siyang nagising Alas kwatro palang ay gising na siya.

Samantalang............ 

"Hindi Maine!!!! Wag wag kang umalis paki-usap pakinggan mo ko hindi ko balak na saktan ka nagawa ko lang yun dahil mahal kita at hindi ko balak na maghiganti oo inaamin ko yun talaga ang balak ko nung una pero... believe me mahal kita mahal na mahal." Wika ni Alden.

"Paalam Alden " at unti-unting nawala si Maine.

At nagulat si Alden ng biglang makita niya si Maine na nasa loob ng kabaong maraming umiiyak nagluluksa maging siya nakita nya na nasa tabi ng kabaong at pa-ulit-ulit na sinasabing

"Patawad Maine patawad " at nakita niyang humagol-gol siya.

Maya-maya ay nakita niya na naman si Maine nakangiti ito sa kanya pero pinagtatakahan niya ay kung bakit naka all white ito at may nakikita siyang aura rito. Lumapit si Maine sa kanya.

"Wag mo pababayaan ang sarili mo ha aalis na ko tinatawag na niya ko I love you Alden patawarin mo ko tulad ng pagpapatawad ko sayo sa paglayo ko sana lumigaya ka na don't worry I'm always be here babantayan kita pangako." At nakita ni Alden ang.mga luha sa pisngi ni Maine.

"Maine sandali!!!!!!!" Tawag niya kay Maine habang pa-unting-unti na itong kinakain ng liwanag

"Maine!!!!!!!!!!!!! Hindi!!!! Maine bumalik ka wag wag mo ko iwan please I love you MAine I Love you maine!!!!!!!!!!!! " at unti unti ng dumilim ang paligid ni ALden at parang screen na may nilabas na imahe si MAine nung yaya DUb pa ito. Pero tulad kanina nawala rin ang mga ito....