1 Game #1

Annually, the Azrael Cristobal University holds a tour for their fourth year students. Every block has their own bus to hop on. May limang section sa fourth year at sa bawat block ay may halos tatlumpung estudyante. Kakikitaan ng kasabikan ang bawat estudyante, ngunit lingid sa kanilang kaalaman… ito ang magiging malagim na bangungot sa kanilang mga buhay.

"Seniors! Gather all your stuffs and proceed to your respective busses. We'll be headed first at Mt. Cristobal."

Agad tumalima ang mga fourth year at nagtungo sa kanilang mga assigned busses.

Habang nasa byahe, the students of Block IV-A are busy with different things. May mga natutulog, naglalaro ng card games, mobile games, nagbabasa, nagkukwentuhan at marami pang iba.

Habang abala ang karamihan sa kani-kanilang mga grupo at ginagawa, nakaupo sa bandang dulo ng sasakyan ang isang binata na may nakasalpak na earphones sa kaniyang mga tainga. Isa sa mga matatawag na loner sa kanilang klase, si Dalfon Seyvier Crisostomo. He rarely socializes with his classmates. However, in every rule, there is an exemption and that is his only friend, Desiree.

Buhat marahil ng matinding pagkadala ay lalo pang umingay ang ilang mga mag-aaral na naglalaro ng MOBA sa kanilang mga mobile phones.

"Def lang! Kaya pa 'yan!" sigaw ni Gin na may halong panggigigil.

"Wala na 'yan mga tol," salungat naman ni Tom.

"Bakit kasi 'di n'yo ayusin laro n'yo! Bobo n'yo kasi!" inis na atas ni Arc.

Natapos na ang laro ng grupo at narinig na ang salitang "DEFEAT"

"Pareho-pareho lang tayong nagkalat! Sisihan pa, sige! Mga lalaki kayo pero daig n'yo pa mga babae na puro dada," mataray na asik ni Fey.

"Dapat kasi may teamwork," disappointed na sabi ni Tom.

The four students blamed one another while Dalfon is silently watching them. Dalfon thought to himself that he can surpass what they've done if it was him who played the game. Pero bukod sa paglalaro ng mga mobile at computer games, hilig n'ya rin ang pag-solve ng mga mysteries at puzzles.

Mula sa may unahan ay naglakad papalapit sa grupo ang isa nilang kaklase.

"Sali naman ako," ani Claud nang makalapit sa grupo.

Nagbingi-bingihan ang grupo at hindi pinansin si Claud saka nagpatuloy sa kanilang mga ginagawa.

Nakayukong naglakad pabalik sa harapan si Claud at lumapit sa kanyang kapatid.

"Kuya Kenneth, mukhang ayaw nila akong isali sa nilalaro nila."

Isa si Claud sa mga iniiwasan ng kanyang mga kaklase dahil siya ang nag-iisang kapatid ng talamak na bully sa kanilang school. Bukod pa rito ay may autism din siya kung kaya't nilalayuan siya ng nakararami.

Sinenyasn ni Kenneth ang dalawa sa kaniyang mga kasamahan. Tumayo ang dalawang ulupong ni Kenneth at pumunta nga sa harapan ng mga kaklase nilang naglalaro habang akay si Claud.

"Ayaw niyo ko isali?" ani Claud nang makarating sila sa harapan nila Gin.

"Ha?!" gulat na atas ni Gin.

"Kapag 'di niyo sinali si Claud malalagot kayo kay Boss," banta ni Rey na isa sa mga kasama ni Claud.

"Oo nga. Hihintayin n'yo pa ba na tumayo si Boss?" nakangising turan naman ni Ren.

Bigla na lamang tumayo ang kanilang guro na nasa unahan.

"Class, go back to your seats and tone down your voices. We're close to our destination."

"Yes, sir!" sagot ng buong klase at agad na nagsipag-ayos.

Patuloy lamang sa tahimik na pagmamasid si Dalfon nang maramdaman niya na may nakatingin sa kaniya. Nagawi ang kaniyang paningin sa kabilang panig ng bus at nahuli niyang nakatingin sa kanya si Desiree. Agad itong nagbigay ng matamis na ngiti ngunit tila nailang si Dalfon kaya't nag-iwas agad ito ng tingin. Muli na lamang sumulyap sa labas si Dalfon habang nakikinig ng musika mula sa kaniyang earphones.

Sa kabilang banda naman ay nagpatuloy sa pagtitig si Desiree na siyang nag-iisang kaibigan at kababata rin ni Dalfon. Bigla na lamang siyang napabalik tanaw sa nakaraan kung saan at paano sila nagsimulang maging magkaibigan.

"Bakit ninyo siya inaaway? Anong ginawa niya sa inyo?" sabat ng isang batang lalaki nang makita niyang takot na takot ang isang batang babae habang pinagtutulungan ng mga kilalang bully sa kanilang lugar

.

"Paki mo?" pabalang na sagot ng isa sa mga bully.

"Ikaw ba inaaway namin?" asik pa ng isa at kinwelyuhan ang batang lalaki dahil sa kaniyang pakikialam.

"Hindi, pero wala pa rin kayong respeto sa mga babae."

Nanunuyang ngumiti ang isa pa sa mga bully at saka sumagot, "Oh, tapos? Hanapin mo muna paki namin."

Sinuntok ng lalaking may piercing sa labi ang batang lalaki sa sikmura. Agad itong napaupo at sumuka ng dugo. Naghahalakhakan ang mga bully habang lumalapit sa batang lalaki at pinagsisipa ito.

Buhat ng takot at awa ay napaluha ang batang babae sa dinanas ng lalaking tumulong sa kaniya.

"Bagay lang sa 'yo iyan! Anong akala mo sa sarili mo? Superhero?" turan ng isa sa mga bully at tumawa.

"Wala ka pa sa kalingkingan namin, bata. Tara na nga!" saad ng leader ng mga bully at agad na umalis na tila walang nangyari

Kahit hirap dahil sa iniindang sakit mula sa suntok ay pinilit tumayo ng batang lalaki upang lapitan ang umiiyak na batang babae.

"Hindi dapat umiiyak ang mga babae," marahang sabi ng batang lalaki habang pinatitigil sa pag-iyak ang babae.

"B-bakit?" utal na sagot ng babae dahil sa pag-iyak.

"Kasi nakakapangit ang pag-iyak," anito at marahang kinurot ang pisngi ng batang babae.

"Kaya dapat, lagi kang nakangiti."

Unti-unting sumilay ang magandang ngiti mula sa labi ng batang babae kahit na patuloy pa rin ang pagtulo ng kaniyang mga luha na pinupunasan naman ng batang lalaki.

Napabalik sa kasalukuyan si Desiree at muling napatingin kay Dalfon. Mula nang araw na yaon ay humanga na ito kay Dalfon. Masasabi nga ni Desiree na tila naging knight in shining armor niya ito. Noong una ay bilang kaibigan lamang ang pagtingin niya kay Dalfon ngunit nang kalaunan ay lumalim pa ito at na-in love na nang tuluyan sa lalaki. However, she felt that since they've started high school, he seemed to be distant from her. Even so, looking at the positive side, she gained new friends at their school.

Bigla na lamang umentrada ang isa sa mga kaibigan ni Desiree kaya't naagaw ang kanyang atensyon, "Uy, friends! Alam n'yo ba yung kumakalat na kwento na kung sino raw ang makakasayaw mo sa bonfire natin siya na daw ang makakatuluyan mo habang buhay?"

Agad na lumingon si Desiree sa pwesto ni Dalfon at siya ring paglingon ni Dalfon kay Desiree. Buhat marahil ng gulat at pagkailang aya agad ding nagbawi ng tingin ang dalawa.

Mapang-asar na ngumiti si Meg na isa sa mga kaibigan ni Desiree, "Hoy, Desiree! Bakit ka nagba-blush?"

"Agree! Tumingin ka lang kay Dalfon Seyvier bigla kang nag-blush," gatong pa ni Ella.

"Anong blush? Hindi ako nagba-blush! Mainit lang talaga!" depensa naman ni Desiree at lalo pang namula.

Mapang-asar na tumili ang mga kaibigan ni Desiree at may iilan pang kasamang hampas.

"Taga-kilig na lang kami rito," ani Jen na tila bulate na binudburan ng asin dahil sa likot.

"Ano ba balak mo, friend? Ayain mo kaya siyang sumayaw sa bonfire mamayang gabi!" ani Meg at pinilit na tumayo si Desiree.

"Yes, ayain mo na now!" tulak pa ni Ella.

"Ha? Nababaliw na ba kayo?" nahihiya at gulat na asik ni Desiree.

"Tatayo na 'yan!" ani Jen at tumulong sa pagpapatayo kay Desiree.

"We may not know when and how, but we're sure that you like Seyvier!" tila kinikilig na sabi ni Ella.

"Anong gusto?!" defensive na sabi ni Desiree.

"Ayan, nagba-blush ka na naman!" saad ni Meg at mapang-asar na humagikgik.

"Bahala nga kayo d'yan!" sigaw ni Desiree na lalong nagpatawa sa kaniyang mga kaibigan.

Kahit nahihiya ay tinatagan na ni Desiree ang kaniyang loob at naglakad patungo kay Dalfon.

"Now or Never!" Iyan ang mga katagang namumutawi sa isipan ni Desiree habang naglalakad tungo sa lalaking kaniyang palihim na iniibig.

Muli s'yang sumulyap sa mga nakangising kaibigan bago muling humakbang ngunit ganoon na lamang kaniyang gulat nang biglang magpreno ang driver ng kanilang bus. Napasigaw ang mga tao sa loob ng bus at muntik na ring matumba si Desiree kung hindi lamang siya nasalo ni Dalfon.

"Are you ok?" concerned na tanong ni Dalfon habang nakaalalay pa rin kay Desiree at tumango lamang ang babae bilang sagot.

Naupo si Desiree sa tabi ni Dalfon at muling sumulyap sa mga kaibigan na tila hindi man lang natinag ng pangyayari. Napansin din ni Desiree ang paglabas ng bus driver at ng kanilang guro marahil upang tignan kung ano ang nangyari sa labas.

Huminga muna nang malalim si Desiree bago nagsalita, "Dalfon, pwede bang…" Hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin nang biglang may tumilapon sa unahan ng kanilang sinasakyang bus na nagdulot upang lumikha ng malakas na kalabog.

Napuno ng sigawan at tilian ang loob ng bus dahil sa narinig, idagdag pa ang lugar kung saan nakahinto ang kanilang bus. Isang kalsada na may matataas na talahib lang ang nakapaligid at napakatahimik. Mula rin dito ay maaaninag na ang Mt. Cristobal o kilala bilang The Devil's Mountain.

"Tang*na, Pres! Ano yung nasa taas ng bus natin?!" takot na asik ng isa nilang kaklase.

"Kumalma kayo! 'Wag kayong magpanik! Hintayin natin sila sir!" sigaw ng kanilang class president kahit na maaaninag na rin ang takot sa kaniyang mga mata.

"Guys! Look!" biglang sigaw ni Ella habang nakaturo sa harapan ng bus habang nanlalaki ang mga mata.

Dahan-dahang tumutulo ang tila malagkit na pulang likido sa harapang salamin ng aming bus. Dugo. Kasabay rin nito ay ang unti-unting pagbagsak ng katawang pinagmumulan nito.

"Sh*t si Manong Driver!"

Nagsimulang magprotesta at magkagulo ang mga estudyante sa pangunguna ni Kenneth ngunit ganoon na lang ang kanilang gulat nang bumakas ang pintuan ng bus at may bagay na gumulong tungo sa gitna. Napuno ng kaguluhan, iyakan, sigawan at may ilang nasuka na sa loob ng bus. Ganoon na lamang ang kanilang pagkagimbal nang makita kung ano ang bagay na iyon. Naliligo sa masaganang dugo na patuloy sa pagdaloy, dilat ang mga mata, nakanganga dahil sa pagkawakwak ng bibig at utak na bahagya nang nakalabas dahil sa pagkabasag ng bungo – ang pugot na ulo ng kanilang professor.

avataravatar